28/02/2024
MGA MANILEÑONG SENIOR CITIZENS KABILANG SA MAKIKINABANG SA AMENDMENTS TO CENTENARIANS ACT
Dito po sa Lungsod ng Maynila, as of 2023, mayroon po tayong dalawampu't tatlo (23) mga centenarian na pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng tig-iisang daang libong piso (P100,000) bilang cash gift.
Please note: ‘Yan pong P100K na iniregalo namin sa bawat Manileñong centenarian ay bukod pa po sa P100K na ibinibigay ng national government. Kaya naman, suma-tutal, bawat Manileñong centenarian ay tumatanggap ng kabuuang P200K cash gift.
Mahigit sa isang-daan at walumpung libong (180,000) senior citizens sa Maynila ang libreng pinagkakalooban ng city hall ng P500 na buwanang allowance, birthday cake, senior Christmas boxes, at buwanang alokasyon ng maintenance na gamot.
Ikinagagalak namin na ngayong Lunes, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Amendments to the Centenarians Act (Republic Act 11982).
Good news ‘yan, dahil ang ating mga minamahal na senior citizens dito sa Lungsod ng Maynila ay kabilang sa mga tatanggap ng P10,000 cash gift mula sa national government pagsapit nila sa edad na 80, 85, 90, at 95 batay sa tagubilin ng bagong batas. (WAKAS)
STATEMENT BY DR. HONEY LACUNA-PANGAN | Mayor of the City of Manila | Capital City of the Philippines