Kalye Thoughts

Kalye Thoughts Antolohiya ng mga nasinghot na usok sa bangketa, nahulog na tsinelas sa kalsada at tumulong laway sa gitna ng biyahe papuntang EDSA. Aaaaaaahh... Ano ba? TIME!

Paano ko ba sisimulan? Paano ko ba sisimulan ang biyaheng ito na tila walang katapusan? Sisimulan ko ba sa kanto ninyo? Sa terminal ng bus? Sa tindahan ni Aling Nena? Hindi ko alam. Siguro, patambay muna sa inyo. Kwentuhan tayo. Ituloy natin kapag aandar na ang bus. Basta, asahan mo, na ang ating biyahe ay hanggang sa dulo ng mundo.

11/04/2021

Online tambay sa Kalye!

21/02/2020

Online gaming might not be an after-school pastime anymore in the future as the first degree program in electronic sports (e-sports) in the country is being developed.

"You don't deserve me. I'm a mess.A cloud of misfortunes and mishaps. Go search for someone else, anybody. - but not me....
20/09/2019

"You don't deserve me.
I'm a mess.
A cloud of misfortunes and mishaps.
Go search for someone else, anybody. - but not me."

And it truly breaks my heart into tiny shards everytime she deprives herself of a love worth to last.

Words: leroy palaboy
Photo: google

Muling sumapit ang gabi, sa sulok ng kwartong mausok, dahan-dahang isinandal ni Nicole ang likod sa mala-yelong lamig ng...
04/08/2019

Muling sumapit ang gabi, sa sulok ng kwartong mausok, dahan-dahang isinandal ni Nicole ang likod sa mala-yelong lamig ng pader habang nakasilay kay Charisse.

"Tumal ngayon 'no? Badtrip kase 'tong ulan tangina!" , sabi ni Charisse. "Oh chill ka lang, ang aga-aga pa eh. Di pa nga pinapatay yung mga ilaw ng mga poste sa labas pero ikaw punding-pundi na. Relax ka lang." , sagot ni Nicole.

"Kailan kaya tayo titigil sa ganto 'no?! Putang p**a na 'ko araw-araw. Kung hindi lang natin kailangan ng pera.", sambit ni Charisee sabay hipak sa pangatlong sigarilyo mula sa paketeng bigay ng tropa niyang si Franz.

"Nako, hindi ko masabi kung may bago pa bang mangyayari sa buhay nating dalawa. Tangina binebenta na nga ni Dugong 'tong bansa sa mga Ching-chong aasa ka pa? Basta ang akin lang, ayoko na maranasang magutom ng halos isang linggo. Walang kuryente, walang matirhan, maski tubig 'di natin alam kung saan hahagilapin. Ikaw rin naman 'di ba? Hindi ka nga mapakali 'nong hindi mo ma-chat 'yung lalake mo dahil lowbat ang cellphone mo at wala tayong kuryente. Sino nga ulit 'yon? Yung Jackie ba yun??? Caloy?? Jericho ata?? Putangina, sa dami ng naging lalake mo hindi ko na maalala kung sino don." , sabay hagalpak ng tawa si Nicole.

"OA ka rin minsan eh 'no? Gagong 'to. Wag kaya kita bigyan ng komisyon sa mga service ko mamaya? Ano? Gusto mo 'yon?!", wika ni Charisse na tila nainis sa mga tinura ni Nicole.

"HOY! Ano ka ba? Alam mo namang biro lang 'yon para kang tanga.", habang natatawa-tawa pa.

Malipas ang ilang saglit ng paghabol ng hininga ni Nicole at sa pag-ubos ni Charisse sa huling sigarilyo sa pakete ay bigla siyang tumayo.

"Tangina nasusuka na naman ako s**t!"

"Hoy, sigurado ka bang sa kinaen mo lang 'yan? Ano yan, tatlong araw na sira mga pagkaing kinakain mo?" , na may hagikgik na wari pang-aasar kay Charisse.

"Baka nga ganon! Hayop na yan!" , habang patuloy sa pagduwal.

"Kung ako sayo, mag PT ka na. Sagabal 'yan sa hanapbuhay sinasabe ko sa'yo."

Napamuni-muni saglit ang dalaga. "Mas naisip mo pa talaga 'yong pera kaysa sa akin 'no? Ayos ka talaga!"

"TANGA! Kung mas bata-bata lang ako eh ako na lang sana diyan sa puwesto. Ba't ko naman tatanggihan ang sandamukal na pera? Ano 'ko tanga? Gagang to."

Hindi na muling sumagot pa si Charisse sapagkat masakit mang isipin, alam niyang kailanma'y mas mahalaga para kay Nicole ang pagpawi sa kalam ng sikmura kaysa sa kahalangan nito. Matapos ang ilan pang minuto.

"Oh, kayong dalawa na. Ayus-ayusin niyo ha?! Matumal na nga ngayong gabi baka mag-inarte pa 'yang alaga mo?! 'Di ko na alam gagawin sa inyo." Tumango ang dalawa sabay hawi ng bakla nilang manager na si Robin sa kurtina palabas.

" 'Lika na Ma. Walang babaunin si Yen at Loons bukas 'pag 'di tayo kumayod dito. 'Yong renta kahapon pa 'ko sinisingil ni Aling Maxi, urat na urat na nga 'ko kakakatok niya sa pinto. Hayop na yan."

Tumayo mula sa pagkakaupo si Nicole matapos ang paanyaya ng kanyang kaisa-isahang anak na babae.

"Ganon talaga 'nak. Dito sa baba, wala kang karapatang unahin ang sarili mo. Dahil kung gagawin mo 'yon, hihilahin ka pababa ng mga taong kasama mo, o 'di nama'y , mamamatay ka sa kakabuhay mo sa pamilya mo."

Kumawala ang dalawa sa tensyon ng kanilang usapan. Muling tumapak sa entablado si Charisse habang ang kanyang ina'y nagsimulang mag-alok ng extra service galing sa anak pagtapos ng pagtatanghal. Naghubad, paunti-unti. Animo'y nagdiriwang ng isang salo-salo at katakam-takam ang inihain ng lipunan.

Nagsimulang sumayaw ang kaluluwang iginapos sa apoy. Sa kabila ng hatid nitong alindog, ay patay, patay ang mga matang nagsasabing sana isang araw - may magligtas sa kanya.

"Pregnancy test, huh?"

ni Leroy Palaboy

Hello, mga tambay ng kalye! Si Manong Drayber nga pala 'to. Bilang tsuper ng dyip na laging sinasampahan ng mga batang n...
16/05/2019

Hello, mga tambay ng kalye! Si Manong Drayber nga pala 'to. Bilang tsuper ng dyip na laging sinasampahan ng mga batang nagtatambol at namamalimos, ako naman ang hihingi ng tulong sa inyo. Kahit maliit na halaga lang naman po. O kahit share lang para kumalat. Taos pusong pasasalamat, mga tambay! Mahal ko kayo!

-------

Please help us raise money for my mom. She had ear infection which developed to Subdural Epyema - collection of infected material between outer covering of the brain and the bones of the skull.

She already had her first surgery - removing the abscess - and now being observed for the second bout where the root of the infection will be addressed. All the surgeries and medications will roughly take us 10-12 weeks in the hospital.

As of the writing of this, she's in ICU for observation; sometimes conscious, sometimes not, and can't speak. I am not really sure what would be the outcome of it all for my mom...

She was so stressed before all of this happened, and I just want her to get better so, we can talk again and cook all her favorite meals... She loves doing that but stopped since all the stresses of her symptoms started.

Any amount of donation would help. We don't know yet how long she'll have to be in the hospital, and healthcare system and finance is always a problem in our place.

Friends in the PHs and those w/o Credit Cards/PayPal accts., you can also directly transfer/donate to the following bank saving accts for less hassle transactions:

acct name: Kathleen Joy Manuel
BDO acct: 0047 0015 0869
Metrobank acct: 225-3-225-17576-5

or

acct name: Amina Aisa Boncales
BPI acct: 0466748281

Please help us raise money for my mom. She had ear infection which developed to Subdural Epyema – collection of infected material between outer covering of the brain and the bones of the skull. She already had her first surgery – removing the abscess – and now being observed for th

ENDGAME(If you haven't watch Endgame, stop reading now. There are some serious endgame spoilers. But if you have watched...
14/05/2019

ENDGAME

(If you haven't watch Endgame, stop reading now. There are some serious endgame spoilers. But if you have watched Endgame, then enjoy the trailer I mean the piece-of-s**t.)

Tuluyang. Isinangla. Ng. Mga. Pilipino.
Ang. Pilipinas. Sa. Mababang. Halaga.

If I could just steal
some pym particles like
Steve Rogers did and
go back to the
2019 midterm elections
after 5 something years. - I won't.
Because based on Tony's
mobious strip,

"Just because you change the past,
doesn't mean it will change your future."

11 years ago,
a man wore a suit to
start preserving peace and
order within human race.
Also, 11 years ago
a president who stole
366 million pesos from
my country was not able
to utter the word "sorry"
in live television cause her
intentions were far more
hideous than her sincerity.

After a few years,
a man suspended
in ice was brought back
to life. - A man out of time.
4 years later,
a president who was a
son of one of the most
admirable person ever existed
became a president.
He never took a shield nor
wielded a hammer.
He was just that mediocre
thesis leader who
just mended permanent
wounds with band aid solutions.
He failed to lead the
country to his "Tuwid na Daan"
and worst case,

after 6 years, the universe was
in the brink of destruction when
Thanos rose from his throne
and started collecting the Infinity
Stones. On the same parallel
universe, a mad man with lack of
human empathy and serious mental
issues took the responsibility in
governing this decaying country.
With every snap that he makes,
lives were being taken away.
It doesn't matter if you're
innocent or guilty.

"Kapag natripan ka namin,
butasin namin ulo mo."
As some of
his folks used to say.
It was the moment Philippines
knew, we fu**ed up.

But no one anticipated
this massive scale catastrophe
that recently emerged.

With sufficient amount
of information and wide spread
news everywhere.

With every fu***ng chance given
to change their lives.

For some fu***ng rea*on,
this country called Philippines
survived the snap but decided to
just die in another way.

Hindi na kailangang lagyan pa
ng mga metapora o ano pa
mang tayutay ang parteng ito
sapagkat malinaw pa sa clear
na hindi talaga tayo marunong
madala sa mga nagdaang
delubyong malala.

Labing dalawang a*o at
basura sa susunod na
tatlo hanggang anim na taon?

Literal na,
"We are in the endgame now"
pero ginusto niyo 'to diba?

Photo from Google, thanks google.
Leroy palaboy

Magandang araw sa inyong lahat. Nais lang po namin humingi ng tulong upang maireport itong isang page na gumamit ng amin...
17/04/2019

Magandang araw sa inyong lahat. Nais lang po namin humingi ng tulong upang maireport itong isang page na gumamit ng aming logo ng walang pahintulot. Salamat din kay Kryznel na siyang nagsab nito sa amin. Wag po tayong magnanakaw. Amen.

Markings,Dry-stained, soaked animosity.Mga magsasakang pinataysa lupaing binigyan nila ng buhay. Hacienda Ni LoisaB**g R...
06/04/2019

Markings,
Dry-stained, soaked animosity.
Mga magsasakang pinatay
sa lupaing binigyan nila ng buhay.

Hacienda Ni Loisa
B**g Revilla
Ching-chong China
Slightly conyo na
piyesa.

I don't usually pay attention
to the particles in the
sand,
or sa mga letrang 'di
magkakatugma o m a g k a k a d i k i t

Kung may mainit-init
na hain,
whether it's about a r**e
victim with her skull
partially skinned,
or this politician who
suddenly questioned the
importance of honesty.

I don't really dwell to
these mishaps, pero nagmamatyag ako.
Because I grew up knowing
that what doesn't affect you.
does not concern you at all.

Though time flies faster
than Dante Gulapa,
and the minimum wage earners
are not malumanay anymore
like the pawikans.

Things have changed, but
for the worst parts.

Where Duterte became the most
disgusting word ever existed - followed by
mocha.

Where wheelchairs are not meant
for those who are impared and
can't walk, but for those
who have plunder cases
and wants to run -

Where the main dog of the
country becomes the rarest catch
of this ching-chongs celebrating an
early dog meat festival.

Where people fight for respect and
equality yet,
not even sure whether to
do the right thing or just
ma******te over a pair
of breasts.

We,
bargain an inch of
our dignity for a day's
survival
to people who
doesn't even know
the roots of the
land they're standing on.

We,
sugar-coat the
most horrible deeds and
still swallow the cavities of
this hollow society.

We,
ask for too much and
continue to ask
for more.

Tell me, Pilepens?

Is it, more fun?

JOKE TIME BY LEROY PALABOY
credits to Austin for the photo.

JOKE TIMEMarkings,Dry-stained, soaked animosity.Mga magsasakang pinataysa lupaing binigyan nila ng buhay. Hacienda Ni Lo...
06/04/2019

JOKE TIME

Markings,
Dry-stained, soaked animosity.
Mga magsasakang pinatay
sa lupaing binigyan nila ng buhay.

Hacienda Ni Loisa
B**g Revilla
Ching-chong China
Slightly conyo na
piyesa.

I don't usually pay attention
to the particles in the
sand,
or sa mga letrang 'di
magkakatugma o m a g k a k a d i k i t

Kung may mainit-init
na hain,
whether it's about a r**e
victim with her skull
partially skinned,
or this politician who
suddenly questioned the
importance of honesty.

I don't really dwell to
these mishaps, pero nagmamatyag ako.
Because I grew up knowing
that what doesn't affect you.
does not concern you at all.

Though time flies faster
than Dante Gulapa,
and the minimum wage earners
are not malumanay anymore
like the pawikans.

Things have changed, but
for the worst parts.

Where Duterte became the most
disgusting word ever existed - followed by
mocha.

Where wheelchairs are not meant
for those who are impared and
can't walk, but for those
who have plunder cases
and wants to run -

Where the main dog of the
country becomes the rarest catch
of this ching-chongs celebrating an
early dog meat festival.

Where people fight for respect and
equality yet,
not even sure whether to
do the right thing or just
ma******te over a pair
of breasts.

We,
bargain an inch of
our dignity for a day's
survival
to people who
doesn't even know
the roots of the
land they're standing on.

We,
sugar-coat the
most horrible deeds and
still swallow the cavities of
this hollow society.

We,
ask for too much and
continue to ask
for more.

Tell me, Pilepens?

Is it, more fun?

- Leroy Palaboy, credits to Austin for the photo

She was an open book, left untouched not only to satisy, but to suffice unlimited needs. A scroll of love so ancient, sh...
09/08/2018

She was an open book,
left untouched not only to satisy,
but to suffice unlimited needs.
A scroll of love so ancient,
she can understand the art of being hurt
while curving a luscious smile
in the face of being torn apart.

Perhaps,
someone was able to
see her vulnerability
through her fading pages yet,
still insusceptible to the naked eye.
Though, she has a naked heart.

A transparent library
of the most genuine smiles
and unrequited love.
Unending series of days and nights,
where her eyes were kept close but,
her thoughts were wide awake.

Trying to comprehend and accept
that when life gives you the worst,
you need to fight back with your best.
Of times when the other shoe does not fit
but must truly admit that acquiring others
won't solve the problem or crack a hint.

And in sudden confusions,
she's able to grasp
the thought of how
distractions can turn to
destructions.
And how packed up sheets
can become fu**ed up s**ts
in just a single blink.

A woman of all trades and tricks
within her sleeves.
An exemplary example
of someone with
nerves of steel and a heart of clay.
Someone who was always left,
but never failed to stay.

Someone who -

"Fountain of colors", Leroy Palaboy

17/05/2018

Hot ____

Matapos ang limang tasang kape,
muli akong nakaramdam ng antok.
Hinakbang papaakyat ng hagdan
ang mga paang ilang araw ko na ring
pinipigilang magsalita.
Isang linggo na silang bumubulong,
Sinasabing dapat ay lumabas na ako sa apat na sulok ng kwarto ko.
Tumayo nang mabuti sa gitna ng daan,
O manatiling nakahiga sa bawat riles na lalagpasan.
Kating-kati na silang manahimik.

Maging ang mga kamay kong dati'y
bihasa sa pagluluto at pag-aaruga.
Madalas ko na ring nakikitang nagkakaroon ng mga lihim na pag-uusap sa twing sasapit ang madaling araw.
Habang may hawak na lubid sa kaliwa,
ipinipilit naman ng kanan na kutsilyo ang pinakamabisang paraan.
May mga araw din kung minsan, nais nilang may mapaglabasan ng p**t. Subalit dahil mag-isa lang ako dito sa bahay. Sa akin nila madalas naibabaling ang galit nila sa mundo. Naiintindihan ko naman sila. Kahit hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Kahapon, sumama ako sa mga kaibigan kong mamasyal. Kitang-kita ko ang ngiti sa sarili kong mga mata. Pero damang-dama ko sa bawat pintig ng dibdib, ang kawalan ng gana at pag-asa. Nasanay na din kase ako sa mga araw na kailangan kong magmaskara para makilala ako ng mga tao. Natutunan kong gumawa ng mga ito noong naghiwalay si papa tsaka mama. Tsaka nung ano, napapadalas yung pagdalaw sa akin ni kuya tuwing hatinggabi. Nagkaroon pa nga ako ng kaibigan maliban sa mga maskara. Si Ima. Madalas ko siyang kaututang-dila kapag naiiwan akong mag-isa sa bahay. Ayun nga lang, pag may ibang tao na. Ewan ko ba, pero bigla na lang siyang nawawala.

Kailan nga ba ako huling natulog?
Ah, tatlong araw na pala ang nakakalipas. Kapag kase sinusubukan kong matulog,
palagi akong nakakakita ng taong nakasabit sa kisame. Minsan sa puno, minsan nakahiga lang,duguan. Natatakot ako tapos naiisip ko, ako kaya 'yon? Kaya simula non, lagi akong nagkakape kahit hindi naman kailangan. Mahirap na, baka antukin ako eh.

Tulad ngayon,
Kakaakyat ko lang.
Inantok kase ako pagkatapos
ng limang tasang kape.
Nakahiga na naman ako.
May lubid sa kaliwa,
May kutsilyo sa kanan.
Sasabit ba 'ko,
O sa sahig na lang?

-Leroy Palaboy

03/04/2018

Musta pre?

12/02/2018
05/02/2018

Hintay
ni Juan Takatak

Lumipas na ang mahabang panahon,
Tuluyan nang natapos ang ambon,
Ngunit nandito pa rin ako't pilit umaahon
Mula sa pait ng ating kahapon.

Tandang-tanda ko pa noong sinabi mo
Na 'Maghintay ka't darating ako'
Kaya't matiyaga akong nag-antay katulad ng sabi mo.
Ngunit walang dumating na ikaw kahit man lang anino.

Nakabisado ko na ang mga plaka ng mga kotseng nagdaraan
Memoryado ko na ang mga mukha ng mga tao sa lansangan
Dumikit na ang usok at amoy ng kalsada sa aking katawan
Ngunit 'di ka pa rin dumarating o dumadaan man lang

Hanggang ngayo'y nandito pa rin ako
Nagbabaka-sakaling maisipan mo
O kahit sumagi man lang sa isip mo
Na may naghihintay nga pala sa'yo.

Ngunit patawad kung dumating man ang panahon
Na lilisan na rin ako at tuluyang makakabangon,
Mas pipiliing mahalin ang ngayon
At tuluyan nang ibabaon sa limot ang noon.

At kung sakaling dumating ka,
At wala ka nang madatnan,
Sana maisip mo ang lahat ng sakripisyo kong inilaan,
At mayroon kang iniwan na hindi mo na binalikan.

Bago pa man kalimutan ng umaga,ang nagdaang gabi.Gusto ko sanang malaman mong,ikaw ang pinakapaborito kong panaginip. An...
20/01/2018

Bago pa man
kalimutan ng umaga,
ang nagdaang gabi.
Gusto ko sanang
malaman mong,
ikaw ang pinakapaborito
kong panaginip.
Ang pinakamasaya kong
dalamhati at,
pinakamalungkot kong dasal.
Ikaw ang laman ng librong
matagal ko nang hawak
ngunit hindi ko
binalak na buksan.

Dahil napagtanto kong
hindi ka lamang isang libro,
ika'y isang silid-aklatan.
Nananatiling nandyan
kung sakaling kailangan,
pero hindi mo naranasan
kung paano alagaan.
Isinilang para punan
ang kakulangan ng iba,
kahit batid mo sa sarili
mong kulang ka pa.

Patawad.
Kung masyadong matagal
ang ginawang pagpapahirap
sayo ng mundo.
Kung bakit sa haba ng panahon
ay hindi pa tayo
noon pinagtagpo.

Patawad.
Dahil alam kong
hindi naging madali
ang bawat araw.
At iba ang lamig
na dulot sa'yo ng gabi.
Mga palad mong
magaspang pa sa aspalto
kakapuyos para lang
itago yung galit mo sa dibdib.
Patawarin mo 'ko,
kung pinaghintay kita.

Pero sa pagsilang
ng bagong umagang ito.
Gusto kong malaman mong,
hindi ka na mag-iisa.
May mga araw na
malulungkot ka pero pangako,
hindi ka na mag-iisa.
Papatak ang luha
mula sa luntian mong
mga mata pero pangako,
hindi ka na mag-iisa.

Yayakapin kita,
Sa pinakamasasakit na dulot
ng mundong pareho nating
nilalabanan.
Kung sampung beses
tayong bumagsak,
Isang daang ulit pa kitang
sasamahan.
Aakayin kita,
Sa pinakamasasayang alaalang
isusulat nating dalawa.
Kung mapagod ka man
sa paghabi ng mga pahina.
Asahan mong aalayan kita
ng walang sawang saya.

Tumahan ka na.
Hayaan mong ilaan ko
ang mga luhang iyan sa
mga oras kung saan
pakakasalan na kita.
Dahil pinapangako ko sa'yong,
hindi ka na matutulog nang mag-iisa.

Siguro,
Makailang beses na rin kitang
nakasalubong sa daan.
Maaring minsan na kitang
nakasabay sa loob ng
pampublikong sasakyan.
Baka nga hindi na mabilang
kung ilang beses tayong nagkatitigan.
Kase kung kailan hindi kita hinahanap,
doon kita natagpuan.

Leroy Palaboy, Ferris Wheel

Address

Parañaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalye Thoughts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share