22/03/2020
MGA RASON NG GUSTONG MAG-ARAL NG GITARA PERO WALA NAMAN TALAGA SA PUSO ANG PAGTUGTOG.
(c) thagsz
---paul b.
1) ANG HIRAP!
- lahat ng bagay mahirap sa umpisa, pero di ibig sabihin nun na di mo kaya.
2. WALA NAMAN KASI NAGTUTURO SAKIN!
- pwede ka matuto kahit wala nagtuturo sayo, di ka nag-iisa uy! Dami-dami jan natuto ng sariling sikap lang! Bumili ka ng songhits na may chord chart, pag-aralan mo yun , o kaya manuod ka ng tutorial sa Youtube at magresearch ka sa google!
3. EH PANO YAN? FREE DATA LANG KASI GAMIT KO DI AKO MAKAPAGYOUTUBE O KAYA GOOGLE?
- Edi magload ka para makapag-internet ka! O kaya magrent ka sa comshop, magdownload ka ng mga video tutorial sa youtube para pwede mo panuorin kapag nasa bahay ka lang. Icopy-paste mo ung mga tutorial sa google tapos ipa-print mo. Jusmiyo magkano lang magagastos mo dun! May pangload ka nga sa araw-araw pangcomputer lang di mo magawan ng paraan? XD
4. EH ANG HIRAP KASI SUNDAN NG SA VIDEO, DI KO MAINTINDIHAN, PATI YUNG SA GOOGLE PURO ENGLISH KASI.
- Di mo talaga maiintindihan kung di mo iintindihin, wag mo kasi basta panuodin o basahin, unawain mo din ng husto, kung kelangan ulit-ulit mo.
5. ANG HIRAP NAMAN, NAKAKAPAGOD
- walang tamad na natututo,
di ka pa nga nag-uumpisa pagod kana? Weak!
6. MAGANDA SANA KUNG MAY KA-JAM AKO PARA GANAHAN AKO
- kung gusto mo talaga tumugtog di mo na kelangan ng pampagana.
At may ka-jam man o wala matututo ka.
7. GUSTO KO TALAGA MATUTO PERO AYAW SAKIN NG GITARA!
- Unggoy! Isako kita eh! XD
bakit? Nagsalita ba ang gitara mo at sinabi sayong ..
'Hoy! ayaw ko sayo!' ??
Tumatakbo ba sya kapag hinahawakan mo?
Tumitiklop ba na parang makahiya yung mga strings nya kapag tinitipa mo?
Hindi nmn diba?
Ang music ay para sa lahat, hindi porke nahihirapan ka ay di na para sayo, it only takes time.
8. BUSY KASI AKO, WALANG TIME MAGPRACTICE
- kung gusto may paraan, time management lang! Kahit 30mins a day , malaking bagay na yun.
Impossible namang 24/7 dere-deretsong lagi kang may ginagawa, ano ka robot?
9. WALA KONG GITARA!
- Sa halagang 800 mkakabili kna ng Jr guitar, pwede kna magsimula dun. Napag-iipunan nman yan,
Nakakabili ka nga ng 5k plus na celpon at gadget, gitara pa kaya?
10. MASAKIT SA KAMAY! NAGKAKALYO AKO, PUMAPANGIT DALIRI KO, BAKA DI NA KO I-HOLDING HANDS NI MAHAL.
- natural! Kasama yun sa paggigitara xD palatandaan yan ng pagiging gitarista, hindi kahihiyan kundi karangalan ang symbolo nyan.
Kaya bago mag-aral maggitara , siguraduhin muna na passion nyo talaga.
Kase KUNG GUSTO MAY PARAAN, KUNG AYAW MARAMING DAHILAN!
Gets?