KFive Zambales Digital News

KFive Zambales Digital News The home of Accurate and Informative News Online

BARANGAY OFFICIALS, HALIGI NG LOKAL NA PAMAMAHALA SA PINASKinilala ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa Pil...
23/11/2023

BARANGAY OFFICIALS, HALIGI NG LOKAL NA PAMAMAHALA SA PINAS

Kinilala ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa Pilipinas, sa isinagawang pag-aaral ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong.

Sa isang survey na ginawa mula Nobyembre 3-10, 2023, nasa 70% ang nagpahayag ng kasiyahan sa kontribusyon ng mga brgy. officials sa istraktura ng pamamahala ng Pilipinas, na binibigyang-diin ang kanilang kahalagahan sa pagtugon sa mga pangangailangan at inaasahan ng komunidad.

Sa isang mahalagang pag-endorso sa liderato sa sektor na ito, si Eden Chua-Pineda, Pambansang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, ay nakatanggap ng malakas na suporta mula sa mga opisyal ng barangay sa buong bansa.

Bukod dito, ang papel ng mga opisyal ng barangay ay umaabot sa pagiging mga unang tumutugon sa mga natural na sakuna at emerhensiya, na malaki ang kontribusyon sa pagbabawas ng panganib at pagpapagaan ng pinsala. Mahalaga rin ang kanilang papel sa pagpapalakas ng lokal na pag-unlad ng ekonomiya, pagsuporta sa maliliit na negosyo, at paglikha ng mga pagkakataon sa trabaho sa antas ng komunidad.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

ANTI-POVERTY CHIEF: GOBYERNO ON TRACK SA LABAN VS KAHIRAPAN, GUTOM Ang resulta ng isang recent survey na nagbanggit ng b...
23/11/2023

ANTI-POVERTY CHIEF: GOBYERNO ON TRACK SA LABAN VS KAHIRAPAN, GUTOM

Ang resulta ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.

Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos iulat ng OCTA Research na mahigit 1.3 milyong pamilya ang nakaraos sa gutom, samantalang 1 milyong pamilya naman ang umangat mula kahirapan.

Sinabayan pa ito ng targeted na ayuda sa mga namamasada ng pampublikong sasakyan at pagbuhos ng production support tulad ng abono and binhi sa mga magsasaka.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Matatandaan na naharap ang bansa sa samu’t saring krisis tulad ng El Niño at nakaambang pagtaas ng presyo ng langis at bigas.

Ngunit sa kabila nito, tumaas nang 5.9% ang Gross Domestic Product ng Pilipinas at bumagsak sa 4.9% ang inflation.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

7 PANG TESTIGO BABALIKTAD PABOR KAY DE LIMAIlan pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lim...
23/11/2023

7 PANG TESTIGO BABALIKTAD PABOR KAY DE LIMA

Ilan pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.

Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahaag ng kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206:

* Germa Agoyo
* Tomas Doñina
* Jaime Patcho
* Wu Tuan Yuan (alyas Peter Co)
* Engelberto Durano
* Jerry Pepino
* Hans Anton Tan

Aniya, ipinapahiwatig nila ang kagustuhang mag-"recant" matapos makaranas ngmatinding pagbabanta.

Sa kabila nila, wala silang pinangalanan na pumwersa sa kanila para idiin ang dating mambabatas.

Aniya, isa ang pananaksak sa New Bilibid Prison noong 2016 sa mga patunay na humarap sila sa matinding peligro.

Ilan sa mga naunang recantations ng ilang testigo sa mga kaso ni De Lima ay ginawa matapos isiwalat na "pwinersa at tinakot" sila ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Itinatanggi ng kalihim ang paratang.

Si Aguirre ay tumayong kalihim noon ng Department of Justice sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kilalang kritiko ng madugong gera kontra droga at "human rights abuses" ng dating presidente si De Lima.

Oktubre lang din nang bawiin nina Rodel Magleo at Nonino Arile ang kanilang mga paratang kay De Lima matapos "makonsensya."








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

MGA PINOY KABILANG SA MGA BIHAG NA HAWAK NG MGA REBELDE MULA YEMENHalos 20 Pilipinong mandaragat ang binihag ng grupong ...
23/11/2023

MGA PINOY KABILANG SA MGA BIHAG NA HAWAK NG MGA REBELDE MULA YEMEN

Halos 20 Pilipinong mandaragat ang binihag ng grupong Houthi mula Yemen matapos pasukin ng huli ang isang cargo ship sa timog bahagi ng Red Sea, pagkukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkules.

Ayon pa kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, posibleng may koneksyon daw ang naturang aksyong ito sa digmaang nangyayari sa pagitan ng mga militanteng Palestino at Israel.

Sinasabing kaalyado ng mga Houthi ang Hamas at gobyerno ng Yemen, maliban pa sa paminsan-minsang pakikipag-kaibigan sa Rusya. Patuloy ang pakikipagbakbakan ang Hamas atbp. Palestinian groups sa Israel, na kilalang iligal na umookupa sa naturang estado, ayon na rin sa United Nations.

Gayunpaman, umaasa ang DFA na tutupad sa usapan ang mga hostage-takers na wala silang sasaktang banyagang bihag.

Naganap naman kahapon ang isang pagpupulong kasama ang Malacañang para mapag-usapan kung paano magandang harapin ang sitwasyon.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

BAHA SA N. SAMAR, UMABOT HANGGANG BUBONGUmabot na hanggang sa bubong ng mga bahay ang baha sa Northern Samar nitong Mart...
23/11/2023

BAHA SA N. SAMAR, UMABOT HANGGANG BUBONG

Umabot na hanggang sa bubong ng mga bahay ang baha sa Northern Samar nitong Martes, Nobyembre 21, dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Base sa mga larawang ibinahagi ng netizen na si Agnes R Tawi mula sa Catarman, Northern Samar, sa kaniyang Facebook post, makikita ang taas ng tubig-baha na umabot sa bubong ng ilang mga kabahayan.

Makikita rin sa mga larawan ang paglikas ng mga awtoridad sa mga residente dahil sa pagtaas ng tubig.

Samantala, nagbahagi rin ang alkalde ng San Roque, Northern Samar na si Mayor Don Abalon sa isang Facebook post ng mga larawan ng kalagayan ng kalsada sa lugar nitong Martes, dakong 11:20 ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na nagdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang shear line o ang banggaan umano ng mainit at malamig na hangin sa Visayas.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

BATAAN LAWMAKERS VOTE 'NO' TO PHILIPPINE NATIONAL NUCLEAR ENERGY SAFETY ACT      👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clini...
23/11/2023

BATAAN LAWMAKERS VOTE 'NO' TO PHILIPPINE NATIONAL NUCLEAR ENERGY SAFETY ACT








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
via IMPACTPH

MGA VIETNAMESE, NASAGIP SA LUMUBOG NA CARGO VESSEL SA PALAWANNasa 17 tripulanteng Vietnamese ang nasagip ng Philippine C...
23/11/2023

MGA VIETNAMESE, NASAGIP SA LUMUBOG NA CARGO VESSEL SA PALAWAN

Nasa 17 tripulanteng Vietnamese ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) sa sinasakyang papalubog na barko sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan.

Sa report ng Coast Guard, patungo na sana sa Cagayan de Oro ang cargo vessel na Viet Hai Star, lulan ang 4,000 tonelada ng bigas mula sa Ho Chi Minh City, Vietnam, nang sumadsad ito 810 yarda na lamang ang layo mula sa Balabac Port nitong Nobyembre 21 ng gabi.

Napansin din ng mga tripulante na nabutas ang kanang bahagi ng barko kaya’t nagpasaklolo sila sa PCG at PNP-MG na agad na nagsagawa ng joint search and rescue operation.

Nasagip ang 17 Vietnamese bago pa mapuno ng tubig ang harapang bahagi ng barko daking 9:45 ng gabi ng Nobyembre 21.

Sinabi ng PCG na palubog na ang barko nang i-monitor nila ang sitwasyon nito dakong 9:21 ng umaga ng Miyerkules.

Maayos na ang kalagayan ng 17 Vietnamese, ayon sa PCG. Patuloy pa ring iniimbestigasyon ng PCG ang insidente.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

HIGIT 81,000 PAMILYA, INILIKAS DAHIL SA PAGBAHA SA BANSAMahigit na sa 81,000 pamilya ang inilikas dahil sa matinding pag...
23/11/2023

HIGIT 81,000 PAMILYA, INILIKAS DAHIL SA PAGBAHA SA BANSA

Mahigit na sa 81,000 pamilya ang inilikas dahil sa matinding pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Martes dulot ng shear line at low pressure area (LPA).

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong pamilya na katumbas ng 307,087 indibidwal ay mula sa 503 barangay sa limang rehiyon — Calabarzon (Region 4A), Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas at Caraga.
Kasama sa nasabing bilang ang halos 400 residente na inilikas dahi sa pagbaha sa Catarman, Northern Samar.

Sinabi ng PCG, ang mga evacuee sa Catarman ay binubuo ng humigit-kumulang 80 pamilya mula sa Barangay Macagtas, Brgy. Molave, Brgy. Yakal, Brgy. Narra at Brgy. Ipil-ipil sa Catarman.

Idinagdag pa ng Coast Guard, 24 oras silang naka-standby upang makatulong pa sa mga residenteng apektado ng naturang kalamidad.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

BANGKA TUMAOB SA CAMIGUIN ISLANDNailigtas ng mga awtoridad ang siyam na pasahero at limang tripulante nang tumaob ang is...
22/11/2023

BANGKA TUMAOB SA CAMIGUIN ISLAND

Nailigtas ng mga awtoridad ang siyam na pasahero at limang tripulante nang tumaob ang isang bangkang de-motor sa Camiguin Island kamakailan.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules, Nobyembre 22, ang insidente ay naganap sa Ensenada, Barangay Naguilian, Camiguin nitong Lunes, dakong 11:30 ng umaga.

Naiulat na patungo na sana sa Aparri, Cagayan ang MB AGALEXA 02, sakay ang siyam na pasahero at mga tripulante mula sa Brgy. Balatubat, Camiguin nang hampasin ito ng malalaking alon dahil sa sama ng panahon

Matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operations (SRO) ang PCG, sa tulong ng MB St. Peter at MB Carl Jansam at nasagip ang mga pasahero.

Wala umanong permiso sa PCG ang naturang bangka upang lumayag dahil sa ipinaiiral na gale warning sa coastal parts ng Northern Luzon, kabilang na ang Camiguin Island.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

MAG-ASAWA, HULI SA ₱3.4 MILYONG SHABU SA CAVITENatimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawang uma...
22/11/2023

MAG-ASAWA, HULI SA ₱3.4 MILYONG SHABU SA CAVITE

Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawang umano’y sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs sa Metro Manila at Bulacan sa anti-drug operation sa Trece Martires, Cavite nitong Martes ng gabi.

Pinipigil na sa PDEA Pampanga Provincial Office ang dalawang suspek na sina Aljune Mangulamnas at Aida Mangulamnas, kapwa taga-Trece Martires, Cavite.

Sa paunang ulat ng PDEA, dinampot ang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Pampanga, PDEA Cavite at Trece Martires Police sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires.

Nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon ang nasamsam sa mag-asawa.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.








👉Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar

Maaari ring umorder thru Shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

Jack Solano | November 23, 2023

DAILY BIBLE VERSEBe patient, then, my brothers, until the Lord comes.See how patient a farmer is as he waits for his lan...
22/11/2023

DAILY BIBLE VERSE

Be patient, then, my brothers, until the Lord comes.
See how patient a farmer is as he waits for his land
to produce precious crops. He waits patiently for
the autumn and spring rains.

James 5:7

DAILY PRAYERLord Jesus,Hear our prayer and reveal your hand in our days. May those thingsbe done that bring your future ...
22/11/2023

DAILY PRAYER

Lord Jesus,
Hear our prayer and reveal your hand in our days. May those things
be done that bring your future nearer and that let the world see you
as the Savior who can lead us to our Father. Bless your Word within
us. May our hearts be strengthened, and may we always live in your
presence. We draw our life from your Word, from your promise, and
we set our hope on you, our Lord and Savior. Show your might, Lord
Jesus, and carry out the will of God over all the world, so that we
may rejoice when we see God's glory appear and his will being done
on earth as in heaven.
Amen.

JULIA, NILAYASAN NI BABY SYLIVIOKahit isang taon lang si Baby Sylvio, masasabing the toddler already has an ear for musi...
22/11/2023

JULIA, NILAYASAN NI BABY SYLIVIO

Kahit isang taon lang si Baby Sylvio, masasabing the toddler already has an ear for music.

Si Baby Sylvio ay ang anak ni Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Eh, paano ba namang hindi magkakaroon ng tenga sa musika ang bagets, biritera ang ina?!

But the child knows kung ang pinakikinggan niya’y musika nga bang matatawag.
Viral ngayon ang video kung saan may bonding moment sina Julia Montes at Baby Sylvio.

Kung hindi kami nagkakamali, kuha ‘yon sa bakasyon nina Coco Martin at Julia sa Italy.

Nagkataong naroon din si Angeline with Nonrev and her son.

Sa video, makikitang Julia took a sitting position (nang walang inuupuang silya) facing Baby Sylvio para magka-level sila.

Once settled, binirahan na ng pag-awit ni Julia ng: “My toes, my knees, my shoulders, my head.”

With matching pagmumuwestra pa ni Julia using her hands.

Tahimik at seryosong nakatingin lang ang bagets kay Julia.

Pero nagpauna na ang aktres: “O, hindi ganoon kaganda ang boses ko tulad ng mommy mo, ha?”

Mukha namang naintindihan ni Baby Sylvio ang sinabi ni Julia na in fairness ay hindi naman sintunado.

But she didn’t sound like a professional singer either.

Hayun ang bagets, bigla na lang naglakad papalayo kay Julia!

Mapapansing ikinagulat din ‘yon ng aktres.

Maraming netizens ang naaliw sa viral video na ‘yon na in-upload din ni Angeline on her Instagram page.

In a sense, feeling napahiya ang mga netizens para kay Julia na todo effort pa manding kumanta pero lalayasan lang pala ng kinantahan niya!

📸Ronnie Carrasco III






HIGIT P11M TULONG NAIPAMAHAGI NG DSWD SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAONaibigay na ng Department of Social Welfare an...
22/11/2023

HIGIT P11M TULONG NAIPAMAHAGI NG DSWD SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

Naibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa P11 milyong halaga ng tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.

Nakatanggap ang mga benepisaryo ng food packs sa munisipalidad ng Don Marcelino at Sarangani sa Davao Occidental habang may 2,800 food boxes naman ang naipamahagi sa bayan ng Glan, at General Santos City sa Sarangani.

Nagbigay din ng pinansiyal na tulong sa 2,317 residente mula sa bayan ng Glen at Malapatan, at General Santos City.

“The DSWD remains steadfast in our mission to provide timely and efficient assistance to communities affected by the earthquake,” ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez.

“Food packs and other essential items have been strategically prepositioned and are ready for immediate distribution,” dagdag na wika nito.

Samantala, makikita sa pinakabagong datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa siyam ang naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes.

Ayon sa NDRRMC, walo sa naiulat na nasawi ay mula sa Soccsksargen at isa naman sa Davao Region.

Umabot naman sa 15 indibidwal ang naiulat na sugatan.

May kabuuang 12,885 indibidwal o 2,489 pamilya sa 43 barangay sa Soccsksargen at Davao ang apektado ng lindol.

Napinsala rin sa lindol ang 826 tahanan—729 partially at 97 totally—maging 118 imprastraktura, base sa NDRRMC.

Apektado rin dito ang kabuhayag ng 50 magsasaka at mangingisda sa Soccsksargen.
Naibalik naman ang power supply sa 21 apektadong lugar.

Dahil sa lindol, suspendido ang 14 klase at limang work schedules.

Naipaabot naman ang P11,612,558 tulong sa mga biktima, ayon sa NDRRMC.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo (PH time) ang Philippine government officials na tiyakin ang patuloy na pagbuhos ng relief efforts para sa mga biktima ng nasabing lindol.

📸Kris Jose






DOTR NAIS MAKIPAGPULONG SA TRANSPORT GROUPSInihayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes na nais nitong m...
22/11/2023

DOTR NAIS MAKIPAGPULONG SA TRANSPORT GROUPS

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes na nais nitong makipagdayalogo sa transport groups, partikular sa PISTON, upang itama ang ilang “misconceptions” sa jeepney modernization program ng gobyerno, na ugat ng umiiral na 3-day transport strike.

Sinabi ni Transport Secretary Jaime Bautista na laging bukas ang linya ng komunikasyon ng ahensya sa transport groups na maaaring mayroong “misconceptions” ukol sa PUV modernization program.

“I still believe we can resolve the issues through honest communication. We have been fine tuning the program according to the voices of transport groups,” ani Bautista.

Sinabi pa ni Bautista na nakipag-ugnayan siya kay PISTON president Mody Floranda.
Ikinasa ng PISTON ang three-day transport strike upang tutulan ang nagbabadyang deadline para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Utility Vehicles Modernization project.

Inilahad ni Floranda na nakausap nila si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Teofilo Guadiz III, na pumayag na busisiin ang kanilang proposals at magpulong sa katapusan ng buwan.

“Magkakaroon kami ng konsultahan sa aming mga lokalidad kung ano ang magiging desisyon at dito sa NCR at mga rehiyon, ay itutuloy ang ating pagkilos… Tayo ay nagpapasalamat kay Chairman Guadiz na bukas sa kahilingan ng ating mga driver, ang kailangan lang po natin ay mayroong masusing panghahawakan ang mga driver at operator,” wika ni Floranda.

Nauna nang iginiit ni Bautista na hindi magkakaroon ng phase-out hangga’t ang jeepney units ay roadworthy pa.

Sinabi naman ng MMDA na magpapatuloy ang number coding scheme ngayong Martes.

📸RNT/SA






DNA RESULTS SA CATHERINE CAMILON CASE ISINIWALAT NG PNPNakuha na ng mga pulis ang resulta ng DNA test sa hair at blood s...
22/11/2023

DNA RESULTS SA CATHERINE CAMILON CASE ISINIWALAT NG PNP

Nakuha na ng mga pulis ang resulta ng DNA test sa hair at blood samples na natagpuan sa abandonadong sasakyan na iniuugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Batay sa resulta, kumpirmado umanong isinakay sa inabandonang pulang SUV ang nawawalang beauty queen matapos na mag-match sa DNA profile ng kanyang mga magulang ang dugo at buhok na nakita sa naturang sasakyan.

“Hair strands at blood na nakita dun sa sasakyan ay nag-match dun sa DNA profile na binigay ng magulang ni Ms. Catherine Camilon,” pahayag ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Romeo Caramat Jr. sa ulat nitong Lunes.

“’Yung mga witness natin ay di nagsisinungaling. There is a corroborative evidence na talagang nakita nilang babae na binubuhat ng mga suspek natin ay certainly si Ms. Camilon,” ayon sa opisyal.

“Mas bumigat yung kaso na sinampa natin doon sa mga suspek dahil nagtutugma ‘yung mga sinabi ng mga witnesses natin,” patuloy niya.

Inihayag pa niya na patuloy pa rin ang paghanap ng forensic evidence laban sa mga suspek.

“Our PNP forensic chemists are trying to examine para makapag-lift ng finger prints para i-match dun sa mga nasampahan natin mga suspects,” wika ni Caramat.

Nauna nang inihayag ng PNP na mapaiigting ng match sa pagitan ng samples na nadiskubre sa abandonadong sasakyan at pamilya ni Camilon ang kaso laban sa mga kasalukuyang suspek.

Natagpuan ng mga awtoridad ang posibleng blood samples at hibla ng buhok mula sa isang SUV na inabondona sa Barangay Dumuclay, Batangas City. Iniuugnay ang nasabing sasakyan sa paglaho ng beauty queen.

Dinala ang sasakyan sa Batangas Provincial Police Office upang sumailalim sa forensic tests, ayon sa mga pulis. Natukoy na rin ang rehistradong may-ari nito.

Kamakailan ay lumitaw ang dalawang testigo at sinabing nakita nila si Camilon na duguan jabang inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa isa pa noong October 12.

Inihayag pa ng mga testigo na nakita nila ang isa sa persons of interest na tinutukan pa sila ng baril. Sinasabing ang gunman ay ang personal driver ng ikalawang person of interest.

Naghain na ng kidnapping at serious illegal detention complaints laban sa apat na suspek na kinilalang sina Police Major Allan de Castro, Jeffrey Magpantay, at dalawang John Does.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa P250,000 ang pabuya para sa impormasyon sa lokasyon ni Camilon, kung saan nanggaling ang ponsol mula kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, Presidential Anti-Organized Crime Commission, at sa business sector.

Batay sa mga awtoridad, nakipag-ugnayan ang isang matalik na kaibigan ni Camilon sa kanyang kapatid na si Chin-chin, at isiniwalat sa kanya ang umano’y relasyon sa pagitan ng nawawalang beauty queen at isang pulis.

Si De Castro umano ang katkatagpuin ni Camilon sa araw ng kanyang pagkawala, na itinanggi ng pulis. Binigay din umano niya kay Camilon ang sasakyan kung saan siya nakita nang umalis siya ng bahay.

Pansamantalang inalis sa pwesto ang nasabing pulis habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon. Isinailalim din siya sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit.

Samantala, nahaharap ang dating may-ari ng sasakyan ni Camilon, na gumamit umano ng pekeng address sa deed of sale ng sasakyan, sa carnapping at estafa complaints.

Noong October 16, nag-post si Chin-chin sa social media upang humingi ng tulong sa netizens sa paghahanap sa kanyang kapatid. Limang araw matapos ang kanyang social media post, idineklara si Camilon na “missing person.”

Batay sa CCTV footagena kuha noong October 12, nakita ang sasakyan ni Camilon na dumaan sa ilang bayan sa Batangas. Anang mga pulis, tila hindi siya nag-iisa.

Si Camilon ang kinatawan ng Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.

📸RNT/SA






EXOTIC PETS NABUKING NG BOC-NAIA SA POSTAL ITEM!Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International...
22/11/2023

EXOTIC PETS NABUKING NG BOC-NAIA SA POSTAL ITEM!

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga misdeclared na “exotic pests” mula sa Thailand sa Sub-Port of Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Nobyembre 13, 2023.

Nabatid sa BOC na sa pamamagitan ng mahigpit na pag-screen ng mga postal item, kabilang ang x-ray scan at masusing pisikal na pagsusuri, nadiskubre sa isang parsela na naglalaman ito ng 50 nakatagong piraso ng mga isopod, mga invertebrate na kabilang sa mas malalaking crustacean, na lahat ay misdeclared bilang candy.

Ang mga nasabing exotic pests ay kinumpiska dahil sa kawalan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry, paglabag sa Plant Quarantine Law of 1978 (PD 1433) at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“The Bureau of Customs pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders against threats, including exotic pests, through strict border controls and reforms,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

📸JAY Reyes






PLENARY DEBATES SA P5.768T 2024 NATIONAL BUDGET NATAPOS NA NG SENADONatapos na ng Senado nitong Martes ng umaga ang plen...
22/11/2023

PLENARY DEBATES SA P5.768T 2024 NATIONAL BUDGET NATAPOS NA NG SENADO

Natapos na ng Senado nitong Martes ng umaga ang plenary deliberations saproposed P5.768 trilyong national budget para sa 2024.

Natapos ang sesyon nitong Martes, alas-4:50 ng umaga.

Kabilang sa mga tinalakay sa Senate plenary deliberations ang pagkalos sa panukalang confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education para sa 2024.

Kabilang pa sa mga ahensya na binawi ang hirit nila para sa kontrobersyal na pondo ang Department of Finance at Department of Information and Communications Technology.

Samantala, binawasan naman ang confidential funds ng Office of the Ombudsman at ng Department of Justice.

Binusisi ng Senado ang 2024 spending plan sa loob ng siyam na araw.

Matapos ang debate, ilalatag ng Senate finance committee, pinamumunuan ni Senator Sonny Angara, ang amendments sa General Appropriations Bill (GAB).
Susundan ito ng second at third reading approval.

Matapos ito ay magpupulong ang Senador at Kamara sa bicameral conference upang i-reconcile ang hindi tugmang probisyon ng bersyon ng proposed 2024 national budget ng mga Kapulungan.

Ang huling yugto ay ang pagratipika sa pinal na bersyon ng GAB sa Kamara at Senado upang maipadala na ito sa Malacañang para sa pagbusisi at pag-apruba ng Pangulo.

📸RNT/SA






DOH NAKAPAGTALA NG 1,210 BAGONG COVID-19 CASES MULA NOB. 14 'GANG 20, 2023Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,210 bagong COVI...
22/11/2023

DOH NAKAPAGTALA NG 1,210 BAGONG COVID-19 CASES MULA NOB. 14 'GANG 20, 2023

Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,210 bagong COVID-19 cases mula November 14 hanggang November 20, 2023, ayon sa Department of Health.

Batay sa ulat, mas mataas ito ng 7% kumpara sa 1,132 bagong kaso na naiulat sa nakalipas na linggo at may average na 173 arawang kaso.

Tinukoy ang 14 sa mga bagong kaso bilang severe o critical, pinakamarami sa loob ng apat na linggo.

Naberipika rin ang siyam na pumanaw sa nakalipas na linggo, kung saan naganap ang apat mula November 7 hanggang 20.

Nananatili naman ang healthcare utilization hanggang nitong November 17, 2023 sa “low risk” zone.

Sa kasalukuyan ay mayroong 284 severe at critical admissions, 9.5% ng kabuuang COVID-19 admissions at pinakamataas na bilang sa loob ng 10 reporting weeks.

Pumalo ang ICU bed utilization sa 10.1%, kung saa 164 sa 1,622 ICU beds ang ginagamit, pinakamababang occupancy rate sa 88 reporting weeks, mula nang unang maglabas ang DOH ng weekly data.

Sumampa naman ang non-ICU bed utilization sa 16.1%, kung saan 2,184 sa 13,550 non-ICU beds ang ginagamit.

📸RNT/SA






PISTON: LTFRB PURO PAASA, TULOY ANG WELGA! Itutuloy ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTO...
22/11/2023

PISTON: LTFRB PURO PAASA, TULOY ANG WELGA!

Itutuloy ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang three-day nationwide strike nito ngayong Martes, kasunod ng maiksing dayalogo kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes.

“Tuloy ang welga,” pahayag ng PISTON sa X (dating Twitter).

“Lahat ‘pinag-aaralan’. Pinasimple na natin ang ating demands — tanggalin ang deadline, tanggalin ang consolidation, ibasura ang phaseout. Ang sagot ng LTFRB, puro ‘pag-aaralan’, uro paasa,” anang transport group.

Inihayag din ng PISTON na hindi na makapaghihintay ang jeepney drivers at operators para sa pag-aaral ng LTFRB dahil nagbabadya na ang year-end deadline para sa konsolidasyon ng traditional jeepneys.

“Gaano pa katagal pag-aaralan ‘yan eh sa December 31 na ang deadline? Pinaasa lang nila ang mga tsuper at operator para magmukha sa madla na may malasakit ang LTFRB. Ang sagot ng mga tsuper at operator: tuloy ang welga. Tuloy ang laban,” dagdag nito.

Nagsagawa ng dayalogo si LTRB Chairperson Teofilo Guadiz III kasama si Piston President Mody Floranda nitong Lunes ng hapon sa pag-asang mawawakasan ng pag-apela sa PISTON ang kilos-protesta nito at mahihikayat ang jeepney drivers na bumiyahe muli.

Iginiit ni Floranda kay Guadiz ang mga demand ng transportation group kabilang ang pagbasura sa Omnibus Franchising Guidelines, December 31 deadline para sa konsolidasyon, maging ang pagbabalik ng five-year validity para sa prangkisa ng public utility vehicles.

Inihayag ni Guadiz na pag-aaralan ito ng LTFRB subalit nauna nang sinabi na bukas sila sa pag-aalok ng five-year franchise sa jeepney operators bilang bahagi ng negosasyon.

“’Yung mga bagay na ‘yan pag-aaralan pero sa ngayon po ang mungkahi ko sa kanila, hindi mo naman kailangan tapusin ‘yung proseso ng consolidation hanggang December 31. I-file mo lang sa LTFRB ‘yung intention mo. Bibigyan ka namin ng anim na buwan hanggang isang taon para matapos ‘yun,” aniya kay Floranda.

“Ibig sabihin, may ibinibigay kami na iba, meron ding ibang bagay na sa amin pananaw ay pag-aaralan pa namin kung ibibigay namin…Hindi ko maibibigay sa isang negosasyon ‘yug inyong hinihingi,” dagdag ni Guadiz.

“Yung tuloy-tuloy na strike, ginagalang po namin ‘yan pero kung pwede ho sana, alang-alang sa bayang Pilipino, baka pwede igsian nila ang kanilang strike,” patuloy niya.

Sa kasalukuyan, one-year provisional authority lamang ang alok ng LTFRB para sa mga jeepney alinsunod sa modernization program. Kasado ang deadline para sa consolidation process para sa public utility vehicles (PUV) sa December 31, 2023.

📸RNT/SA






NUMBER CODING MULING PAIIRALIN NGAYONG MARTES, NOB. 21Sa kabila ng umiiral na transport strike, idineklara ng Metropolit...
22/11/2023

NUMBER CODING MULING PAIIRALIN NGAYONG MARTES, NOB. 21

Sa kabila ng umiiral na transport strike, idineklara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatuloy ang number coding scheme ngayong Martes.

Sa abiso nitong Lunes, sinabi ng MMDA na ipatutupad ang number coding scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

“Under the scheme, vehicles are not allowed to travel on the main streets of Metro Manila based on the last digit of the license plates during the said coding hours,” anang MMDA.

Exempted sa coding ang public vehicles, transport network vehicles services (TNVS), mga motorsiklo, garbage trucks, marked government vehicles, fuel tankers, marked media vehicles, fire trucks, ambulansya, at mga sasakyang may kargang perishables o essential goods.

Ipinagpatuloy ng MMDA ang number coding scheme matapos itong suspendihin nitong Lunes dahil sa three-day transport strike ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide upang tutulan ang December 31 deadline para sa konsolidasyon ng traditional public utility jeepneys.

Subalit, ayon sa MMDA, hindi naparalisa ng strike ang transportation system sa Metro Manila.

Binanggit din ni MMDA acting chair Don Artes na bagama’t nakatulong ang pagsuspinde ng number coding scheme sa Metro Manila sa inaasahang epekto ng transport strike, nagresulta umano ito sa mas mabigat na daloy ng trapiko.

📸RNT/SA






Address

Olongapo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KFive Zambales Digital News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Media/News Companies in Olongapo

Show All