
03/02/2025
PAG-APRUBA NG KAMARA SA P200 DAGDAG SAHOD, NAGING MAKASAYSAYAN
Itinuturing ng Kamara na makasaysayan ang pag-apruba ng House Committee on Labor and Employment sa panukalang P200 dagdag sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor na maaaring maging kauna-unahang legislated wage hike mula pa noong 1989.
Matatandaang inaprubahan ng komite nitong Huwebes ang substitute bill para sa “P200 Daily Across-the-Board Wage Increase Act,” na mula sa House Bill nos. 514, 7568, at 7871 matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang umento sa sweldo.
Kung maisasabatas, aatasan lahat ng pribadong kumpanya, anuman ang laki o uri ng industriya, na magpatupad ng P200 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa.
Ayon naman kay TUCP Party-list Rep. Democrito Raymond Mendoza na ang Pilipinas ay nangangailangan at karapat-dapat sa dagdag-sahod, at tinukoy ang matagal na pagsusumikap ng mga manggagawa para makuha ang makatarungang sahod.
Pinasalamatan naman ni Mendoza si Speaker Romualdez sa kanyang pamumuno sa pagsusulong ng panukala.
Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Martha Madel Ballao | Feb 3, 2025