![SUKLAM, yalls.](https://img3.medioq.com/207/980/122219643632079807.jpg)
03/02/2025
SUKLAM, yalls.
: Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat
Author: Ronaldo S. Vivo, Jr.
๐๐๐๐
Mula sa punto de vista ng isang babae.
Ilang buwan na ang nakararaan nang matapos ko ang librong ito, ngunit may kung anong hindi magandang pakiramdam ang naidulot sa akin nito kung kaya't ngayon ko lang magagawan ng rebyu.
Bilang babae.
May mga aklat na babasahin mo para makalimot, ngunit may mga aklat ding hindi mo maiiwasang dalhin sa pagtulog. Isa sa mga ganoong aklat ang Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat ni Ronaldo S. Vivo Jr.
Babagabagin ka nito.
Gagalitin.
Paulit-ulit.
Bilang isang babaeng hindi estranghero sa karahasan.
Pagsubok sa akin ang ilang eksena sa librong ito. Ang patuloy na pagbukas sa mga pahina nito ay parang pagpasok sa isang abandonadong eskinita sa hatinggabiโalam mong delikado, ngunit may bahagi sa iyo na gustong tumuloy, gustong malaman kung ano ang mga susunod na pangyayari at umasang hustisya ang nasa dulo nito.
Bilang babae ng lipunang ito.
Sa kaso ng pagkawala ni Divine, at ng iba pang Divine, hindi ko napigilan ang sariling tanungin: Ilan pang kababaihan ang nawala, hindi natatagpuan, natatagpuan ngunit hindi nabigyan ng hustisya?
Ang paraan ng pagsasalaysay ni Vivo ay brutal ngunit may katapatan. Walang filter. Wala pagpapanggap. At kung bago ka pa lamang na mambabasa ni Vivo ay baka isipin mong "astig" lamang ito. Hindi.
Ganito kabulok ang sistemang mayroon tayo, at hindi iyon magbabago kung walang Dondi at Mirasol.
Ang Suklam ay isang babala.
Isang malupit na paalala na sa ating mundong puno ng ingay, may mga sigaw na madalas hindi pinapansin, nilalamon ng sistema, o pinapalampas ng mga taong mas piniling magbulag-bulagan.
Bilang isang mambabasa, mahirap basahin ang librong ito nang walang personal na pagninilay.
Gusto nitong maramdaman mo ang sakit, ang takot, at ang kawalan ng hustisya.
Gusto nitong may gawin ka.
Dreamland Books