"CLASSMATE"
Nagsimula sa Goodafternoon classmate,
Natapos sa Goodbye classmate,
Sa halos ilang buwan nating pagsasama,
Marami tayong naiwang masasayang alala,
Tulad na lamang kung paano tayo nagkakila-kilala,
At kung paano tayo nagturingang isang pamilya,
Classmate salamat, sa bawat tawa, sa bawat kopya, sa bawat bully, at sa bawat alala na matatapos na,
Sa silid nating mala palengke sa ingay,
Sa bawat recitation na madalas sablay,
Sa bawat kwentuhan na punong puno ng kalokohan,
At sa bawat dramahan na puno ng yakapan at iyakan,
Nabuo ang ating samahan na hindi natin malilimutan,
Paalam sa mga nawalan ng ballpen,
Paalam sa mga papel na binigay,
Paalam sa mga chichirya na pagkain ng isa pero baon ng buong barkada,
Paalam sa mga report na binasa lang,
Paalam sa mg project na may maipasa lang,
Malapit ng matapos ang araw ng pasukan,
Malapit ng matapos ang araw ng kwentuhan,
At sa wakas tapos na ang araw ng mga Cleaners,
Malungkot man pero kailangan natin maging masaya,
Dahil kinaya natin ng samasama,
Paalam rin sa mga mahal namimg guro,
Salamat sa inyong mga tinuro,
Salamat sa ilang buwan nating pinagsamahan na sa alaala nalang natin mababalikan.
At syempre lubos kaming nagpapasalamat sa aming guro
Ma'am Jane Palisoc.
GRADE-11 COPPER.
Mwah
SIGA SA MGA BARYO😂
SIGA SA MGA BARYO😂
TNHS BROTHERS YOUR STRESS RELIEVER OR YOUR CAUSE OF STRESS ❤
#AMAW
GALING HAHAHAHAHA.
#Tnhsbrothers