One News CamSur

One News CamSur Latest News of the Country
(1)

TIGNAN | - CONGRESSIONAL ASPIRANT NOEL DELUNA (SND) NAGBIGAY TULONG PINANSYAL SA BIKTIMA NG SUNONG SA CONCEPCION PEQUEÑA...
01/02/2025

TIGNAN | - CONGRESSIONAL ASPIRANT NOEL DELUNA (SND) NAGBIGAY TULONG PINANSYAL SA BIKTIMA NG SUNONG SA CONCEPCION PEQUEÑA LUNGSOD NG NAGA.

Kahit noon pang hindi pa politiko si SND sadyang malambot ang puso nito sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ng lamunin ng apoy ang residensya ng pamilya Noas sa 5th street, Doña Clara Subdivision, Concepcion Pequeña, Naga City.

Laking pasasalamat ni Michael Noas sa naging tulong na ito ni Sir Noel Deluna (SND)

PaytSana sa buhay...

31/01/2025

PANOORIN | - SITIO IRIGA, BARANGAY TIBLE, SIPOCOT, CAMARINES SUR BINISITA NI Congressman Hori Horibata.

Nasa mahigit isa't-kalahating oras na paglalakad mula sa kalsada ang ginawa ni Congressman Horibata para maabot lang ang nasabing lugar.

Maputik ang daan dahil hindi simentado ang lugar, hindi naman pweding ipa-simento ang lugar dahil nasa loob ito ng protected area ng Bicol National Park.

Ayon sa mga residente sa lugar, si Congressman Hori pa lamang ang kauna-unahang mambabatas na nakapunta sa lugar dahil naman ito sa personal na kahilingan ng kanyang kaibigan kaya agad niya itong tinungo.

Kahilingan ng mga residente na malagyan ng hanging bridge ang tinatawirang ilog na tuwing may malakas na ulan ay hirap ang residente na tumawid.

Kaya naman mula sa personal na pera ng mambabatas ay magbibigay siya ng halagang P200,000 para maipagawa ang naturang tulay.

Nagbigay rin siya ng tulong pinansyal sa ilang mga mag-aaral sa lugar.

29/01/2025

TIGNAN | - TATLONG PAMILYA SA BAYAN NG PAMPLONA, CAMARINES SUR PATATAYUAN NG BAGONG BAHAY NI MAYORALTY ASPIRANT AWE AGUSTIN.

Ang mga tahanan nin Lola Buenconcija Benitez, Tatay Mariano Escariaga at anak nito ay nakatira sa isang barung-barong sa Zone 5, Tambo, Pamplona, Camarines Sur.

Nakita ni dating Vice Mayor Awe Agustin ang kalagayan ng mga ito at agad na nagbigay materyales upang maipatrabaho ang kanilang mga bagong bahay.

Labis ang kagalakan at pasasalamat ng mga ito kay Mayoralty Aspirant Awe Agustin dahil malaking tulong ito para sa kanila.

28/01/2025

PANOORIN | - COMELEC OFFICER NG TINAMBAC, CAMARINES SUR SINABING WALANG ANUMANG KOPYA NG DISQUALIFICATION CASE LABAN KAY VICE MAYORALTY ASPIRANT ERVIN T. BORJA NA NATATANGGAP ANG KANILANG TANGGAPAN.

Sa naging panayam ng One News CamSur kay Mr. Kirk Thomas C. Tate inihayag nito na sa paghain ng Certificate of Candidacy ni Incumbent Municipal Councilor Ervin Borja ay may nakalakip ng Sworn affidavit of renunciation ng kanyang US Citizenship.

Wala rin katotohanan na siya ay disqualified na dahil wala namang Disqualification Order mula sa COMELEC Central Office.

FLASH REPORT ❗UMANO'Y SUSPEK SA PAGKAMATAY NG ISANG BABAE SA BAYAN NG CABUSAO, CAMARINES SUR ARESTADO NA.Si Alyas Andoy,...
27/01/2025

FLASH REPORT ❗

UMANO'Y SUSPEK SA PAGKAMATAY NG ISANG BABAE SA BAYAN NG CABUSAO, CAMARINES SUR ARESTADO NA.

Si Alyas Andoy, ang itinuturong suspek sa pagkamatay ng 52 anyos na si Lanie.

Dalawang testigo ang nagturo sa suspek na umano'y may kagagawan ng krimen.

📸 CSPPO.

https://www.facebook.com/share/p/18LraMirnY/

TIGNAN | - BANGKAY NG ISANG BABAE NAKITANG NAKALUTANG SA ISANG ILOG SA BAYAN NG CABUSAO, CAMARINES SUR.Inihahanda na ng ...
27/01/2025

TIGNAN | - BANGKAY NG ISANG BABAE NAKITANG NAKALUTANG SA ISANG ILOG SA BAYAN NG CABUSAO, CAMARINES SUR.

Inihahanda na ng Cabusao Municipal Police Station ang isasampang reklamo sa Person of interest na natukoy na ng mga otoridad.

Ayon kay PCapt Albert Joven ang hepe ng Cabusao MPS, huling nakita ang biktima kasama ang person of interest sa isang lamay at ng sumakay sa isang Tricycle.

Merong mga video na sa nasabing lamay ay sinubukang halikan ang biktima at hinihimas umano ito.

Alas 4:00 ng hapon ng Linggo, Enero 26, 2025 ng makita ng isang menor de edad ang biktima sa ilong sakop ng Barangay Castillo naturang bayan.

Sa ngayon ay nakilala na ang biktima na si Lanie, 52 anyos ng Zone 2, Castillo, Cabusao, Camarines Sur.

📸 Cabusao MPS.

TIGNAN | - VETERAN MOVIE AND TV ACTRESS NA SI MS. GLORIA ROMERO PUMANAW NA!Siya ay itinuturing na 'Reyna ng Pelikulang P...
25/01/2025

TIGNAN | - VETERAN MOVIE AND TV ACTRESS NA SI MS. GLORIA ROMERO PUMANAW NA!

Siya ay itinuturing na 'Reyna ng Pelikulang Pilipino.'

Sa isang post sa social media ngayong Sabado, Enero 25, ipinaabot ng aktres na si Lovely Rivero ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng beteranang bituin sa pelikula na si Gloria Romero, na pumanaw sa edad na 91.

Sinimulan ni Romero ang kanyang tanyag na karera sa showbusiness noong panahon ng post-war movie era ng pelikulang Pilipino.

Naging bida siya sa maraming blockbuster na pelikula ng kanyang panahon, kabilang ang ‘Cofradia,’ ‘Pilya,’ ‘Despachadora,’ at ‘Dalagang Ilocana’ — kung saan siya nanalo ng kanyang unang FAMAS Best Actress award.

Bukod sa mga iyon, napanood rin siya sa ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’ kasama si Nora Aunor, ‘Tanging Yaman,’ ‘Magnifico,’ at ‘Rainbow Sunset.’

Sa TV, ginampanan niya ang mga iconic na karakter na sina Minerva Chavez sa ‘Palibhasa Lalake,’ Doña Amparo sa ‘Familia Zaragoza,’ Doña Anastacia sa ‘Munting Heredera,’ Cecilia Tanchingco sa ‘The Rich Man’s Daughter,’ at bilang iconic na Lola Goreng sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’ — na siya ring huli niyang programa sa Telebisyon. 😢

Ctto from GMA Universe

23/01/2025

PANOORIN | - NILALAMAN NG VIDEO AY ANG MAGKAHIWALAY NA PANAYAM SA PUNONG BAYAN NG LUPI, CAMARINES SUR Mayor Lilian "Gagay" Matamorosa AT KAY Congressman Hori Horibata HINGGIL SA PAGSISIMULA NG 1ST CONGRESSIONAL DISTRICT MEET AT ANG KANILANG MGA NAGING PAGHAHANDA BAGO ANG NATURANG PALAKASAN.

Ang LGU Lupi ay ang host municipality at naglaan ito ng halagang P3Million para sa naturang palaro.

May hiwalay naman na tulong si 1st District Representative Tsuyoshi Anthony Horibata sa mga atleta at District Supervisors. https://www.facebook.com/share/v/15brUowHvr/

22/01/2025

PANOORIN | - CAMARINES SUR 1ST DISTRICT REPRESENTATIVE TSUYOSHI ANTHONY HORIBATA NAGBIGAY NG KATUWAAN SA BARANGAY SOOC, LUPI, CAMARINES SUR.

Ngiti ang dala ng handog ni Congressman Hori Horibata sa mga mamamayan ng Sooc, Lupi, Camarines Sur sa araw ng kanilang Barangay Fiesta.

Limang kilong Bigas ang binigay ng kongresista at iba pang magagandang balita o programa ang naihayag nito na magdadala ng patuloy na progreso ng unang distrito.

TIGNAN | - ISANG 57 TAONG GULANG NA LALAKI SA BARANGAY STA CRUZ, TINAMBAC, CAMARINES SUR PATAY NG MASUNOG ANG KANILANG B...
22/01/2025

TIGNAN | - ISANG 57 TAONG GULANG NA LALAKI SA BARANGAY STA CRUZ, TINAMBAC, CAMARINES SUR PATAY NG MASUNOG ANG KANILANG BAHAY.

Sa naging panayam ng One News CamSur kay FO1 Bridgette Estallo, ang Public Relations Officer ng Bureau of Fire Protection Tinambac, dakung alas 3:00 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Enero 22, 2025 ng maipaabot sa kanila ang nangyayaring sunog sa nasabing lugar.

Makalipas ang anim na minuto ay narating ng mga Bombero ang nasusunog na bahay na pag-aari ng pamilya Mendoza at nagkataon na nasa loob ng bahay ang 57 anyos na lalaki na siyang may-ari ng bahay na kinilalang si Eddie Mendoza..

Tinatayang aabot sa humigit kumulang P50,000 ang naging pinsala sa nasabing sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Tinambac upang matukoy ang naging sanhi ng sunog at kung bakit hindi nakalabas ang biktima mula sa nasusunog na bahay.

📸 BFP Tinambac.

TIGNAN | - 𝟯𝟬 𝗦𝗢𝗪 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗦𝗪𝗜𝗡𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗟𝗜𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢 𝗗𝗘𝗠𝗢 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗟 𝗚𝗔𝗟𝗟𝗘𝗚𝗢 🌾Ang 30 SOW Level Swine Multiplier ...
19/01/2025

TIGNAN | - 𝟯𝟬 𝗦𝗢𝗪 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗦𝗪𝗜𝗡𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗟𝗜𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢 𝗗𝗘𝗠𝗢 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗟 𝗚𝗔𝗟𝗟𝗘𝗚𝗢 🌾

Ang 30 SOW Level Swine Multiplier and Techno Demo Farm Project ay isinakatuparan sa pangunguna ni Cong. Hori Horibata, kasama ang suporta mula sa Del Gallego Coconut Farmers Agriculture Cooperative (DECFACO) at Department of Agriculture (DA). Layunin ng proyektong ito na palakasin ang industriya ng agrikultura sa Del Gallego sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at tamang kaalaman sa pagpapalaki ng mga alagang hayop.

Bukod sa pagtaas ng produksyon ng agrikultura, ito din ay magbibigay ng mas maraming oportunidad sa pagbibigay ng trabaho para sa ating mga small-scale farmers na magkaroon ng sustainable na kabuhayan

via Congressman Hori Horibata https://www.facebook.com/share/p/15quT4o7aD/

TIGNAN | - TANGAPAN NI CONGRESSMAN TSUYOSHI ANTHONY HORIBATA NG 1ST DISTRICT, CAMARINES SUR AT DOLE NAGKAISA SA PAGTULON...
16/01/2025

TIGNAN | - TANGAPAN NI CONGRESSMAN TSUYOSHI ANTHONY HORIBATA NG 1ST DISTRICT, CAMARINES SUR AT DOLE NAGKAISA SA PAGTULONG SA BAYAN NG RAGAY, CAMARINES SA PAMAMAGITAN NG TUPAD PROGRAM.

Kamakailan lamang ay isinagawa ang Payout ng mga TUPAD Beneficiaries sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Ang TUPAD ay isang Cash for Work program na nagbibigay ng tulong sa mga nasa kumunidad at nagiging malinis pa ang lugar.

https://www.facebook.com/share/p/1GLFEC2yxE/

TIGNAN | - UMAPAW NA ANG TUBIG SA SPILLWAY NA NAG-UUGNAY NG CAROLINA, NAGA CITY AT SIBA-O, CALABANGA, CAMARINES SUR.Kuha...
11/01/2025

TIGNAN | - UMAPAW NA ANG TUBIG SA SPILLWAY NA NAG-UUGNAY NG CAROLINA, NAGA CITY AT SIBA-O, CALABANGA, CAMARINES SUR.

Kuha ang litrato ni Punong Barangay Leoncio Libuit ng Carolina, Naga City dakung alas 4:00 ng hapon ngayong araw, Enero 11, 2025

Inaabisuhan ang mga residente na iwasan ng tumawid sa nasabing tulay dahil mapanganib na lalo na sa mga light vehicles.

📸 Kap Leoncio Libuit

TIGNAN | - PUBLIC ANNOUNCEMENT Isang bagong silang na sanggol na babae na nakasilid sa karton ang natagpuan sa harap ng ...
11/01/2025

TIGNAN | - PUBLIC ANNOUNCEMENT

Isang bagong silang na sanggol na babae na nakasilid sa karton ang natagpuan sa harap ng tindahan ni Evangeline Gamora sa Avenue St. Progress Homes Subdivision, Barangay San Vicente, Canaman kaninang alas-otso ng umaga.

Isang tricycle driver ang nakakita sa sanggol at agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad. Sa imbestigasyon, isang nakasuot ng jacket ang nakitang nag-iwan ng sanggol.

Sa ngayon ang bata ay nasa pangangalaga ng RHU- Canaman Birthing Clinic.

Kung sino man po ang may nakakaalam ng pagkakakilanlan ng magulang ng sanggol, makipag-ugnayan sa Barangay San Vicente, Canaman o sa Pulisya ng Canaman.

via LGU Canaman

10/01/2025

PANOORIN | - Congressman Hori Horibata SURPRESANG BINISITA AT BINIGYAN NG TULONG PINANSIYAL ANG MAG-INA SA BAYAN NG LUPI, CAMARINES SUR.

Nabigyan ng halagang Sampung Libong Piso ang mag-ina upang makatulong sa pag-aaral ng bata sa University of Nueva Caceres sa Lungsod ng Naga.

Ang pagtitinda ng Turon ni Nanay Charina ang pinagkukunan ng kanilang pangangailangan.

https://www.facebook.com/share/v/1FL4b6Sgsu/

Kapag maulan sa lalawigan ng Camarines Sur, Ang mga estudyante ay... 😂😂Photo not mine, credit to the rightfull owner.
09/01/2025

Kapag maulan sa lalawigan ng Camarines Sur, Ang mga estudyante ay... 😂😂

Photo not mine, credit to the rightfull owner.

09/01/2025

PANOORIN | - HINAKOT NA KANINANG UMAGA ANG MGA DSWD FOOD PACKS NA NAKA-IMBAK SA WAREHOUSE NG GIBO CONSUMERS COOP, BARANGAY CONCEPCION GRANDE, NAGA CITY.

Ang food packs ay ibinahagi na sa mga residente ng Barangay Sabang at Barangay Triangulo lungsod ng Naga.

Ang naturang bodega ay tinungo kahapon ng DSWD at CIDG dahil sa umano'y paglabag sa RA 10121.

https://www.facebook.com/share/v/1CRp4mwCRL/?mibextid=oFDknk

Address

Naga City
4400

Telephone

09202253373

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One News CamSur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share