11/03/2026
❤️Finisher❤️
As I participated in the Girl Scout Fun run/ Marathon last Saturday in Calapn City, I realized SOMETHING so BIG🥹.
Nanay na nga pala ako.
Hindi dahil sa nakalimutan ko ang pagiging ina,
Hindi rin dahil sa nabusy na lang ako sa aking mga ginagawa
At hindi rin dahil sa si daddy ang nagpapaka nanay sa mga anak kapag malayo ako
Pero dahil…
Hindi na nga pala tungkol sa akin at para sa akin ang lahat.
Nasanay ako mula na pagkabata, ako ang iniintindi ni mama, hanggang magka asawa, at hanggang magka anak, maraming araw ang nasa mama ko ang mga bata, at akoy gumagawa at nagtatrabaho ng dapat kong gawin (na of course, para din sa kanila). I hope you get what I mean🤭.
Pero as i sat on the cold bench after reaching the finish line, tumutulo ang luha ko kasabay sa aking pawis na pagkatagal di man lang naranasan (dahil malimit nakaupo lang). Bakit?
Kase, noong una, nung pinatakbo kami, magka kapit kamay kami ni baby JJ ko, masaya, nasa unahan kami, pero nung may lumapas sa amin na grupo ng mga bata, gusto ni JJ na masabayan o maunahan sila… Competitive siya, kase gusto daw niya manalo.
Pinatakbo ko siya, mabilis siya, at ako, hingal na at masasakit na agad ang katawan.
Tumitigil siya para hintayin ako, pero sumisigaw ako
“Go nak! Takbo ka lang, huwag mo akong hintayin”🥺
Hinahabol ko siya dahil baka kako mawala o kaya kailanganin niya ang tubig🥹 pero hindi ko talaga kayang abutan, pinipilit ko makahabol, pero parang siya ang nagbaagal na lang para d ako maiwan🥹
Tuwing papasok siya ng kanto, lilingunin muna niya ako at hihintayin ang signal ko na tumakbo siya.
At nang makarating na, hindi siya ang nauna. Pero masaya siya. Masaya rin ako.
Nabigyan din naman kami ng medal dahil finisher kami🥰🤭
After ko maupo, binalikan ko ang nga pangyayari ilang minuto lang ang naaraan noon.
Pwede sana siya manalo kung di lang niya ako hinihintay, kung sana kaya ko pa sumabay sa mabilis na pagtakbo.
Pero naisip ko, ito marahil ang punto na dapat marealize ko na ako na ang nanay ngayon, at kailangan kong suportahan ng higit ang aking mga anak kesa sa aking mga goals.
I’m at the middle of my life span siguro, at ang nag sink in sa akin, yes, i have my life, mapalad na may nanay pa rin kaya feel ko, bata pa rin ako na chinicheer ng mama ko sa lahat ng mga endeavors ko.
Pero mas bigyan ko na dapat ng panahon ang mga anak ko sa mga goals nila sa buhay,mas madevelop sila tulad ng nangyari sa akin dahil na rin sa support ng parents ko.
At sa pag takbo nayun, narealize ko na, oo, nanay na ako, at mapagod man at manakit ang lahat sa akin, tutuloy ako para suportahan ang mga anak ko. Magkasama kami ng asawako.
Tutuparin ang kanilang pangarap
Sasamahan sila at patitibayin
Ilalapit sa Panginoon at bibigyan ng pahalaga nararapat
Nauna na kami, ngayon ay panahon naman nila
Malabo man ang bukas, ngunit hindi na ako nataakot sa bukas
Dahil alam kong may Diyos na buhay na naghahawak ng LAHAT.
At sa puntong ito, nagpapasalamat ako na ako ay isang babae, isang ina, isang lingkod ng Diyos, at may mga anak na silang hinabikin sa akin, upang sumunod sa aming yapak, ngunit malaya kung anuman ang nais nilang matahak, BASTA SA MABUTI.