
25/08/2025
๐๐ข๐๐จ๐ ๐ก | Bayani sa Panahong Kasalukuyan
โ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐.โ
Isang salitang madalas inuugnay sa pangalan nina Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, at iba pang mga taong nakaukit sa kasaysayan. Ito ang tawag sa mga taong nagbuwis ng buhay, dignidad, karangalan at sakripisyo para sa kalayaan at kaunlaran ng bansa. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuluyan na nga ba talagang ibinigay ang kahulugan ng salitang โbayaniโ sa nakaraan at hindi na nabigyang halaga at papuri ang mga bayani sa kasalukuyan?
Hindi lahat ng bayani ay nasa monumento. Marami sa kanila ay nasa ospital, suot ang puting uniporme, nagbibigay ng tulong kahit mahirap, nagbibigay ng serbisyo at oras kahit walang-wala na rin. Sila ang mga doktor, nurse, medical technologist, at iba pang healthcare workers na sumuong sa panganib noong pandemya. Batay sa datos ng Philstar noong 2020, mahigit 1,245 health workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, kabilang ang 471 nurse, 464 doktor, 41 medical technologist, at iba pa. Sa global data naman ng World Health Organization noong 2022, kinilala ring kabilang ang mga medical technologist sa mga uri ng laboratory staff na may pinakamataas na infectious rate.
Ngunit ang nakakalungkot, mas madalas nating nakikita ang kanilang pagod kaysa kanilang dangal. Batay pa sa isang pag-aaral nina Cano et al. (2022), karamihan sa mga healthcare workers ang nakaranas ng stress, isolation, at burnout. Ang masakit, habang nilalabanan nila ang sumpa na hatid ng pandemya, sila pa ang nakaranas ng diskriminasyon at pangmamaliit mula sa lipunan. Hindi sila tinuring na bayani kundi mga trabahador na naisantabi ang sakripisyo.
Subalit hindi lamang sila ang nararapat na kilalaning bayani. Nariyan din ang mga jeepney driver na kahit walang kasiguraduhan, patuloy na bumibiyahe para may maipakain sa pamilya. Mga g**o na sa kabila ng maliit na sahod, nagsusunog ng kilay para may maituro sa mga estudyante. Mga security guard, tanod, at maging mga estudyante na tahimik na nagsasakripisyo para sa kanilang mga pangarap. Kung kabayanihan ang pag-uusapan, bakit sila hindi kasama sa usapan? Hindi man sila kadalasan nakikita sa telebisyon o radyo. Ngunit nariyan sila gumagalaw, tumutulong.
Ang pinakamalaking pagkakamali natin ay ang ituring na ang salitang โbayaniโ ay luma na at para lamang sa mga taong pumanaw isang siglo na ang nakalipas. Ngunit ang katotohanan: bawat panahon ay may bayani. Ang kaibahan lang, ang mga bayani ngayon ay hindi na nakasulat sa libroโsilaโy nakikita na natin araw-araw, sa ospital, sa lansangan, at maging sa ating mga tahanan. Kaya panahon na para palawakin ang ating pananaw sa kabayanihan. Kung ang nakaraan ay nagluwal ng mga bayani ng kalayaan, ang kasalukuyan naman ay patuloy na lumilikha ng mga bayani ng serbisyo at sakripisyo. At kung hindi natin sila kikilalanin, para na rin nating itinakwil ang tunay na diwa ng salitang bayani.
Kaya ngayong Araw ng mga Bayani, huwag lamang sana natin alalahanin ang bayani nakaraan. Mas mahalaga na kilalanin din ang mga bayani ng kasalukuyanโdahil ang kabayanihan ay hindi natatapos sa aklat ng nakaraan, itoโy patuloy na isinusulat sa bawat sakripisyo ng ating mga kababayan.
Written by John Emmanuel Poblete
Layout by France Eunice Mirando