Pag-Asa ng Pasigueño

Pag-Asa ng Pasigueño Public Service

Heads up, condo residents!Sa darating na Martes hanggang sa Huwebes, December 10-12, 2024, nakatakdang mag-distribute ng...
09/12/2024

Heads up, condo residents!

Sa darating na Martes hanggang sa Huwebes, December 10-12, 2024, nakatakdang mag-distribute ng Pamaskong Handog ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa inyong mga lugar!

Kaya naman ihanda na ang inyong mga PasigPass QR codes at alamin sa inyong PMOs/Condo Admins ang designated area sa inyong condo kung saan ninyo makukuha ang inyong Pamaskong Handog. Magsisimula ang distribution ng 02:00PM at tatagal ito hanggang 09:00PM.

I-check ang material para sa listahan ng condominiums na naka-schedule sa Martes, December 10, 2024 , at i-lagay na ito sa inyong calendar o maglagay ng alarm dahil sa date lang po na naka-assign sa inyong condo kayo makakakuha ng inyong Pamaskong Handog.

Kada isang condominium unit, isang Pamaskong Handog.

Kung sakaling hindi po kayo makakaabot sa oras ng bigayan o wala kayo sa inyong condo sa araw ng bigayan, maaaring mag-authorize ng ibang tao para i-claim ang inyong Pamaskong Handog. Maghanda lamang ng authorization letter na may kaakibat ding Pasig Pass QR code.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang Pasig City Pamaskong Handog Team sa inyong mga PMO/Condo Admin tungkol dito kaya inaasahan na alam na ng mga residente ang mangyayaring distribusyon sa mga condo.

‼️‼️Muli, wala na pong ibang schedule na itatakda para sa mga hindi makakakuha ng Pamaskong Handog para sa condominiums kaya pinaaalalahahan ang lahat na masigurong makakakuha sa inyong schedule o kung hindi ay mag-authorize ng representative na kukuha nito para sa inyo.
Ctto Pasig City Public Information Office

Mga Pasigueño, ramdam niyo na ba ang simoy ng kapaskuhan?Magsama-sama tayong muli sa pinakahihintay na selebrasyon ngayo...
09/12/2024

Mga Pasigueño, ramdam niyo na ba ang simoy ng kapaskuhan?

Magsama-sama tayong muli sa pinakahihintay na selebrasyon ngayong Christmas season sa lungsod ng Pasig — ang PASKOTITAP 2024, na may temang, “Continuing Traditions, Shining to the Future.”

Gaganapin ito sa December 14, 2024, Sabado, sa Pasig City Hall Quadrangle, Caruncho Ave.

Mamangha sa floats, likha ng 30 barangays sa lungsod, na ipaparada simula 5:00PM mula Eastbank Road (Brgy. Sta. Lucia) hanggang Caruncho Avenue (Brgy. San Nicolas).

Tatanghalin ang mga mananalo sa Float Parade sa isasagawang programa, na hitik din sa song at dance performances.

Asahang jam-packed ang kasiyahan dahil susundan ito ng isang concert, tampok ang mga kilalang personalidad sa industriya ng musika at komedya. Kung sinu-sino sila, abangan!

Save the date!
Ctto Pasig City Public Information Office

08/12/2024
08/12/2024

Pamaskong Handog 2024
Distribution Schedule
December 9, 2024 | Monday

- Rosario

———
I-check ang material para sa mahahalagang paalala:
1. Katulad ng dating gawi: araw-araw po ang posting ng schedule ng Pamaskong Handog distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution.
2. Hintayin sa bahay ang distribution team dahil bahay-bahay po ang mode of distribution ng Pamaskong Handog.
3. Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Pamaskong Handog. Kaya naman kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangang ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.
4. Maghanda rin po ng proof of identity. Paalala na bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.
5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Pamaskong Handog.
6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators para rito.

Hangad namin ang makabuluhang pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga Pasigueño.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat!

Good News para sa mga Senior Citizens ng Pasig ✌️ Advance Merry Christmas po from City Government of Pasig ❤️✌️
07/12/2024

Good News para sa mga Senior Citizens ng Pasig ✌️ Advance Merry Christmas po from City Government of Pasig ❤️✌️

HANDOG PASASALAMAT PARA SA SENIOR CITIZENS
ADVISORY
(PARA SA ATM HOLDERS)

Naipasok na po sa inyong Benefit Cash Card (ATM) ang 2024 Handog Pasasalamat Cash Gift mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Maaari na itong ma-withdraw mula sa mga Land Bank ATM at ATM ng iba pang bangko na kabilang sa Bancnet (may minimal transaction fee).

Maligayang Pasko po!

—-
I-check ang naunang post tungkol sa Handog Pasasalamat para sa Senior Citizens sa link na ito: https://bit.ly/SC_HandogPasasalamat_2024

06/12/2024
06/12/2024

INGAT PO TAYO sa bago nilang style na mga Fake FB Page. Halimbawa po itong nasa picture na FB PAGE NA NAGPAPANGGAP na Pasig Urban Settlements Office (PUSO)...

(1) Makikita sa page history na ni-rename ang isang Vietnamese page para maging "Pasig Urban Settlements Office" nung November 28. Ito ay isang araw pagkatapos mag-post ng legit PUSO page ng isang paglilinaw tungkol sa maling impormasyon mula sa isang Kuya Curlee Ate Sarah page.
(2) Kasabay nito, na-mass report at na-restrict ang legit PUSO page dahil sa "impersonation".

(Halos ganito rin ang nangyari kay Kap Quin Cruz ng Manggahan. Pagka-post ni Kap Quin tungkol sa diumanong vote buying sa iilang HOA ELECTIONS sa pamamagitan ng bigas galing sa St. Gerrard-- na-target din siya, na-restrict ang totoong account dahil sa "impersonation", at biglang may lumitaw na FAKE FB PROFILE.. Vietnamese din na biglang ginamit ang pangalang Quin Cruz, at ginaya rin ang ibang post niya.)

ANG LUPET, PATI IDENTITY THEFT🥸 PINAPASOK NA NILA. Kung focus na lang sana sila sa pagiging "matulungin", baka mas malayo pa ang marating nila. Kaso sa pag gastos ng milyon-milyon para sa mga ganitong bulok at maduming istilo, nahahalata tuloy ang tunay na kulay at motibo.

Sa Pasig, laos na ang dirty tactics, laos na rin ang takutan. Matalino tayong mga Pasigueño. Kailangan lang natin mag-doble ingat para walang maloko ng mga pekeng page at fake news. Tuloy lang ang trabaho. Patuloy na .

06/12/2024

Pamaskong Handog 2024
Distribution Schedule
December 6, 2024 | Friday

- Bagong Katipunan
- Kapasigan
- San Jose
- San Miguel
- San Nicolas
- Sta Cruz
- Sta Rosa
- Sumilang

———
I-check ang material para sa mahahalagang paalala:
1. Katulad ng dating gawi: araw-araw po ang posting ng schedule ng Pamaskong Handog distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution.
2. Hintayin sa bahay ang distribution team dahil bahay-bahay po ang mode of distribution ng Pamaskong Handog.
3. Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Pamaskong Handog. Kaya naman kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangang ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.
4. Maghanda rin po ng proof of identity. Paalala na bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.
5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Pamaskong Handog.
6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators para rito.

Hangad namin ang makabuluhang pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga Pasigueño.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat!

13/10/2024


23/07/2023
SOON ! ✌🏻
07/07/2023

SOON ! ✌🏻

Shout out to my newest follower! Excited to have you onboard!Rosalinda Coronado Gallega
28/06/2023

Shout out to my newest follower! Excited to have you onboard!

Rosalinda Coronado Gallega

Address

Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pag-Asa ng Pasigueño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share