22/08/2024
"MADAMOT"
Karamihan binabanggit Ito SA mga OFw's .. Akala nila marami tayong Pera porket nasa Abroad Tayo..
Pero bago mo sabihin na "MADAMOT" ang taong Nasa Abroad ..bakit Hindi mo subukan iyung mga pinagdaanan niya bago makarating Abroad..
Una,,,
Kong wala ka pang skills and certificates kailangan mo mag Enroll SA training center at malaking gastos including fees and tools na bibilhin. Pagkatapos mo makuha ang certificate of training maghanap Ka Ng legit Agency or Hiring na tatanggap sau ..Araw-araw o Linggo-linggo "GAGASTOS"Ng pamasahi SA pag Aapply palang..
Pangalawa,,,
Kapag nakahanap Ka na Ng na Applayan mo at pumasa Ka SA interview ,Ihanda mo na ang "PERA" mo SA Medical. Swerte mo Kung wala kang Findings ,pero Kong may Findings Ka Another "GASTOS" na naman para Lang makapasa Ka SA medical ...
PANGATLO,,
After medical at nakapasa kana ,Ihanda mo ang "PERA" nanaman para SA pagkumpleto Ng Requirements , another "GASTOS" SA pamasahi,, nanaman Yan, Umulan, umaraw Hindi Ka pweding magpahinga,dahil may ilang araw kalang para mag kompleto Ng Requirements mo dahil kundi Hindi,maari Lang maiwan oh ma finding ...
Pang Apat,,
Pag tapos mo Jan SA LAHAT na yan, EDI ayos na ang requirements at medical mo,,Ngayon maghahanap Ka Naman Ng "Pocket money" sempre pundo mo Yun Ng isang buwan hanggang makatanggap Ka Ng unang sahod abroad at kailangan mo din mag baon Ng "groceries"para Hindi Ka magutom SA loob Ng isang buwan..
At ang huli pag Nasa Abroad kana swerte Ka Kung wala kang utang,simula pag apply mo hanggang makaalis Ka,dahil karamihan Meron din talagang utang,kagaya ko,dahil kapag may utang Ka ang Una mong sahod SA abroad hati² Yan,,
-bayad utang
-padala SA pinas
-budget mo ulit for another 1month
Kaya bago mo sabihan sila Ng madamot
Daanan mo muna Yung hirap,pagud at sakripisyo na pinagdaanan nila...
Ccto