20/10/2024
Isang lalaki ang nagtayo ng zoo.. Ginawa niyang P300.00 ang entrance fee pero walang pumapasok sa zoo nya. .
Binabaan niya ito sa halagang P200.00 pero wala pa ring pumapasok.
Ginawa niyang P10.00 ang entrance pero wala paring pumapasok..
Ang ginawa ng lalake dahil wala paring pumapasok kahit napakababa na ng entrance fee, ginawa nalang niya itong LIBRE. Dahil dun, ang daming nagsipasukan sa zoo at ito ay napuno ng mga tao. Nasa mahigit 4000 katao ang pumasok sa kanyang zoo. Pagkatapos ay tahimik niyang ni-lock ang gate ng zoo. Pinalaya niya ang mga buwaya, leon at tigre tapos ginawa nyang P500.00 ang exit fee.. Lahat ay nagsipagbayad para lang makalabas agad..🤣😂