09/05/2022
Subok na sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo kung gaano ito katibay. Ilan lang sa halimbawa nito ay ang mga sumusunod;🇮🇹
Panahon ni Cory, nilusob nila ang Templo Central at nais nila itong angkinin para gawing Malacañang, subalit hindi sila nagtagumpay. Sumunod dito inusig nila ang mga magsasakang kapatid sa Hacienda Luicita at iba pang lupain na pagmamay-ari ng mga Cojuangco, sa kabutihang palad nagpasya ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na bumili ng malawak na lupain sa Probinsya ng Nueva Ecija (Laur at Palayan) para ilipat ang mga kapatid, binigyan sila ng lupa, bahay, kabuhayan at ganito din ang ginagawa ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia, patuloy ang kanilang pagbili ng malalawak na lupain sa iba't ibang dako ng daigdig para tumulong sa mga kaanib at hindi kaanib, patuloy din ang pagbili ng INC sa mga nagsarang simbahan/kapilya ng ibang relihiyon sa ibang bansa tulad ng Catholic Churches, Baptist Churches, Protestant Churches, Jehova's Witnesses Churches at iba pang pangkating pang relihiyon. Hindi rin tumigil sa pagsasagawa ng Medical Missions at pamamahagi ng tulong ang Iglesia Ni Cristo mayroon mang sakuna o wala.
Panahon ni Noynoy, nagkaroon ng internal problem ang Iglesia Ni Cristo pero bago pa man namin ito masolusyunan ay nanghimasok na ang Gobyerno sa pangunguna ni Leila De Lima na noon ay secretary ng Department of Justice, sinabayan pa ito ng kabi-kabilang pang-uusig ng iba't ibang pangkating pangrelihiyon at Mainstream Media/Media Outlet gaya ng ABS-CBN, Inquirer at Rappler. Subalit nagtagumpay ba sila sa kanilang hangarin na pabagsakin ang Iglesia ni Cristo? HINDI. Si Leila de Lima ay naharap sa patong patong na kaso at ngayon ay nakakulong. Si Ressa ng Rappler ay naharap din sa patong patong na kaso at kamakailan ay nakulong din subalit pansamantalang nakalaya matapos mag piyansa. Ang kumpanya naman ni Ressa na Rappler (US funded) ay mapaghanggang ngayon ay hindi pa rin binibigyan ng SEC ng registro at nahaharap din sa patong patong na issue. At panghuli sa ilang halimbawa ay ang ABS-CBN na ngayon ay walang prangkisa at frequency.
Tapat ang Diyos, hindi namin kailangan gumanti dahil alam naming sya ang magtatanggol at magbibigay ng hustisya para sa amin. Lahat ng kumakaaway ay mga napapahiya at naglalahong parang mga bula. Kaya mga mahal kong Kapatid, mas lalo nating patibayin ang ating mga Pananampalataya manghawak tayo sa pangako ng Diyos. Kung sa palagay mo'y naghihina ka, lumuhod ka, ipikit ang iyong mata at isumbong mo sa Diyos ang lahat ng bagabag mo sa buhay, alam kong kaya mo yan 'pagkat ang lahat ng ito'y panandalian lamang. Sa Biblia, inihantulad tayo sa isang ginto na dinaraan sa apoy upang alamin kung tayo ba'y dalisay, tapat ang Diyos hindi nya tayo susubukin ng higit sa ating makakaya. Kaya patuloy kang magtiwala at umasa sa kanyang magagawa.
----------
"Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas."🇮🇹
- II Mga Taga-Corinto 12:10 | Magandang Balita Biblia 2005 -🇮🇹
CTTO