i love your vlogger accent.
Tas ang mahal pa ng gustong kainin.
Pero ganito rin yung nanay noong bata pa siya eh..
Anak mo tuwing inuutusan
Tas ganito rin naman yung nanay
noong bata pa siya.
Kumusta?
Ako, eto, ayos lang naman.
Kapag sinabi kong “ayos lang”,
hindi ibig sabihin na
ang lahat ay nasa tamang kalagayan.
Sinabi ko na “ayos lang”,
Kasi, wala ako sa kondisyon para magsiwalat.
Kasi, kahit ako, hindi ko na rin alam
kung paano sasabihin
Ang lahat ng mga nilalaman
ng aking damdamin.
Sinabi ko na “ayos lang”,
Kahit samu’t saring bagay na
ang gumugulo sa aking isipan.
Sinabi ko na “ayos lang”,
Kahit tila nais na kumawala
Ng mga salitang gustong sambitin ng aking dila.
Ayos lang. Ayos lang.
Palagi namang dapat maging ayos lang.
Kahit pagang paga na
ang isipan, puso at katawan
Sa mga masasakit
na nararanasan at pinagdadaanan
Kailangan paring ang lahat
ay maging Ayos lang.
Kahit na sa likod ng mga salitang
“Ayos lang”
Ay ang nakakubling
kalungkutan.
-sannengmayaning