12/08/2024
Congratulations SPARTAN! Ang ating kampyon sa Season 2 ng Uncle Ju League! ๐
๐จVERY VERY LONG POST AHEAD!๐จ
Salamat Frenz, Marlon, Michael, Jerich, Aron, Jake at Jhenycis sa pagbibigay sa amin ng napakagandang mga laban. Napakaraming mga viewers sa aming community ang napahanga ninyo at naging fan ninyo after ng mga laban ninyo. First time silang sumali sa ating liga pero grabe agad ang pinakita nila. Nagsimula silang magpakilala ng pinatumba nila ang Season 1 Champion na SOJU Esports at pagkatapos nun, hindi na sila tumigil magpakita ng dominance. Sa Grand Finals, pinakita nila ang galing nila sa pagkuha ng objectives, trades at binigyan pa tayo ng two clutch plays mula sa ating Finals MVP na si nanami. (Aron). Sana hindi kayo manawa sa aming liga at makita ulit namin kayo next season.
Para sa mga teams na hindi nag-advance, nakita ko ang galing at improvements ninyo alam kong marami pang opportunities na naghihintay para sa inyo. Hindi lang dito sa ating liga pati na rin sa iba.
Gusto kong pasalamatan ang apat na teams na dating hindi part ng ating community na sumali. Salamat BINItech sa magagandang laban, pinatunayan ninyo na hindi hadlang ang gender para makasabay sa ating torneyo. Sobrang nakakaproud kayo! Sana mameet ko kayo ulit lahat diyan sa Santa Rosa Laguna. Salamat sa Execration 2.0, maaga man kayong nagpaalam sa liga, alam kong babawi kayo next season. Salamat din dahil napakadali at napakagaan ninyong kausap. Congratulations Jaw Pro Gaming (JPG), ang ating second runner up. Napakalaki ng potential ng team ninyo. I'm sure sa susunod na liga, paangat na kayo ng paangat. Salamat sa WEX Pro, kinapos lang ng konti ngayong season, pero alam ko, katulad ng last season, you'll bounce back stronger! Salamat sa inyong lahat. Salamat dahil inembrace niyo rin ang aming community. Lab kayo ng JUnatics!
Sa ating community squads, thank you Rassic Lang. Every season man ay may ekis, every season naman ay lumalakas. Naniniwala ako next season, check na 'yan! Salamat din sa ibang miyembro ng Rassic Lang na tumulong mag-marshal nung Final Four hanggang Grand Finals. Iba talaga kayo. Para naman sa Kambyo Esports, hindi man kayo nag-place this season, alam kong babawi kayo dahil nakita namin ang sipag at dedication ninyo sa ating liga. Sana rin ay makita namin kayong sumali sa iba pang mga liga. At para naman sa SOJU Esports, kahit na maaga ang inyong pamamaalam sa season na ito, hindi nagkulang ang confidence at respeto namin sa inyo. Ngayon pa lang, inaanounce ko na magrerebuild kami para sa susunod na season at sa iba pang tournaments. Sa tatlong community squads natin, thank you ng napakarami!
Siyempre gusto ko ring pasalamatan ang mga players na naglaro sa ating LGBT AND FEMALE SHOWMATCH. Sa mga streamers na naglaan ng oras at pasayahin ang ating community, BarbieGotilyo, Boss Rem, Stella, Calai and KarlZT, salamat po! Sa mga viewers and mods na naglaro, Athena, Haileh, Jhastine, Scylla and Kaela. Thank you, thank you! Pangako na laging may ganitong showmatch tuwing may Uncle Ju League.
Salamat po sa lahat ng nanood at sumuporta sa ating liga. Sa mga suki nating viewers pati na rin ang ating mga subscribers at gifters. Malaking tulong po ito para patuloy tayong makapaghost ng events para sa community.
Thank you po sa mga content creators and livestreamers na naging kaibigan natin dahil sa ligang ito. Sa mga tumulong at nakausap ko nung hirap na hirap ako thank you so much! Sa mga talent managers ko, kaibigan sa iba't ibang brands and organizations at mga kaibigan sa gaming and content creation industry na sumuporta at nagbigay ng lakas para tuloy-tuloy natin i-host itong tournament, thank you so much po! Dami kong natutunan dito! Sobra!
BIG SHOUTOUT sa growing nating team ng moderators and marshals, grabe dumarami na tayo! Salamat sa commitment ninyo. Salamat sa pagmamahal niyo sa community at sa liga. Every season, nag-iimprove! Hindi ko 'to kakayaning mag-isa. Salamat at lagi kayong nandiyan. Proud of you armehhhhhHhh!
Siyempre, salamat sa isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit natuloy ang pangarap nating tournament. Maraming salamat Bitget! 'Yung matupad 'yung pangarap namin nung Season 1, napakalaking bagay na. Pero 'yung magka-season 2 pa, sobrang sarap sa pakiramdam. Salamat po sa pagtitiwala ninyo sa amin. Sana po ay napasaya rin namin kayo. Big shoutout to my brother, Prof Toff! Salamat sa pagtulay sa akin sa Bitget PH family natin. Salamat din sa paggabay mo hindi lang trabaho pati sa buhay. Love you bro!
Sobrang napasaya ako ng season na ito dahil mas lalo kong nakikilala ang community natin pati na rin ang mga bagong teams na naging mga kaibigan natin. Sobrang natuwa ako sa members ng community natin na naging example hindi lang sa pagkapanalo kundi pati na rin sa pagkatalo. Start ng season pa lang sinabi na natin, SOMETIMES YOU WIN, SOMETIMES YOU LEARN. Kitang-kita from Season 1 hanggang Season 2 ito. At siyempre, hindi ka man nanalo sa tournament, nanalo ka naman ng kaibigan. Maraming-maraming kaibigan. 'Yung makita mo silang magkakausap after ng game, nakatambay sa Discord mo at hinahayaan ka at ang bawa't isa na pumasok sa kanila-kanilang buhay, hindi matatawaran 'yun. Parang nag-champion na rin ako nun. Ang hiling ko lang sa JUnatics, dumarami na tayo, palakahin pa natin ang community na 'to, mahalin natin at protektahan natin. Safe place niyo ito. Walang rank, gender, or race na pipigil na sumali sa inyo dito sa liga at sa community natin.
Kung umabot ka dito, gusto kong malaman ninyo na ngayon pa lang, sisimulan ko ng trabahuhin ang mga susunod na seasons. Tumaas na ang competition, pwede na nating gawing 8 teams to 16 teams. Dumarami na rin ang female players sa ating community, panahon na ba para sa ALL-FEMALE tournament? For season 3, binubuksan na rin namin ang pintuan for new sponsors and partners na tutulong na maituloy ang aming dream sa community na 'to.
Salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal. It's always WE not me! Kitakits sa susunod na season ng Uncle Ju League! ๐