Free read story and free write stroy

Free read story and free write stroy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Free read story and free write stroy, Digital creator, Dongyan town, Olongapo.

Chapter 2 "Hmm?bakit? Ano 'ng pinag-uusapan ninyo?" ang tanong ng matanda at umupo ito sa tabi niya. nakasuot lang ng da...
14/07/2023

Chapter 2

"Hmm?bakit? Ano 'ng pinag-uusapan ninyo?" ang tanong ng matanda at umupo ito sa tabi niya. nakasuot lang ng daster ang hindi katabaang abuela ng dalaga.naka-bun ang ubaning buhok nito .
"Eh ,isasama ko po sana si sadie sa amin sa bacolod para naman makapasyal siya doon sa amin .at nang maipakilala ko naman sya sa mama ko .okay lang po ba'yon lola?" ang hinging -permiso pa ni jupay .
nagpa-puppu eyes ang slim na kaibigang katulad niya au nakasuot ng shorts at maluwag na t-shirt.
napatingin kay sadie ang kanyang lola.tumabi naman dito ang kanyang kaibigan at hinawakan ang k**ay ng matanda .
"sige na po,lola .pumayag na kayo",lambing ng kaibigan .
" kung gusto nitong apo ko na mamasyal doon,okay lang sa'kin .basta ,mag-iingat lang kayo nag maigi sa biyahe,"tugon nito .
napangiti naman ang dalaga sa sagot ng kanyang lola.she wasn't thay young anyway .beinte-dos na siya at dahil sa nagkasakit ito noon ay natigil siya sa pag-aaral ng nursing para alagaan ito habang ang kanyang mga magulang ay kumakayod sa austalia para makapagpadala sa kanila ng pera. mahal na mahal niya ang kanyang lola kung kaya't kahit maka-afford sila ng private nurse noon ay siyang nagpalaki at nag-alaga sa kanya noon .
"o, kita mo? okay lang kay lola," ang matagumpay na sabi pa ni jupay na abot -tainga ang ngisi .
napaunat na lang ang natural na mapula niyang labi.kahit paano ay excited din siyang mag -travel .
nag-impake na silang magkaibigan para sa kanilang alis kinabukasan .saka naghabilin na siya sa kanilang katulong na hindi pababayaan ang lola niya habang wala siya sa bahay .
"hus,tama na 'iyan .alam na ni maring ang gagawin," anang jupay sa kanya ."tara na".
"o,paalam na muna tayo kay lola."
tumango naman ito at sumunod sa kanya .
nagpapahinga ang lola niya pagkatapos ng kanilang almusal at kalimitan ay nasa kwarto ito at nanonood ng mga pelikula sa cable TV .
"lola ,alis na po kami ni jupay ," ang paalam na aniya rito nang makapasok na siya sa kwarto at saka hinalikan ito sanoo

14/07/2023

A Destiny's Game

CHAPTER 1

Hindi mo kailangang sundin ang mga magulang mo, Cassie. If you can't do it, then don't. " Malungkot na tinignan ni Cassandra ang best friend na si klaire. Magkatabi silang naka upo sa k**a ng kaniyang kuwarto. Higit pa sa isang magkapatid ang turingan nilang magkaibigan. At ngayon ay ikinukwento niya kay klaire ang malaking problemang kinakaharap. Nakatakda siyang ikasal sa anak ng bussiness tycoon na si Alfredo Villegas. It was purely business. Sa kasalukuyan ay unti-unting humihina ang operasyon ng negosyong pag-aari ng kanyang pamilya, ang JL Food Corporation. Sa kasamaang-palad ay nadamay ang kompanya nila sa economy crisis na kinakaharap ng bansa. Isa-isang nag-pull out ang mga investor nila. At kapag hindi sila nakagawa ng paraan, hindi malayong mauwi sa bankruptcy ang negosyo ng pamilya nila. Nag alok ng tulong si Don Alfredo Villegas na mag i-invest daw ng malaki sa kompanya.Subalit may kapalit ang pagtulong ng Don—kailangan niyang pakasalan ang anak nito. “I don't have a choice, ” nanghihinang wika ni Cassandra. “I need to mary his son for the sake of our company. For my parents.” Lumaki si Cassandra na masunuring anak sa mga magulang. Wala siyang natatandaang sinuway ni isa mang utos ng mga ito sa kanya. Dumating pa sa punto na isinakripisyo niya ang pansariling kaligayahan para lang hindi mabigo ang mga magulang. Pangarap niyang maging isang travel photographer, subalit Business Administration ang kursong kinuha niya sa kolehiyo dahil iyon ang gusto ng mga magulang. And she did not want to disappoint them. “Pero ni hindi mo kilala ang anak ng Don Alfredo na 'iyon!” nanghihilakbot na wika ni klaire. “Ni hindi mo nga alam kung ano ang hitsura ng lalaking 'yon.” Isang beses na silang nagkita ni Don Alfredo. Samantalang ang anak nito ay hindi pa niya nakakatagpo. Totoo ang sinabi ni klaire na walang anumang ideya si Cassandra sa pisikal na hitsura ng lalaking pagkakasalan. Subalit guwapo man o hindi, sapat na ang ideyang isang est

always in my heart chapter one taong 2020.nakaupong nagbabasa ng isang fashion magazine si sadie sa sofa sa kanilang bah...
13/07/2023

always in my heart
chapter one

taong 2020.
nakaupong nagbabasa ng isang fashion magazine si sadie sa sofa sa kanilang bahay nang dumating ang kanyang best friend na si jupay .Nakangisi pa ito nang makapag - angat siya ng tingin .
Nakitira sa kanilang bahay na mag -lola ang kaibigan kapag nag -iisa lang ito sa bahay nila ng ama nito .Dahil sa magkahiwalay ang mga magulang nito .
"Sadie ,uuwi akong Negros occidental .Bibisitahin ko lang si mama . Tutal naman,semester break natin,'diba?"
Napakunot ng noo ang dalaga.Nakapag -isip -isip siyang maigi .
"ang layo naman noon dito sa butuan ," sabi pa niya at ibinalik na sa magazine ang pansin .
"Eeskala muna taong Cebu para hindi tayo masyadong mapagod .pasyal muna sandali doon saka na tayo tutuloy sa bacolod",ang suhestiyon naman nito .
Napatingin siyang muli sa kaibigan .Mukang desidido itong ipasyal siya sa mga lugar na hindi pa nya napupupuntahan sa buong dalawampu't dalawang taong paninirahan sa mundo
" Hindi naman natin kapwa kabisado ang cebu.
saan tayo papasyal duon?" taas-kilay na aniya sa kaibigan .Umarko ang perpektong kilay niya .
Tumawa naman ito at hinampas pa siya sa braso .
"Ano kaba naman? may koneksyon ako doon .may tour guide tayo. nandoon si frankenstein!"
Napataas siya ng kilay pagkatapos niyang hinimas -himas ang medjo nasaktang braso .
"Frankenstein? sino naman 'yon ? may koneksyon ka nga ,monster pa ang pangalan" ngumising aniya sa kaibigan. May panunudyo sa mga matang kulay tsokolate .
Tumawa naman ang kanyang kaibigan ."Hindi 'yon lang ang tawag ko sa kanya paminsan -minsan lalo't naiinis ako sa kanya .Kaibigan ko no'ng high school .Si franklin .Close kami noon hanggang ngayon .parang ganito ?" anitong inikes pa ang dalawang daliri na halos idikit na sa kanyang mukha .
"Tsk ! Ewan ko sa'yo .dapat magpaalam pa ako kay lola ,ano?"
"okay lang 'yan si lola dito .may katulong naman kaya rito sa bahay." saka bumaling ito sa lola niya na bumaba galing taas ,sa mga pangalawang palapag ng bahay ."

13/07/2023

ALWAYS IN MY HEART

tadhana ang siyang nag-krus ng kanilang landas .ngunit dahil sa isamg aksindente ay nakalimutan siya ni franklin .naisip nalang ni sadie na baka natadhana ring maging ganoon ang ending ng kanilang love story lalo na't ayaw sa kanya ng pamilya ng lalaki .

ngunit ,hahayaan na lang ba talaga niyang ganoon na lang pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ng lalaki ? isn't it just right to fight for her love until the end? after all ,fate must have played a game for the two of them to test how thier love could conquer all odds ...

Address

Dongyan Town
Olongapo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Free read story and free write stroy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other Digital creator in Olongapo

Show All

You may also like