![Happy Birthday, Mom Arci!Grabe, sobrang thankful ako na nakilala kita. Hindi lang dahil leader kita, pero dahil sa impac...](https://img3.medioq.com/084/052/1013267640840527.jpg)
12/01/2025
Happy Birthday, Mom Arci!
Grabe, sobrang thankful ako na nakilala kita. Hindi lang dahil leader kita, pero dahil sa impact mo sa buhay ko. Napaka-inspiring mo, at lagi kong naiisip kung gaano ako ka-blessed na ikaw ang leader ko. Thank you kasi hindi mo lang ako tinuruan kung paano maging mas mahusay, pero pinakita mo rin sa’kin kung paano maniwala sa sarili ko at sa mga pangarap ko.
Mom, ikaw yung laging nagpapaalala sa’kin na kahit anong hirap, kaya ko, basta hindi susuko. Dahil sa’yo, mas naniniwala ako na kaya kong abutin yung dreams ko, at ikaw yung proof na possible talaga. Sobrang laking bagay na naging parte ako ng special day mo ngayon, ang 26th birthday mo. It’s such an honor to celebrate with you.
Alam ko, hindi ako perfect na sinag-member. May mga pagkukulang ako, pero gusto kong malaman mo na ginagawa ko ang lahat para maging mas mabuti, mas deserving, at maging best na sinag para sa’yo. Kasi ikaw yung best leader na pwede kong hilingin.
Sana lahat ng dreams mo matupad, at sana maging mas successful ka pa sa lahat ng plano mo sa buhay. Lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa’yo. Sanggang-dikit tayo, Mom. I will always be on your side no matter what.
Sobrang love kita, at sobrang grateful ako na ikaw ang naging leader at inspiration ko. You deserve all the happiness and blessings sa birthday mo. Wishing you nothing but a beautiful, joyful, and love-filled birthday! Enjoy your day, Mom Arci! ❤️
📝: Thirdy