16/03/2024
🙏
March 15, 2024 — Matapos ang kanyang three-day working visit sa Germany, kinumpirma ni President Bongbong Marcos Jr. ang magandang balita na mag-iinvest ng P392.4 billion sa Pilipinas ang German company na WPD GmbH upang palawakin ang paggamit ng renewable energy sa ating bansa.
Ang WPD GmbH ang nangungunang German wind and solar developer at operator na naka-base sa Bremen, Germany. Kasalukuyan din itong nakikipagtulungan sa 29 pang mga bansa sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Layunin ng investment na ito na makapagpatayo ng offshore wind farms sa mga probinsya ng Cavite, Negros Occidental, at Guimaras.
Bukod dito, mayroon pang nakatakdang mga bagong solar, onshore, at offshore wind projects ang WPD GmbH sa bansa na nagkakahalaga ng ₱137B. Inaasahang makapagsu-supply ito ng tinatayang rated capacity na 1,662 MW para sa mga probinsya ng Aklan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Iloilo, Bulacan, Mindoro, at Antique.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Energy, nagpasalamat si Sen. Idol Raffy Tulfo kay PBBM dahil malaking tulong ang nalikom niyang investment upang tugunan ang kakulangan ng supply ng kuryente sa Pilipinas, gayundin ang mabuting implikasyon nito sa pagsusulong ng mas malinis na pagkukunan ng enerhiya sa gitna na mga nararansan nating banta ng climate change sa bansa.
Congrats, PBBM!