17/11/2024
"Salamin ng Aking Buhay"
Nilikha ni:Clowieners
Ako ay si Clong Clong, labing limang gulang
Julfred at Rochelle ang ngalan ng magulang
Nagsilang ng limang batang magagalang
Sa bayan ng Polillo naninirahan
Ako'y dalagang may mahabang pasensya
Taong kontento sa lahat ng biyaya
Ako ay madaldal at kilalang prangka
Tabas ng dila ay 'di pagkakaila
Pag-indak ang talentong binigay sakin
Kahusayan mamuno ang aking galing
kakayahan ng tulad ko ay mag-ulat
Ang hilig ko ay magbasa at magsulat
Kakapusan sa pinansyal ang problema
Kawalan ng trabaho ng aming ama
Tila si ina ay nahihirapan na
Lubog sa utang ang aming ama't ina
Maka-ahon sa utang aking dalangin
Maka-tulong sa magulang aking hiling
Pagiging g**o ang aking kagustuhan
Aking nais ay magbigay kaalaman