25/07/2024
SILENT KILLER??? NARANASAN KO NA NGA BA???
Sabado July 20 2024 mga bandang 11:30 am kung saan kakain Muna ako NG lunch bago ako mag show sa Mall at eto na nga sa Isang carebderia omorder ako NG pork steak at Isang rice syempre may ksamang sabaw Yan Ang sarap nga NG sabaw nilagang baka na mamantika, tapos uminon pa ko NG isang bote NG Sting Energy drink na red, tapos nako mag lunch at naglakad nako sa gitna NC init papuntang Mall, eto na nga asa Loob nko NG Mall at palakad lakad Muna ako bago ako dumiretso NG dressing room , Ay Teka may naramdaman Ata akong kakaiba, TILA Yung aking paningin umiikot, umiikot Ang paligid at parang babagsak na Ata ako Buti nlang naoahawak ako sa Isang dinding at napasandal na dinn ako, Mayamya may Nakita akong Guard at tinawag ko at Pasuyo po Sana NG wheel chair sir at Padala po sa clinic NG Mall, at dinala na nga ako dun at sa Loob may dalawang nurse at walang doctor Nung time na yun, Pinaamoy ako NG Isang nurse NG white flower at Yung Isang nurse naman nag BP sakin. Nagulat ako sa BP ko 160 over 115 first time ko Yun ganun kataas Ang BP ko, tapos, Sa sobrang alala NG mga nurse at guard nilipat Nalang ako sa malapit na hospital Doon, at sa ambulance plang grabe Yung tuloy tuloy NG aking pagsusuka, Hanggang sa makarating na kami sa emergency room NG hospital TILA walang katapusan na pagsususka at pagkahilo ko. Tapos nag BP pa sakin Ang Isang Doctor UMABOT sa 180 /120 na Ang BP ko. Naku Hanggang sa nakatulog nalang ako at pagkagising ko Ayun asa Manila nko at asa Loob lang ako NG Isang isolation room dun Nako tuloy tuloy nA nagpahinga. Grabe Hindi pala ganun Kadali Ang sakit na naramdaman ko Hanggang Ngayon, maraming bawal na Hindi ko pwdeng kainin, maaalat, matataba, at bawal mag isip NG mga kung ano ano at bawal Muna akong mag motor at bawal gumamit NG cp at lalung Hindi pa ko makalakad NG normal, pero pagkatapos NG lahat NG mga ito babawi ako mga BESH at magpapalakas ulit ako, at magkikita kita din ulit tayo. Thank you parin Kay Lord God at Hindi niya ko pinabayaan at nagpapaslamat din po ako sa lahat NG mga Taong nagaalala po sakin🙏💕😇
Kaya sa ating lahat BESH wag na wag natin abusuhin ang ating katawan, kumain NG wasting pagkain at uminom NG maraming tubig❤️ God bless US all po🙏💕😇
PINTURADOS🇵🇭