09/11/2024
๐๐ข๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ช๐๐ก๐๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐จ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐
IPINALIWANAG ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga dahilan ng panukalang pagpapaliban ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na itinakda sana sa Mayo 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ang pagpapaliban ng election ay magbibigay ng mahalagang pagkakataon sa Bangsamoro Parliament upang maisaayos ang allocation ng mga seats sa Bangsamoro Parliament, lalo na sa kasalukuyang legal at technical issues na kinakaharap ng regional government dulot ng kamakailang desisyon ng Korte Suprema na paghihiwalay ng Sulu mula sa BARMM.
Dagdag pa ni Garcia, kinakailangang maresolba muna ang isyu ng allocation ng mga distrito upang hindi maapektuhan ang representasyon ng mga mamamayan sa Bangsamoro Parliament. Pangalawa, tinukoy nito ang isyu ng pagkakaroon ng sectoral representatives sa Parliament, kung saan sila ay ihahalal sa pamamagitan ng assembly, ngunit hanggang ngayon, wala pa umanong inilalabas na guidelines mula sa Bangsamoro Electoral Office (BEO) kung paano isasagawa ang assembly at kung paano gagawin ang halalan para sa mga sectoral representative.
Panghuli, ang isyu ng walong munisipalidad sa Special Geographic Area (SGA) na hanggang ngayon ay wala pang probinsya at legislative districts. Dahil dito, ang mga mamamayan sa mga munisipalidad na ito ay hindi umano makakaboto sa darating na election, tulad ng nangyari sa nakaraang election.
Sa kaso ng COMELEC, wala umano silang kapangyarihan na lumikha ng bagong probinsya, dahil tanging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihang lumikha ayon sa Saligang Batas.
Bagamat handa ang COMELEC sa mga halalan sa 2025, umaasa si Garcia na matutukan at mareresolba ang mga isyung kinakaharap ng regional government bago pa ikasa ang first parliamentary elections.