10/12/2023
Prologue
Carissa
"Hello there..... Miss Me?" Nakangising bati ni Gabriel.
"Ga Gabriel anong... I mean napadalaw ka.. Wa.... wala sila Mommy nasa Hawaii.." Nauutal kong sabi sa kanya.
" I know Dear" tinitigan niya ako sabay ngisi. "Para yatang lalong gumaganda ang asawa ko ah?" sabay lapit niya sa akin at haplos sa aking mukha.
" Ha???? Ano po?" "" Sabay atras ko upang maiwasan ang paghaplos niya sa mukha ko.
Humakbang siya ulit palapit sa akin at hinwakan ako sa balikat at nilapit ang kanyang mukha sa aking tainga sabay bulong
"Much better na wala sila Mommy dito ngayon. Magagawa natin lahat ng ating gusto" bulong niya.
Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Naninindig ang aking balahibo sa batok.
"A.. a... Anong ibig mong sabihin???" naguguluhan kong tanong..
Tinitigan niya ako ng matiim sa aking mukha sabay wika na "malalaman mo later". at bigla niyang dinampi ang kanyang mga labi sa aking labi.
Napamulagat ako sa kanyang ginawa. Parang may libo-libong boltahe ng kuryente na tumulay sa buo kung katawan sa pagdampi ng kanyang labi sa akin.
Naramdaman ko nalang na na dinudunggol ng dila niya ang aking labi at pilit nyang pinabukas ito. Nakatikom pa rin kasi ang akin bibig at hindi ko alam kung paano mag react.
Naramdaman ko din na gumagapang ang kanyang k**ay sa loob ng aking blusa at naramdaman ko nalng na hinaplos niya ang aking hiyas.
Kaya naman napaawang ang aking labi at agad niya itong sinupsop at ipinasok ang kanyang dila. Sinibasib niya ako ng halik sa labi. Hindi pa siya nakontento pinisil pisil nya pa ang isa kong hiyas.
Pinagsawa niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi bago ko naramdaman na bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.
Kinagat niya ako sa leeg at alam kong mag iiwan ito ng marka doon. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong dinuduyan sa alapaap.
Tuluyan nya ng hinubad ang aking blouse at tumampad sa kanya ang katamtamang laki ng dalawa kong bundok sa dibdib. Iginiya niya ako pahiga sa k**a habang titig na titig sa aking dibdib.
Maya- maya pa ay naramdaman ko na sinubo niya ang isa kong hiyas. Napaigik ako kasi may naramdaman akong kunting sakit sa ginawa niya sa dibdib ko. . Sinupsop niya ito na parang saggol at ang kabila niya namang k**ay ay
Nilalamas ang isa ko pang bundok.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pilit akong nagpupumiglas pero mas malakas si Gabriel sa akin.
Hindi ako pinansin ni Gabriel at patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Hangang sa naramdaman ko na bumaba ang kanyang k**ay at pilit na hinubad ang aking pantulog. Naramdaman ko na panti nalng ang natira sa akin.
Tinitigan nya ako sa aking mga mata ng may pagnanasa sabay ngiti at sabi....
"Aangkinin kita ng paulit-ulit ngayong gabi. Matagal akong hindi nakauwi dito kaya ito na ang pagkakataon ko" sabi niya
Chapter 1Carissa POV
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na may kumalampag sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na basta naramdaman ko nlng na masakit ang aking ulo. . Naramdaman ko din na wala akong saplot sa katawan ng unti-unti akong bumaba sa higaan. Pero pagtingin ko sa k**a nakita ko na may katabi ako.. Nataranta akong hinila ang kumot at ibinabalabal sa hubong katawan.
'Anong nangyari? Napabulalas ako sa sarili dahil hindi ko talaga matandaan kung ano ang nangyari sa nagdaang gabi. Bahagya ko pang kinusot-kusot ang aking mga mata at tumingin sa katabi ko. Lalong dumagundong sa kaba ang aking dibdib ng makita kong lalaki ang aking katabi. Tulog na tulog ito.
'" Carissa, buksan mo ang pinto, ano ba?"Narinig ko na kinakalampag ni Mommy ang pinto ng aking room. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala talaga akong matandaan. Hangang sa narinig ko na lang na nagclick ang door k**b ng kwarto ko. Napabalik ako sa aking k**a at kinuha ang isang unan at inilagay sa harapan ko. Sunod-sunod na pumasok sila Daddy, Mommy at Ate Ara. Gulat silang napatingin sa akin pati na din sa lalaking tulog pa rin na nasa aking k**a.
" Anong ginawa mo sino yang nasa tabi mo?" sigaw ni Mommy sa akin. Hindi kasi makita amg mukha ng katabi ko kasi nakadapa ito pero maya-maya lang ay gumalaw ito at bumangon. Nang makita ko ang mukha ng katabi ko ay nagulat ako. Si Kuya Gabriel, boyfriend ni Ate Ara. Nakita ko din ang pagrehistro sa pagkagulat sa mukha ni Kuya Gabriel. Napabaling pa ito sa akin at bakas sa mukha nitong naguguluhan din ito sa mga nangyayari. Binalingan nito si Ate Ara na noon ay umiiyak na.
Si Gabriel ay matagal ng kasintahan ni Ate Ara. Mayaman ito...... Ay hindi pala sobrang yaman... Galing ito sa kilala at pinak**ayamang pamilya ng bansa.
"Ano ang ibig sabihin nito?" sigaw ni Ate Ara. May luha na din na lumalabas sa kanyang mga mata ng napagsino ang katabi kung lalaki. . "Gabriel, Carissa ano ang ibig sabihin nito?" "Bakit nagawa niyo sa akin ito?" humahagohol niyang sabi. Walang patid ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kasi wala talaga akong matandaan. Basta naalala ko lang na birthday party kagabi ni Ate Ara maraming bisita at lahat nagkakasayahan. Nang tingnan ko si Daddy at nakatiim-bagang lang itong nakatingin sa amin. Matalim naman ang tingin sa akin ni Mommy na parang nakagawa ako ng malaking kasalanan. Samantalang su Ate Ara ay halos maghistirikal na sa sobrang sama ng loob.
"Disi-otso anyos ka pa lang pero natulog ka na Carissa at sa boyfriend pa talaga ng kapatid mo." Sabay pakawala ng mag asawang sampal sa akin ni Mommy. Pakiramdam ko namanhid ang aking mukha sa sakit na aking naramdaman. "Mommy, sorry po hindi ko alam" umiiyak kong sabi. "Wala akong matandaan kung bakit nangyari ito". Sabay lingon sa katabi ko na kita din ang pagkalito sa kanyang mukha. Bumalatay ang pagkalito sa mukha nito. Walang inaalala ang mga nangyari nung nagdaang gabi. " Kuya Gabriel paano nangyari ito ba---- hindi ko nantuloy ang sasabihin ko ng sabunutan ako ni Ate Ara.
" Makapal ang mukha mo,Ahas ka..!!! ."sigaw ni ate Ara sa akin habang hila-hila ang aking buhok. Halos matangal ang anit sa aking bungo sa sobrang lakas ng pagkahila niya sa akin. Hindi ako makapalag kasi hawak-hawak ko ang kumot na tumatakip sa aking kahubdan." Ahas ka, bakit ikaw pa na kapatid ko ang umagaw sa lalaking pinak**amahal ko". Sigaw ni Ate Ara sa akin. "Kakalbuhin kita" at lalo nya pang nilakasan ang paghila sa buhok ko na pakiramdam ko ay matatangal na sa anit ko.
"Ara tama na yan". Sigaw ni Daddy. " Wala ka ng magagawa dahil nangyari na ito. " Binalingan niya si Gabriel." Mag usap tayo Gabriel. "Ipaliwanag mo kung bakit nandito ka sa k**a ni Carissa". Baling ni Daddy kay Gabriel na halata sa boses at kilos nito na nagpipigil sa matinding galit. Halata din sa mukha nito ang malaking disappointment ng sulyapan ako nito.
"Tito, I I dont know what happened. Why I am here..... Wala akong matandaan... Nalilito na sambit ni Gabriel." Ara Babe hindi ko alam.. Im sorry......
" Babe bakit mo nagawang lukuhin ako" humahagolhol na sabi ni Ate Ara. "Bakit ang kapatid ko pa" huhuhuhu" hindi ko matangap.." Sigaw ni ate Ara. HINDI KO MAINTINDIHAN BAKIT SA DINAMI-DAMI NG TAO BAKIT KAPATID KO PA". "Mommy, Daddy hindi ko matangap ito". Ang sakit-sakit".
"Ate, Im sorry.." sambit ko habang umiiyak. " Hindi ko alam.. Wala akong alam, wala akong matandaan" huhuhuhu. Dad, Mom sorry po. Sambit ko sa kanila habang nag-uunahan sa pagtulo ang aking luha. Litong lito ako sa mga nangyari. Hangang ngayon hindi pa rin kayang iproseso ng aking utak bakit nangyari ang bagay na ito. Ikakasal na sa susunod na buwan ang aking ate Ara at Kuya Gabriel. Nagmamahalan sila at saksi ako dun. Pero bakit nangyari ito.
" Bweno dahil nangyari na ito wala na tayong magagawa pa para baguhin ang nangyari na."Sambit ni Daddy." Helena, Ara lumabas muna tayo sa kwarto na ito." Kayong dalawa" ani ni Daddy sa akin at kay Gabriel "Ayusin niyo ang mga sarili niyo mag - uusap tayo. Kapag tapos na kayo mag-bihis sumunod kayo sa akin sa liberary may mahalaga tayong pag-uusapan. Tatawagan ko na din ang mga magulang mo Gabriel para pumunta dito sa bahay.". Wika ni Daddy
Humakbang si Daddy papunta ng pinto. Si Ate Ara naman ay masama ang tingin sa akin. Nag uunahan pa rin sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata. Si Mommy naman ay matalim akong tinitigan. Nilapitan nito si Ate Ara at inakay papuntang pinto kung saan naghihintay si Daddy para sabay na silang lumabas. Narinig ko pa ang paghikbi ni Ate bago tuluyan silang nakalabas sa pinto at pabalibag itong isinara.
" Kuya" Sambit ko. "Paanong------bakit?" hindi ko alam kung paano umpisahan ang sasabihin pagkaalis nila Mommy Daddy at Ate Ara. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at wala yatang balak magsalit si Gabriel. Nakakuyom ang mga k**ao nito habang nakakunot ang noo. Kaya naman nagdesisyon na akong basagin ang katahimikan na iyon.
" Pinikot mo ba ako? "nagulat ako sa sinabi ni Kuya Gabriel. Bakas sa boses nito ang galit.
" Kuya No".... Wala sa bokabularyo ko ang pikotin ka.. Lalo na at boyfriend ka ng Ate ko. ". Nahihintakutan kong sagot dito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot.
"Saka paanong napunta ako dito sa kwarto mo?" tiim bagang niyang sabi. Tinitigan ako nito at bakas sa mukha nito ang p**t at pagkasuklam sa akin.
"Hindi ko alam, wala akong matandaan". Sagot ko sa nanginiginig na boses. Yumuko ako dahil hindi kayang salubungin ang masakit na titig sa akin ni Gabriel.. Nakakatakot ang hitsura nito.
"Tandaan mo Carissa oras na makipaghiwalay sa akin ang Ate mo dahil sa nangyari na ito magbabayad ka sa akin. Hinding hindi kita mapapatawad." galit niyang sabi. Tumayo ito at isa isang isinoot ang kanyang mga damit. Wala itong pakialam kahit hubo ito. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko ng mga pagkakataon na iyon. Unang beses kong makakita ng huong lalaki sa harap ko at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Pumikit na lang ako habang hinihintay na matapos magbihis si Kuya Gabriel.
"Kuya hindi ko naman ginusto ito eh" iyak ko. "Sorry kung nangyari ito.. Huhuhuhu ". Umiiyak na wika ko dito ng masiguro kong tapos na itong magbihis. Hilam ang luha sa aking mga mata na tumingin dito.
"Pwes ayusin mo ang paliwanag mo sa ate mo" padabog nyang sabi. "Sigaruduhin mo lang na hindi maapektuhan ang relasyon namin kundi mananagot ka sa akin tandaan mo yan". Wika nito at padabog na lumabas sa aking kwarto.
Naiwan akong naguguluhan. Hindi pa rin maproseso ng aking utak ang mga nangyari. Wala akong matandaan. Kagabi masaya pa kami habang sinicelebrate ang birthday ni Ate. Naguguluhan ako. Paanong napunta kaming dalawa ni Kuya Gabriel sa k**a. Paanong katabi ko siyang nakatulog dito sa k**a. Hindi naman ako nalasing kagabi kasi never akong tumikim ng kahit anong alak. Marahan kong hinawi ang kumot na tumatakip sa hubong katawan. Marahan kong pinakiramdaman ang aking katawan. Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa aking katawan.
Tuluyan na akong bumangon at inayos ang aking higaan. Walang bakas na kahit ano sa aking k**a. Naguguluhan man ay dali-dali akong pumunta sa closet at kumuha ng damit na maisusuot.
Pumunta ako sa banyo upang maghilamos. Pagtingin ko sa salamin para akong bruha dahil sabog-sabog ang aking buhok dulot ng pagsabunot ni Ate Ara. Putok ang aking labi at pasa sa mukha dahil sa pagsampal ni Mommy sa akin kanina. Mapait akong napangiti. Hindi na bago sa akin na saktan ni Mommy pero mas matindi ngaun kasi talagang bumakat sa mukha ko ang palad ni Mommy. Mabilis akong naligo para maginahawaan at naglagay ng kunting powder sa aking mukha upang matakpan ng kunti ang pasa.
Chapter 2
Ara POV
"Nandito ako sa harden namin ngaun. Nakadekwatro akong nakaupo. Ngingiti-ngiti habang nakatingin sa kawalan. Sa wakas natupad din ang plano ko, kasabwat si Mommy. Hinithit ko ang sigarilyo sabay buga ng usok. Napapikit pa ako habang ninanamnam ang sarap ng nikotina na humahagod sa aking lalamunan. Nang maupos ang sigarilyo ay idinutdot ko ang upos nito sa ashtray na nasa harap ko.
Wala akong choice niyaya na ako ni Gabriel magpakasal. Hindi ko siya mahindian kasi mahal ko siya pero hindi pa ako ready magpakasal. Mayaman ang Pamilya nila at alam ko kapag ipipilit ko na hindi muna magpakasal at tuparin muna ang pangarap ko na maging modelo hindi siya papayag. Kaya naman naisipan ko na habang tinutupad ko ang pangarap ko ipakasal ko muna siya sa kapatid ko.
Yes, yan ang plano ko. Itatali ko muna si Gabriel sa kapatid ko para kapag ready na ako madali ko na siyang makuha ulit. Baka kasi mapunta pa siya sa ibang babae at mahirapan akong bawiin siya kapag ready na ako. Marami pa namang haliparot ang aaligid-aligid sa boyfriend ko. Maraming mga babae na handang maghubo sa harap ni Gabriel para lang mapansin at iyan ang hindi ko mapapayagan. Akin lang si Gabriel. Kaya hangang hindi pa ako ready na tuluyang magpatali sa kanya itatali ko muna siya sa kapatid ko. Knowing sa attitude ng kapatid ko madali kong maagaw ang akin. May pagkatanga kasi itong kapatid ko eh. Mabilis paikutin at napakainosente. Kayang kaya kong bawiin si Gabriel sa kanya kapag gusto ko.
Sa ngayon magkukunwari ako na payag ako sa kasal nila dahil mahal ko ang kapatid ko pero "NO" gagamitin ko lang siya. Alam kong pagdating ng araw ako lagi ang papaboran ng aming pamilya lalo na ni Mommy kasi ako ang paborito niyang anak. Disi-otso anyos pa lang naman ako at next week pupunta ako sa New York para doon magmomodelo. Hindi ito alam ni Gabriel. Matagal ko ng pangarap ito at nandyan si Gaston para tulungan ako.
Si Gaston ang manager ko at siya ang bahala sa lahat. Nangako siya sa akin na tutulungan nya ako sa lahat ng bagay para matupad ang pangarap ko." Siya na bahala sa lahat ng papeles ko at titirhan pagdating ng new york. Napakabait na manager ni Gaston kaya naman malaki ang tiwala ko dito pati na din si Mommy. Matagal ko na itong kilala at siya ang lagi kong kasama kapag may mga pinupuntahan akong audition at fashion shaw dito sa Pilipinas. Ito din ang nag-aasikaso sa lahat ng schedules ko. May ibang hawak na artist ito pero alam kong ako ang pinaka paborito nito dahil pagdating sa akin galante ito.
Lihim akong napangiti habang iniimagine na sa wakas matutupad lahat ng pangarap ko na walang maging sagabal. Bata pa lang ako pangarap ko ng maging International Model. Alam kong may ibubuga ako pagdating sa larangang iyon. Nangako naman sa akin si Gaston na gagawin niya ang lahat upang natupad ang aking mga pangarap.
" Mam Ara tawag po kayo ng Daddy at Mommy mo sa Study Room. Dumating na po kasi ang magkakasal kina Mam Carissa at Sir Gabriel. Nandoon na din po ang mga magulang ni Sir Gabriel ." Sabi sa akin ni Manang ang aming katulong. Matagal na namin itong kasambahay. Halos ito na ang nagpalaki sa amin ni Carissa.
" Sige Manang susunod na ako" sabi ko sa kanya. Kailangan kong palungkutin ang aking awra para kapani-paniwala na nalulungkot ako sa mga nangyari. Pero sa kaloob-looban ng puso ko tuwang tuwa ako. Tagumpay ang plano. Magiging panatag ang aking kalooban habang tinutupad lahat ng pangarap ko.
Sumunod na agad ako sa study Room at nadatnan ko si Mommy, Daddy, mga magulang ni Gabriel na sila Tita Moira at Tito Ralph. Nandito na din si Gabriel at Carissa pati na din ang judge na magkakasal sa kanila. Yes ngayun agad ang kasal nila. Desisyon ito ni Daddy na agad naman sinang-ayunan ni Mommy. Alam namin ang ugali ni Daddy. Conservative ito. Well hindi nakakapagtaka yun kasi ang mga namayapa naming Lolo at Lola ay lingkod ng simbahan. Doon yata namana ni Daddy ang ganitong pag-uugali. Nang tingnan ko si Carissa ay Kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ni Carissa samantalang si Gabriel naman ay nakatiim-bagang. Ora-orada ang kasal kasi kunyari din hindi papayag si Mommy na hindi agad panagutan ni Gabriel ang nangyari sa kanila ni Carissa. Stict lang ang peg ni Mommy pero kasama na yan sa plano namin. Ako yata ang favorite daughter ng Mommy ko.
Nang tingnan ko ang mukha nila Tito at Tita hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nila. Alam nila pareho na ako ang girlfriend ng kanilang anak. Boto nga sa akin si Tita Moira kasi lagi naman ako dinadala ni Gabriel sa bahay nila tuwing may sinicelebrate ang pamilya. Kaya hindi na ako iba sa kanila. Alam ko din na mababait ang mga ito sa kabila ng katayuan nito sa buhay. Super yaman ng mga ito pero bakas sa mga mukha ng mag-asawa ang kabaitan.
"Ara Babe Im sorry. Pwede bang pag uspan muna natin ito?" sambit sa akin ni Gabriel. "Mom Dad I love Ara at siya dapat ang pakasalan ko hindi si Carissa."Tito, Tita Please si Ara ang gusto ko". Sana naman bigyan niyo muna kami ng time na makapag usap" Hindi pwedeng sa isang iglap lang ikakasal ako sa kapatid ng girlfriend ko." pakiusap ni Gabriel. Bakas sa boses nito ang tinitimping emosyon.
"Gabriel, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Dapat si Carissa ang panagutan mo dahil may nangyari na sa inyo. Hindi kami papayag na parang wala lang ang nangyari kagabi. Paano kung mabuntis siya. At ano nalang sasabihin ng mga tao ng mga kakilala namin. Nakakahiya ang mga nangyari".mahabang litanya ni Mommy.
Samantalang si Carissa naman ay tahimik lang at nakayuko. Alam kong confused pa rin siya sa mga nangyari. At iniisip kung paano napunta silang dalawa ni Gabriel sa k**a. Simple lang naman ang ginawa namin ni Mommy nilagyan namin ng pampatulog ang kanilang mga inumin. Tapos pareho namin silang hinubaran. Makasarili na kung makasarili pero ito lang ang paraan para hindi makawala sa akin si Gabriel. Pagbalik ko galing sa New York babawiin ko siya kay Carissa. Gagawin ko ang lahat para maging akin siya ulit. Sa ngayon ito muna ang pinaka the best na desisyon..
" Gabriel, hangang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyo akong lukuhin. Mahal na mahal kita pero bakit nangyari ito?" Kapatid ko si Carissa at dapat lang na panagutan mo siya."Siguro tangapin ko nalang na hindi tayo para sa isat isa." wika ko na may lungkot sa tinig. Kailangan kong magkunwaring malungkot para kapani-paniwala ang drama. At kailangan na ipakita ko sa kanila na mabait ako at kaya kong magparaya para sa nag-iisa kong kapatid.
" Ara, Iha napakabait mo talagang bata ka. Hindi ko akalain na magpaparaya ka para sa kapatid mo". Bakas sa mukha ni mommy Moira ang paghanga habang sinasabi sa akin ang katagang iyon. Lihim na nagdiwang ang aking puso.
"Thank you Tita.. Siguro hindi kami para sa isat isa ng anak niyo. Gagawin ko po ang tama, at iyun ay magparaya..." sagot ko kay Tita Moira at napangiti ito sa sinabi ko. Tumango tango naman si Tito Ralph.
"Mom, Dad pwede naman na wag na natin ituloy ang pagpapakasal. Please.... Hindi nman namin ginusto ang nangyari l. Hanggang ngayun hindi ko pa din po maisip kung paano kami napunta sa iisang k**a ni Kuya Gabriel.. " wika naman ni Carissa.
"Tumahimik ka Carissa". Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari ito." Napakalaking pasakit sa Ate mo itong ginawa mo. Hindi ka man lang nag-isip na masasaktan ang Ate mo sa pinagagawa mo." Pabulyaw na sabi ni Mommy.
"Mom tama na yan. Carissa kapatid kita at hangad ko ang kaligayahan mo... nyong dalawa ni Gabriel. Ipapaubaya ko na siya sayo. Sana alagaan mo siya. Alam ko naman na noon ka pa may gusto sa kanya". Madrama kong sabi.
"Ate Hindi! . Itama natin to. Kayo dapat ni Kuya Gabriel ang ikakasal hindi ako." "Ate please...... Ayaw kong ako ang magiging dahilan ng paghihiway niyo ni Kuya. Alam ko kung gaano niyo k**ahal ang isat isa. Saksi ako doon. Please Ate...." naluluhang sagot ni Carissa.
"No Carissa ito ang tama." Mahal kita kasi kapatid kita" "Handa akong magparaya para sa kaligayahan mo...."Madamdamin kong sabi dito. Kunyari pa ay pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.
"Tama na yan. Carissa, Gabriel magpapakasal kayo ngaun din at wala ng marami pang satsat. Ginusto niyo ito kaya dapat lang na panindigan niyo. Pagkatapos ng kasal isama mo si Carissa sa inyo Gabriel. Ayaw kong makita na nahihirapan si Ara dahil sa mga nangyayari.." Mahabang litanya ni Daddy.
" Pero Dad paano ang pag aaral ko. Pwede bang dito nalang muna ako? " Sumasamong pakiusap ni Carissa.
" Hindi Carissa dapat lang na sumama ka na sa asawa mo pagkatapos ng Kasal. Wag ka na muna makipag usap at makipagkita sa Ate mo para makamoved-on agad siya. Masakit sa kanya ang mga nangyari kaya naman umalis ka ka na muna sa bahay na ito..." Wika ni Daddy.
"Tama yan. Gabriel Anak isama mo si Carissa sa bahay mo pagkatapos ng kasal para sa katahimikan ng lahat total naman mag asawa na kayo kaya dapat lang magsama kayo sa iisang bahay. Diba kakatapos lang gawin yung dream house mo? Doon mo nalang muna itira si Carissa after nito". Mahabang litanya ni Mommy Moira.
"Dream house namin ni Ara iyun Mom. Para sa kanya ang bahay na iyun..." bakas ang inis sa boses ni Gabriel na wika nito.
"Gabriel Please tama na. Kalimutan mo na ako. Simula ngayon itoon mo na ang pansin kay Carissa. Siya dapat ang itira mo sa bahay na iyun kasi magiging asawa mo na siya. Kalimutan mo na ako. Alam kong masakit pero ito ang tama." madamdamin kong wika kay Gabriel.
" No!!!! ... Ikaw ang mahal ko Ara. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Ayusin natin ito. Mag-usap tayo. Yung tayo lang.. Please... " nakikusap na wika ni Gabriel na labis ko namang ikinatuwa. Walang duda, mahal na mahal ako nito.
"Stop it.. Gabriel tama na.... Please. Palayain mo na ako... Huwag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Maawa ka Gabriel." nakikiusap kong wika dito na labis naman nitong ikinalungkot.
"Bweno ok na ba lahat? " Siguro pwede na umpisahan ang kasal". Deklara ni Daddy Ralph.
Tumango naman agad si Daddy at Mommy Helena. Agad naman na naghanda ang judge naagkakasal. Tahimik lang akong nanonood habang ginaganap ang seremonyas. Wala naman masyadong ganap. Halata sa mukha ni Gabriel ang labis na pagtutol. Balisa naman ang mukha ni Carissa. Halos hindi makasagot ang mga ito sa tanong ng judge. Well hindi naman nila kailangan sumagot. Formality lang ang kasal-kasalan na ito. Ang pinakahighlight lang talaga ay ang pagpirma sa merriage certificate or merriage contract na nagdedeklara na legal na mag-asawa na sila Carissa at Gabriel.
Chapter 3
Carissa POV
Tapos na ang kasal namin ni Gabriel. As in hangang ngayon lutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kong paano umakto. Basta sa kaloob-looban ng puso ko, natatakot ako.
Nandito ako sa aking kwarto ngayon para ayusin ang mga gamit ko. Kailangan ko ng sumama kay Kuya Gabriel kasi yan ang napag usapan bago ang kasal. Kahit masama ang loob ko sa aking mga magulang dahil halos ipagtabuyan nila ako wala akong magagawa. Kailangan ko silang sundin kahit labag sa aking kalooban.
Nakaharap ko na din ang mga magulang ni Kuya Gabriel at hindi ko alam kong paano aakto sa harap nila. Alam kong ang pagkakaalam nila si Ate Ara ang girlfriend ng anak nila. Siguro ang baba ng tungin nila sa akin. Mukhang mababait naman sila pero malay ko bang nagkukunwari lang sila. Ang alam ko kasi sa mga mayayaman istrikta sila at mahirap pakisamahan. Si Kuya Gabriel naman alam kong galit siya sa akin. Kuya ang tawag ko sa kanya kasi yun ang nakasanayan ko noon pa. Nakikita ko sa mga mata nya ang galit at pagkap**t sa akin tuwing tinitingnan niya ako.
Hayst hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap nila Mommy at Daddy pati na din si Ate Ara. Basta sabi lang nila hindi na daw ako pwede magtagal dito sa bahay kasi nasasaktan si Ate Ara sa mga nangyari. Nasasaktan din naman ako ah. Hindi ko nga alam kong bakit nangyari lahat ito. Alam kong mas mahal nila Mommy at Daddy si Ara kaysa sa akin. Minsan napapaisip ako kung anak ba talaga nila ako kasi kahit noon hindi ko maramdaman na nag eexist ako sa pamilyang ito. Si ate Ara lagi ang kanilang pinapaboran. Lahat ng gusto ni Ate binibigay nila samantalang wala silang pakialam sa akin.
Nakakalungkot lang kasi hindi ko maramdaman kung importante ba ako sa pamilyang ito. Sa ngayon aalis na ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghinhintay sa akin.
Hindi ko pa din nabanggit sa mga kaibigan ko ang kinasadlakan kung sitwasyon ngayon. Tiyak na magugulat sila kapag mlaman nila na kinasal na ako. Tsaka ko nlng siguro sabihin sa kanila pagpasok ko sa school. Sa ngayon kailangan ko munang magfocus sa kung anong buhay ko ngayon kasama si Kuya Gabriel. Sana lang maging mabait siya sa akin at wag nyang isisi sa akin ang nangyari.
"Oh tapos ka na ba mag ayos ng mga gamit mo"? "Kanina pa naghihintay si Gabriel sayo sa baba. Bilisan mo ang kilos mo. Kahit kailan napakalamya mo talaga." pabulyaw na sabi sa akin ni Mommy.
"Malapit na po Mommy. Inaayos ko lang itong mga gamit ko sa school. Sinisigurado ko na wala akong nakalimutan." sagot ko kay Mommy.
"Ngayong kasal na kayo ni Gabriel siya na bahala sa iyo. Wala na kaming pakialam kung ano man ang desisyon nya tungkol sa pagsasama niyo. Next week pupunta ang ate mo sa New York para ituloy at tuparin ang kanyang pangarap na maging modelo at para na din makalimot." pahayag ni Mommy. Nagulat man ako sa sinabi nito hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.Alam ko noon pa pangarap ni Ate na umalis ng bansa at pumunta sa New York para maging sikat na modelo.
" Mommy sana mapatawad ako ni Ate sa mga nangyari. " Kahit ako naguguluhan pa rin hangang ngayon bakit nangyari ito."Malungkot kong sabi.
" Ang sabihin mo pinairal mo ang kalandian. Hayst ewan ko ba kung kanino ka nagmana. Puro pasakit ang binibigay mo sa pamilyang ito.. " pagalit na sambit ni Mommy sa akin.
" Ang sakit mo naman po magsalita Mommy. Alam ng Diyos na hindi ko ginusto lahat ito. " tumutulo na ang luha ko na sabi sa kanya.
" Tigilan mo na nga yan kadramahan mo. Bilisan mo ng kumilos para makaalis na kayo." Galit niyang sabi. Wala itong pakialam sa nararamdaman ko. Siguro wala talaga itong pagmamahal na nararamdaman sa akin. Kung ituring ako parang hindi ako nito anak.
Lalong nag-uunahan sa pagtulo ang aking luha sa sinabi ni Mommy. Masakit para sa akin na marinig ang mga masasakit na salita. Parang hindi talaga nila ako anak. Hindi ko man lang maramdaman na mahal nila ako.
" Mom bakit po ganyan kayo sa akin. Bakit hindi ko maramdaman na mahal niyo din ako? " hindi ko natiis na sabi sa kanya.
"letche! Tigilan mo na nga yang kadramahan mo na yan. Alam naman natin pareho na lamang si Ate Ara mo sa lahat ng bagay. Siya ang magdadala ng swerte sa pamilyang ito. Ikaw ano ang ambag mo sa pamilyang ito?" galit na sabi ni Mommy. "Mula noong bata pa laging nagbibigay ng karangalan sa pamilya natin si Ate Ara mo. Palagi siyang panalo sa mga pageant na sinasalihan niya. Matalino ang ate mo at may pangarap sa buhay. Eh ikaw anong meron ka. Diba wala? Wala kang pangarap sa buhay". Kaya wag mo akong tanungin bakit mas pinapaboran namin si ate Ara mo kaysa sayo. Kasi mas marami siyang lamang kaysa sayo." mahabang litanya ni Mommy sa akin.
Lalo akong napaiyak sa mga sinabi ni Mommy sa akin. Ang sakit na marinig sa sarili mong ina na kinukompara ka sa kapatid mo. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko.
Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ko sa akin mga gamit. Masama ang loob ko kay Mommy pero ayaw ko na lang magsalita kasi baka lalong madagdagan ang sama ng loob ko sa kanya.
"Sige na bilisan mo na ang kilos mo at baka mainip na si Gabriel sa paghihintay sayo."Sabay labas sa aking kwarto ni Mommy.......…................................................
Sakay na ako ngayon sa sasakyan ni Gabriel. Nasa passenger set siya kasi may driver naman at ako naman nandito sa likod ng kotse. Tahimik lang kami habang umuusad ang sasakyan.
Pagkatpaos ng kasal namin ni Gabriel agad na umalis ang mga magulang nito. Liban sa seremonya ng kasal na ginanap sa library ng bahay namin wala ng ibang ganap. Walang kahit kunting salo-salo or reception katulad ng isang pangkaraniwang kasal. Tanging ilang piraso lang ng papel ang nagbubukod sa aming dalawa.
Hindi ko na din nakita si Ate Ara bago kami umalis. Ayon kay Daddy nagkulong daw ito ng kwarto at ayaw munang makipag-usap kahit kanino.
Hindi ko alam kung saang bahay n akodadalhin ni Gabriel pero sana maging ok ang lahat sa amin. Sana hindi niya ituloy ang pagbabanta na gagantihan niya ako kasi nakipaghiwalay sa kanya si ate Ara.
"Manong iderecho mo nalang sa Mansion ang kotse. Hindi pwedeng sa dreamhouse namin ni Ara titira si Carissa. Para sa aming dalawa lang iyon at hindi pwedeng tumira kahit sinong babae doon." narinig kong sabi ni Gabriel sa kanyang driver.
Parang kinurot ang puso ko sa narinig. Hindi nalang ako umimik dahil alam kung wala akong karapatan na magreklamo.
Maya-maya pa pumasok kami sa maluwang na bakuran. Nalulula ako sa ganda ng bakuran. Parang nasa isang paraiso ako hindi ko akalain na ganito sila kayaman.
May sumalubong sa amin na isang nakauniform na katulong. "Magandang hapon senyorito". Magalang na bati niya kay Gabriel.
"Manang Delia dalhin mo sa Carissa sa Servants quarter. Bagong kasamahan niyo siya dito". Ituro mo sa kanya ang lahat ng dapat nyang gawin. "sabi ni Gabriel.
Natulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na gagawin niya pala akong kasambahay. Sabagay ito siguro ang sinabi niyang ganti sa akin sa nangyari. Hindi ako umiimik at nakayuko lang.
" Ano po? Sabi ni Madam Moira asawa niyo po siya"? Gulat na sabi ni aling Delia.
"Hindi Manang. Wala akong asawa at kahit kailan hindi ko siya pwede na maging asawa" . Nakatiim bagang na sagot ni Gabriel.
"Ah ganoon po ba? Sige po masusunod po". Iha halika sumama ka sa akin at ituturo ko ang maging kwarto mo. "baling sa akin ni Aling Delia.
" Mang Raul, ibaba mo ang mga gamit ni Carissa sa kotse at dalhin sa quarter niya. " utos ni Gabriel sa kanyang driver.
" Masusunod po Senyorito" sagot naman ni Mang Raul.
"Ano itong narinig ko na sa servants quarter tutuloy si Carissa? Gabriel ano ang ibig sabihin nito? Ano bang kalukuhan ang pumasok diyan sa utak mo? " Biglang sulpot ni tita Moira.
"You heard it right Mom. Sa servants quarter tutuloy si Carissa kasi kahit kailan hindi ko siya matatangap bilang asawa. Iisang babae lang ang gusto ko maging asawa at yun ay walang iba kundi si Ara." sagot ni Gabriel.
"Gabriel magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo. Nasa harap mo ang asawa mo". Hindi mo man lang naisip na nasasaktan siya diyan sa lumalabas sa bibig mo." saway ni Tita Moira.
" No Mom tingin ko walang pakiramdam ang babae na yan dahil sa ginawa niya sa amin ni Ara." Sagot ni Gabriel.
" Gabriel kailan ka pa naging bastos? Hindi ka namin tinuruan ng Daddy mo para manakit na damdamin lalo na at asawa mo ang nasa harap mo". Nagagalit na sagot ni Tita Moira.
"Sa kwarto mo dapat tutuloy si Carissa dahil asawa mo siya." Sabi ni mommy kay Gabriel.
"No Mom, wala akong asawa at ako ang magdedesisyon kung saan ang maging kwarto ni Carissa dahil may atraso siya sa akin."Sagot ni Gabriel.
"Lalong big NO anak. Huwag mong gawin ito sa asawa mo. Kahit anong mangyari asawa mo na si Carissa kaya dapat lang na turuan mo ang sarili mo na irespito siya bilang iyong katuwang sa buhay." paliwanag ni Tita Moira.
"Hindi siya tutuloy sa kwarto ko Mom dahil kapag ipipilit niyo ang gusto niyo hindi na talaga ako uuwi sa bahay na ito. Ayaw kong makasama ang babaeng yan." sagot na Gabriel.
Para akong sinampal sa narinig ko. Masakit ang mga binitiwan na salita ni Kuya Gabriel. Hindi talaga maikakaila na galit siya sa akin.
" Tita Moira ok lang po. " Sa servants quarter nalang po ako tutuloy" wag na po kayo magtalo". Kimi kong sabi kay Tita. Nahihiya ako sa mga nangyari. Dahil sa akin mukhang magkakasamaan pa ng loob ang mag-ina.
"Call me Mommy, Carissa. Simula ng kinasal kayo ni Gabriel mother in law mo na ako. Kaya dapat lang na Mommy at Daddy na din ang tawag mo sa amin ni Tito Ralph mo."Sabi sa akin ni Mommy Moira
Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain na ganito ito kabait. Wala akong nakitang panghuhusga sa mga tingin nito sa akin.Parang tangap nito ang mga nangyari.
" Sige po Ma....Ma.. Mommy ". Nauutal kong sagot dito at ng napadako ang tingin ko kay Kuya Gabriel matalim itong nakatitig sa akin. Nakakatakot siyang tumingin.
" Gabriel kung hindi ka pa ready na makasama ang asawa mo sa kwarto mo pwede siyang tumuloy sa isa sa mga kwarto dito sa bahay. . Marami tayong bakanteng kwarto dito sa bahay na maging komportable si Carissa. Wag ka sanang maging malupit sa kanya." Napakabata niya pa para magdusa." Mahinahong wika ni Mommy Moira.
" Bahala po kayo Mommy basta wag lang sa kwarto ko dahil kahit kailan hindi ko matatangap ang babaeng iyan. Sige po papasok na ako sa loob walang patutunguhan itong pag uusap na ito." Sabay talikod ni Kuya Gabriel sa amin.
" Iha halika na ituturo ko sayo ang maging kwarto mo. Pag pasensyahan mo na muna ang asawa mo ha? Malambing na sabi sa akin ni Mommy Moira.
"Hindi po ba kayo galit sa akin. Ako po kasi ang sinisisi ng lahat kaya po nangyari ang gulo na ito" . May namuong luha sa aking mga mata na tanong kay Mommy Moira.
"Iha wala ako sa lugar para husgahan ka. Diba desi-otso ka pa lang?. Napakabata mo pa para sa ganitong klaseng problema." nakangiti na sagot ni Mommy.
Hindi ako makapaniwala na ganito pala kabait ang Mommy ni Kuya Gabriel. Akala ko talaga istrikta siya kasi hindi siya kumikibo kanina nung ikinasal kami ng anak nila.
" Salamat po Mommy. Ang bait niyo po pala."Nakangiti kong sagot sa kanya.
Tinitigan niya ako sa mukha at hinaplos niya ang aking pisngi. Medyo masakit pa rin ang aking magkabilaang pisngi dahil sa sampal na binigay sa akin ng aking Ina kaninang umaga.
" Halika na Iha ituturo ko sayo kung saan ang maging kwarto mo" . Sabay hawak sa aking k**ay ni Mommy Moira.
"Mang Raul, isunod niyo ang mga gamit ni Carissa sa kanyang kwarto." Utos ni Mommy kay Mang Raul.
" Opo Madam". Sagot ni Mang Raul.
"Lets go Iha.... Sabi ni Mommy sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa sobrang ganda ng kwarto na binigay sa akin ni Mommy Moira. Kulay pink ang kabuan ng kwarto at talaga namang kitang kita ang karangyaan sa gamit na nasa loob nito. Malayong-malayo ito sa hitsura ng kwarto ko sa aming bahay. Hindi ko maimagine kung gaano sila kayaman.
"Ito ang magiging kwarto mo Iha. Yung sa kabilang pinto naman na nadaanan natin kanina yun ang kwarto ng asawa mo." nakangiti na sabi sa akin ni Mommy Moira.
"Ang ganda po ng kwarto na ito Mommy" "Salamat po" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Bweno iha magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka. Ipapasundo nalang kita mamaya sa katulong kapag kakain na ng hapunan." Sabi ni Mommy Moiraa sa akin.
" Salamat po ulit Mommy." nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na ng kwarto.
Nang mapag-isa ako sa kwarto nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Ano kayang maging kinabukasan ang naghihintay sa akin sa bagong yugto ng buhay ko. Very thankfull ako kasi mabait si Mommy Moira sa akin. Natatakot ako kay Kuya Gabriel na asawa ko na ngayon. Iba siya kung tumitig sa akin. Masakit at matalim. Kitang kita ang galit nya sa akin.
Masakit sa akin dahil pinagbibintangan nila ako na ako ang may kasalanan.
Hinaplos ko ang aking pisngi na may namumula pa dahil sa sampal na binigay sa akin ng aking ina. Malungkot akong napabuntung-hininga. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Para na din kasi akong itinakwil ng sarili kong pamilya. Galit silang lahat sa akin dahil sa mga nangyari. Well hindi ko sila masisisi kasi noon pa man paborito na nilang anak si Ate Ara.
Chapter 4
CARISSA POV
Nagising ako ng mga 6:00 ng gabi. Agad akong bumangon at nagpunta sa CR para maligo. Ginawa ko ang aking routine at nagbihis. Satong kakatapos ko lang magbihis ng may narinig akong kumakatok sa pinto ng room ko. Agad ko itong pinagbuksan at nakita ko ang isang naka uniform na katulong. Nasa late 20s pa lang siguro ang edad nito.
"Senyorita, kakain na daw po, nasa dining na sila Senyor at Senyora. Hinihintay na po nila kayo" . wika nito.
"Sige po. Bababa na po ako. Tsaka po wag niyo na akong tawagin na senyorita. Nakakahiya po kasi tsaka halos magkasing-edad lang yata tayo. ." nakangiti kong sabi dito. "Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko dito.
"Naku magagalit po sila Senyora at Senyor kapag hindi ko kayo tinawag na senyorita. Asawa po kayo ni Senyorito Gabriel kaya dapat lang po na senyorita tawag namin sayo." paliwanag niya sa akin. "Ako nga po pala si Lisa isa po akong kasambahay dito. Kung may kailangan po kayo pwede niyo po akong utusan." nakangiti nyang sagot sa akin.
"Ngumiti ako sa kanya at hindi nalang umimik. Nagsimula na kaming maglakad papuntang dining area. Palinga-linga ako habang naglalakad para mamemorize ko yung parte ng bahay na dinadaanan namin. Grabe feeling ko maliligaw ako sa bahay na ito. Sobrang laki kasi talaga at ang hagdan ay paikot at talaga namang napaka-elegante na desinyo.
Nang makarating kami sa dining area nadatnan namin sila Mommy Moira, Daddy Ralph at Kuya Gabriel ang aking asawa. Sa isip-isip ko nakakahiya kasi parang ako nalang ang kanilang hinihintay.
"Good Evening po" bati ko sa kanila. Pasensya na po at ako nalang yata ang hinihintay". Nahihiya kong sabi habang iniiwasan ko na tumingin sa gawi ni Kuya Gabriel.
"Oh nandito ka na pala Iha. Hindi ok lang. Hindi naman kasi kita nasabihan kong anong oras ang hapunan dito sa bahay. At isa pa sabi ko naman sayo na ipapasundo kita sa katulong kapag kakain na. Maupo ka na at mag umpisa na tayong kumain." Nakangiti na sabi sa akin ni Mommy Moira
" Diyan ka na umupo sa tabi ng asawa mo Carissa. Gabriel ipaghila po ng upuan ang asawa mo." utos ni Daddy Ralph kay Gabriel.
" Tsk.... Tsk... Kaya nya ng gawin yan Dad.." Bugnot na sagot ni Gabriel.
" Naku ok lang po, kaya ko naman po" nahihiya kong sabi sa kanila at agad na hinila ang upuan at umupo na. Iiling iling na lamang si Daddy Ralph at halatang hindi nito nagustuhan ang inasal ng kanyang anak.
"Bweno Iha diba nag aaral ka pa?" tanong ni Mommy Moira sa akin.
"Opo Mommy sa Monday po may pasok ako." Sagot ko kay Mommy.
"Anong year ka na ba at anong course mo?" Tanong sa akin ni Mommy Moira
"2nd year college po at BSA (Bachelor of Science in Accountancy) ang course ko sa Saint John University po." Sagot ko kay Mommy.
"Hindi ka na papasok sa School. Hindi na kailangan kasi kaya naman kitang buhayin." biglang sabat ni Kuya Gabriel.
"Anong hindi na mag aaral? Gabriel narinig mo ba yang sinasabi mo? Bakit mo pahihintuin sa pag aaral ang asawa mo? Hindi porket asawa mo na siya pagbabawalan mo na siya sa kung ano ang gusto niya. Hindi magandang pag-uugali iyan Gabriel. Hayaan mo ang asawa mo kung anong gusto niyang gawin... Hayaan mo siyang utuloy ang kanyang pag-aaral. " Biglang sagot ni Mommy Moira.
Gulat akong napatingin kay Mommy Moira. Sa kaloob-looban ng puso ko, very thankful ako kasi naramdaman ko ang kabaitan ni Mommy Moira sa akin. Nagawa niya akong ipagtangol sa sarili nitong anak.
"Mommy hindi na niya kailangan pang mag aral. Para saan pa? Gusto ko dito lang siya sa bahay at tumulong sa mga gawain dito. Diyan siya nababagay dahil sa laki ng kasalanan na kanyang ginawa". Halata sa boses ni Gabriel ang tinitimping galit habang sinasabi ang bagay na iyun. Agad naman akong napayuko habang pinipigilan na lumabas ang luha sa aking mga mata.
"hindi mo siya pinakasalan para gawing alila sa pamamahay na ito Gabriel. Asawa mo si Carissa kaya dapat lang na tratuhin mo siya ng maayos. Gabriel alam kong galit ka kay Carissa dahil sa mga pangyayari pero huwag naman na pati edukasyon nya ay maapektuhan. Ipagpapatuloy nya ang pag aaral nya sa ayaw at gusto mo". Sagot ni Mommy Moira.
"Sorry Mom, pero sa pagkakataon na ito ako po ang masusunod. At kapag ipilit niyo yan mapipilitan akong ilipat sa ibang bahay si Carissa para masunod ang gusto ko." giit ni Gabriel.
" Ang lakas ng loob mo! " Tinatakot mo ba ang sarili mong Ina Gabriel? Ralph tingnan mo nga ang ugali ng anak mo? Siya ba ang anak natin?"Galit na si Mommy.
" Enough Gabriel". Walang aalis sa bahay na ito kapag hindi ko sinasabi. " walang dahilan para dalhin mo sa ibang bahay ang asawa mo. Alam ko na ang tumatakbo dyan sa utak mo.. Dumito muna kayo dahil baka kung ano pa ang gawin mo kay Carissa.". Sagot ni Daddy Ralph.
Hindi na umimik si Gabriel sa sinabi ng Daddy nya. Malaki ang pagalang nya sa kanyang ama kaya kahit labag sa kalooban hindi na siya sumagot pa. Maya-maya pa ay tumayo ito at nagpaalam na aalis muna. Halata sa mukha nito ang matinding galit na hindi mailabas dahil na rin sa malaking respeto nito sa mga magulang.
"Wag mo nalang pansinin ang asawa mo iha. Kami ang bahala sa pag aaral mo. Makakatapos ka sa kurso na gusto mo kahit tutol pa ang asawa mo."Malambing na sabi ni Mommy.
" Sige na kumain na tayo. Hayaan mo na lang muna si Gabriel. Pasasaan ba at matatangap din niya ang lahat. Sa ngayun huwag mo na lang muna siyang pansinin iha. Mag focus ka muna sa sarili mo... Lalong lalo na sa iyong pag-aaral". Wika ni Daddy Ralph.
Thank you po Mommy, thank you din po Daddy.." Nakangiti kong sabi sa kanila. Hindi ko akalain na ganito kaayos ang pagtangap nila sa akin. Ibang-iba ang ugali nila sa kinalikhan kong tunay na mga magulang.
*
*Tapos na kaming maghaponan at nandito ako sa aking kwarto. Naghahanda na ako para matulog
Nagpapasalamat ako at mabait ang mga in laws ko sa akin. Sila na daw bahala sa pag aaral ko na labis kong pinagpasalamat. Ihahatid at susunduin ako ni Mang Raul sa School na labis kong tinutulan pero ayaw pumayag ni Mommy. Ayaw daw nila akong mahirapan.
Binigyan na din nila ako ng cash na isang bundle na tig-iisang libo para sa aking allowance. May kasama pa itong ATM card na nakapangalan na sa akin. Nahihiya man akong tangapin ang mga ito pero ipinilit ito sa akin ni Mommy Moira.
Halos hindi ako makapaniwala. Sa tanang buhay ko ngaun lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. 100 thousand cash ang binigay nila sa akin at may ATM pa na hindi ko alam kung magkano ang laman nito. Siguro icheck ko na lang kapag makapunta ako ng banko. Haist garbe ganun ba talaga sila kayaman?
Sabi kasi ni Mommy Moira lagi daw sila umaalis ng bansa at ipaalala ko lang daw sa kanila kapag ubos na ang aking allowance. Pero sa loob-loob ko kahit hangang sa makapagtapos na ako sobra-sobra na yung allowance na binigay nila sa akin.
Salamat talaga kay Lord dahil super bait nila sa akin. Hindi iba ang turing nila sa akin. Ang layo ng paraan ng pakikitungo ni Mommy Moira at Daddy Ralph sa akin compare sa totoo kong Pamilya.**
**
Nakatulog na ako ng maalimpungatan ko na para may ibang tao sa room ko. Bukas ang lampshade sa gilid ng bed ko at napabalikwas ako ng bangon ng maaninagan ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko..
"Ku kuya Gabriel?. Hintakot kong anas. Hindi ko alam kong paano siya nakapasok dahil sa natatandaan ko nilock ko ang pinto bago natulog.
" ha! Masaya ka ba? Lahat ng plano ko para sa pagpapahirap sayo nakaligtas ka dahil nandyan si Mommy."mariin niya akong hinawakan niya sa baba at tinaas nya ang akin mukha.
Naamoy ko na amoy alak siya at nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya sa akin.
" Kkuya... Hin..". Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.
" Stop Calling me Kuya.." pagalit niyang sabi. Bigla niya akong itinulak kaya naman napahiga ako sa k**a.Bumangon ulit ako at naupo sa gilid.
"Hindi kita kaano-ano kaya wag mo ako matawag-tawag na Kuya". Kung ang akala mo makakaligtas ka sa galit ko dahil nandyan si Mommy nagkak**ali ka". Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at mariin nya akong tinitigan.
"hahanap ako ng paraan.. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa amin ni Ara? Ikaw ang dahilan kong bakit nakipaghiwalay siya sa akin". Galit niyang sabi
"Sorry po Kuya....
"Dont call me Kuya.. Ilang beses ko ba sabihin sayo.. Gaano ba kahina ang kukuti mo Carissa."Galit niyang sabi. Call me Gabriel naiintindihan mo ako???" Pabulyaw nyang sabi
"Ga Gabriel.. Sorry hindi ko din alam.. Ilang beses ko ng sinabi ito. Nagising na lang din ako na katabi kita sa k**a.." umiiyak kung sabi sa kanya.
"Akala mo ba maniniwala ako sa iyo? No Carissa, nabanggit sa akin ni Ara na matagal ka ng may lihim na pagtingin sa akin... Kaya ka siguro gumawa ng paraan para mapaghiwalay kami" ... Galit nyang sabi
"Anong nilagay mo sa inumin ko? Bakit nagising ako ng nasa kwarto mo na...? Carissa anwer me... Sabay yugyog ni Gabriel sa aking balikat. Mahigpit ang pagkaka-kapit nya sa akin at talaga namang masakit ito.
Napamulagat ako sa tanong nya.. HHindi ko po alam yun.. Maniwala kayo sa akin.. Kahit ako nagulat paano tayo napunta sa kwarto.. Paanong magkatabi na tayo sa k**a.. Naguguluhan din ako Kuya Gabriel. " Sagot ko dito.
Napansin ko ma saglit siyang natigilan.. Pero maya-maya lang bumalik ang bagsik ng kanyang mukha... "Sinungaling ka talaga!!! Pakana mo lahat ito at pagsisihan mo kung bakit ginawa mo ito".
Binitiwan niya ako sa balikat at tumalikod siya sa akin. Akala ko lalabas na siya pero bigla siyang humarap sa akin at ngumisi..
"Sapagka’t asawa na kita dapat lang siguro na magtabi tayo ngayon matulog or gampanan mo ang pagiging asawa mo sa akin." nakangisi nyang sabi sa akin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Bigla nya akong tinulak sa k**a at dinaganan.
" Ano ba ang ginagawa ng mag-asawa sa loob ng kwarto?" bulong ni Gabriel sa akin.
Nanindig ang aking balahibo. Oo may gusto ako sa kanya... Crush ko siya noon pa pero hindi ako papayag na may mangyari ulit sa amin. Hindi na kaya ng konsensya ko. Alam ko na si Ate Ara ang mahal niya at ayaw kong maging parausan.
" No ayaw ko". Sabay tulak sa kanya. Pero masyado siyang malakas. Hindi man lang siya natinag sa pagkakadagan sa akin.
"Yes Carissa. Gagampanan mo ang pagiging asawa ko sa k**a."Naramdaman ko nalang ang k**ay nya na nasa loob ng aking damit.
" Hindi Gabriel ayaw ko. Please maawa ka sa akin." Ayaw ko ng maulit yun". pakiusap ko sa kanya. Malakas siya at kapag gustuhin nya magagawa nya ang gusto nya.
Napaigik ako ng maramdaman ko na nilalamas ng kabila niyang k**ay ang aking katawan. Masakit ito kaya lalo akong nataranta. Ang kabilang k**ay naman ay pilit na tinataas ang aking damit.