WHICH BARANGAY WILL TAKE THE CROWN AT THE GINOO AT BINIBINING PARAÑAQUE 2025? 👸🏻🤴🏻
The Parañaque City Tourism Office has unveiled the teaser video for the Ginoo at Binibining Parañaque 2025, set to take place at Parqal, Aseana City, in Barangay Tambo, on February 8.
Representing all 16 barangays, beauty queens and kings will compete for the chance to become the city’s official candidates for Miss Universe Philippines and Mister Pilipinas Worldwide 2026! 👑💪🏻
📹 Parañaque Tourism Office
SMOG SA PARAÑAQUE, PASAY? 🌫️
Ganito ang itsura ng kalangitan na gumising sa mga taga-Parañaque at Pasay ngayong umaga.
Nakuhanan ito ni Joel Lina, isang safety officer sa Ninoy Aquino International Airport kaninang 8:04 a.m.
Kuwento ni Joel sa Parañews, medyo iba rin ang amoy ng smog na tila parang kaamoy ng volcanic smog.
Wala pang kumpirmasyon ang Phivolcs kung ito ba ay smog mula mismo sa Bulkang Taal o early morning pollution mula sa mga pabrika’t sasakyan.
Gayunpaman, base sa kanilang datos, nagtala ang Taal Volcano ng katamtamang pagsingaw ng volcanic plume na may 600 metrong taas sa magdamag kahapon.
Ang plume ay ang kumbinasyon ng hot gas, water vapor, volcanic particles, at hangin na ibinubuga sa atmosphere ng isang bulkan lalo na kapag sumabog ito ng malakas.
Sa kabila nito, hindi pa rin masasabi kung ito rin ba ang sanhi ng smog sa Parañaque at Pasay ngayong umaga.
Samantala, nai-record rin ng Swiss air quality technology company na IQAir ang pagtaas ng air pollution level sa ‘moderate’ mula sa karaniwang ‘good’ na naitatala sa lungsod as of 10 a.m.
Sa ganitong pagkakataon, dapat ay bawasan daw muna ng mga tinatawag na sensitive groups, kabilang ang mga bata, mga lolo’t lola, buntis, at may cardiac at pulmonary diseases ang outdoor exercise, magsuot ng mask, at magdala ng air purifier hangga’t maari.
📹 Joel Lina
WATCH: KASAGSAGAN NG SUNOG SA ISANG WAREHOUSE SA MARCELO GREEN
Makikita sa video na ito ang apoy at kapal ng usok na dulot ng sunog sa isang warehouse sa Ireneville 2 Subdivision sa Barangay Marcelo Green noong kasagsagan nito.
Ito ay nakuhanan mula sa isang staycation unit malapit sa pinangyarihan ng sunog kaninang 9:20 a.m.
Ayon sa Moonwalk Fire Rescue Volunteer group, nagismula ang sunog ng 9:15 a.m. at iniakyat ito sa 2nd alarm at 9:27 a.m.
Rumesponde na ang lahat ng units ng Bureau of Fire Protection Parañaque at mga fire tanker mula sa mga kalapit na barangay.
Patuloy pa ring nasusunog ang warehouse as of 10:54 a.m.
Manatiling nakatutok sa Parañews para sa mga susunod na update ukol sa nangyayaring sunog sa Brgy. Marcelo Green.
📹 Ala Cinco Staycation
WALA ANG MGA MAIN CHARACTER SA SUCAT ROAD! 🚗
Mas mabilis ang biyahe ng mga sasakyan kaninang hapon sa Dr. Santos Avenue (Sucat Road) kung ikukumpara sa mga karaniwang araw.
Ito’y sa kabila ng panaka-nakang pag-ulan sa Parañaque City sa magdamag.
Inabot lang ang aming biyahe ng 22 minuto, kasama na ang pagtigil sa mga stoplight, mula SM City Sucat hanggang sa South Luzon Expressway kaninang 4:50 pm.
Inaasahan ito dahil bukod sa walang pasok ay maraming Parañaqueno rin ang nagbakasyon sa labas ng lungsod.
ILANG KALYE SA PALIGID NG BACLARAN MARKET HALOS ‘DI NA MADAANAN 🛍️
Plano mo bang pumunta sa Baclaran Market para humabol sa pagbili ng regalo ngayong pasko?🎄
Magbaon ng pasensya dahil masikip ang ilang daanan gaya ng Service Road at Redemptorist Road dahil sa dami ng nagtitinda at namimili.
Ibig sabihin din nito, marami kang pagpipilian kung wala ka pang pangregalo sa mga nais mong pagbigyan 🎁
Makikita sa video na ito kung ano ang mga aasahan pagkarating mo ng Baclaran Market at mga bagay na puwede mong mabili.
📸 Parañews
NAKITA MO NA BA ANG BAGONG BUKAS NA FOOD HALL AND SKY GARDEN NG SM CITY BICUTAN? 🍽️🌿
Panoorin ang video na ito upang makita kung ano ang itsura, mga restaurant, at kung anong oras ito nagbubukas 👍🏻
📸 Parañews
JESSAAAA HUMAWAK KA! HINDI TAYO NAGPAALAM! 🤣
WATCH: Marami ang naaliw sa video na ito kung saan tila pinapagalitan ng kanyang kaibigan ang isang babae habang nakasakay ito sa isang mataas na swing!
Ayon sa teacher na si Jessa Nilo, residente ng Barangay BF Homes sa Parañaque City, ganyan raw talaga magalala para sa kanya ang kanyang kaibigang si Roylie Regis.
"Most of the time na kapag may ginagawa akong activities, lagi siyang ganyan magalala. Most of our alis kasi wala sa plan. Biglaan lang para matuloy," sinabi ni Jessa sa Parañews.
At sa araw na ito, biglaan lang din daw silang nagpasyang pumunta sa isang pasyalan San Mateo sa Rizal para subukan ang ilang spartan courses doon gaya ng mataas na swing na sinakyan ni Jessa.
Ayaw raw ni Roylie gawin ang ilang courses, kung kaya't ganoon na lang ang pagaalala nito kay Jessa na malakas ang loob at go go go lang!
"Ako kasi 'yung adventurous person at siya kabado kaya hindi niya rin sinubukan," dagdag ni Jessa.
Sa kabutihang palad naman ay napawi rin ang pagaalala ni Roylie dahil ligtas namang nakakbaba mula sa ride ang kaibigan 😂
📹 Jessa Nilo’s TikTok account
WATCH: Senator Robin Padilla, nagpasalamat sa Parañaque City Police dahil sa ilang beses na pagikot nito sa harap ng kanilang bahay.
"Siguradong secured na secured po ang aming village lalo na ang aming kalsada sa ganitong professionalism ng ating kapulisan," ayon sa Facebook post ng senador.
📹 Senator Robin Padilla