GO Parañaque

GO Parañaque Everything and Anything Paranaque!
(1)

"BASTA MAG ARAL KANG MABUTI"TINGNAN: Pinusuan ng mga netizens ang ibinahaging social media post ni content creator/entre...
29/01/2025

"BASTA MAG ARAL KANG MABUTI"

TINGNAN: Pinusuan ng mga netizens ang ibinahaging social media post ni content creator/entrepreneur Rendon Labador sa kanyang naging tugon sa mag-aaral na humingi ng kanyang tulong.

"Dati hate ko itong tao nato ngayon subrang proud ako dito🔥" komento ng isang netizen.

"Maangas ka sa social media pero may mabuting puso ka naman pla" dagdag pa ng isang netizen.

Source: Rendon Labador




CARLOS 🤝 ELDREW TINGNAN: Parehong nagkamit ng parangal sina two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo at kanyang kapati...
29/01/2025

CARLOS 🤝 ELDREW

TINGNAN: Parehong nagkamit ng parangal sina two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo at kanyang kapatid na Rising Olympian Star na si Karl Eldrew Yulo sa katatapos lang na 2024 Philippine Sportswriter Association Annual Awards.

Pinarangalan si Carlos Yulo ng PSA Athlete of the Year habang nakatanggap naman si Eldrew ng special citation award sa larangan ng gymnastics.

📸/Source: GMA News





ATTY. VIC RODRIGUEZ AT REP. ISIDRO UNGAB, NAGHAIN NG PETISYON SA KORTE PARA IPAWALANG BISA ANG IPINASANG 2025 BUDGETTING...
29/01/2025

ATTY. VIC RODRIGUEZ AT REP. ISIDRO UNGAB, NAGHAIN NG PETISYON SA KORTE PARA IPAWALANG BISA ANG IPINASANG 2025 BUDGET

TINGNAN: Naghain ng petisyon sa korte ang dating Campaign Manager at Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez kasama si 3rd District Representative Isidro Ungab upang mapawalang bisa ang ipinasang 2025 Budget.

"Ang mga 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎𝐑 at 𝐊𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀 na 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐓𝐎𝐋 sa pagpasa ng illegal, imoral at kriminal na 𝐁𝐈𝐂𝐀𝐌 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 ay kasabwat sa 𝐁𝐈𝐆𝐆𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐎𝐍𝐄𝐘 𝐇𝐄𝐈𝐒𝐓!" pahayag ni Atty. Vic Rodriguez sa kanyang social media post.

Matatandaang naging ma-anomalya ang Bicameral Report dahil sa mga blangkong nakalagay sa mga pahina nito. Ang tinatayang budget na ipinasa ay 𝐏𝟔.𝟑𝟓𝟐 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍 para sa taong 2025.

📸/Source: Atty. Vic Rodriguez




29/01/2025

NOEL MEETS PACMAN 🥊🕺🏻

PANOORIN: Game na game na nakipagkulitan at umindak si pambansang kamao Manny Pacquiao sa German Tiktoker na si Noel Robinson.

🎥: Noel, IG




A happy and prosperous Chinese New Year! ❤️💛
29/01/2025

A happy and prosperous Chinese New Year!
❤️💛




Shout out sa mga kabataan dyan! 🤙🏻
28/01/2025

Shout out sa mga kabataan dyan! 🤙🏻




"WALA AKONG NAKIKITANG PROBLEMA" – SEN. TULFOBASAHIN: Ngayong araw, nagbigay ng kanyang pahayag si Senator Raffy Tulfo t...
28/01/2025

"WALA AKONG NAKIKITANG PROBLEMA" – SEN. TULFO

BASAHIN: Ngayong araw, nagbigay ng kanyang pahayag si Senator Raffy Tulfo tungkol sa paglabag ng kanyang anak sa batas sa paggamit nito ng EDSA Busway.

“Pag hindi tumakas wala akong nakikitang problema. Pag hindi siya nang-abuso, hindi nagmura, WALA AKONG NAKIKITANG PROBLEMA,” pahayag ni Sen. Tulfo sa isang panayam.

“Inadmit naman niya, hindi naman siya nagsinungaling at nag-apologize siya so wala akong nakikitang problema doon as long as hindi siya tumakas, hindi siya gumamit ng plakang otso, which karapatan niyang gumamit pero hindi siya gumamit. It just shows na hindi siya abusado,” dagdag pa niya.

“Pinagalitan ko siya, pinagsabihan ko, pinagalitan ko…pinagalitan ko at nag-sorry siya sa akin ang sabi ko mag-apologize ka sa lahat and that’s it,” sabi pa ng Senador.

Muling nagpaalala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang maaari lamang gumamit ng EDSA Busway ay ang mga pampasaherong bus, ambulansya, mga elected leader ng bansa tulad ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President at Speaker ng House of Representatives at Chief Justice.

Source: ABS-CBN News




'BAYNTE KWATRO' 🌸❤️TINGNAN: Pinusuan ng mga netizens ang ibinahaging birthday photoshoot ni BINI Aiah nitong Lunes."MARA...
28/01/2025

'BAYNTE KWATRO' 🌸❤️

TINGNAN: Pinusuan ng mga netizens ang ibinahaging birthday photoshoot ni BINI Aiah nitong Lunes.

"MARAIAH QUEEN ARCETA 😍"

"UGGH SO GORGEOUSSSSS 😍😍"

"ANG GANDAAAAAA 😩❤️"

📸/Source: bini_aiah, IG




COMELEC, TARGET MATAPOS ANG PAG PRINT NG MGA BALOTA SA ABRILBASAHIN: Sa kabila ng mga nararanasang aberya, kumpiyansang ...
28/01/2025

COMELEC, TARGET MATAPOS ANG PAG PRINT NG MGA BALOTA SA ABRIL

BASAHIN: Sa kabila ng mga nararanasang aberya, kumpiyansang inihayag ng Commission on Election (COMELEC) na matatapos ang pag print ng mga balota sa target date nilang ika-14 ng Abril.

“Our original timeline is April 14, and we should still be finished by April 14. In case we have to make an adjustment, we will think about it later. But in the meantime, we must and at all costs, finish printing by April 14,” pahayag ni Comelec Chair George Garcia sa isang panayam.

Matatandaang pormal na inanunsyo ng COMELEC nitong Linggo na magpapatuloy na muli ang pag produce nila ng mga balota matapos nilang ibasura ang mga naunang printed ballots dahil sa mga nag withdraw at na-disqualified na mga kandidato ng Halalan 2025.

Source: INQUIRER




"MY SHINING SHIMMERING GOLDEN TWIN" 🐍TINGNAN: Umani ng nakatatawang reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging larawa...
28/01/2025

"MY SHINING SHIMMERING GOLDEN TWIN" 🐍

TINGNAN: Umani ng nakatatawang reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Robina Pe, President at CEO ng Robinsons Retail Holdings, Inc.

"You look so young n fresh with your twin!!" komento ng isang netizen.

"The myth lives on" dagdag pa ng isang netizen.

"Woah nasa fitting room ba yan?" hirit pa ng isang netizen.

Matatandaang usap-usapan noong 90's na mayroong kakambal na kalahating tao at kalahating ahas si Robina na nakatago sa fitting room ng nasabing department store.

📸/Source: Robina Pe




GMA AT ABS-CBN, MAGKAKAROON NG COLLAB PARA SA PBB CELEBRITY EDITIONTINGNAN: Ngayong gabi, inanunsyo ng ABS-CBN kasabay n...
27/01/2025

GMA AT ABS-CBN, MAGKAKAROON NG COLLAB PARA SA PBB CELEBRITY EDITION

TINGNAN: Ngayong gabi, inanunsyo ng ABS-CBN kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng Pinoy Big Brother ang pagkakaroon ng bagong proyekto nito kasama ang GMA Network.

"Together, Kapuso and Kapamilya stars will collaborate and create unforgettable moments inside the PBB house," pahayag ng ABS-CBN.

Sa bagong edisyon ng PBB itatampok ang mga talents mula sa Sparkle (GMA) at Star Magic (ABS-CBN).

Source: ABS-CBN News




MODERN JEEPNEY, IPINAKITA NG LTOPFITINGNAN: Nitong Linggo, ipinasilip na ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilip...
27/01/2025

MODERN JEEPNEY, IPINAKITA NG LTOPFI

TINGNAN: Nitong Linggo, ipinasilip na ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas Foundation, Inc. (LTOPFI) ang kanilang desisyo ng makabagong pampublikong dyip.

Ang dyip ay mas maluwag na espasyo at pupuwede ring makatayo ang mga komyuter, mayroon din itong aircon at tv at higit sa lahat ay mas mababa ang halaga nito kaysa sa mga ipoproduce ng gobyerno mula sa mga banyagang kumpanya.

Source: ABS-CBN News




PANUKALANG PAGPROTEKTA SA LAS PIÑAS-PARAÑAQUE WETLAND PARK, APRUBADO NA NG SENADOBASAHIN: Aprubado na ng Senado ang pagt...
27/01/2025

PANUKALANG PAGPROTEKTA SA LAS PIÑAS-PARAÑAQUE WETLAND PARK, APRUBADO NA NG SENADO

BASAHIN: Aprubado na ng Senado ang pagtatag ng tatlong kilometrong (3-km) buffer zone para sa pag protekta ng mga likas na yaman ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP).

Sisiguraduhin nang panukalang batas na LPPWP Protection Act of 2025 na mapangalagaan ang mga yamang likas tulad ng mga ibon, isda at marami pang ibang buhay nilalang mula sa banta ng mga isinasagawang Reclamation Project.

Source: Daily Tribune




📣 POWER INTERRUPTION ADVISORY ⚡📣BASAHIN: Makararanas ng Power Interruption ang ilang lugar sa Parañaque sa darating na M...
27/01/2025

📣 POWER INTERRUPTION ADVISORY ⚡📣

BASAHIN: Makararanas ng Power Interruption ang ilang lugar sa Parañaque sa darating na Martes, ika-28 ng Enero at Miyerkules, ika-29 ng Enero.

Ito ang mga sumusunod na lugar na maaapektuhan mula 10:00 p.m. ng January 28, 2025 hanggang 3:00 a.m. of January 29, 2025:

📌 Portion of Carlos P. Garcia Ave. (C-5 Road) from LBC Central Exchange to and including Bagong Parañaque Housing Subd., Global Compound, SM Asinan Warehouse Complex; Paranaque City Environment & Natural Resources (CENRO) Material Recovery Facilities (MRF), Homeworld Central Warehouse, Ace Hardware Warehouse, Watsons Warehouse and Airspeed Southwest Metro Manila Warehouse in Bgys. La Huerta and San Dionisio.

📌 Portion of Purok 7 Multinational Road from Multinational Ave. to and including Our Mother of Perpetual Help Village; and Purok 7 Multinational in Bgys. La Huerta and Moonwalk.

Ang mararanasang Power Interruption ay dahil sa isasagawang relocation ng mga pasilidad ng C5 Southlink Expressway Project sa Global Compound, Bgy. La Huerta, Paranaque City.

📸/Source: City Information Office - Parañaque City




27/01/2025

Hindi kumpleto ang childhood mo kung hindi ka na-prank ng ganito noon! 😆

🎥: Marilou Tuazon Dizon




26/01/2025
REST IN PEACE, MS. GLORIA ROMERO 🕊️BASAHIN: Ngayong Sabado, kinumpirma ng pamilya ni veteran actress Gloria Romero ang p...
25/01/2025

REST IN PEACE, MS. GLORIA ROMERO 🕊️

BASAHIN: Ngayong Sabado, kinumpirma ng pamilya ni veteran actress Gloria Romero ang pagpanaw ng aktres sa edad na 91.

Source: GMA News




"TO FORGET YOU IT'S HARD TO DO, IF YOU FORGET ME IT'S UP TO YOU"BASAHIN: Naantig ang damdamin ng mga netizens sa ibinaha...
24/01/2025

"TO FORGET YOU IT'S HARD TO DO, IF YOU FORGET ME IT'S UP TO YOU"

BASAHIN: Naantig ang damdamin ng mga netizens sa ibinahaging kuwento ni Rene Pilapil tungkol sa kanyang dating best friend at crush.

"Ang nasa larawan po ay ang aking kaibigan at Crush mula pa noong kabataan namin pero hindi ko po nagawang sabihin ang feelings ko para sa kanya dahil natatakot ako sa maging resulta ng aking gagawin kaya mas pinili kong manahimik para sa aming friendship" pahayag ni Rene.

"Muli kong nakita ang isa sa mga kaibigan namin noon at may inabot syang lumang larawan ng aking crush na may dedication para sa akin na matagal na raw nakatago lang sa kanilang lumang album," paglalahad pa niya.

Nung nabasa ko ang dedication nya para sa akin ngayon ko lang napagtanto na mayroon din pala syang pagtingin noon sa akin.. nakakapanghinayang kung iisipin pero ganun talaga ang kapalaran eh. Nakakalungkot lang dahil di ko na sya masisilayan o makamustahan man lang dahil matagal na pala syang namayapa," dagdag pa niya.

📸/Source: Rene Pilapil via Philippine Old Photos Collection




Address

BF Homes
Parañaque
1720

Website

http://gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Parañaque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Parañaque:

Videos

Share