16/12/2024
๐๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง
๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐, ๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12077 o Student Loan Payment Moratorium During Disasters Emergencies Act, kung saan kamรกnunulรกt si Cong. Marlyn L. Primicias-Agabas na nagbibigay diin sa hangarin at pangako niyang suportahan ang mga pamilya at estudyanteng apektado ng mga kalamidad.
Ang nasabing batas ay nagbibigay ng pinansiyal na kaluwagan sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa panahon at pagkatapos ng mga kalamidad sa pamamagitan ng pagsususpinde sa mga koleksyon ng pautang ng mag-aaral nang walang multa at interes.
โSa panahon ng sakuna, mahalaga ang espasyo ng paghinga upang makapagpagaling at muling buoin ang buhay ng mga estudyanteng apektado. Umaasa ako na sa pamamagitan ng batas na ito bukod pa sa pinansiyal na tulong na ipinagkakaloob ng ating tanggapan, mababawasan ang pinansiyal na pasanin ng ating mga mag-aaral habang sila ay nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral,โ saad ni Cong. Marlyn.
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Commission on Higher Education at sa Technical Education and Skills Development Authority na palawigin ang lahat ng uri ng tulong sa mga mag-aaral at tiyaking hindi makahahadlang sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral ang kahirapan sa pananalapi.