16/01/2025
Sapin-sapin Recipe, kakanin meryenda!
Ingredients:
● 2 cups glutinous rice flour
● 1 cup rice flour
● 2 ½ cup coconut milk
● 1 cup condensed milk
● ½ cup sugar (white)
● Food colors - yellow & violet - 1 teaspoon each color
FOR TOPPING: Latik
● 1 can coconut milk o unang pigang gata
PROCEDURE:
● Pagsamahin ang glutinous flour, rice flour at white sugar sa isang bowl.Haluing mabuti.
● Ilagay ang coconut milk at condensed milk, haluin. Salain ang mixture para mawala ang namuong galapong.
● Divide into 3 parts ang mixture. Sa bawat lalagyan, lagyan ng food color. Haluin mabuti.
● Pahiran ng coconut oil ang 8x8 non-stick pan. Saka maglagay ng unang layer white glutinous mixture. Steam for 5 minutes
● After 5 minutes, ilagay ang yellow mixture. Steam for 10 minutes
● After 10 minutes, isunod ng ilagay ang purple mixture at i- steam sa loob ng 15 to 20 minutes.
● After 15 to 20 minutes I- check sa pamamagitan ng toothpick, kapag wala ng sumamang mixture ibig sabihin ay luto na ito.
● I-ahon sa steamer palamigin bago ilipat sa serving plate n may sapin ng dahon ng saging.
Hiwain sa laki na naayon sa gusto nyo at budburan ng latik sa ibabaw.
Paano magluto ng Latik:
● Ilagay s kawali ang 1 can ng coconut milk o unang piga ng gata.
● Pakuluan hanggang sa mag evaporate ang gata at mamuo ang latik.
● Kapag namuo n ang latik hinaan ang apoy, haluin ng dahan-dahan hangang sa mag golden brown ang kulay ng latik. Salain para maghiwalay ang latik sa langis.
❗️ Note: Balutin ng tela ang takip ng steamer para maiwasang huwag matuluan ng tubig ang sapin-sapin.
Lutong Pinoy Recipe ❣️