10/08/2024
Ugaliing mag ipon ng pera. 💯
Laging magtatabi ng para sa mga emergency ng pamilya.
Napakahirap mangutang at mas lalong masakit kapag natanggihan. Magkaiba din ang pinagdamutan sa wala talagang sobrang pera para ipahiram.
Bawat isa ay may pangangailangan, wag nyong itatak sa utak nyo na porket tingin nyo may pera ang isang tao eh kapag lumapit kayo pahihiramin kayo kaagad.
Lahat tayo may kanya kanyang needs at yung iba nag-iipon lang para kapag sila nangailangan may madudukot sila dahil naranasan narin nila na walang malapitan nung sila ang nangangailangan.