20/08/2024
💚💚💚
, Wave 2!
Ngayong araw, sinimulan na natin ang 2nd wave ng LABExpRess, ang ating regular na libreng medical check-up program para sa ating mga Lolo at Lola. Marami tayong na check-up noong unang wave at gusto kong siguraduhin na tuloy-tuloy ang pag-aalaga sa inyong mga kalusugan.
Katulad ni Tatay Nestor na bumaba na ang resulta ng FBS, Cholesterol at Uric Acid. Nakatutuwa pong malaman na kagaya ni Tatay Nestor, nababantayan natin ang kalusugan ng bawat Senior sa ating bayan. Kaya naman, nandito na ulit ang LIBRENG check-up para sa FBS, cholesterol, uric acid, ultrasound, chest X-ray, ECG at libreng gamot sa mga nangangailangan.
Itong follow-up check-up na ginagawa natin every six months ay mahalaga para masubaybayan ang inyong kalagayan at maagapan kung may kailangang tutukan.
Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog at masiglang Pandieño. Basta Senior, alaga ni Mayor.