04/06/2024
LULUTANG ULIT PARA MAGMALASAKIT?
Isang video mula sa isang Mauban ex-mayor ang pinalabas sa isang page na Mauban News kung saan nagbigay ito ng ilang suhestyon ukol sa pamamalakad ng lokal na pamahalaan ng Mauban patungkol sa sakuna.
Sa kasamaang palad ay binlock na tayo ni Mauban News dahil tayo ay nagcomment ng ilang katanungan na nakatuon sa ex-Mayor.
Huwag naman daw masamain at gusto laang ni ex-mayor na “makatulong.” Sige, huwag natin masamain. Pero magkomento tayo.
Aba’y “TULONG” nanaman. Ilagay natin sa tamang perspektibo mga Maubanin. Ang sagot natin sa salitang “TULONG” ni ex-mayor ay “TRABAHO.” Bakit trabaho? Hindi kasi nagiging kawani ng pamahalaan ang isang tao kung ang gusto lang ay “tumulong.” Ang mas kailangan ng bayan ng Mauban ay ang kawani o opisyales na “MAGTATRABAHO.” Kaya nga ang tanong natin sa video na dinelete na ni Mauban News ay:
Kung talagang nagtrabaho ang nakaraang administrasyon:
1. Nasaan ang kongkretong plano para sa flood mitigation na naka-angkla sa mga Guidelines na nilabas na ng mga international organizations patungkol sa Flood Risk Management?
2. Nasaan ang mga researches sa loob ng mahabang panahon na maaaring i-apply sa ikabubuti ng Maubanin?
3. Nakapag-imbita ba ng mga eksperto, sa loob at labas ng bansa, upang makakuha ng ekspertong opinyon sa flood mitigation and response?
4. Nasaan ang mga info-drive o kahit na anong anunsyo o awareness drive para sa patuloy na tumataas na sea-level, sea water intrusion, coastal land subsidence at climate change na siguradong apektado ang ating bayan ng Mauban?
5. Sa loob ng mahabang panahon, nasaan ang praktikal at makabuluhang organizational structures o pagkuha ng mga consultants (Disaster Risk Reduction (DRR) Specialists, Urban Planners, o Hydrologist) para maabot ang coastal resiliency?
6. Nasaan ang praktikal na land-use planning (establishing buffer zones) at engineering solutions (beach nourishment and coastal protection) sa mga nakaraang panahon?
Ilan lang yan sa mga katanungan natin. Pero halatadong hindi kaya o ayaw sagutin gamit si Mauban News kaya naman binlock na lamang tayo. Gusto natin ng mataas na uri ng diskurso para sa Maubanin, pero malinaw pa sa sikat ng araw na ang istilo na “KUNG HINDI PABOR SAKIN ANG USAPIN AY ALISIN” pa rin ang nananaig.
TANDAAN NATIN NA HINDI KOMPETISYON NI EX-MAYOR ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NI Ninong Erwin Pastrana. Sa mga sinabi ni ex-mayor ay parang nakaligtaan niyang ANG KOMPETISYON NIYA AY ANG MAHIGIT 40 YEARS NILANG PANUNUNGKULAN.
Ang mahilig na sagot ng mga kapanalig nila ay: matuwa kayo sa tinatamasa niyo ngayon na dahil sa dating administrasyon. Maging klaro ho tayo: ANG GINAWA NIYO AY BARE MINIMUM. Ang kailangan naming mga Maubanin ay serbisyo na nakakapag-pataas ng antas ng buhay at lipunan at hindi serbisyong “BASTA MERON” na lang. Tapos na ang Maubanin sa mga kyaw kyaw at bola-bolatas na mensahe. Kapag nagawa niyong SAGUTIN ang napaka-BASIC na katanungan na dapat ay ginawa ng isang coastal community katulad ng Mauban, SAKA LANG KAMI MANINIWALA NA HINDI KAYO NAMBOBOLA AT TOTOONG NAGMAMALASAKIT KAYO SA AMIN.