
17/01/2025
CREAMY CHICKEN MACARONI SALAD 😋😋
INGREDIENTS:
1/2 kilo elbow macaroni
1/2 kilo chicken breast
1 large carrot
1/2 cup pineapple tidbits
2 cups mayonnaise
1 cup all purpose cream
1/2 cup cheese (diced)
1 medium white onion
1 small pack raisins
1 tablespoon pickles
2 tablespoons celery stalks (minced)
3 tablespoon condensed milk (or asukal) (optional)
Salt and pepper to taste
More grated cheese
PROCEDURE:
1. Ilaga ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin. Pag naluto na, i-shred ito sa maliliit na piraso. Iluto na rin ang elbow macaroni at carrot at palamigin.
2. Pagsama-samahin ang mga sangkap: macaroni, chicken breast, cheese, carrot, pickles, raisins, white onion, celery at pineapple tidbits. Mas maganda haluin sa malaking lalagyan para mas mahalong mabuti.
3. Then, saka ilagay ang mayonnaise at all purpose cream. Pwede ang krema asada, kremquezo or kremdensada pero tantyahin dahil matamis ito.. Haluin mabuti then timplahan ng salt and pepper. Tikman. Maglagay ng condensed milk ayon sa gusto nio to balance the taste. (kung kremdensada ang ginamit ninyo, pwede wala nang condensed milk.
4. Lagyan ng grated cheese para lalong lumasa ang cheesey sarap. Haluin mabuti.
5. Ilagay sa mga lalagyan at palamigin ng kahit isang oras bago kainin para lumasa ng husto ang mga sangkap.