24/12/2025
TINGNAN: Nagsagawa ng hospital rounds ang Kagawaran ng Kalusugan Bicol ngayong araw sa ilang ospital sa Albay bilang bahagi ng pagpapaigting ng Ligtas Christmas campaign.
Personal na binisita ni DOH Bicol OIC-Regional Director, Dr. Rosa Maria B. Rempillo, ang Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital (JBDAPH) at Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) upang suriin ang kahandaan ng mga nasabing pasilidad sa posibleng pagdagsa ng mga pasiyente ngayong paparating na pasko at pagsalubong sa bagong taon.
Tiniyak naman ng dalawang ospital na handa ang kanilang pasilidad at mga medical staff, lalo na ang pagtugon sa mga kaso ng firework-related Injuries, road crash injuries, at iba pang karamdamang dulot ng labis na pag-inom at pagkain tulad ng holiday heart syndrome.
Panawagan ng DOH Bicol sa publiko panatilihin ang healthy habits ngayong holiday break sa pamamagitan ng pagkain ng tama at pagkakaroon ng disiplina, maging responsable at tiyakin ang kaligtasan tuwing bumabiyahe, at iwasan ang paggamit ng paputok para sa malusog at ligtas na pagdiriwang.
Link: https://www.facebook.com/share/p/1ZQ4Ue8T3G/
Courtesy: DOH Bicol CHD
Padagos na mahatod kan mga baretang para sa Bikolano!
GNN TV 48 NAGA News Break! Lunes hasta Biyernes nin banggui.
GNN TV 48.2 YOUTUBE CHANNEL: https://www.youtube.com/