Passi NHS - Ang Busilak

Passi NHS - Ang Busilak OPISYAL NA PAHAYAGAN SA FILIPINO NG PASSI NATIONAL HIGH SCHOOL

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐๐. ๐„๐ƒ๐„๐ ๐‰๐Ž๐˜ ๐‹๐”๐‚๐€๐’๐€๐!๐๐€๐†-๐€๐€๐‹๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ | Sa iyong espesyal na araw, nais naming iparating an...
21/11/2023

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐๐. ๐„๐ƒ๐„๐ ๐‰๐Ž๐˜ ๐‹๐”๐‚๐€๐’๐€๐!

๐๐€๐†-๐€๐€๐‹๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ | Sa iyong espesyal na araw, nais naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng pagmamahal, gabay, at inspirasyon na ibinahagi mo sa aming lahat. Ikaw ay hindi lamang isang g**o; ikaw ay naging ilaw ng aming landas, nagbibigay-buhay sa aming mga ideya, at nagtuturo sa amin na mangarap nang malaki.

Hindi namin malilimutan ang mga oras na naglaan ka para sa amin, kahit na ito ay labas sa oras ng klase. Sa bawat pagsusulat ng artikulo, pag-aayos ng layout, at pagbibigay ng payo para sa aming mga proyekto, lagi mong sinusuportahan ang aming mga pangarap at ambisyon.

Ang iyong dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa amin na maging mas mabuting manunulat, mas masigasig na editor, at higit sa lahat, mas responsableng mga lider. Salamat sa pagtuturo sa amin hindi lamang tungkol sa pagsusulat at pagsusuri, kundi pati na rin sa pagpapahalaga sa kahalagahan ng bawat salita.

Bilang tagapagturo, kaibigan, at gabay, ikaw ay nagdulot ng masalimuot na kulay sa aming paglalakbay sa mundo ng pamamahayag. Sa bawat umaga ng pagpupuyat, sa bawat pagtatangkang makabuo ng makabuluhang kwento, nararamdaman namin ang iyong malasakit at pagmamahal.

Sa iyong kaarawan, nais naming bigyang-pugay ang iyong pagkakaiba at pagmamahal sa aming paaralan at pamatnugutan. Hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ang iyong kabutihan at dedikasyon, ngunit umaasa kami na maramdaman mo ang init ng aming pagpapahalaga.

Maraming salamat sa pagiging inspirasyon sa aming lahat. Maligayang kaarawan, at sana ay mas mapuno pa ng pag-asa, tagumpay, at pagmamahal ang iyong mga darating na taon.

Mula sa aming nagkakaisang puso, mahal na mahal ka namin, Bb. Lucasan!

19/11/2023

Masiglang Pagdiriwang ng Students' Day 2023 sa Passi NHS

Ang Students' Day ay isang espesyal na pagdiriwang sa Passi National High School na nagpapakita ng masigla at buhay na diwa ng mga mag-aaral noong Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2023.

Ang mga mag-aaral at g**o ay nagkakasiyahan sa selebrasyon, kung saan nagtaglay ng iba't ibang husay at talento ang bawat isa. Isinagawa ang iba't ibang aktibidad, kabilang ang nakakaengganyang pagtatanghal ng mga mag-aaral na nagpapakita ng kanilang kahusayan sa sayaw at musika.

Ito ang araw na hindi lamang nagbibigay-pugay sa mga akademikong tagumpay ng mga mag-aaral kundi nagtataglay din ng diwa ng pagkakaisa, damayan, at paglago sa kanilang komunidad. Ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing pambansang entablado ng kasiyahan, pagmamahalan, at pagpapahalaga sa edukasyon, na naglalabas ng diwa ng mga mag-aaral bilang mga indibidwal na puno ng pangarap at tagumpay.

Caption ni: Kessiah Desiree Imas | Mga Tagapagbalita: Kent Zachary Salcedo, Gerevelle Dawn Cerbulles, Arnie Rose Paciente, Kaye Cassandra Plete, Ayezza Marie Aguilar, Arth Josef Pamposa, PJ Villa at Kimmart Belonio | Mga Teknikals: Jamela KC Palomo, Kessiah Desiree Imas, Danica Ashley Pesare, James Darel Sencil at Jasmin Singian | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

18/11/2023
Mga Mag-aaral ng PNHS, Sumabak sa mga Larong LahiPassi City, Nobyembre 17, 2023 โ€“ Sa pagdiriwang ng Students Day ngayong...
17/11/2023

Mga Mag-aaral ng PNHS, Sumabak sa mga Larong Lahi

Passi City, Nobyembre 17, 2023 โ€“ Sa pagdiriwang ng Students Day ngayong ika-17 ng Nobyembre, hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng Passi National High School (PNHS) sa pagpapakita ng kanilang galing at kakayahan sa iba't ibang larong tradisyunal o "Larong Lahi."

Mula ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon, masisigla at masasayang mga mukha ang makikita sa PNHS dahil sa serye ng mga laro tulad ng Sack race, Patintero, Jackstone, Tug-of-war, at Piko na nagbigay daan para sa bawat mag-aaral na maipakita ang kanilang kahusayan.

Ang mga aktibidad na ito ay nagdulot hindi lamang ng kasiyahan kundi pati na rin ng pagkakataon para sa bawat estudyante na magtagumpay at magpakitang-gilas sa iba't ibang aspeto ng kompetisyon. Layunin ng pagdiriwang na ito na ipakita ang kahusayan ng bawat manlalaro sa pagtatanghal ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga tradisyunal na laro.

Napuno ng saya at tagumpay ang buong pagtitipon, nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mga manonood at manlalaro. Isa itong pagkakataon para sa mga mag-aaral na magkaroon ng pahinga mula sa kanilang araw-araw na pag-aaral, makipag-ugnayan sa kapwa, at maibahagi ang kanilang natatanging kakayahan, lakas, at talento sa buong komunidad ng PNHS.

Mga Tagasulat ng Balita: Jamela KC Palomo at Aimee Shane Padre-e | Kuha nina: Jasmin Singian, Erika Pamplona, Bea Yzabelle Dongosa, Shenn Keisha Fernandez, Kyrtz Ann Alarba, Jonamae Manzures, Danica Ashley Pesare, Alexis Carrera, Noly Gemmerson Padernal, at Alexis Carrera | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

Paghahari ng Kasiyahan    Tuwing Studentโ€™s Day sa paaralan, tila ba nagiging sentro ng sigla at aktibidad ang bawat sulo...
17/11/2023

Paghahari ng Kasiyahan
Tuwing Studentโ€™s Day sa paaralan, tila ba nagiging sentro ng sigla at aktibidad ang bawat sulok ng kampus. Nagmistulang nakalutang ang paaralan sa isang kalangitan dahil suot ng mga mag-aaral ang kulay na nagrerepresenta ng kanilang council. Binalot ang buong paligid ng pusong nasasabik. Sa pagdating ng araw na ito, umuusbong din ang pakikipag-ugnayan at saya sa bawat diwa ng mag-aaral ng Passi National High School.
Isang napakalaking bahagi ng pagdiriwang ang masasayang aktibidad sa loob ng kampus. Ang Amphitheater ay napuno nang nakabibinging sigawan ng lumabas ang bida ng gawain na si Taylor Swoosh. Ang bawat sulok ng paligid ay ay napuno ng ligaya at musika. Sa pamamagitan ng kaniyang inihandog na awitin, pinagkaisa niya ang magkakaibang indibidwal.
Kagaya ng mga bilin ng mga nakatatanda, huwag daw kalimutan ang sariling atin kahit anong mangyari. Kaya sa araw na ito, ipinagdiriwang din natin ang ating pagiging isang Pilipino. Makikita sa mata ng mga kalahok ang determinasyong manalo sa mga Larong Noypi. Madarama ang alab sa kanilang puso na abutin ang tagumpay. Nakaguhit sa kanilang mga mukha ang saya na kanilang nadarama. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang para kilalanin ang sariling atin kundi isang daan din upang makalimutan muna ang mga agam-agam at lasapin ang ligaya.
Nang sumapit na ang hapon, nasaksihan ng bawat mag-aaral ang isang kahanga-hangang sandali. Sa kabila ng malakas na ulan, dalawang masiglang banda ang nag-alay ng tugtugin. Ang mga manonood ay niyakap ng mga butil ng ulan habang nakikinig. Patuloy lamang ang kaganapan, walang pakialam sa paligid. Ang pagsasama ng buhay na musika at kalikasan ay lumikha ng hindi malilimutang memorya.
Ang araw na ito ay nag-iwan ng makulay at masayaang alaala sa bawat isa. Ang mga ibaโ€™t ibang aktibidad ay nagbigay inspirasyon sa paglago ng mga mag-aaral, dalhin ang diwa ng pagiging Pilipino, at harapin ang mas maraming pagkakataon para sa tagumpay. Ito ay isang pagdiriwang na nagbukas ng pintuan sa mas masigla at makabuluhang pag-aaral.

Tagasulat ng Lathalain: Feanah Selina Frondoza | Tagadibuho: Lourein Phillin Margarico | Layout ni: Noly Gemmerson Padernal | Tagapangasiwa: Jamela KC Palomo | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

Classroom-based Celebration ng Students Day sa Passi National High SchoolSa pagtatanghal ng Classroom-Based Students Day...
17/11/2023

Classroom-based Celebration ng Students Day sa Passi National High School

Sa pagtatanghal ng Classroom-Based Students Day Celebration sa Passi National High School, masigla at masayang nagtagumpay ang mga mag-aaral mula sa Grade 7 hanggang Grade 12 Council pati narin ang STE Program.

Naganap ang selebrasyon ngayong ika-17 ng Nobyembre, 2023, kung saan sa kani-kaniyang mga silid-aralan ay ang lugar sa makulay na pagsasama ng mga mag-aaral. Nakilahok ang mga estudyante sa iba't ibang laro sa loob ng silid-aralan, suot ang kanilang mga dinisenyong t-shirt, naghandog ng pagkain at meryenda, at nagbigay buhay sa kanilang mga silid sa pamamagitan ng dekorasyon. ๐ŸŽˆ๐Ÿ‘•๐Ÿฒโœจ

Ang diwa ng kasiyahan at pagkakaisa ay bumabalot sa bawat sulok ng paaralan, na siyang nagpapakita ng pwersa ng pagkakaibigan at pagsasamahan. Sa pagkilala sa husay at pagbibigay-pugay ngayong Students Day, matagumpay na naisagawa selebrasyong ito.

Caption ni: Jamela KC Palomo | Kuha nina: Jasmin Singian, Shenn Keisha Fernandez, Cielo Fate Palmes, Honey Grace Erobas, Sophia Mae Balanueco, Princess Nathalie Pama, Bea Yzabelle Dongosa, Xiaen Panes, Kamila Pablico, Erika Pamplona, Banease Arellano, Zailyn Banda, Arth Josef Pamposa, Noly Gemmerson Padernal, Princess Cyra Paciente, at Danica Ashley Pesare | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

Pasiklab para sa Students' Day 2023 sa Passi NHS || Nobyembre 17, 2023Sa pagtutulungan ng SSLG na matuloy at maging mata...
17/11/2023

Pasiklab para sa Students' Day 2023 sa Passi NHS || Nobyembre 17, 2023

Sa pagtutulungan ng SSLG na matuloy at maging matagumpay ang Studentsโ€™ Day na ginanap ngayong Biyernes, Nobyembre 17, 2023, mababakas ang labis na kasiyahan sa mga mag-aaral.

Nagtipon-tipon ang mga estudyante kaninang alas-8 ng umaga para masaksihan ang ibaโ€™t ibang talentong inihandog ng mga kapwa mag-aaral ng Passi National High School. Natapos ang selebrasyong ito ng alas-12 ng tanghali.

Hindi naging hadlang ang pagbuhos nang malakas na ulan sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa Eraโ€™s Tour Concert na pinaghandaan ng SSLG; at sa tulong din ni Taylor Swoosh at ng mga mag-aaral na nagpamalas ng kanilang talento sa pagsayaw, pag-arte, at pagkanta, napuno ng hiyawan at sigawan ang Amphitheater.

Hindi maipagkakailang partikular ang mga estudyante sa American singer-songwriter na si Taylor Swift. Bakas sa mga ngitiโ€™t bawat hiyaw ng mga estudyante ang pagkagalak at pagkasabik sa naganap na Eraโ€™s Tour Concert sa Amphitheater, na ikinagalak din ng mga mag-aaral na naghanda at nag-ensayo nang mabuti upang makapagbigay ng saya sa kanilang kapwa-estudyante.

Tagasulat ng Balita: Japhet Alontaga | Kuha nina: Princess Cyra Paciente, Noly Gemmerson Padernal, Jasmin Singian, Jamela KC Palomo, Kessiah Desiree Imas, Danica Ashley Pesare, at Aesha Kudhair | Tagapayo: Eden Joy Lucasan

TINGNAN || PTA ASSEMBLY MEETING SY 2023-2024Pagpupulong ng mga g**o at magulang ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 16, 2...
16/11/2023

TINGNAN || PTA ASSEMBLY MEETING SY 2023-2024

Pagpupulong ng mga g**o at magulang ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 16, 2023. Layunin nito ay ang pagtutulungan ng komunidad sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga kabataan lalo na ng Passi NHS mag-aaral๐Ÿ“š๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ



15/11/2023

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐—ผ, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ

Isang natatanging karanasan ang pagbisita ng Pambansang Museo sa Passi National High School

Nitong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 15, 2023, naging masigla at makulay ang araw para sa mga mag-aaral ng Passi National High School dahil sa espesyal na pagbisita ng Pambansang Museo.

Ang pagdating ng Pambansang Museo ay nagdulot ng mga makabuluhang karanasan sa mga estudyante, na nagkaroon ng pagkakataon na masulyapan at masaliksik ang kahalagahan ng ating kultura at kasaysayan.

Sa pamamagitan ng pagbisita ng Pambansang Museo, itinataguyod nito ang pag-unlad ng kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng ating kultura, pati na rin sa pagpapalawak ng kanilang pang-unawa sa mga yaman ng bansa.โœจ๐Ÿ›๏ธ

National Museum of the Philippines - Iloilo
Rotary Club of Metro Passi
Passi National High School

Caption ni: Bb. Eden Joy Lucasan | Mga Tagapagbalita: Kent Zachary Salcedo, Gerevelle Dawn Cerbulles at Arnie Rose Paciente | Mga Teknikals: Kessiah Desiree Imas, Kent Zachary Salcedo, Danica Ashley Pesare at Jamela KC Palomo | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

Pambansang Museo, inilunsad sa Passi NHS sa ilalim ng pamamahala ng Rotary Club ng Metro Passi at NMP-Iloilo || Nobyembr...
15/11/2023

Pambansang Museo, inilunsad sa Passi NHS sa ilalim ng pamamahala ng Rotary Club ng Metro Passi at NMP-Iloilo || Nobyembre 15, 2023

Sa ilalim ng pamamahala ng Rotary Club ng Metro Passi, ipinagdiriwang ng National Museum of the Philippines (NMP)-Iloilo ang Pambansang Museo sa Passi City ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, sa Passi National High School (PNHS) Amphitheater.

Ang kaganapang ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Passi City, PNHS, at ng Passi City Community and Employees Multi-purpose Cooperative (PACCEMCO).

Bukod sa exhibit, nag-alok ang Pambansang Museo ng iba't ibang aktibidad tulad ng pina-seda embroidery, rock art, color our heritage, at sandbox archaeology.

Bukod dito, ang nasabing proyekto ay bahagi ng Universal Access Program ng NPM-Iloilo na tinaguriang Pambansang Museo sa Barangay. Ang layunin nito'y dalhin ang kahalagahan ng kultura at sining sa mas malapit sa puso ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naging bukas ang pinto para sa mas malawak na pag-unawa ng kasaysayan at pagpapahalaga sa ating kultura na nagbukas ng mga oportunidad para sa pag-unlad at pagpayaman ng komunidad.








Tagasulat ng Balita: Kessiah Desiree Imas | Kuha nina: Banease Arellano, Jasmin Singina, Danica Ashley Pesare at Aesha Khudhair | Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan at Gng. Catherine Paciente

15/11/2023

26 ๐ƒ๐€๐˜๐’ ๐“๐Ž ๐†๐Ž! โšœ๏ธ

The countdown begins for the 18th National Scout Jamboree!

In just 26 days, Scouts will assemble to celebrate unity, camaraderie, and cultural variety, and the nation will witness an extraordinary adventure. Prepare yourself to discover the City of Passi's amazing heritage, make lifelong memories, and form lasting connections. Join us as we embark on this incredible journey, set to ignite the spirit of Scouting and leave a noteworthy mark on the history of Scouting!

What are you waiting for? Come and join us at the 18th National Scout Jamboree in the City of Passi, Iloilo! See you there, Scouts! โšœ๏ธ

TINGNAN || Pambansang Museo sa Passi CityNovember 15, 2023
15/11/2023

TINGNAN || Pambansang Museo sa Passi City

November 15, 2023

13/11/2023

Camp Pagsusubok 2023: Kabataang Scouts, bumandera sa Passi City, Iloilo

Sa pangunguna ng Boy Scouts of the Philippines, matagumpay na idinaos ang Camp Pagsusubok: Provincial Scout Jamboree 2023 sa Lungsod ng Passi, Iloilo mula Nobyembre 10 hanggang 12, 2023. Ang tatlong araw na kaganapan ay nagtaglay ng mga pagsasanay, kasiyahan, at pagtataguyod ng diwa ng scouting.

Libo-libong mga kabataang scout mula sa iba't ibang bahagi ng probinsya ng Iloilo ang nagtipon-tipon upang makiisa sa mga aktibidad na naglalayong palakasin ang kanilang karakter, liderato, at pagtutulungan.

Ang pagsusubok ay hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng kanilang mentalidad at kakayahan sa pagtutok at pagharap sa mga hamon ng buhay. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kabataang scout na makipaghalubilo at makipag-ugnayan sa kanilang kapwa scout mula sa iba't ibang bayan at magkaisa sa mga proyektong makakatulong sa kanilang komunidad.

Ang tatlong araw na Camp Pagsusubok ay nagtapos sa isang masiglang closing ceremony kung saan ipinakita ng mga boy scouts ang kanilang mga natutunan at nagbigay pugay sa kanilang mga g**o at mga organizers.

Sa tagumpay ng Provincial Scout Jamboree 2023, umaasa ang lahat na mas lalakas pa ang diwa ng scouting sa mga kabataang naging huwaran ng kabayanihan, integridad, at paglilingkod sa bayan.

Caption ni: Kessiah Desiree Imas | Mga Tagapagbalita: Kent Zachary Salcedo, Kessiah Desiree Imas at Arnie Rose Paciente | Mga Teknikals: Kessiah Desiree Imas, Kent Zachary Salcedo, Aesha Khudhair, Danica Ashley Pesare at Jasmin Singian | Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan at Gng. Julienne Davila

Paraiso ngang TunaySa gitna ng matatayog na puno at sariwang halaman, nagmistulang kaharian ang pinagdausan ng Provincia...
13/11/2023

Paraiso ngang Tunay

Sa gitna ng matatayog na puno at sariwang halaman, nagmistulang kaharian ang pinagdausan ng Provincial Jamboree 2023. Puno ng ligaya ang hatid ng kahariang ito sa kanyang nasasakupan. Bawat hanging gumagala at dumadampi sa pisngi ay sabay na bumubulong ng kwentong nag-aalab at mithiin ng mga kalahok.Ang mga tolda ay nagsisilbing silong ng pangarap na bitbit ng mga kabataan. Sa paglubog ng araw, ang buwan at mga bituin ay nagiging tanglaw na siyang gagabay sa kanila sa kabila ng napakaraming pagsubok. Sa bawat takip-silim na dumaan, hindi naiwawaksi na muling sisikat si haring araw at maghahasik ng liwanag sa kaharian, maghahandog ng kakaibang ritwal na nagdadala ng panibagong pag-asa, pag-unlad at pagmamahalan.

Sa likod ng kagandahang taglay ng mala-paraisong kampo, nagkukubli ang napakayamang kahulugan nito. Ang bawat maaani sa mga gawain at karanasang ipinunla ay lubusang nagpapaunawa sa kanilang sariling katauhan at ng kapaligiran. Dito, hindi lamang estetikang kaligayahan ang nagdudulot ng saysay, kundi ang masusing pag-aaral at pagpapalago ng karakter ng bawat scout.

Ang kampo ay nagsisilbing mga magulang, na sa kabila ng mga masalimuot na pakikipag-hamon sa buhay, sa ilang beses na pagkadarapa, ito ay nagtutulay sa bawat scout na paunlarin ang sariling kakayahan at payabungin ang pagkatao. Nakakamtan ng bawat isa ang bawat hakbang ay nagdadala ng pangakong matuklasan ang mga hiwaga ng sariling pagkatao at sa pangkabuuan na posibleng hindi nararanasan sa ordinaryong pagkataon.

Ang kaharian ng camp site ay nagmistulang lugar ng pakikipagsapalaran upang maging handa sa anumang unos. Ito ay lugar na nag-aalok ng kakaibang danas na kailan man ay mananatiling nakaukilkil sa puso at isipan ng bawat scout. Ang kahariang ito ay kahalintulad ng isang palaruan na nagpupukpok sa bawat isa upang magkaroon ng matibay na pagkilala sa sarili at pagpapahalaga sa iba, lalo na, ito ay naghandog ng pagkakataon na malinang ang sarling kakayahan at mapayabong ang karunungan nagbukas sa malalim na pag-unlad.

Sa bawat gabing nagdaan, ang langit na na nagsisilbing bubong na puno ng mga nagungusap na bituin, at nakangiting buwan, ay naging saksi sa mga nabuong mga pagkakaibigan at espesyal na koneksyon sa bawat isa.

Ang bawat halik ng malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng pangakong may kabuluhan, at nagbibigay-buhay sa pangarap ng bawat bata na maging huwaran at tunay na scout. Isang boy scout na handang lipulin kahit anong bagsik ng ipo-ipo sapagkat napanday sa kaniya ang katatagan ng kalooban. Isang boy scout na sumasabak sa anumang gawain sapagkat buo ang loob, at higit sa lahat, isang boy scout na taglay ang kabutihang pag-uugali, ang pagiging maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bansa na siyang magdadala sa sarili, sa bayan at sa bansa sa tugatog ng tagumpay.

Tagasulat ng Lathalain: Feanah Selina Frondoza | Layout ni: Banease Arellano | Taga-ambag: Kessiah Desiree Imas | Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan at Gng. Julienne Davilla

CAMP PAGSUSUBOK | Nobyembre 11, 2023Provincial Scout Jamboree 2023
11/11/2023

CAMP PAGSUSUBOK | Nobyembre 11, 2023

Provincial Scout Jamboree 2023

CAMP PAGSUSUBOK | Nobyembre 11, 2023Ang ikalawang araw ng Camp Pagsusubok: Provincial Scout Jamboree 2023 sa Passi City,...
11/11/2023

CAMP PAGSUSUBOK | Nobyembre 11, 2023

Ang ikalawang araw ng Camp Pagsusubok: Provincial Scout Jamboree 2023 sa Passi City, Iloilo ay nagdiwang ng pagkakakaisa at pagkakaroon ng sigla sa pagtatanghal nang masiglang mock parade sa umaga at nagtapos sa kakaibang kasiyahan ng campfire sa gabi.

Sa pagsikat ng araw, naglipana ang mga scout sa mga kalsada ng Passi City para sa masiglang mock parade. Ang kahulugan ng pagkakaisa at pagmamahalan ay hindi lamang makikita sa mga itinatanghal kundi ramdam sa bawat hakbang na kanilang ipinapakita. Bawat Scout troop ay nagtaglay ng kanilang pagiging masigla at kakaibang pagsasamahan, kung saan nagtagumpay sila sa pagsasalin ng kahulugan ng scouting sa masusing pamamaraan. Ang masalimuot na pagtatanghal ng bawat grupo ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa mga prinsipyong itinaguyod ng scouting.

Habang papalubog ang araw, pumailanlang ang nagliliyab na apoy sa gitna ng Grand Arena para sa masiglang campfire. Ang programa ay nagbigay-daan para sa mga scout na ipamahagi ang kanilang mga kuwento, talento, at pag-ibig sa scouting. Ang campfire ay nagsilbing sentro ng mga tanyag na kuwento, nagbibigay inspirasyon at nagsasanay sa mga kabataan sa pagiging tapat sa kanilang mga pangarap. Ang pagliliyab ng apoy ay nagdulot ng kakaibang init at pagkakabuklod-buklod ng mga scout sa kabila ng malamig na simoy ng hangin.

Habang humahaplos ang kakaibang init ng nagliliyab na apoy, ang mga scout ay nagtungo sa kanilang mga kampo na labis na nananabik sa mga darating na araw ng jamboree. Ang Camp Pagsusubok ay nag-umpisa ng isang masiglang paglalakbay para sa mga kabataang handang magtagumpay sa larangan ng scouting.

Sa pagtatapos ng ikalawang araw, ang mga kaganapan ay magbibigay ng alaala at makabuluhang karanasan tungo sa mas mainam na kinabukasan.

Caption ni: Kessiah Desiree Imas | Kuha nina: Danica Ashley Pesare, Jasmin Singian, Aesha Khudhair at Kessiah Desiree Imas | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

CAMP PAGSUSUBOK || DAY ONEOpisyal nang nagbukas ngayong araw, Nobyembre 10, 2023  ang Camp Pagsusubok ng Boy Scouts  of ...
10/11/2023

CAMP PAGSUSUBOK || DAY ONE

Opisyal nang nagbukas ngayong araw, Nobyembre 10, 2023 ang Camp Pagsusubok ng Boy Scouts of the Philippines - Iloilo Provincial Chapter na kasalukuyang isinasagawa sa Camp Pintados de Pasi, Passi City, Iloilo. Layunin nitong paigtingin ang kakayahan ng mga kabataang scouts kaugnay sa mga pagsasanay, pakikipagsapalaran at pag-unlad.

Ang nabanggit na gawain ay magtatagal ng tatlong araw, mula Nobyembre 10-12, 2023. Inaasahang ang bawat danas at karunungang maiaambag ng mga gawaing ito ay magdudulot ng mga panibagong pagkatuto na magamit sa pang-araw - araw na pakikipagsapalaran sa buhay para sa mga kabataang scouts.

Masayang naibahagi ng mga boy scouts ang kanilang pagkagalak sa maayos na pagsisimula ng kampo. Binigyang pagpapahalaga nila ang kahalagahan ng paghuhubog sa kanila ng disiplina, liderato at palaging handa sa anumang hamon sa buhay.

Caption at Kuha ni: Kessiah Desiree Imas | Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan, Gng. Catherine Paciente at Gng. Julienne Davilla

DIVISION SCIMATHLYMPICS 2023Ginanap ang 2023 Division SCIMATHLYMPICS  na may temang "Rebuilding Resilient Communities: E...
09/11/2023

DIVISION SCIMATHLYMPICS 2023

Ginanap ang 2023 Division SCIMATHLYMPICS na may temang "Rebuilding Resilient Communities: Embracing Science and Technology for a Sustainable Future" kahapon Nobyembre 8, 2023 sa Passi National High School, Maceda Hall, AVR.

Mga natatanging mag-aaral mula sa iba't ibang larangan ng Siyensya at Matematika ang nagpakita ng kanilang husay at galing sa paglalahad ng kanilang mga pag-aaral sa pananaliksik.

Ang layunin ng kompetisyong ito ay upang piliin ang pinakamagaling na mga mag-aaral na kakatawan sa Dibisyon ng Passi City sa mataas pang antas ng kompetensiyon gaya ng Regional at National.

Sa pagtatapos ng 2023 Division SCIMATHLYMPICS, buong-pusong ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa agham at matematika, naglalayong maging bahagi ng pagbangon at pag-unlad ng kanilang komunidad, sa pagpili ng mga pinakamagagaling na mag-aaral, itinatampok nila ang halaga ng Siyensya at Teknolohiya sa pagpapabuti ng kinabukasan. Ito'y Isang inspirasyon para sa lahat, at nagpapakita na ang kasipagan at pagtitiyaga ay susi sa tagumpay. Saludo tayo sa mga kalahok at mga tagapag- organisa ng SCIMATHLYMPICS sa pagtataguyod ng kaalaman at pag-unlad.

Narito ang listahan ng mga nanalo:

๐ŸŽ‰CHAMPION
Life Science - Individual
Name of the Student:
Althea Eunice G. Betita
Title of the Study: Encapsulated Slow-Release Urea Fertilizer using Alginate and Different Kinds ofStarch (Corn, Rice, and Potato) Cross-linked with CaCl2 and its Effecton the Growth and Yield of Okra Plant (Abelmoschus esculentus)

Coach:
April Luna Joy P. Brown

๐ŸŽ‰CHAMPION
Life Science - Team
Title of the Study: "Anti-Hyperglycemic Activity of Eleusine indica Leaves Extract on Mus Musculus"
Researchers:
Kyla Jane S. Dianco
Crystal Faith P. Gare
Clarisse J. Monguez
Coach: Lydon Isanan

๐ŸŽ‰CHAMPION
Physical Science - Individual
Title of the Study: Dismavers: A Paver Compounded with Disposable Masks
Researcher: Kaye Cassandra C. Plete
Coach: Rowena A. Dichosa

๐ŸŽ‰Champion
Physical Science - Team
Title of the Study: Electricity Generated from Bubalus bubalis carabanensis Manure, Sus domesticus Manure, and Gallus gallus domesticus Manure using Microbial Fuel Cell

Researchers:
Nina Jamela Dela Pena Padios
Rhenil John Sarmen Daduya
Alexa Marie Abrasado Panes
Coach: Crystel Jade Casera Pagdato

๐ŸŽ‰Champion
Robotics and Intelligent Machines - Individual
Title of the Study: SpyTrack: A GPS Tracking Headband
Researcher: Jamela KC M. Palomo
Coach: Ruby P. Palmes

๐ŸŽ‰CHAMPION
Robotics and Intelligent Machines - Team
Title of the Study: Limlim: An Incubator-Chiller System Powered with Thermoelectric Cooler and Generator
Researchers: Nyvin Kate P. Palabrica
Leolene Grace A. Palma
Coach: Maryful Grace C. Pabiona, Kerren Joy D. Dotillos

๐ŸŽ‰Champion
Mathematics and Computational Science - Individual
Title of the Study: CONSTANT TUNE: EXPLORING MUSICAL CONNECTIONS BETWEEN MATHEMATICAL CONSTANTS AND GUITAR
Researcher: Mij P. Pornel
Coach: Alan A. Pornel

๐ŸŽ‰Champion
Mathematics and Computational Science - Team
Title of the Study: Pythagorean Sprout
Researchers: Jose Raymund P. Catalan
Hans Raymond P. Landar
Hannah Nicole P. Paches
Coach: Andrew A. Areno

๐ŸŽ‰Champion
Science Innovation Expo- Individual
Title of the Study: "Alab: A Thermoelectric Generator Powered Prototype using Oryza sativa Husk and Saccharum officinarum as Heat Energy Source"
Researcher: Lexine Sian C. Palma
Coach: Christian Errol P. Alarba

๐ŸŽ‰Champion
Science Innovation Expo - Team
Title of the Study: SolSter: Floating Solar Powered Water Dumpster
Researchers: Rayzel Ann P. Labatagos
Sheryl Anne B. Padrones
Paul Angelo L. Palmares
Coach: Ireneo V. Bataga & Jolly P. Aguirre

Tagasulat ng Balita: Nyrel Bhenz Altamia | Kuha nina: Bea Yzabelle Dongosa at Jasmin Singian | Tagapangasiwa: Kessiah Desiree Imas | Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan, Bb. Maryful Grace Pabiona at Gng. Catherine Paciente

02/11/2023

Matagumpay na isinagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Passi National High School

Noong Lunes, ika-30 ng Oktubre, 2023, matagumpay na isinagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 (BSKE 2023) kung saan kabilang ang Passi National High School sa mga eskwelahang ginamit para sa nasabing aktibidad. Libu-libong mga botante mula sa kaniya-kaniyang mga barangay ang dumalo upang bumoto para sa kanilang mga kinatawan sa Barangay at Sangguniang Kabataan. Sistematikong naisagawa at matagumpay na natapos ang BSKE 2023 halalan.

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023, panuorin ang bidyo sa ibaba.

Caption ni: Jamela KC Palomo | Mga Tagapagbalita: Kent Zachary Salcedo, Kessiah Desiree Imas, at Arnie Rose Paciente | Taga-bidyu: Jamela KC Palomo | Taga-edit ng Bidyu: Kent Zachary Salcedo | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

"Eleksiyon: Ang Halaga ng Bawat Boto sa Halalan"Sa oras na ito, habang tayo ay nagmamasid sa ating bayan, may tanong tay...
30/10/2023

"Eleksiyon: Ang Halaga ng Bawat Boto sa Halalan"

Sa oras na ito, habang tayo ay nagmamasid sa ating bayan, may tanong tayong dapat itanong sa ating mga sarili, "Gaano nga ba kalakas ang boses natin sa kinabukasan ng ating bansa?"

Ngayon, nasa ating mga kamay ang kapangyarihang hubugin ang kinahukasan ng ating baranggay sa pamamagitan ng pagboto ng tama at karapat-dapat. Ang eleksyon ay hindi lamang isang simpleng gawain kundi isang makabuluhang pagkilala sa ating mga karapatan bilang mamamayan.

Sa ating pagboto, tayo'y nagpapakita ng pagmamahal sa ating demokrasya, na nagpapakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay buhay na halimbawa ng tunay na kalayaan. Ang pagtanggap ng botong eleksyon ay hindi lamang isang gawain, kundi isang pahayag ng ating pagiging bahagi ng isang mas malalim na misyon, ang pagpili ng mga lider ng ating mga Lokal na Pamahalaan at Sangguniang Kabataan.

Kaya't ito ay ang oras na ipakita natin ang halaga ng bawat boto. Ang malaking balota na ito, sa bawat pag-marka, ay nagiging daan para sa ating mga pangarap at pangarap ng mga susunod na henerasyon. Ito ay hindi lamang isang simbolo, kundi isang puhunan para sa kinabukasan.

Ang eleksiyon ay hindi lamang isang malupit na paglalakbay, ito rin ang ating paghahanap ng liwanag sa kadiliman. Kaya't tayo'y naglalakad, hindi patungo sa kawalan, kundi patungo sa ilaw na nagdadala ng pag-asa, pagbabago, at kaunlaran para sa ating bansa.

Ito'y isang paalala. Ang halalan ay hindi isang ordinaryong araw. Ito'y pagkakataon na ipakita ang ating pagmamahal sa bayan. Kaya't, mga kababayan, huwag nating sayangin ang karapatan na ito.

Ngayong araw ng eleksyon, tayo'y manindigan, mag-isip, at bumoto nang may malasakit at integridad. Sa pagtutulungan natin, ang bawat boto ay magbibigay liwanag sa ating landas bilang isang bansa.

Maging aktibo at interesadong mamamayan. Sa bawat boto, mayroon tayong kapangyarihan na baguhin ang takbo ng ating bansa. Sa ating mga palad, may nakasalalay na kinabukasan ng lokal at baranggay. Huwag nating sayangin ang oportunidad na ito.

Bumoto tayo. Ilabas ang ating mga boses. Itaguyod ang karapatan natin na magkaroon ng boses sa kinabukasan ng ating bansa. Ang bawat boto ay may halaga. Bawat boto ay may saysay. Gamitin natin ito para sa kapakanan ng ating bansa.

Tamang pagkakataon. Ang Pilipinas ay nangangailangan ng mga lider na tunay na magmamahal sa bayan. Ito na ang pagkakataon natin na pumili ng mga lider na magdadala ng pag-asa, pagbabago, at kaunlaran. Ang ating boses ay may halaga. Gamitin natin ito para sa bayan.

Nawa'y maging inspirasyon ang araw na ito na magpatuloy tayo sa tamang paggamit ng ating mga boto para sa ikabubuti ng ating bayan. Huwag nating kalimutan ang karapatan at responsibilidad natin bilang mamamayan ng Pilipinas. Ito ang ating pagkakataon na magbukas ng bagong kabanata sa ating kasaysayan. Magkaisa tayo para sa mas makatarungan, mas maunlad, at mas maginhawang bayan na siyang maghahatid sa atin sa bagong Pilipinas.

Tagasulat ng Editoryal: Jamela KC Palomo | Mga Tagadibuho: Lourein Phillin Margarico at Kaizer Yuri Fuentes |Mga Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan, Bb. Maryful Grace C. Pabiona, at G. Billy Lastrado

Ang eleksiyon para sa mga posisyon ng Barangay Kagawad, Kapitan, at Sangguniang Kabataan (SK) ay isang mahalagang yugto ...
29/10/2023

Ang eleksiyon para sa mga posisyon ng Barangay Kagawad, Kapitan, at Sangguniang Kabataan (SK) ay isang mahalagang yugto sa ating demokrasya. Ito'y pagkakataon para tayo'y maging boses ng tunay na pagbabago sa ating komunidad. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito.

Sa darating na eleksiyon, isabuhay natin ang halaga ng ating mga boto. Gamitin natin ito para sa ikauunlad ng ating bansa at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon. Patunayan natin na tayo'y mga mamamayan na nagmamalasakit sa Pilipinas. Bumoto tayo nang may pagmamahal at pag-asa. Ito ang oras na maging bahagi ng liwanag ng demokrasya.




Caption ni: Jamela KC Palomo | Tagasulat ng Editoryal: Aesha Kudhair | Iniwasto ni: Kessiah Desiree Imas | Lay-out ni: Paul Simon Aguilar | Tagapayo: Bb. Eden Joy Lucasan

Address

Dorillo Street, Passi City
Passi
5037

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639605959460

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Passi NHS - Ang Busilak posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other News & Media Websites in Passi

Show All

You may also like