News Scooper

News Scooper Ang opinyon ng publiko ay dapat na palaging pinagmumulan ng kalayaan at demokrasya. BILL OF RIGHTS

Arestado na ang mga suspek sa pagpatay sa isang lalaki kaninang madaling araw sa isang kainan sa Barangay Paco, Obando, ...
30/06/2024

Arestado na ang mga suspek sa pagpatay sa isang lalaki kaninang madaling araw sa isang kainan sa Barangay Paco, Obando, Bulacan.

I salute and thank you Obando Mps headed by Police Major Mark Anthony Tiongson sa mabilis na pag resolba ng kasong ito.

Nawa ay makamit ang hustisya para sa biktima๐Ÿ˜‡

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa isang kainan sa Barangay Paco, Obando, Bulacan. Nakikiramay po ang page na ito sa p...
30/06/2024

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa isang kainan sa Barangay Paco, Obando, Bulacan.

Nakikiramay po ang page na ito sa pamilya ni Paul Marquez Meneses alias Buga na isa ding miyembro ng MDRRMO.

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa isang kainan sa Barangay Paco, Obando, Bulacan.

Nakikiramay po ang page na ito sa pamilya ni Paul Marquez Meneses alias Buga na isa ding miyembro ng MDRRMO.

ROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA ILOCOS NORTE AT CAGAYANPinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and...
28/06/2024

ROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA ILOCOS NORTE AT CAGAYAN

Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente ng Ilocos Norte at Cagayan kasunod ng isasagawang rocket launch ng China sa pagitan ng Hunyo 28-30.

Ayon sa NDRRMC, posibleng bumagsak ang rocket debris sa naturang mga lugar.

Source: Radyo Pilipinas/PTV

ISANG INA NA INABANDONA NG SARILING PAMILYA!Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina dahil lahat ng hirap at sa...
27/06/2024

ISANG INA NA INABANDONA NG SARILING PAMILYA!

Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina dahil lahat ng hirap at sakripisyo ay kaya nilang tiisin alang alang sa kanilang mga anak.

Mula sa kanilang sinapupunan hanggang sa ating paglabas sa mundong ito ay inalagaan at inalalayan nila tayo upang mahubog at maging isang mabuting tao.

Ngunit sa kanilang pagtanda, kaya rin ba nating ibigay ang pagmamahal at sakripisyo na kanilang ibinigay sa atin?

Samantala, dinurog ang puso ng mga netizens sa social media matapos kumalat ang mga larawan ng isang inang inabandona umano ng kanyang Pamilya.

Makikita sa mga larawan ang matandang babaeng nakahiga sa tila bumagsak na billboard sa gilid ng kalsada.

Kahit marami at matataas na ang mga damo ay makikita rin na medyo mataas ang tubig sa kung saan nakalatag ang billboard. Mabuti na lamang at hindi inabot ang matanda.

Bakas rin ang butoโ€™t balat na itsura ni nanay at mukhang nasa edad 60 pataas na ito.

26/06/2024

"Ginising ka ni lord ngayon dahil may maganda pa syang plano sayo,kaya huwag mong kalimutan magpasalamat๐Ÿ™๐Ÿค—

TATLONG DUTERTE SA 2025 Dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City 1st District Cong. Paolo Duterte at Davao City Mayo...
25/06/2024

TATLONG DUTERTE SA 2025

Dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City 1st District Cong. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte ay pawang tatakbo para sa mga puwesto sa Senado sa 2025 elections, sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Martes.

Tama?
24/06/2024

Tama?

MATANDANG NAWAWALA, NAKITA NAMatapos natin maitampok ang tungkol sa matandang nawawala ay kumalat agad sa mundo ng socia...
24/06/2024

MATANDANG NAWAWALA, NAKITA NA

Matapos natin maitampok ang tungkol sa matandang nawawala ay kumalat agad sa mundo ng social media ang naturang post at sa tulong ng isang nating followers na si Fel John Evengelista, 36 anyos ay nasa piling na ngayon ng kanyang mga anak si tatay Pamfilo "FILO" Amper.

Kwento ni Fel John, 10:15 ng gabi habang papauwi sa kanilang bahay ay nakita niya si tatay filo sa isang pampasaherong jeep at habang mag kasakay sila nito ay muli niyang binalikan ang ating post tungkol sa nawawalang matanda na taga Obando, Bulacan at ng makita nga niya na ito ang nawawang si tatay Filo ay agad siyang nakipag coordinate sa Barangay Malinta.

Bago ito isurrender ay dinala muna ni Fel John si tatay Filo sa kainan dahil kita sa mukha ni tatay ang labis na gutom at pagod.

Matapos nito ay agad na niya itong dinala sa Barangay Malinta at binihisan saka dinala na sa Barangay Paco sa Obando, Bulacan kasama ang Team Leader ng Malinta na si Leonida Garcia.

Ayon naman sa asawa ni Mr. Fel John..
- Good day po sir, inform lang po na nakita napo si Tatay na taga Lawa, Bulacan po sa barangay paco po. Thanks God, at thanks din po sainyo na kundi dahil po sa fb post po ninyo di po malalaman ng asawa ko po na nawawala po si Tatay. Godbless po sa buong team po ninyo, ๐Ÿ™

- Mas salamat po sainyo sir sa laging update ng mga taong nangangailangan po ๐Ÿฅน kundi rin po tlga sa post po ninyo dpo malalaman na missing person po si Tatay Pilo,

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ni ka Filo sa nagpamalasakit sa kanilang tatay at kapiling na nila ito ngayon.

- nasa bahay na poh c tatay ko.
Maraming maraming salamat poh sa iny๐Ÿฅบ

-Salamat sa walang sawang pag asikaso sir sa mga lapit namin sa inyo๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญay naghatid na po kay tatay salamat po sir urbanoโค๏ธ

ISANG KARANGALAN PO NA MAKATULONG ANG PAGE NA ITO SA INYO AT HINDI NATIN MAGAGAWA YAN KUNG WALA ANG ATING MGA FOLLOWERS NA LAGING NAKATUTOK SA MGA LATEST POST NATIN AT WALANG SAWANG NAG REREACT AT NAG SHASHARE. TO GOD BE THE GLORY๐Ÿ˜‡

MISSINGโ—MATANDANG NANGHINGI NG TUBIG AT PINAKAIN NG ISANG MANAGER SA JOLLIBEE, PINAGHAHANAP NG PAMILYA Matapos mag viral...
23/06/2024

MISSINGโ—MATANDANG NANGHINGI NG TUBIG AT PINAKAIN NG ISANG MANAGER SA JOLLIBEE, PINAGHAHANAP NG PAMILYA

Matapos mag viral sa social media ang isang post ni Mr. Drew Buena tungkol sa isang matadang lalaki na pinakain ng manager ng isang sikat na fast food chain sa River Banks, Marikina ay nakipag ugnayan sa page na ito ang pamilya ng matanda na kinilalang si Pamfilo Amper, 70 anyos at dating driver ng jeep na biyaheng Malanday - Paco.

Ayon sa anak nito ay ilang beses ng nawawala ng kanilang tatay dahil nag karoon na ito ng alzheimers disease at noong nakaraang linggo pa nila ito pinaghahahanap.

Sa mga makakakita kay tatay Pamfilo ay maaring makipag ugnayan kay Katleen Amper sa numerong 09156861360 ,
09753459641.

PLS SHARE

HUMINGI NG TUBIG, PERO CHICKEN JOY ANG NATANGGAP๐Ÿฅน๐ŸซถViral ang isang kwento ng isang customer patungkol sa isang Supervisor...
23/06/2024

HUMINGI NG TUBIG, PERO CHICKEN JOY ANG NATANGGAP๐Ÿฅน๐Ÿซถ

Viral ang isang kwento ng isang customer patungkol sa isang Supervisor sa pinagkainan nitong sikat na fast food restaurant.

Itoโ€™y matapos masaksihan nito ang kabutihan ng puso ng supervisor na nakilala lamang sa pangalang โ€œKhelโ€ sa isang lalaking humihingi lang sana ng basong tubig. Narito ang kabuuan ng post nito.

โ€œJune 20, Thursday, 9:50 PM, sa Jollibee - Riverbanks, North Triangle, Marikina City, naganap ang isang di inaasahang tagpo na umantig sa aking puso.

Sa gitna ng gabi, pumasok si Tatay, humihingi ng tubig. Naka-dalawang baso pa nga siya, kitang-kita ang uhaw na uhaw na itsura. Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay. Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niyaโ€”isang spicy at isang regular.

Tahimik akong kumuha ng ilang litrato, siniguradong walang makakahalata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Tatay, tila naging masaya ang kanyang gabi. Sa Jollibee, talaga namang bida ang saya.

Sa nametag ng supervisor, nakita kong "Khel" ang nakasulat. Malabo ang aking mga mata kaya halos sumampa na ako sa counter para lang mabasa. Hindi ko na tinanong pa ang crew, baka isipin nilang may reklamo ako.

Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao. ๐Ÿคโ€

Courtesy: Drew Buena (Facebook)

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’โ€ผ๏ธ You can now download your Digital National ID!Follow these five easy steps on how to download your digital N...
23/06/2024

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’โ€ผ๏ธ You can now download your Digital National ID!

Follow these five easy steps on how to download your digital National ID.
๐’๐ญ๐ž๐ฉ ๐Ÿ: Go to https://national-id.gov.ph/ https://national-id.gov.ph/
๐’๐ญ๐ž๐ฉ ๐Ÿ: The website will request your consent to generate your Digital National ID. Click โ€œProceedโ€ to continue.
๐’๐ญ๐ž๐ฉ ๐Ÿ‘: In the designated field, type your complete information. Once youโ€™ve confirmed all the data entered is correct, click โ€œContinueโ€.
๐’๐ญ๐ž๐ฉ ๐Ÿ’: The website will initiate a facial verification process to confirm your identity. Click the โ€œStart Livenessโ€ button
to continue.
๐’๐ญ๐ž๐ฉ ๐Ÿ“: Congratulations! Youโ€™ve successfully verified your identity and can now view your Digital National ID.

Say goodbye to onerous paperwork and say hello to a new era of efficiency. Download your Digital National ID now!

Thunderstorm Advisory No. 20  Issued at: 2:00 PM, 21 June 2024(Friday)Moderate to Heavy rainshowers with lightning and s...
21/06/2024

Thunderstorm Advisory No. 20
Issued at: 2:00 PM, 21 June 2024(Friday)

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Rizal, Quezon, Laguna and Cavite within the next 2 hours.

The above conditions are being experienced in Batangas(Lemery, Agoncillo, Taal, Alitagtag, Santa Teresita, San Luis, Bauan, San Pascual, San Jose, Cuenca), Metro Manila(Navotas, Malabon, Valenzuela, Caloocan, Quezon City) and Bulacan(Meycauayan, Obando, Marilao, Santa Maria, Bocaue, Bulakan) which may persist within 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides.

Keep monitoring for updates.

RERSONA NON GRATA SA PALAWANMatapos na sigawan sigawan at husgahan ng dalawang vlogger na sina Rosemar at Rendon ang isa...
20/06/2024

RERSONA NON GRATA SA PALAWAN

Matapos na sigawan sigawan at husgahan ng dalawang vlogger na sina Rosemar at Rendon ang isang staff sa munisipyo ng Coron, Palawan ay ideneklara na na PERSONA NON GRATA sa buong probinsya ang dalawa.

19/06/2024

Pag ba tinawag ka ngayong "DIWATA" papayag ka pa ba๐Ÿ˜‚

๐——๐—ฒ๐—ณ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—š๐—ถ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ "๐—š๐—ถ๐—ฏ๐—ผ" ๐—ง๐—ฒ๐—ผ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฅ๐—ฃ ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜ƒ๐˜†Ulsan, South...
19/06/2024

๐——๐—ฒ๐—ณ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—š๐—ถ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ "๐—š๐—ถ๐—ฏ๐—ผ" ๐—ง๐—ฒ๐—ผ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฅ๐—ฃ ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜ƒ๐˜†

Ulsan, South Korea โ€“ Sa isang makasaysayang okasyon, pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto "Gibo" Teodoro ang paglulunsad ng corvette na โ€œBRP Miguel Malvar,โ€ na itinayo ng Hyundai Heavy Industries (HHI) para sa Philippine Navy. Ang seremonya, na ginanap sa shipyard ng HHI sa Ulsan, ay dinaluhan ng mga senior naval officers mula sa Pilipinas at South Korea.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Teodoro ang kanyang pagkilala sa kahalagahan ng nasabing barko para sa pambansang seguridad ng Pilipinas at ang pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa. Binigyang-diin niya na ang paglulunsad ng BRP Miguel Malvar ay isang mahalagang hakbang tungo sa modernisasyon ng Philippine Navy.

Ang BRP Miguel Malvar ay isang advanced surface combatant na may kabuuang haba na 118 metro. Ito ay kayang maglayag sa bilis na 15 knots at umabot sa pinakamataas na bilis na 28 knots. Bukod dito, mayroon itong operational range na 4,500 nautical miles (8,300 km), na nagbibigay-daan dito na makapagpatrolya sa malalayong karagatan.

Ang corvette ay armado ng ibaโ€™t ibang sistema ng armas, kabilang ang anti-ship missiles, isang Vertical Launch System (VLS), at isang 3D Active Electronically Scanned Array (AESA) radar. Ang mga teknolohiyang ito ay nagbibigay-daan sa barko na sabay-sabay na matukoy ang maramihang mga kaaway sa dagat.

Pinangalanang BRP Miguel Malvar bilang pagkilala sa bayani ng kalayaan na si General Miguel Malvar, ang barko ay sasailalim sa iba't ibang port at sea trials bago ito opisyal na i-turn over sa Philippine Navy sa taong 2025.

Ang paglulunsad ng BRP Miguel Malvar ay isang malinaw na indikasyon ng pagpapatuloy ng modernisasyon ng Philippine Navy, at inaasahang magbibigay ito ng malaking kontribusyon sa pagtatanggol at seguridad ng bansa sa mga darating na taon.

TIGNAN: Personal na ginawaran ng medalya ng katapangan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang sundalong naputu...
19/06/2024

TIGNAN: Personal na ginawaran ng medalya ng katapangan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang sundalong naputulan ng daliri sa pinakahuling panggigipit ng China Coast Guard laban sa hukbo ng Pilipinas na nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Lunes.

Kasalukuyang nagpapagaling ang sundalo sa Western Command.

Walong sundalong Pinoy ang sugatan nang kuyugin ng China Coast Guard (CCG) ang kanilang inflatable raft habang nagsasaga...
18/06/2024

Walong sundalong Pinoy ang sugatan nang kuyugin ng China Coast Guard (CCG) ang kanilang inflatable raft habang nagsasagawa ng resupply and rotation mission sa Ayungin Shoal noong Linggo, ayon sa ulat ng DZBB ngayong Martes, Hunyo 18.

Isa sa mga sugatang sundalo ay naputulan ng isang daliri sa insidente.

Base sa mapagkakatiwalaang source, iniulat ng DZBB na kinumpiska rin diumano ng CCG personnel ang mga armas ng walong sundalong Pinoy at binutas din ang apat na inflatable raft na kanilang sinasakyan sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Subalit kinalaunan ay isinauli rin ng CCG ang inflatable raft ng PCG matapos negosasyon sa pagitan ng dalawang grupo.

-PilipinasToday

18/06/2024

^Huwag kang sumuko dahil lang sa nahihirapan ka ngayon. Marami pang magagandang bagay na darating sa iyo. Manalig ka lang sa Dios.

TIGNAN: Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese national na aksidenteng nahulog habang sakay ng Chi...
15/06/2024

TIGNAN: Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese national na aksidenteng nahulog habang sakay ng Chinese vessel na โ€œShi Dailoโ€ sa katubigan ng Zamboanga City nitong Lunes, Hunyo 10.

Ayon sa National Maritime Center, humingi ang nasabing barko ng โ€˜medical evacuationโ€™ kaya naman agarang ipinadala ng PCG ang BRP Capones (MRRV-4404) upang iligtas at dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang nadesgrasyang Tsino na nagtamo ng โ€˜head injuryโ€™.

โ€œThe PCG's response embodies the Filipino spirit of bayanihanโ€ฆ which resonates its commitment to humanitarian principles,โ€ saad ng Coast Guard District Southwestern Mindanao.

-PTV

Bansang Agrikultura ang Pilipinas bakit kailangan mag angkat tayo ng bigas sa ibang bansa? Ayon sa US Department of Agri...
14/06/2024

Bansang Agrikultura ang Pilipinas bakit kailangan mag angkat tayo ng bigas sa ibang bansa?

Ayon sa US Department of Agriculture, possible umanong tumaas ng 4.7 milyong metric tons ang bigas na maaangkat ng Pilipinas sa 2025.

Bakit hindi natin pagtuunan ng malaking pansin ang ating mga magsasaka? Bakit hindi tayo bumuo ng batas na higit na mapagtutuunan ang ating mga kababayang magsasaka. Kaya ang iba binebenta na lang ang kanilang mga lupain dahil sa liit ng natatanggap na benepisyo sa pamahalaan.

Sana ay pag isipan ng ating pamahalaan kung paano mapapaulad muli ang industriya ng pagsasaka sa ating bansa upang hindi tayo umasa sa ibang bansa.

Maganda ka ba? Nako mag-ingat ka! LALAKING GALIT SA MGA BABAENG MAGANDA, NANUNTOK SA CEBU. Tatlong babae ang nagreklamo ...
13/06/2024

Maganda ka ba? Nako mag-ingat ka!

LALAKING GALIT SA MGA BABAENG MAGANDA, NANUNTOK SA CEBU.

Tatlong babae ang nagreklamo sa himpilan ng pulisya matapos silang saktan ng isang lalaki na nakasalubong nila sa daan.

Ayon sa pulisya, habang naglalakad ang unang babaeng biktima, bigla na lamang siyang siniko sa kaliwang mata ng lalaki.

Habang sinuntok naman sa ilong ang pangalawang biktima habang ang pangatlong babae, sinuntok sa kaliwang mata.

Arestado na ang suspek at nakakulong na ngayon. Paliwanag ng suspek, nagawa niyang manuntik dahil galit siya sa mga magagandang babae.

Desidido ang mga biktima na sampahan ng kaso ang nanakit na lalaki.

-Russel Semorio

13/06/2024

Maulang gabi po sa inyo ๐ŸŒง
Umuulan din ba sa lugar nyo? comment naman kung taga saan kayo๐ŸŒฉ

BABALA: SENSITIVE CONTENTโ—11 ANYOS NA DALAGITA GINASAHASA AT SAKA PINATAYBangkay na ng matagpuan ang isang 11 anyos na d...
13/06/2024

BABALA: SENSITIVE CONTENTโ—
11 ANYOS NA DALAGITA GINASAHASA AT SAKA PINATAY

Bangkay na ng matagpuan ang isang 11 anyos na dalagita sa isang masukal na bahagi ng Barangay Sta. Clara, Gen. Trias City, Cavite kahapon, June 12, 2024.

Dalawang araw na umano nawawala ang dalagita at huling nakita noong linggo ng gabi.

Ayon sa saksi mangunguha lamang sana siya ng labong nitong miyerkules ng makita niya ang isang inaagnas na bangkay ng babae na nakataas ang suot na damit.

Agad namang nag imbestiga ang kapulisan at ng makakuha na ng mga detalye ay agad nag kasa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Kinilala ang dalawang suspek na si Alias Bulok na kapitbahay lamang ng biktima at Alex na pawang construction worker.

Sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na linggo ng 10:30 ng gabi ginawa ng mga suspek ang panghahalay sa dalagita, inutusan umano ni alias Bulok ang biktima na bumili ng sigarilyo matapos nito ay dinala na ng dalawang suspek ang biktima sa masukal na bahagi sa nasabing barangay at isinakatuparan ang panghahalay hindi pa nakuntento ang isang suspek na si bulok at sinakal pa ang dalagita hanggang sa bawian ng buhay. Lumalabas din na nag inuman muna ang dalawa bago isinagawa ang krimen.

Itinanggi naman ni alias Alex ang akusasyon at sinabing hindi niya nakasama si alias bulok noong linggo ng gabi at hindi magagawa ang krimen dahil may anak din umano siyang babae, Samantala aminado naman si bulok sa ginawang karumaldumal na krimen.

Sa kasalukuyan ay naka kulong na ang dalawang suspek sa Gen. Trias City Police Station.

13/06/2024

Pustahan naka higa ka ngayon tas naka electricfan tas nag seselpon๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

SERMON SA KASAL, ITINULOY NG PARI KAHIT WALA PA SA ALTAR ANG BRIDENag-trending sa social media ang isang naganap na kasa...
11/06/2024

SERMON SA KASAL, ITINULOY NG PARI KAHIT WALA PA SA ALTAR ANG BRIDE

Nag-trending sa social media ang isang naganap na kasal na kung saan, sinimulan ng pari ang misa kahit wala pa ang bride. Umani ito ng samu't saring komento mula sa netizens. Marami sa kanila, hindi nagustuhan ang hakbang na ito ng pari. Naglabas naman ng pahayag ang St. Andrew Parish sa Amlan, Negros Oriental kung saan naganap ang trending na kasal dahil sinimulan agad ng pari ang seremonya kahit naglalakad pa ang bride.

Paliwanag ng simbahan, 8:00AM ang schedule ng kasal pero may isang lady sponsor na nagsabi sa bride at groom na inilipat ito ng 9:30AM. Hindi raw official ang paglipat ng schedule. Hinala ng Parish Office Staff, namali ng basa ang lady sponsor.

"He had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over. On that day, there were ten other schedules to be served by the Priests. That is the truth about what happened from our side," ayon sa pahayag ng St. Andrew Parish.

Humingi ng paumanhin ang simbahan sa magkasintahan at maging sa kasunod na naka-schedule sa simbahan.

"We express our sincere apology to the bride and the groom, to their respective families who were directly offended by the turn of these events, and to the people who have seen our humanity as Priests in a time when we were weakest of any possible control. We also apologize and express gratitude to the bereaved family who were made to wait for the wedding to be finished," ayon sa simbahan.

Samantala ayon sa isang violinist, nagtipon-tipon ang iba't ibang wedding supplier mula sa Negros Oriental para i-sponsor ang take 2 wedding ng magkasintahang nag-trending.

Anong masasabi niyo mga ka-Trending? tama ba ang ginawa ng pari???

Source: One PH

AYUDANG 10,000 NAGING 1,500 NA LANG MATAPOS KALTASAN NG BARANGAY Nahaharap sa patong-patong nakaso ang ilang barangay of...
11/06/2024

AYUDANG 10,000 NAGING 1,500 NA LANG MATAPOS KALTASAN NG BARANGAY

Nahaharap sa patong-patong nakaso ang ilang barangay official sa Matanao, Davao del Sur matapos kaltasan ang ayuda ng isang buntis.

Kwento nito ipinatawag umano siya sa barangay hall at kinuha ang kanyang ayuda at ng ibalik sa kanya ay 1,500 na lang.

Nakarating na din ang viral video kay DSWD Secretary Rex Gatchalian at initus na sampahan ng kaso ang mga barangay opisyal sa nasabing lugar.

Sumbong pa ng biktima sinabi ng barangay na kaya kinuha ang kanyang ayuda para mas marami umano ang mabigyan.

POLICE MAJOR SA BULACAN, MAHAHARAP SA MAJOR PROBLEM MATAPOS MAG INIT SA ISANG PATROLWOMAN Nahaharap ngayon sa kasong Ant...
10/06/2024

POLICE MAJOR SA BULACAN, MAHAHARAP SA MAJOR PROBLEM MATAPOS MAG INIT SA ISANG PATROLWOMAN

Nahaharap ngayon sa kasong Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at kasong administratibo ang isang opisyal na pulis major sa Plaridel, Bulacan.

Ayon sa report pinasok ni Major ang opisina ng Women and Children Protection Desk (WCPD) at ng makita na natutulog ang babaeng pulis na itinago sa pangalang Mylin, 30 anyos ay agad itong niyakap at pinaghahalikan sa dibdib ni Major.

Nagpumiglas naman ang patrolwoman at ng makita ng opisyal na umiiyak ang kanyang target ay dito na ito huminto sa ginagawang pambabastos.

Kulungan ngayon ang kinahinatnan ng pag iinit ng opisyal.

Source: RTV News

10/06/2024

Grabe naman kayo nag ttrabaho lang ung tao. Inerereport kung ano ung nakikita nya na ginagawa nyong mga miyembro ng Manibela tapos pagtutulungan nyo si sir Val Gonzales..

Labi ng tatlong magpipinsan na tinamaan ng kidlat sa Pulilan, Bulacan inihatid na sa huling hantungan.
09/06/2024

Labi ng tatlong magpipinsan na tinamaan ng kidlat sa Pulilan, Bulacan inihatid na sa huling hantungan.

24/11/2023

BRUCE LEE NG PINAS

Address

Obando
3021

Telephone

+639362357172

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Scooper posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Obando media companies

Show All