10/12/2024
๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐
Pagkamit ng pagkakapantay-pantay ang layon, iba naman ang resulta sa bansa ngayon. Batas ang nagpoprotekta pero mismong alagad nito ang lumalalabag at tinatapakan ang Karapatang Pantao. Sa muling paggunita ng Human Rights Day, tatanggapin na lang ba nating ang pagkatalo sa labanan ng karapatan sa bansa?
Ika-sampung araw ng Disyembre ginugunita ang International Human Rights Day sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights noong 1948. Layunin nitong buhayin ang diwa ng isang bansa sa paglaban sa karapatan at katarungan ng bawat indibidwal sa mundo. Lahat ay may karapatan sang-ayon sa batas subalit tila kabaliktaran ang ang natatamo ng mga tao.
Sa Pilipinas, Oktubre 28, itinaguyod ng Philippine Senate ang imbestigasyon ukol sa extrajudicial killings noong drug war sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulo, Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa mga kapulisan 6,000 drug suspects ang walang awang pinatay, ngunit batay sa pananaliksik ng iba't ibang Human Rights group ay doble ang bilang ng nasawi sa panahong iyon. Sa pagdinig sa senado, hindi maukit sa mukha ng dating pangulo ang takot at pagkakasala sa pag lagay ng hustisya sa kanyang sariling kamay. Hindi alintana ang halaga ng karapatang pantao na kanyang inubos sa bansang ito.
"Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do, and whether or not you believe it, I did it for my country," saad ni Duterte sa kanyang testimonya.
Sa mga salitang kanyang binitawan ay tanging nagpapakita na sariling gobyerno na inaasahan ng lahat na magtataguyod ng kaayusan ang siyang nang-aapi, kumukuha ng karunungan, at tumatapak sa bawat karapatan ng mamamayanan. Sa kanilang pananaw tila ba isang laro na lamang ang pagkitil ng buhay ng tao.
Sa muling paggunita ng araw na ito, himukin natin ang diwa na ipaglaban ang karapatan, katarungan, at pagkakapantay-pantay sa bansa lalong-lalo na sa buong mundo. Papalapit na ang eleksyon, huwag natin payagan na ang batas at karapatan ay paglaruan lang ng mga gustong umupo sa gobyerno at walang hangarin na protektahan at tulungan ang masang Pilipino.
Malapit na ang pasko, lahat ay humihiling na sana'y sila ay protektado, malayo sa pang-aapi at pang-aabuso. Totoong hawak pa ba natin ang ating sariling Karapatang Pantao o talo na tayo sa โlarongโ ginagawa ng gobyerno?
โ๏ธ Princess Xiarena Montealto
๐ป Kian Esposado