XFM Santiago

XFM Santiago This page delivers current news, issues, events, music/entertainment and information about health and wellness.
(1)

03/02/2025

XR**ED kasama sina KATROPANG DJ MOMMY SUGAR AT KATROPANG DJ BARBIE CHIU
(FEBRUARY 3, 2025)

Follow us on Youtube: https://www.youtube.com/.9santiago
Ang Programang ito ay hatid ng:














03/02/2025

π—˜π—«π—–π—Ÿπ—¨π—¦π—œπ—©π—˜ | Mariing nanindigan si City of Ilagan Mayor Jay Diaz na hindi nito kukunsintihin bagkus ay hahayaang gumulong ang imbestigasyon at hustisya ang huhusga sa sinumang opisyal ng lokal na pamahalaan na masasangkot sa iligal na gawain partikular ang may kaugnayan sa iligal na droga.

Ito ang pahayag ng Alkalde sa ekslusibong panayam dito ng XFM Santiago.

Kaugnay ito ng kinasasangkutan ng Punong Barangay ng Brgy. Sta. Isabel Sur na si Joseph Uy na nasakote sa illegal drug buy-bust operation nitong Linggo, Pebrero 2, kung saan bukod sa hinihinalang Shabu ay nasamsam pa umano sa Kapitan ang 9mm Armscor na kargado ng siyam na bala.

Sa pagtutok ng XFM Santiago sa kasong ito, patuloy na sinisikap na personal na makapanayam si PLtCol Jeffrey Raposas, Hepe ng PNP Ilagan para sa karagdagang detalye habang kasalukuyan pa ring nasa himpilan ng pulisya si Uy.

Maliban dito, si Uy ay dati nang may kinakaharap na kaso dahil magugunita na ito ang itinuturong suspek na bumaril sa lalaking nakaalitan nito sa inuman na naganap noong ika-13 ng Enero ng kasalukuyang taon.

Dahil dito, sinampahan ito ng kasong Frustrated Murder at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ngunit kalaunan ay nasawi ang biktima kaya't iniakyat sa kasong Murder na isinampa sa pamamagitan na ng regular filing.

03/02/2025

ABANGAN!!!!

Simulan ang araw mo with good vibes, tawanan, at kulitan kasama si DJ Barbie Chiu sa programang UMAGANG NAUGHTY πŸ’ƒπŸ”₯

πŸ“» Tune in Mondays - Fridays | 10AM - 11AM sa 104.9 XFM Santiago
πŸ“ž Text or call: 0917-823-7180

03/02/2025

𝐖𝐀𝐓𝐂𝐇 | π‹πˆπ•π„: XFM NEWS NATIONWIDE WITH KATROPANG GILBERT BASIO & AIZY PACALDO | FEBRUARY 3, 2025

𝗕𝗔π—₯ 𝗒π—ͺπ—‘π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—œπ—›π—”π—‘ π—‘π—š 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, 𝗕𝗔π—₯π—œπ—Ÿ 𝗔𝗧 π—•π—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬, π—§π—¨π—Ÿπ—¨π—¬π—”π—‘ π—‘π—”π—‘π—š π—žπ—œπ—‘π—”π—¦π—¨π—›π—”π—‘!SANTIAGO CITY- Sinampahan na ng ...
03/02/2025

𝗕𝗔π—₯ 𝗒π—ͺπ—‘π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—œπ—›π—”π—‘ π—‘π—š 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, 𝗕𝗔π—₯π—œπ—Ÿ 𝗔𝗧 π—•π—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬, π—§π—¨π—Ÿπ—¨π—¬π—”π—‘ π—‘π—”π—‘π—š π—žπ—œπ—‘π—”π—¦π—¨π—›π—”π—‘!

SANTIAGO CITY- Sinampahan na ng kaso ngayong araw Pebrero 3, 2025 ang isang lalaki na may -ari ng Bar na sinilbihan ng Mandamiento ng paghahahlughog sa bahagi ng Purok 5, Brgy. Mabini, Santiago City.

Ang suspek ay may alyas na "McCoy", 39 anyos, may asawa, negosyante, tubong Mindoro at pansamantalang nanunuluyan sa nabanggit na lugar.

Ngayong araw, nakatakdang kasuhan ang suspek ng palabag sa RA 10591 kaugnay sa nakuhang baril at bala sa pinaghihinalaan at palabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay sa nakuhang droga sa pagiingat nito.

Naging posible ang Search Warrant mula sa kautusan na ipinalabas ng hukuman mula sa ilang sumbong na pagpapakita di umano ng baril ng suspek sa lugar.

Pinangunahan ang pag-sisilbi ng Search Warrant ng mga kapulisan ng SCPO Station 4, CIU ng SCPO at City Mobile Force Company ng Santiago CPO.

Nakuha sa loob ng pag-aari nitong pwesto ang isang plastic tool box at plastic organizer na naglalaman ng isang unit ng Armstrong Pistol na may isang magazine at limang (5) bala ng caliber 45 na baril.

Nakuha pa sa loob ng Bar nito ang isang Replica ng Caliber 45 na baril, anim (6) na bala ng Caliber 9mm na baril, kinuha rin ang isang handbag at nadiskubre ang isang sachet ng shabu na may bigat na 3.8 gramo na nagkakahalaga ng P24,000.00.

Samantala, ipinasakamay naman sa mga magulang ang mga menor de edad na may edad sampu (10) at dalawang tatlong (3) taong gulang na bata na nakita sa lugar at napatunayang hindi nagtatrabaho sa lugar-inuman ayon sa mga tumugon na kasapi ng CSWD.

Nakatakda namang ipasakamay sa Santiago City Custodial Facility ang suspek pagkatapos maisumite sa piskalya ang kaso nito ngayong araw ng Lunes.

π—›π—”π—£π—£π—˜π—‘π—œπ—‘π—š 𝗑𝗒π—ͺ | Kasalukuyan ang pay-out ngayong tanghali, Pebrero 3, ng tulong pinansyal para sa halos 600 na To***co fa...
03/02/2025

π—›π—”π—£π—£π—˜π—‘π—œπ—‘π—š 𝗑𝗒π—ͺ | Kasalukuyan ang pay-out ngayong tanghali, Pebrero 3, ng tulong pinansyal para sa halos 600 na To***co farmers sa City of Ilagan bilang bahagi ng LGU sa koleksyon ng To***co Excise Tax.

Kasama pang ipinamamahagi ang bigas para sa magsasaka mula naman sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

πŸ“Έ XFM Santiago

π—₯π—˜π—¦π—§ π—œπ—‘ π—£π—˜π—”π—–π—˜ 𝗦𝗛𝗔𝗑 π—–π—”π—œπŸ•ŠοΈPumanaw na ang sikat na Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48. Kilala si Barbie sa ka...
03/02/2025

π—₯π—˜π—¦π—§ π—œπ—‘ π—£π—˜π—”π—–π—˜ 𝗦𝗛𝗔𝗑 π—–π—”π—œπŸ•ŠοΈ

Pumanaw na ang sikat na Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48.

Kilala si Barbie sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa pelikulang β€œMeteor Garden" na kinabaliwan ng maraming kabataang Pilipino.

Sumakabilang buhay ang aktres dahil sa sakit nitong Pneumonia.

π—›π—”π—£π—£π—˜π—‘π—œπ—‘π—š 𝗑𝗒π—ͺ | Ilang mga kuha ngayong umaga sa karaniwang eksena sa Ilagan City Hall tuwing Lunes matapos ang flag rais...
03/02/2025

π—›π—”π—£π—£π—˜π—‘π—œπ—‘π—š 𝗑𝗒π—ͺ | Ilang mga kuha ngayong umaga sa karaniwang eksena sa Ilagan City Hall tuwing Lunes matapos ang flag raising ceremony.

Dumadagsa ang mga residente ng siyudad sa tanggapan ni Mayor Jay Diaz para sa iba’t ibang isyu at mga cocnerns na kanilang inilalapit dagdag pa ang dumudulog para sa medical at financial assistance.

πŸ“Έ XFM Santiago

π—˜π—› π—•π—”π—žπ—” 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑 π—žπ—”π—¦π—œ π—žπ—”π—§π—₯π—’π—£π—”πŸ˜πŸ€”
03/02/2025

π—˜π—› π—•π—”π—žπ—” 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑 π—žπ—”π—¦π—œ π—žπ—”π—§π—₯π—’π—£π—”πŸ˜πŸ€”

π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—‘π—š, π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘, π—›π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—‘π—œ π—¦π—˜π—‘. π—œπ— π—˜π—˜ 𝗑𝗔 π— π—”π—žπ—œπ—£π—”π—šπ—§π—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—”π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 π— π—”π—œπ—ͺ𝗔𝗦𝗔𝗑 π—”π—‘π—š π—§π—˜π—˜π—‘π—”π—šπ—˜ 𝗣π—₯π—˜π—šπ—‘π—”π—‘π—–π—¬SANTIAGO...
03/02/2025

π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—‘π—š, π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘, π—›π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π—‘π—œ π—¦π—˜π—‘. π—œπ— π—˜π—˜ 𝗑𝗔 π— π—”π—žπ—œπ—£π—”π—šπ—§π—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—”π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 π— π—”π—œπ—ͺ𝗔𝗦𝗔𝗑 π—”π—‘π—š π—§π—˜π—˜π—‘π—”π—šπ—˜ 𝗣π—₯π—˜π—šπ—‘π—”π—‘π—–π—¬

SANTIAGO CITY- Inihayag ni Sen. Imee Marcos na malaki ang parte ng mga magulang, Sangguniang Kabataan (SK) at LGUs sa pagpapababa sa problemang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy sa bansa.

Sa ambush interview ng 104.9 XFM Santiago sa ginawang pagbisita ng senadora sa Cauayan City, Isabela, ibinahagi nito na batay sa datos ng World Bank, isa (1) sa sampung (10) teenager sa bansa ay buntis o mayroon nang anak at ito’y hindi lamang isang malaking problema kundi malaking epekto sa edukasyon at kinakabukasan ng mga kabataan.

Aniya, nais nitong bawasan ang naturang sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng bawat isa pangunahin na ang mga magulang, SK at bawal lokal na pamahalaan.

Dapat aniya na ang mga magulang ay tinuturan ng magagandang asal ang mga anak base sa kanilang edad lalo at bukas na sa publiko ang paggamit ng social media.

Mas mainam din na makialam ang SK sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng counselling sa mga kabataan.

Kinalampag din nito ang mga LGU, na maging istrikto sa pagpapatupad ng curfew hour at kaugnay sa pagbebenta ng mga nakalalasing na inumin na isa sa mga nagiging rason kung bakit tumataas ang kaso ng maagang pagbubuntis sa bansa.

Kaugnay nito, tutulong lamang ang DepEd, DOH at DSWD sa pagtuturo sa mga bata kung sakaling sila ay mabiktima ng teenage pregnancy.

SM Development Corporation (SMDC) and SM Supermalls are proud to support the National Museum of the Philippines (NMP) th...
03/02/2025

SM Development Corporation (SMDC) and SM Supermalls are proud to support the National Museum of the Philippines (NMP) through a landmark service donationβ€”the first of its kind in the museum’s history. Signed on January 31, the deed of donation covers the repair and maintenance of the National Museum of Natural History’s air conditioning system and marketing support to promote NMP’s mission of universal access for the next three years.
β€œThis is just the beginning of more partnership opportunities with the National Museum,” said Mr. Joaquin L. San Agustin of SM Supermalls. Through this collaboration, we aim to help preserve our national heritage and make arts and culture more accessible to all Filipinos.

Photos taken from the National Museum of the Philippines page.

03/02/2025

THE SECRETS OF HEALTH kasama sina KATROPANG DOC NED CASTRO at KATROPANG JV VIOLA
(FEBRUARY 3, 2025)

Ang Programang ito ay hatid ng:














02/02/2025

XPRESS BALITA LOKAL kasama si KATROPANG JIRO CRUZ
(FEBRUARY 3, 2025)

Ang Programang ito ay hatid ng:














02/02/2025

XCITINGG PILIPINAS! kasama si KATROPANG ALTHEA DELA CRUZ
(FEBRUARY 3, 2025)

Ang Programang ito ay hatid ng:














Happy Birthday, Katropang Jiro Cruz! πŸŽ‰Today, we celebrate not just another year of life, but also the hard work, dedicat...
02/02/2025

Happy Birthday, Katropang Jiro Cruz! πŸŽ‰

Today, we celebrate not just another year of life, but also the hard work, dedication, and kind heart that you share with the XFM Santiago Family. Thank you for the joy and energy you bring to everyone around you. May this year bless you with happiness, success, and all the love you truly deserve.

Celebrate this day to the fullest, because you truly deserve all the best life has to offer! Cheers to another year of greatness! πŸ₯‚πŸŽ‚β€οΈβ€

πŸ”₯ALL GAS, NO BRAKESπŸ”₯RAYMART BALDOVINO takes over with:πŸ€ 31 PointsπŸ€ 13 AssistsπŸ€ 16 ReboundsWho can match this energy? πŸ€πŸ’ͺ ...
02/02/2025

πŸ”₯ALL GAS, NO BRAKESπŸ”₯

RAYMART BALDOVINO takes over with:

πŸ€ 31 Points
πŸ€ 13 Assists
πŸ€ 16 Rebounds

Who can match this energy? πŸ€πŸ’ͺ


Address

Basilio Street, Barangay Mabini, Santiago City
Pagadian City
3311

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when XFM Santiago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to XFM Santiago:

Videos

Share