Pahina

Pahina kwento ng buhay mo, tara gawan natin ng kwenta yan dito 📧✉️📨📩
mixed content

"Palit-Asawa" Ako si Leo, 35, at akala ko, nasa akin na ang lahat, isang magandang asawa, si Gina, at isang matatag na c...
10/01/2026

"Palit-Asawa"

Ako si Leo, 35, at akala ko, nasa akin na ang lahat, isang magandang asawa, si Gina, at isang matatag na career. Pero ang lahat ay nagbago isang gabi. Isang gabing gumuho ang mundo ko at ang mundo ng aking matalik na kaibigan at kumpare.
Si Mark at ang asawa niyang si Liza ang pinakaclose namin. Magkakapitbahay, magkasama sa inuman, at magkasama sa lahat ng family events. Parang isang malaking pamilya na kami. Hindi ko inakala na sa likod ng mga tawanan, may malalim na baho pala silang tinatago.

Isang gabi, may biglaang emergency sa ospital ang nanay ko. Kinailangan kong umalis agad. Habang nagmamaneho ako, naalala kong naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Bumalik ako agad, nagmamadali.

Pagdating ko sa bahay, tahimik. Akala ko tulog na si Gina. Pero may naririnig akong kakaibang ingay mula sa kwarto namin. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Ang nakita ko ay parang pinunit ang puso ko.

Si Gina, ang asawa ko, at si Mark, ang kumpare ko, ay may nangyayari sa kanila sa mismong k**a namin. Hindi ko maipaliwanag ang galit at sakit na naramdaman ko. Para akong sinaksak nang paulit-ulit. Doon mismo, sa harapan ko, naganap ang pagtataksil na hinding-hindi ko makakalimutan.

Nung gabing 'yun, hindi lang ako ang nasira. Dali-dali kong tinawagan si Liza, ang asawa ni Mark. Hindi ko na inisip ang sasabihin ko. Sinabi ko ang lahat. Ang pagkabigla ni Liza sa kabilang linya, ang paghihiganti sa kanyang boses, ay pareho ng galit na nararamdaman ko.

Kinabukasan, nagkita kaming apat. Isang tensionado at punong-puno ng galit na paghaharap. Si Mark ay namumutla, si Gina ay umiiyak. Ako at si Liza, punong-puno ng p**t.

Habang nagbabangayan sila, bigla akong nagkaroon ng kakaibang ideya. Isang ideya na masisira silang pareho.

"Hindi natin kailangan mag-away," sabi ko, sa gitna ng sigawan. Tiningnan ko si Liza. Pareho kami ng nakikita sa mga mata ng isa't isa, galit, sakit, at paghihiganti.
"May solusyon ako," dugtong ni Liza, na parang nabasa ang iniisip ko. "Palitan tayo ng asawa. Tutal, mas gusto pala nila ang isa't isa. Kami ni Leo ang magsasama. Kayo ni Gina, magsama kayo."

Nagulantang si Mark at Gina. Hindi nila inakala na aabot sa ganito. Pero ako at si Liza, determinado na. Hindi na namin kayang tanggapin ang pagtataksil nila. Kung gusto nilang magsama, edi magsama sila. Kami naman ni Liza, magsasama para gumanti at bumuo ng bagong buhay.

Naging parang isang laro ang lahat, isang larong walang panalo, puro sakit lang. Dahil sa galit at sa kagustuhang saktan ang isa’t isa, nauwi kami sa isang kasunduan na hindi ko inakalang papasukin ko.

May mga gabi na nagtitipon kaming apat sa isang malaking kwarto sa isang out-of-town resort. Isang kwarto, apat na tao, at isang madilim na atmospera. Ang layunin? Para ipakita sa harap ng aming mga dating asawa na "masaya" na kami sa bago naming kapareha.

Habang katabi ko si Liza, nararamdaman ko ang titig ni Gina sa akin. Alam kong nasasaktan siya, at 'yun ang gusto ko. Gusto kong makita niyang masaya ako sa iba, kahit sa loob-loob ko ay nadudurog pa rin ako. Si Mark naman, pilit na nagpapakitang-gilas kay Gina sa harap namin, pero bakas sa kanya ang pagkahiya tuwing nagtatama ang paningin namin ni Liza.

Sa gitna ng kwarto, sa ilalim ng malamlam na ilaw, nagaganap ang "palitan." Walang imikan, puro tunog lang ng paghinga at ang bigat ng hangin. Hinahawakan ko si Liza nang mas mahigpit, dinidikit ang katawan ko sa kanya habang nakatingin nang diretso kay Mark. Gusto kong ipamukha sa kanya na ang asawa niya ay nasa akin na ngayon.

Pero habang tumatagal, ang paghihiganti ay nagiging hindi maganda, Sa bawat haplos at palitan ng kapareha, mas lalong lumalalim ang sugat. Hindi na namin alam kung sino ang totoong nagmamahalan at sino ang nagpapanggap na lang para lang makasakit.

Tatlong buwan na ang lumipas simula nung gabing nagsimula ang aming "palitan." Ang akala naming kontroladong bagay ng paghihiganti ay biglang huminto nang isang balita ang bumagsak na parang bomba sa aming apat.
Si Liza ay buntis.

Nasa loob kaming apat ng isang maliit at tensyonadong sala. Walang nagsasalita. Nakapatong sa mesa ang resulta ng test. Tumingin ako kay Liza, pagkatapos ay kay Mark, ang dati niyang asawa na naging kapareha pa rin niya sa ilang pagkakataon sa gitna ng aming "setup."

"Sino ang ama?" ang tanong na namumutawi sa isip naming lahat, pero walang may kayang magsalita.
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Liza. Nakita ko rin ang pagkalito kay Mark. At si Gina, ang asawa ko, ay nakatingin lang sa malayo, parang unti-unti nang nawawala sa sarili dahil sa gulo ng aming sitwasyon.

Ang balak naming "palit-asawa" para makaganti ay naging isang malaking bangungot. Kung ako ang ama, paano ko ito tatanggapin sa harap ni Gina? At kung si Mark ang ama, paano kami nina Liza? Ang bata ay magiging simbolo ng aming mga kasalanan at pagkak**ali.

Ang masama pa, nagsimula na ring makaramdam ng selos at pagdududa si Gina. Sa gitna ng pagbubuntis ni Liza, mas lalong nagkagulo ang aming mga damdamin. Sino na ang kakampi? Sino na ang kaaway?

Isang gabi, nagtipon kaming apat sa huling pagkakataon upang tapusin ang lahat ng laro. Walang sigawan, walang sumbatan. Sa gitna ng katahimikan, napagkasunduan naming itigil na ang "palit-asawa" at ang lahat ng uri ng paghihiganti.

"Parehong may pagkak**ali tayong lahat," sabi ni Mark habang hawak ang k**ay ni Liza. "Ang bata, aakuin ko. Pamilya tayo, at bubuuin nating muli ang sa atin."
Tumingin ako kay Gina. Nakita ko sa kanyang mga mata ang tunay na pagsisisi. Hinawakan ko ang kanyang k**ay nang mahigpit. "Bumalik na tayo sa dati, Gina. Mas matatag, mas tapat."

Simula noon, naging mas bukas kami sa isa't isa. Ang selos at duda ay napalitan ng tiwala na dumaan sa apoy. Ang bata ay isinilang sa isang mundong puno ng pagmamahal, at kahit alam naming apat ang komplikadong simula, pinili naming maging masayang pamilya muli sa kani-kanilang mga tahanan.

Naging mas matatag ang aming pagsasama bilang mag-asawa dahil alam na namin ang halaga ng katapatan.

Dahil magkapitbahay parin kami ay nagkikindatan nalang din ay tanguan tuwing nagkikita, at after magsilang ni liza, lumabas na din ang DNA ay positibo na anak nga nila ang bata, masaya sila at masaya na din kami, medyo may inggit kaunti dahil may anak na sila kami wala pa, pero alam ko na darating din ang araw na iyon,

Inayos ng KarpinteroLimang taon na si Nestor sa Riyadh. Limang taon na ring tuyot ang buhay ko. Pera, alahas, at mga bal...
10/01/2026

Inayos ng Karpintero

Limang taon na si Nestor sa Riyadh. Limang taon na ring tuyot ang buhay ko. Pera, alahas, at mga balikbayan box,’yan ang pinapadala niya. Pero ang hindi niya maipadala sa pamamagitan ng dagat o himpapawid ay ang haplos na kailangan ng isang asawang nangungulila.

Nagsimulang magbago ang lahat nang ipagawa ko ang extension ng aming kusina. Doon ko nakilala si Manong Filo.

Matanda na si Manong Filo, marahil nasa sisenta na ang edad. Kulubot na ang kanyang balat na kulay tanso dahil sa init ng araw, at magagaspang ang kanyang mga palad na sanay sa paghawak ng martilyo at lagari. Sa simula, tingin ko sa kanya ay isang hamak na karpintero lang. Pero may kakaiba sa kanya, ang kanyang mga mata ay buhay na buhay, at ang bawat kilos niya ay puno ng karanasan at dahan-dahang presisyon.

Isang hapon, habang binibigyan ko siya ng meryenda, nagtama ang aming mga balat. Hindi ko alam kung bakit, pero ang magaspang niyang palad ay nagdulot ng kuryente sa buo kong katawan na matagal ko nang hindi nararamdaman kay Nestor.

Doon nagsimula ang aming lihim.

Alam ni Manong Filo kung paano "ayusin" ang hindi lang ang bahay, kundi pati ang katawan ko. Kahit matanda na siya, ang lakas niya ay iba. Hindi siya nagmamadali, hindi tulad ng mga batang lalaki. Alam niya ang bawat sulok ng aking isipan, Sa bawat haplos ng kanyang magagaspang na k**ay, tila ba pinapakinis niya ang bawat bahagi ng aking pagkatao.

Tuwing magkasama kami sa loob ng kwarto habang breaktime niya, nararamdaman ko ang pagiging "fresh." Nawawala ang stress ko, bumabata ang pakiramdam ko. Ang kanyang mga halik ay may lasa ng tabako at pawis, pero sa akin, iyon ang amoy ng tunay na pagkalalaki.

Pinapaligaya niya ako sa paraang hindi ko akalaing magagawa ng isang lalaking kasing-edad niya. Masaya ako, palaging nakangiti, at tila ba may liwanag ang aking mukha na napapansin pati ng mga kapitbahay.

Pero heto na ang problema.

Nag-chat si Nestor kagabi. Uuwi na siya next week mula sa Riyadh. Magtatagal siya ng dalawang buwan para sa kanyang bakasyon.

Habang tinitingnan ko si Manong Filo na nagpapako sa kusina, nakaramdam ako ng kaba. Paano ko itatago ang siglang ito? Paano ko babalikang yakapin ang asawa ko kung ang katawan ko ay sanay na sa magagaspang at bihasang k**ay ni Manong Filo?

"Ma'am Eva, tapos na po ang pinto," sabi ni Manong Filo habang pinupunasan ang pawis niya at tumitingin sa akin nang may kahulugan.

Napalunok ako. Tapos na ang pinto, tapos na ang kusina, at malapit na ring matapos ang aming oras. Hindi ko alam kung hanggang saan ito aabot, pero ang alam ko lang, hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ako "binuo" ng isang matandang karpintero sa panahong durog na durog ako sa pangungulila.

Kung kayo ang nanalo, tatanggapin niyo ba ang settlement offer o ipipilit ang buong panalo?Mabilis na kumalat sa social ...
10/01/2026

Kung kayo ang nanalo, tatanggapin niyo ba ang settlement offer o ipipilit ang buong panalo?

Mabilis na kumalat sa social media ang kwento ng isang babae na diumano’y nanalo ng ₱397 milyon sa online bingo platform na BingoPlus. Para sa marami, ito na sana ang sukdulang swerte—isang iglap na magbabago ng buhay. Ngunit sa halip na masayang pagtatapos, nauwi ito sa reklamo, legal na usapin, at isang desisyong lalong nagpainit sa publiko. Paano nga ba nauwi sa ganito ang isang panalong dapat ay diretso at malinaw?

Ayon sa salaysay ni Rosita Estepa, 47 taong gulang, matagal na siyang naglalaro ng online casino games, partikular ang “scatter” games, sa loob ng halos tatlong taon. Madalas daw ay panalo paminsan-minsan, ngunit mas marami ang talo.

Nagbago ang kanyang swerte noong Marso 7 nang kanyang makuha ang isang “ultimate win” na diumano’y nagkakahalaga ng higit ₱397 milyon sa isang lucky spin sa BingoPlus app. Subalit, ilang oras siyang naghintay para ma-credit ang panalo sa kanyang account, pero hindi ito dumating.

Dahil dito, nakipag-ugnayan si Estepa sa customer service ng app para linawin ang sitwasyon. Noong Agosto, dinala niya ang kaso sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), kung saan naroroon din ang mga kinatawan ng online gaming platform.

Sa pagitan ng mga proseso, tumanggap ang abogado ni Estepa ng tawag mula sa BingoPlus na nag-aalok ng mas mababang settlement—₱1 milyon—na kanyang tinanggihan sa pamamagitan ng email. Maya-maya, tinaasan pa ng platform ang alok sa ₱5 milyon, ngunit nanatiling hindi tumanggap si Estepa. Para sa kanya, “Kung winner ka, winner ka talaga.”

Noong Nobyembre 24, inilabas ng PAGCOR ang kanilang desisyon: hindi daw siya isang lehitimong nanalo dahil sa isang technical issue sa platform.

Sa kabila nito, nananatili si Estepa sa kanyang paninindigan na dapat ay maibigay sa kanya ang panalo na kanyang pinaniniwalaang karapatan. Para sa publiko, ito ang pinaka-intrigang bahagi: paano nagkaroon ng jackpot announcement, viral na balita, at mga alok na milyon-milyon kung wala palang panalo ayon sa huling desisyon? Para sa kampo ni Estepa, ito ay lalong nagpatibay sa kanilang paniniwala na may kailangang linawin at ipaliwanag.

"Umuwi ng Dec 15, na-ER ng Dec 17. Si Sender (Kuya J), nagulat sa itsura ni Misis paglabas ng Tuguegarao Airport. Sobran...
10/01/2026

"Umuwi ng Dec 15, na-ER ng Dec 17.
Si Sender (Kuya J), nagulat sa itsura ni Misis paglabas ng Tuguegarao Airport. Sobrang putla, nanghihina.
Ang alibi: "Heavy Mens" at "Cyst" daw sa matris.
Ang totoo (base sa nakitang PT at Ultrasound): Incomplete Abortion.
Hemoglobin 6g/dL. Critical.
Kinailangan salinan ng dugo at raspahin.
Ang masakit, akala ng parents ni Misis, "nakunan" ang anak nila sa asawa. Hindi nila alam na 5 years silang LDR.
Merry Christmas sana, pero naging Bloody Christmas.
Sinagip ni Mister ang buhay, pero papatayin na ang relasyon."

Admin, paki-tago na lang ako sa alias na "Kuya J".
Last December lang ito nangyari. Fresh na fresh pa ang sugat.
Limang taon kong hinintay na makauwi ang misis ko (R, F32) galing UAE. Excited ako kasi after 5 years, buo na sana ang pamilya namin ngayong Pasko at Bagong Taon.
December 15 ang arrival niya sa NAIA. Susunduin ko sana sa Manila, pero sabi niya wag na daw kasi magastos. At saka may aasikasuhin daw muna siya sa agency at magpapa-medical checkup sa Manila bago umuwi ng probinsya. Pumayag ako kahit atat na atat na akong makita siya.
December 17 ang flight niya pa-Tuguegarao.
Naghintay ako sa arrival area ng Tuguegarao Airport kasama ang dalawa naming anak at ang parents niya. May dala pa kaming banner na "Welcome Home Mommy".

Pero nung lumabas siya... nanlumo ako.
Hindi siya yung misis ko na masigla sa video call. Para siyang bangkay. Sobrang putla. Kulay abo na ang labi. Halos hindi niya mabuhat yung hand-carry niya.

Nung yinakap ko siya, ang lamig ng balat niya.
"Hon, anyare? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko.

Bulong lang ang sagot niya: "Pagod lang sa byahe, Hon. Tapos sobrang lakas ng mens ko ngayon. Sabi nung doktor sa Manila, may cyst daw ako sa matris kaya dinudugo ako nang malala."

Inuwi namin siya agad. Hindi na siya nakasabay sa salu-salo. Diretso tulog.

Kinabukasan, habang inaayos ko ang mga gamit niya para labhan (dahil nanghihina talaga siya), may nahulog sa passport holder niya.
Binuksan ko. Pregnancy Test. POSITIVE.
Parang gumuho ang mundo ko. 5 years kaming LDR. Paano siya magiging positive?
Bigla kong na-connect. Yung "2 days" sa Manila (Dec 15-17). Yung "Cyst". Yung sobrang putla niya.

Galit na galit ako. Hawak ko yung PT, pumasok ako sa kwarto para komprontahin siya.
Pero pagpasok ko... nawala ang galit ko, napalitan ng takot.

Nakita ko si R, nakahiga, namimilipit. Yung bedsheet namin, halos kulay maroon na sa dami ng dugo.
"R! R!" tinawag ko siya.
Dumilat siya pero pungay na pungay ang mata.
"J... t-tulong... d-di ko na kaya..." bulong niya.
Hinawakan ko siya. Napakalamig. Para na akong humahawak sa yelo.

Tumakbo ako palabas. Tinawag ko ang Nanay at Tatay niya na nasa sala (nagbabantay din sa kanya).

"Nay! Tay! Si R dinudugo! Hindi na makatayo!"
Binuhat namin siya pasakay ng tricycle (wala kaming kotse). Iyak nang iyak ang Nanay niya. Ako, tuliro. Yung PT, nasa bulsa ko pa rin, parang tinik sa dibdib ko.
Pagdating sa ER, chaos.

Kinabitan agad siya ng swero at oxygen. Dinala yung Portable Ultrasound.
Rinig na rinig ko ang sabi ng doktor:
"Doc, Incomplete Abortion. May naiwan sa loob. Need i-Raspa (D&C) ASAP."

Kinuhanan siya ng dugo para ma examine. Paglabas ng resulta 60 na lang daw hemoglobin niya at kailangan masalinan ng dugo.

Napatulala ako. 60? Kalahati na lang ng normal?

Kaya pala sobrang putla niya sa airport pa lang. Baka sa Manila pa lang, dinudugo na siya matapos niyang magpa-abort o uminom ng gamot, tapos pinilit niyang umuwi dito para pagtakpan.

Lumabas ang doktor.
"Mister, kailangan maraspa ang asawa mo. Nakunan siya pero hindi lumabas lahat. Delikado baba ng p**a ng dugo niya."
Yung mga magulang niya, nag-iyakan.

"Diyos ko, yung apo namin," iyak ng Nanay niya.
Akala nila nakunan siya sa akin. Hindi nila alam na 5 years kaming walang contact.
Tumingin sa akin ang Tatay niya. "J, iligtas niyo ang anak ko."

Wala akong nagawa kundi pumirma.
Habang sinasalinan siya ng dugo, nakaupo lang ako sa labas.

Sinalba ko ang buhay niya. Pero yung tiwala? Yung pagmamahal? Kasamang namatay nung "bata" na pinalaglag niya.

Ngayon, buhay siya. Nagpapagaling. Pero hindi ko pa rin siya kinakausap tungkol sa PT. Hinihintay ko lang lumakas siya... bago ko ibagsak ang hiwalayan.

Dahil kay gargan,  pinagtibay nya ang kapangyarihan sa lahat ng mga nasa Balaak. Kaya nagkaroon ng kapangyarihan si Hago...
10/01/2026

Dahil kay gargan, pinagtibay nya ang kapangyarihan sa lahat ng mga nasa Balaak. Kaya nagkaroon ng kapangyarihan si Hagorn, pero di nya alam is nasama nyang binalik ang dating kapangyarihan ni Pirena, besides dugong hathor si Pirena

Encantadia Chronicles Sangr'gre

"MALINIS KAHIT MARUMI"Kuya Jay, nais ko na dito umpisahan ang aking story, gaano ka man karumi, nalilinis din,Si Rex ang...
09/01/2026

"MALINIS KAHIT MARUMI"

Kuya Jay, nais ko na dito umpisahan ang aking story, gaano ka man karumi, nalilinis din,

Si Rex ang kinakasama ko. 19 lang ako noon, at isang drp out student, mahirap kami, kaya ang naging tahanan ko ay kalye, ay pagsama sa ibat ibang lalake, si rex noong una, akala ko pagmamahal 'yung pagiging possessive niya. Hindi pala. Pag-aari lang pala ang tingin niya sa akin. Kapag gusto niya, dapat makuha niya. Hindi mahalaga kung may sakit ako, kung pagod ako o kung wala ako sa mood. "Asawa kita, tungkulin mo 'to," 'yan ang laging linya niya habang pinipilit ako. Kahit labag sa loob ko, hinahayaan ko na lang para matapos na.

Pero ang pinak**asakit, hindi lang siya ang gumagamit sa akin.
Nagsimula 'yun sa isang gabi ng inuman. Lasing sila ng mga tropa niya. Akala ko, papatuluyin lang niya ako sa kwarto para makapagpahinga. Pero tinawag niya ako. Paglabas ko, nakita ko ang tingin ng mga kaibigan niya, malagkit,
Sabi ni Rex sa kanila, "O, 'di ba? Sabi ko sa inyo, ayos 'yan."

Tapos tinulak niya ako sa kanila. Ibinenta niya ako kapalit ng ilang bote ng alak at pakikisama sa mga "tropa" niya. Sa gabing 'yun, nawala ang huling piraso ng respeto ko sa sarili ko. Pinanood lang ako ni Rex habang pinagpipistahan ako ng ibang lalaki. Parang basahan na ipinapasa-pasa. Parang trophy na pinagyayabang niya, Martir ako, sabi nila. Bakit hindi pa ako umalis? Minsan, nakakapagod na ring sumagot. Kapag araw-araw mong nararamdaman na wala kang halaga, darating 'yung point na maniniwala ka na lang na dito ka lang talaga nararapat. Na ang katawan ko ay hindi akin, kundi gamit lang para sa kasiyahan nilang lahat.

Dumating ang gabi na naging huling huli na talaga. Nakaupo ako sa gilid ng k**a, naririnig ko na naman ang tawanan nina Rex at ng mga tropa niya sa labas. Alam ko na ang kasunod nun. Ang bigat na ng katawan ko, hindi na lang dahil sa sakit, kundi dahil sa pandidiri.

Pero may nagbago nung gabing 'yun. Tumingin ako sa salamin. Hindi ko na kilala ang mukha ko. Sabi ko sa sarili ko, "Venus, kung hindi mo 'to gagawin ngayon, mamamatay ka rito na parang basura."

Hindi ako nag-impake ng malaki. Isang maliit na backpack lang. Isang pares ng damit, ang itinatago kong pera na galing sa paglalabada na hindi alam ni Rex, at ang ID ko. 'Yun lang.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ako ni Rex, lasing na siya. "O, Venus, halika rito. Hinihintay ka ng tropa," sabi niya habang tumatawa.
Imbes na sumunod, dire-diretso ako sa pinto.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Rex. Tumayo siya, medyo pagewang-gewang. "Bumalik ka rito!"

Hindi ako lumingon. Hindi ako sumigaw. Binuksan ko ang pinto at tumakbo ako. Rinig ko ang mura niya at ang paghabol niya, pero dahil sa kalasingan, natumba siya sa may gate. Narinig ko ang kalabog, pero hindi ko hinintay na makatayo siya.
Tumakbo ako hanggang sa kanto kung saan may terminal ng jeep. Sumakay ako sa unang sasakyang umalis. Hindi ko alam kung saan ang dulo, basta ang alam ko, palayo sa kanya. Palayo sa mga tropa niya.

Habang umaandar ang jeep doon lang ako nakahinga nang malalim. Sa unang pagkakataon, ang katawan ko ay akin na ulit. Hindi ako laruan. Hindi ako gamit.
Anim na buwan na ang nakalipas. Hindi ako bumalik, kahit isang beses.

Nasa malayo akong probinsya ngayon, nakikitira sa isang malayong k**ag-anak na matagal ko nang hindi nakakausap. Noong una, hindi ako makatulog. Bawat kalabog ng pinto, akala ko si Rex. Bawat lalaking nakatambay sa kanto, akala ko isa sa mga tropa niya na susubukan na naman akong gamitin.
Pero unti-unti, naging maayos ang lahat.

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang maliit na kainan. Simple lang, naghuhugas ng plato, nagsisilbi sa mga customer. Ang sahod, hindi kalakihan, pero sa akin lahat 'yun. Walang kukuha para pambili ng alak. Walang hihingi kapalit ng pananahimik ko.
Isang hapon, habang naglilinis ako ng mesa, may isang grupong lalaki na pumasok. Nagtatawanan sila, maingay, amoy alak ang isa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga k**ay ko. Pero imbes na yumuko at manginig, huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanila nang diretso. Order lang ang kailangan nila, hindi ako. Nang matapos silang kumain at umalis, doon ko napatunayan na hindi pala ako ng pakay nila,

Minsan, tinitingnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. May mga peklat pa rin sa isip ko, hindi 'yun basta-basta mawawala. Pero iba na ang tingin ko sa sarili ko. Hindi na ako 'yung "Venus" na laruan lang. Ako na si Venus na may sariling desisyon.

Ngayon, kapag pagod ako, natutulog ako dahil gusto ko. Kapag ayaw ko, walang pwedeng pumilit sa akin. Sa wakas, hawak ko na ang sarili kong buhay,
Sa mga gabing tahimik at mag-isa lang ako sa higaan, doon lumalabas ang mga isiping hindi ko masabi sa iba.

Alam ko ang kwento ko, biktima ako, ginamit ako, binaboy ako. Galit ako kay Rex dahil ibinenta niya ako. Pero sa gitna ng galit na 'yun, may isang bahagi ng pagkatao ko na pilit kong itinatago, ang katotohanang may mga sandali noon na, sa kabila ng takot at pagpilit, may naramdaman akong hindi ko dapat naramdaman.

May mga gabi noong nakapila ang mga tropa ni Rex, na habang nangyayari ang lahat, tila humiwalay ang isip ko sa katawan ko. Doon ko natuklasan na sa gitna ng rurok ng pagkapahiya, may kakaibang sipa ang pakiramdam na pinagkakaguluhan ka ng marami. Ang atensyong 'yun, kahit na marumi at sapilitan, ay nagbigay sa akin ng isang uri ng kapangyarihan na noon ko lang naramdaman.

Naramdaman ko ang init, ang bigat, at ang pagnanasa nila. At ang masakit aminin? May mga pagkakataong nag-enjoy ako. Nag-enjoy ako sa pakiramdam na kailangang-kailangan nila ako sa sandaling 'yun, kahit na bilang gamit lang.

Ngayong malaya na ako kay Rex, akala ko sapat na ang katahimikan. Pero minsan, hinahanap-hanap ko 'yung gulo. Hinahanap ko 'yung pakiramdam na maraming k**ay ang humahawak sa akin, 'yung tensyon ng dami ng lalaking nakatingin sa akin.

Gusto ko itong maranasan ulit. Pero sa pagkakataong ito, hindi dahil utos ni Rex. Hindi dahil kailangan kong gawin para sa alak niya. Gusto ko itong gawin dahil gusto ko.

Gusto kong maranasan ang "pila" na 'yun nang ako ang may hawak ng kontrol. Gusto kong makita ang pagnanasa sa mga mata nila, pero sa pagkakataong ito, ako ang pipili kung kailan magsisimula at kailan hihinto.

Hindi nagtagal, lumipat ako ng tirahan sa lungsod. Doon, walang nakakakilala sa akin bilang ang "martir ni Rex." Naghanap ako ng trabaho sa isang bar, hindi bilang waitress, kundi bilang tagapamahala sa likod ng VIP lounge. Doon ko nakita ang mundong kailangan ko, isang mundong puno ng laro at pagnanasa.

Isang gabi, pagkatapos ng shift, kinausap ko ang tatlo sa mga regular na parokyano doon. Mga lalaking may pera, may itsura, at alam kong naghahanap ng higit pa sa alak. Hindi ako natatakot ngayon. Walang Rex na nagtutulak sa akin; ako ang lumapit.

"Gusto niyo ba ng mas masayang gabi?" tanong ko. Deretso ang tingin, walang kurap.doon ko muling nakita ang mga ng mga lalake na parang kumikislap,

Dinala ko sila sa isang pribadong unit na nirenta ko. Pagpasok pa lang, naramdaman ko na ang tensyong pamilyar, , ang mga titig na gutom. Pero imbes na manginig ang tuhod ko, naramdaman ko ang init sa katawan ko. Ito 'yung hinahanap ko.
Pinaupo ko sila. "Ako ang magdidikta," sabi ko sa kanila. "Walang gagawa ng hindi ko gusto."

Sa gabing 'yun, naulit ang "pila." Pero malaking-malaki ang pagkakaiba. Noong panahon ni Rex, nakapikit ako at umiiyak sa dumi. Ngayon, nakadilat ako. Pinapanood ko ang bawat galaw nila. Ninanamnam ko ang bawat hawak at bawat ungol.

Naramdaman ko ulit 'yung pakiramdam na pinagkakaguluhan, 'yung pakiramdam na sa sandaling 'yun, ako ang sentro ng mundo nilang tatlo. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako laruan na ipinapasa-pasa. Ako ang premyo na kailangang pagsilbihan.
Hindi na lang ito simpleng kagustuhan; naging pangangailangan na ito. Para na akong adik na naghahanap ng susunod na "hit." Sabi ng iba, baka raw dahil ito sa trauma, na dahil sinira ni Rex ang konsepto ko ng respeto at pag-ibig, ang tanging paraan para maramdaman kong buhay ako ay ang balikan ang mismong sakit na sumira sa akin.

Hinahanap-hanap ng katawan ko 'yung pakiramdam na dinudumog. 'Yung pakiramdam na walang kontrol, kahit na sa totoo lang, ako ang nag-aanyaya.
Gabi-gabi, iba’t ibang lalaki. Minsan, dalawa, tatlo, o higit pa.

Mas marami, mas ramdam ko 'yung sarap, Kapag mag-isa lang ako, nararamdaman ko 'yung sobrang lumbay at dumi, kaya ang tanging solusyon ay magpatawag ulit ng mapaglilibangan. Ang trauma na naranasan ko kay Rex, ang pagtrato sa akin na parang gamit, ay naging isang malalim na sugat na ang tanging gamot ay ang kiskisan ng ibang katawan.

May mga oras na habang nasa gitna ako ng gulo, biglang papasok sa isip ko si Rex at ang mga tropa niya. Sa halip na matakot, mas lalo akong nanggigigil. Ginagaya ko ang mga eksenang iyon, pero ngayon, ako ang nag uutos, Pero kahit ako ang masusunod, aminin ko man o hindi, alipin pa rin ako ng pakiramdam na iyon.

Nawalan na ako ng pakialam sa pangalan, sa relasyon, o sa kinabukasan. Ang mahalaga lang ay ang init ng sandali, ang bigat ng ibang tao sa ibabaw ko, at ang panandaliang pagkalimot na ako ay isang tao na may mas malalim pang halaga.
Naging "Venus" ako sa paraang hindi ko inaasahan, isang simbolo ng pagnanasa na walang hangganan, pero sa loob-loob ko, alam kong ito ay isang paraan lang ng pagtakas sa isang sugat na hindi kailanman naghilom.

Sa gitna ng magulo at madilim na buhay ko, dumating si Elias. Hindi siya tulad ng mga lalaking kinakasama ko gabi-gabi. Hindi siya bastos tumingin, at hindi rin siya naghahanap ng "pila."

Lagi ko syang nakikita na nakatayo sa kanto malapit sa bar, may kasama din sya minsan mga babae, may dala silang mga librong maliit at nagsasalita ng mga ewan at hindi ko maintindihan,
Isang gabi, matapos ang isang matinding session kasama ang ilang lalaki, lumabas ko kahit na
9am ng umaga, na dapat ay tulog ako, naupo ako malapit sa puwesto nya, umupo lang ako, hindi ko alam kung bakit ako umiyak noon, basta nag eemote lang ako, lumapit si elias sa akin, binigyan nya ako ng tissue at,
Gusto mo ba ng tulong? Nandito ako makikinig,

Kuya jay naka upo ako, nagsasalita ako ng kahibangan ko, si elias nakatingin lang sa akin hanggang sa hawakan nya ang dalawang k**ay ko,
Magpahinga ka muna, sama ka sakin, sabi nya, hindi ko alam kung bakit ako sumama, sabagay, sanay naman ako sumama kahit kanino, hindi ko na matandaan kung saan lugar yun, basya presko ang paligid, tahimik at natulog ko doon, na parang napakatagal, pakiramdam ko tatlon araw ako natulog ng derecho, kasi pag gising ko, maga ang mga mata ko, pero ang gaan ng pakiramdam ko, fresh at malinaw ang isip ko, kinausap ako ng isang babae, pero wala akong masyadong naunawaan, basta sa isip ko noon, umuwi na at bumalik kung saan ako galing,
Pinayagan naman nila ako, pero ng sumunod na araw, nandoon na naman si elias, at ako pala talaga ang inaabangan nya.,

"Alam ko ang ginagawa mo, Venus," diretsahan niyang sabi. Walang halong panghuhusga sa boses niya. "Pero hindi mo kailangang gawin 'yan para lang mapatunayang buhay ka."
Natawa ako. "Ano bang alam mo? Marumi ako, Elias. Sanay na ako sa ganito. Ito na ang buhay ko." yung ang usapan namin, na para bang alam na ni elias ang buong nangyari sa buhay ko,

Pero hindi siya sumuko kuya jay, Sa mga sumunod na linggo, lagi siyang nandoon. kinakausap ako na parang tao, hindi parang laman.na tulad ng mga lalaking nakasama ko, Isang gabi, habang nasa tapat kami ng pinto ko, hinarap ko siya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Alam mo kung ilang lalaki na ang dumaan sa akin. Alam mo kung gaano ako karumi."

Hinawakan ni Elias ang mga k**ay ko. "Hindi ka marumi, Venus. Sugatan ka lang. At kahit gaano pa karaming lalaki ang humawak sa iyo, hindi nun mababago ang halaga mo sa paningin ko. Mahal kita, at gusto kitang tulungan na makita ang sarili mo na hindi tumitingin sa kung ano nakaraan mo,

Doon ako bumigay ng iyak, Sa loob ng maraming taon, iyon ang unang pagkakataon na may humawak sa akin na hindi pagnanasa ang pakay. Ang pag-ibig ni Elias ay parang salamin na nagpapakita sa akin ng isang Venus na matagal ko nang kinalimutan, yung Venus na karapat-dapat mahalin nang buo, hindi piraso-piraso.

Hindi naging madali. Ang katawan ko, hinahanap pa rin ang trauma. Pero sa bawat gabi na gusto kong bumalik sa madilim na gawi, nandoon si Elias para yakapin ako hanggang sa makatulog ako. Unti-unti, pinalitan niya ang sakit ng katahimikan.sa pamamagitan ng dasal nya,

Hanggang sa isinama nya na ako sa sinasabi nyang bahay nila, Hindi ko akalain na sa isang simbahan pala ako dadalhin ni Elias. Doon ko nalaman ang lahat, si Elias ay isang pastor. Hindi siya lumapit sa akin para husgahan ako, kundi para hanapin ang kaluluwa kong matagal nang nawawala.

Isang Linggo, isinama niya ako sa kanilang church. Noong una, ayaw kong pumasok. Nahihiya ako. Pakiramdam ko, masusunog ang balat ko sa dumi ng nakaraan ko. Pero hinawakan ni Elias ang k**ay ko at sinabing, "Ang simbahan ay hindi para sa mga banal, kundi para sa mga sugatang tulad mo."

Habang nagsisimula ang kanta at naririnig ko ang bawat salita tungkol sa pagpapatawad, parang may kung anong humahaplos sa puso ko. Pag-akyat ni Elias sa stage,, hindi siya nagmura o sumigaw. Nagsalita siya tungkol sa isang babaeng nabaon sa pagkak**ali pero binigyan ng bagong buhay.na para bang ako ang tinutukoy nya,

Doon na ako humagulgol. Hindi lang basta iyak, galing sa kaibuturan ng pagkatao ko. Nagising ako sa katotohanan. Napakalaki ng kasalanang ginawa ko, hindi lang dahil sa ginawa sa akin ni Rex, kundi dahil hinayaan kong maging adik ang katawan ko sa dumi at trauma. Kinamuhian ko ang sarili ko habang nakaluhod sa sahig ng simbahan.

"Patawad," bulong ko sa gitna ng iyak. "Patawad sa paglapastangan sa sarili kong katawan."

Sa sandaling iyon, parang may mabigat na kadena na kumalas sa akin. Ang pagnanasa na hanapin ang "pila," ang adik na paghahanap sa sakit, lahat 'yun ay biglang naglaho. Pinalitan ito ng isang uri ng kapayapaan na hindi kayang ibigay ng kahit sinong lalaki.

Pagkatapos ng service, nilapitan ako ni Elias. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako umiyak. Ngumiti lang siya at sinabing, "Welcome home, Venus."
Simula noon, tinalikuran ko na ang madilim na mundo. Nagbago ako, hindi dahil kailangan, kundi dahil natutunan ko na ang tunay na pag-ibig ay hindi nakukuha sa dami ng humahawak sa iyo, kundi sa Isang nagligtas sa iyo mula sa hukay. Kasama ni Elias, sinimulan ko ang isang bagong buhay, isang buhay na malinis, payapa, at puno ng pag-asa.

Ikinasal kami ni Elias sa mismong simbahan kung saan ako unang lumuhod at umiyak. Simple lang ang seremonya, pero para sa akin, iyon ang pinak**alinis na sandali ng buhay ko. Sa harap ng Diyos at ng mga tao, tinanggap ako ni Elias nang buong-buo. Wala nang Rex, wala nang mga tropa, wala nang madidilim na gabi.

Lumipas ang mga taon, at naging malinaw sa amin na hindi kami magkakaroon ng sariling anak. Minsan, sumasagi sa isip ko na baka ito na ang "sumpa" o kabayaran sa mga taon na nilapastangan ko ang aking katawan. Noong una, may kirot,masakit na tanggapin na hindi ko mabibigyan ng supling si elias, nagkasakit kasi ako, siguro sobrang abuso at gamit ko sa aking katawan, nasira ang matris ko, nagkabukol at tuluyan ng tinanggal, pero hindi ako iniwan ni elias, mula sa pagpikit ko sa operating room, hanggang muling pagdilat ko sa recovery room, ang mukha ni elias ang nakikita ko,

Hindi man ako biniyayaan na magdala ng buhay sa aking sinapupunan, naging ina naman ako sa daan-daang bata na lumalapit sa amin. Kami ni Elias ang naging takbuhan ng mga ligaw na kaluluwa, ng mga kabataang nawawalan ng pag-asa, at ng mga sugatang babae na katulad ko noon. Ang bawat bata sa church ay itinuturing naming sariling aming anak,

"Salamat, Elias," madalas kong sabihin sa kanya habang nakaupo kami sa harap ng altar pagkatapos ng gawain. "Salamat dahil hindi mo ako tiningnan bilang basura, kundi bilang isang taong pwedeng mabago."
Ngingiti lang siya at sasabihing, "Instrumento lang ako, Venus. Ang Diyos ang tunay na nagligtas sa iyo."

Wala nang hihigit pa sa katahimikang nararamdaman ko ngayon. Ang dating katawan na ginamit at binaboy, ngayon ay ginagamit na sa paglilingkod. Ang bahay namin ay hindi lang isang gusali, kundi isang tunay na tahanan, isang extension ng tahanan ng Diyos na ipinakilala sa akin ni Elias.

Sa wakas, nahanap ko na ang tunay na ligaya na matagal kung hinahanap, , hindi sa k**ay ng maraming lalaki, kundi sa piling ng nag-iisang lalaking nagmahal sa kanya nang tapat at sa biyaya ng Maykapal.

Address

Marilao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pahina:

Share