Usapang Family Planning natural pills injectable iud implanon

Usapang Family Planning natural pills injectable iud implanon Patungkol sa mga Birth Control na maaring gamiting upang maiwasan ang di inaasahang pag bubuntis.

30/11/2023

Na miss ko Ang ating FB page, sorry sa mga unreply messages, sobrang busy lang Po.
Hope na madami Parin Po Ang natutulungan Ng ating page sa mga past post na vedio natin.❤️

27/07/2023

Medyo feeling tayo dun sa part na nag wa-wallet pa tayo, pero wala namang lamang pera 🙄😅

15/07/2023

Ang Lamig Naman Ng panahon ngaun Noh!!

Kumusta nga pala ung mga SINGLE🤔?

14/07/2023

Panis lahat Ng Pagod mo sa buong maghapon, tapos sasabihin lang Sayo "NASA Bahay ka lang Naman ah!! Ano ba pinag gagagawa mo?"🥴

12/07/2023

Question of the Day;

Kailan nga ba Ang dabest Na time para sa S*XY TIME Ng mag Asawa😁😁

11/07/2023

Question of the Day;

Kailan ba dapat sundan Ang Anak?
Pano kapag gusto na Ng partner mo?

07/07/2023

Question of the Day;
Pano kung ayaw Ng partner NYO na gumamit ka Ng Birth Control?

06/07/2023

Question of the Day;

Dapat ba talaga na mag agree Ang Asawa sa Pag Gamit mo Ng Birth Control?

05/07/2023

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

05/07/2023

Dear UFP,

Sana Wala Pong Mang husga at pls. Respect me Po.
pa hide Po Ng identity ko, call me Ysa nalang Po, 28yrs old married for 3yrs.
ganito Po kasi Yun,
two years ago nag buntis Po Ako that time working Po Ako as a private clinic Nurse, so dahil sobrang selan Po Ng PAG bubuntis ko pina stop Po Ako Ng husband ko sa work, kahit ayaw ko Po dahil Mahal ko Ang trabaho ko, pero sinunod ko Po sya kasi para sa baby Namin, Ng 4 months na Po Ang tiyan ko bigla Po Ako dinugo Kya sinugod Po Ako sa ospital at Nakunan Po Ako😭, namatay Po Ang Bata sa tiyan ko😭😭 kaya niraspa Ako, Ng naka labas na Po Ako sa hospital panay po Ako kulong sa kwarto dahil sa sobrang lungkot, nawalan Po Ako Ng GANA sa lahat Ng bagay😔
mga almost 2 months Po akong ganun, Hanggang sa kinausap Ako Ng asawa ko na kung gusto ko daw eh mag trabaho Ako ulit, siguro Yun Po way nya para malibang Po Ako at wag mag mukmok nlng dahil sa pag kawala Ng baby Namin,
to cut the story Po, nakaroon Po Ako Ng work at Hanggang ngaun eh nag wowork Po Ako as nurse.
last year Po Panay sabi si husband na gusto nya na daw ulit na mag baby kami😔
sa totoo lang Po Ng nag buntis Ako madami Po Ako realization, ayuko pa Po Sana noon, di pa Ako ready na maging plain House wife nlng at mag alaga Ng Bata dahil gusto ko Parin Po I pursue Yung career ko, Ang gusto Po kasi ni husband kung mag kaka anak kami ay titigil na Ako sa trabaho ko at sya nlng Ang susuporta saamin, though maganda Naman Po work nya, pero di ko Po kasi kayang I give up Ang career ko.

after ko Po makunan, at nag start Ako mag work, nag papa inject Po Ako ng norifam monthly without knowing of my husband, as of now Po kasi ayuko pa Po tlga I give up Ang career ko,gusto ko Rin Naman Po Ng Anak pero not Now Po siguro, lately Po parang nag tataka na si husband dahil nag tatry Naman daw Po kami pero bakit Hindi Ako nabubuntis, nakaka konsensya Po dahil umaasa sya habang Ako Naman Po I nag lilihim sa kanya about sa patago ko pong pag Fafamily Planing.

sinubukan ko Naman Po dati na mag sabi sakanya na kahit my baby na kami eh gusto ko Parin mag work pero buo na Po kasi Ang disesyon nya na.
Mahal ko Naman Po Ang Asawa ko,
di ko na Po talaga alam ano ba dapat kung Gawin😭

salamat Po sa pag nabasa Ng kwento at problema ko.

04/07/2023

Hello Po USAPANG FAMILY PLANNING 🥰

Just wanna share my story Ang Problem too, Just call me Tina Po, 25 years old may Asawa at Kasal for 5yrs.
pills User Po Ako with 1kid

ganito Po kasi Yun, lately Po kasi madalas ko napapansin si partner na parang ginagawa nya pong libangan ngaun Yung S*x,
kapag Po di sya maka TULOG, gigisingin nya Po Ako even late evening Just to have in*******se, reason nya Po is Hindi daw sya inaantok, after Po Nyan tutulog na sya.
is it Normal to a Men na Po ba na after DO is inaantok na or nakaka TULOG na, habang Ako Naman Po Ang hindi na maka TULOG after nun.

Hope na mabigyan NYO Po Ako Ng payo.

21/06/2023

Kung ako puro rider ng shopee ang bisita araw-araw, yung chismosa mong kapitbahay rider ng lending ang bisita para maningil.🥴🥴

12/06/2023

Yung 8 HOURS STRAIGHT NA TULOG DIN TALAGA ANG TANGING PANGARAP KO NGAYON🥴🥴

14/05/2023

Happy Mother's Day to all the mother's all over the world

12/05/2023
Ang karaniwang "pills" (oral contraceptive pills, birth control pills) ay naglalaman ng kombinasyon ng female hormones n...
04/05/2023

Ang karaniwang "pills" (oral contraceptive pills, birth control pills) ay naglalaman ng kombinasyon ng female hormones na estrogen at progesterone. Dahil pinipigilan nito ang "pangigitlog" (ovulation) ng mga babae, ito ay ginagamit para makaiwas sa pagbubuntis.

Napag-alaman sa mga pag-aaral na bahagya at pansamantalang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng BREAST CANCER sa mga babaeng gumamit ng pills kailanman, lalo na sa mga nagsimulang gumamit noong teenager pa lamang sila, ngunit ang tsansang ito ay bumababa rin pagkatapos ng 10 taon ng paggamit ng pills. Gayunpaman, dapat tandaan na may iba pang mga mas matimbang na risk factors para sa breast cancer tulad ng reproductive history at family history.

Napag-alaman din na bahagya at pansamantalang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng CERVICAL CANCER sa mga babaeng gumagamit ng pills, ngunit ang tsansang ito ay unti-unti ring bumababa sa paglipas ng panahon kapag tumigil na sa pag-inom ng pills. Ang human papillomavirus (HPV) infection pa rin ang nangungunang sanhi ng cervical cancer.

Pero, may mga positive effect din ang pills. Naobserbahan sa maraming pag-aaral na ang mga babaeng gumagamit ng pills ay may mas mababang tsansa ng pagkakaroon ng OVARIAN CANCER at ENDOMETRIAL (UTERINE) CANCER, at ang tsansang ito ay lalong bumababa habang mas tumatagal ang pag-inom ng pills.

Kung susumahin, mas malaki ang antas at mas mahaba ang panahon ng proteksyon na ibinibigay ng pills laban sa ovarian at endometrial cancer kaysa sa panahon na bahagyang tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng breast at cervical cancer dahil dito. Ang sagot ni Dr. Jericho Thaddeus Luna, isang gynecologic oncologist mula sa PGH, ayos lang gumamit ng pills dahil nakakaprotekta naman ito laban sa ovarian at endometrial cancer – dalawang uri ng kanser na wala pang mabisang screening method sa ngayon kaya madalas ay late ma-diagnose. Ito ay kumpara sa breast cancer na maaaring ma-diagnose nang maaga dahil maaari itong i-screen sa pamamagitan ng mammography at sa cervical cancer na maaaring i-screen sa pamamagitan ng Pap smear at HPV testing – kaya mahalaga pa ring sumailalim sa mga screening test na ito, gumagamit man ng pills o hindi.

Gayunpaman, ang pills ay hindi para sa lahat dahil may mga kondisyon na hindi naaangkop dito. Pinakamabuting KUMONSULTA at makipagdiskusyon muna sa iyong OB/GYN kung ano ang pinakamabuting paraan ng birth control para sa iyo. Tandaan din na pinapayuhang huwag nang uminom ng pills ang mga babaeng may personal history ng breast cancer.

Reference: Cancer Research UK
CRedit to the Right full owner of this context.
Answer from Cancer Doctor.

02/05/2023

Isang mahigpit na yakap para sa lahat ng laban na hindi natin nakukwento. Mga laban na nananatiling ikaw at Diyos lang ang nakakaalam.

01/05/2023

Sarili lang ang Kakampi natin sa tuwing aatake ang stress, kaya dapat lakasan ang loob, dahil hindi lahat makakaintindi satin.

26/04/2023

Para sainyo ano nga ba Ang kahalagahan Ng Pag pa Family Planning?

Anong FP Ang Gamit nyo at gano na ito katagal?

Share your thoughts with Us ☺️

Gano ba katagal Ang Yung Labor?At gaano ito kasakit?Mahirap Ang mag buntis at manganak, kaya Laging paalala namin ay mag...
09/04/2023

Gano ba katagal Ang Yung Labor?
At gaano ito kasakit?

Mahirap Ang mag buntis at manganak, kaya Laging paalala namin ay mag Family Planning Ng maiwasan Ang di inaasahang pag bubuntis ❤️


29/03/2023

Gosh an init, sino kaya man lilibre Ng Milktea😁😁

Alam mo bang Ang DETOX TEA at LAXATIVE TEA ay nakaka baba Ng epektibo Ng Birth Control.Dahil Ang mga ito ay inaalis Ang ...
29/03/2023

Alam mo bang Ang DETOX TEA at LAXATIVE TEA ay nakaka baba Ng epektibo Ng Birth Control.

Dahil Ang mga ito ay inaalis Ang lahat Ng duming NASA loob Ng ating katawan at nakaka sama Ang BIRTH CONTROL TULAD Ng pills, dahil sa tiyan ito dumaraan para matunaw at nakakasama ito sa mga naaalis ng laxative tea at detox tea kaya Naman nababawasan Ang epektibo nito at maaaring mag dulot Ng Hindi inaasahang pag bubuntis.

Like and follow our official page for more helpful information 💗




"PAG INOM NG KAPE HABANG GUMAGAMIT NG BIRTH CONTROL"alam mo bang Ang madalas na pag KAPE habang gumagamit ng BIRTH CONTR...
29/03/2023

"PAG INOM NG KAPE HABANG GUMAGAMIT NG BIRTH CONTROL"

alam mo bang Ang madalas na pag KAPE habang gumagamit ng BIRTH CONTROL ay maaring mag resulta Ng madalas na PANANAKIT NG ULO, MAS MABILIS NA PAGTIBOK O PINTIG NG PUSO, Jitteriness, at Iba pang pwdeng mas malalang epekto Ng Hindi agad mawalang Caffeine drugs sa katawan Ng Tao.

Kya Naman mas mainam kung iwasan Ang madalas na pag kakape habang nag birth control ka💗

Ikaw coffee lover ka din ba?
kumusta Ang epekto sayo nito?
Tara pag usapan natin Yan!

like and follow our official page for more helpful information 💗



KATATAPOS lang Po Ng aking REGLA, posibleng mabuntis Po ba Ako?sagot;ito Ang kadalasang tanong Ng marami, kailangan nga ...
25/03/2023

KATATAPOS lang Po Ng aking REGLA, posibleng mabuntis Po ba Ako?

sagot;

ito Ang kadalasang tanong Ng marami, kailangan nga ba posibleng mabuntis Ang Isang babae matapos nitong makipag Talk?

ngunit, dapat mo ring I conseder Ang menstrual CYCLE na Meron ka,
Ikaw ba ay REGULAR na nag reregla or IRREGULAR Ka?

TANDAANG merong 28 to 30 days cycle Ang normal REGLA Ng Isang babae,

Ang unang araw Ng babae, Hanggang Sa ika pito ay syang tinutukoy na Araw Ng REGLA.
(1-7Days MENSTRUATION period)

sa ika walo hanggang labing Isang araw ay nag hahanda na Ang matress para mag labas Ng kanyang itlog.
(8-11th day PREPARATION OF WOMB FOR THE COMING EGG)

Sa ika labing dalawa Hanggang, labing pito, ay Ang Araw kung saan fertile Ang Isang babae at maaring mabuntis.

(12-17th day OVULATION PERIOD )

ika labing walo hanggang dalawangput Lima ay Ligtas nang makipag talik.
(18-25day SAFE S*X period.)

26-28day Preparing for the next Menstruation.

kaya Naman kung Ang sagot sa tanong kung MABUBUNTIS Po ba pagkatapos Ng araw Ng REGLA ay May posibbilidad Po na OO, Dahil matatandaang Ang semilya Ng Isang LALAKI at tumatagal Ng 5 araw sa loob Ng babae bago tuluyang namamatay.

kaya Naman Ang AMING paalala ay mag Family planning para maiwasan Ang di inaasahang pag bubuntis.

like and follow our official page for more updated and Helpful informations 💗


" Bakit may pumipitik sa puson ko😭?Buntis Po ba Ako, eh nag contraceptive Naman Po Ako."Ito Ang kadalasang tanong na nab...
24/03/2023

" Bakit may pumipitik sa puson ko😭?
Buntis Po ba Ako, eh nag contraceptive Naman Po Ako."

Ito Ang kadalasang tanong na nababasa ko sa messenger ko.

Ano nga ba Ang DAHILAN.?

Alam mo bang Kapag ang gamit mong contraceptive ay progestin-only tulad ng injectable, implant at progestin-only pills (POP), makakaramdam ng mga sintomas ng parang buntis at nagiging active ang mga pulso o nerves ng katawan lalo na sa area ng puson,
dahil lamang ito sa effect ng progestin na sangkap sa contraceptive na Gamit mo na syang nagbibigay ng araw-araw na proteksyon sayo, upang maiwasan Ang di inaasahang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagmimick o pag gaya ng nagbubuntis.

Ikaw nakakaramdam Karin ba nito?

Tara at pag usapan natin Yan.

Like and follow our official page for more helpful information 💗



Address

Naga City Camarines Sur
Naga City
4400

Telephone

+639509366971

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Usapang Family Planning natural pills injectable iud implanon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Usapang Family Planning natural pills injectable iud implanon:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Naga City

Show All