Nakiisa ang Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) para sa International Holocaust Remembrance Day na dinaluhan ng mga panauhin mula sa ibaโt ibang dibisyon ng DepEd na sakop ng Region X nitong ika-21 ng Marso, 2024.
Ang paggunita ay nasa temang โRecognizing the Extraordinary Courage of Victims and Survivors of the Holocaustโ na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga kaganapan sa mga โdi kaayaayang sitwasyon sa kasaysayan at mga taong lumaban para sa humanismo. Alamin ang iba pang detalye sa ulat ni Mabe Akiatan.
Ulat | Alexa Maandig
Bidyo | Ythan Mercader
๐๐๐ข๐ง ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ | Nagsama-sama ang mga mag-aaral na galing sa ibaโt ibang distrito ng Misamis Oriental sa Misamis Oriental General Comprehensive High School nitong ika-1 hanggang 2 ng Marso, 2024 upang makilahok sa 2024 Division Festival of Talents (DFOT) na may temang โIgnite and Inspired: Showcasing Talents and Excellenceโ.
Sinimulan ang kompetisyon ng Read-a-Thon (Filipino) sa mga kategoryang Muling Pagkukuwento (G3), Interpretatibong Pagbasa (G6) at Sulat-Bigkas (G10), ito ay naglalayon na magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na elementarya at secondarya upang maipamalas ang kanilang kakayahan at talento. Ating tunghayan ang ulat ni Cassandra Bacalla.
Salita | Precious Angel Calino
Bidyo | Cil Jhon Apao
๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป
Pinangunahan ng YES- O ng Misamis Oriental General Comprehensive High School ang pagsagawa ng Tree Planting Activity na isa sa mga proyekto ng DepEd na 236,000 Trees noong ika-6 ng Disyembre, 2023
Narito si Kate de Lara upang maghatid ng mas mayabong at makakalikasang pag-uulat dito lamang sa Paglaum Northern Mindanao.
Bidyo | Cil Jhon Apao
๐๐๐ฌ ๐ฎ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐ฆ | Bibong sayawan sa maagang pazumba, pagtatapos ng maiinit na laro, pagtatanghal ng napakamabangis na kalaro at gantimpala sa nangingibabaw na koponan ang naging agaw-eksena sa pangalawa at huling araw ng MOGCHS Intramurals 2023. Narito si Alexa Maandig at Kent Velarde para sa chika of the day sa 2023 MOGCHS Intramural ๐ฆ
๐
Disclaimer: All credit and entitlements belong towards their respective owners. No copyright infringement intended.
Nitong ika-27 ng Setyembre, 2023, nagsilbing pundasyon ng pagkakaisa ang MOGCHS SPJ General Assembly sa temang โPanaghiusaโ. Kasaysayan ang naganap nang magtagumpay ang unang asembliya, pinagsama na ang Ang Gintong Bagwis at MisOr Torch matapos ang maraming taon ng pag-aaral. Sumaksi ang SPJ classes mula ikapito hanggang ika-10 baitang, kasama ang mga tagapagsanay mula sa dalawang pahayagan. Inumpisahan nina Jonas Ranalan at Mary Jane Fabre ang kaganapan na dinaluhan din nina Gng. Felicitas R. Garcesa, punongguro ng Filipino department, at Gng. Lizel P. Torillo, punongguro ng English department. Itoโy isang pagtitipon na nagbigay buhay sa diwa ng pangkalahatang pagkakaisa. Narito ang ulat ni Johlyana Torres.
Salita | Lance Perges
Bidyo | Ythan Mercader
Matagumpay na nailunsad ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang kaunaunahang National Learning Camp (NLC) na sinimulan nitong ika-24 ng Hulyo hanggang ika-25 ng Agosto 2023.
Ito ay isang natatanging programa na naglalayong mapunan ang kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na dulot ng COVID-19. Sa kasalukuyan, nakatuon ito sa ika-pito at ika-walong baitang kasama ang asignaturang ENSCIMA (English, Science, at Mathematics). Subalit, sa susunod na taon ay isasama na ang ika-siyam at ika-sampung baitang sa NLC na inaasahang babalik sa Hulyo 29, 2024. Upang masaksihan ang makasaysayang pagtatapos ng NLC ngayong taon, narito ang ulat ni Alexa Maandig.
Salita | Arianna Awitin
Bidyo | Ythan Mercader, Lance Perges, Kent Velarde
Isang kabanata ang bagong magbubukas pagkatapos ng nagdaang mga pahina. Naipamalas na naman ngayong taon na ang bayanihan ang isa sa mga sangkap para malanghap ang inaasam na ginhawa para sa panibagong yugto sa Event Center ng paaralan sa araw ng Miyerkules, Agosto 23, 2023.
Ikinagagalak ng Misamis Oriental General Comprehensive High School na winakasan ang #BrigadaEskwela2023 na may temang โBayanihan para sa Matatag na Paaralanโ na may masigarbong palakpakan. Sa lahat ng sakripisyo na ginawa ng buong paaralan at sa mga pawis na maiging pinunasan ay nagbunga na rin dahil naitaguyod ang pagpupunyagi na ito na may sagisag. Bigyang tanaw naโtin ang iba pang mga detalye sa maligayang pagwakas, sa ulat ni Arianna Awitin.
Salita | Esha Zuleyka Morales
Bidyo | Ythan Mercader, Kent Velarde