28/12/2025
Sinabi ng Panginoong Jesus, Ang Ama daw po ay ISA lang, at siya ay nasa langit..
Mateo 23:9 Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit.
Sino ang Diyos ng Panginoong Jesus?
Juan 20:17 Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”
Sinabi ng Diyos: "AKO LAMANG ANG DIYOS AT MALIBAN SAAKIN AY WALA NG IBA"
Isaias 46:9 Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba.
Sinabi ng Diyos: " WALANG NAUNA AT WALA RING PAPALIT"
Isaias 43:10 Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit.
Sinabi ng Diyos:"SAPAGKAT AKO'Y DIYOS AT HINDI TAO"
Oseas 11:9 Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking p**t; Hindi ko na muling sisirain ang Efraim. "SAPAGKAT AKOY DIOS AT HINDI TAO" , ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin
Sinabi ng Panginoong Jesus
Juan 8:40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
Sinabi ng Panginoong Jesus
Juan 4:24 Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”
TANONG: ANG PANGINOONG JESUS PO BA AY DIYOS? 🇮🇹