The Forum (Official)

The Forum (Official) The Official Student Publication of the Polytechnic University of the Philippines - Maragondon Campus

EYES HERE, PUPIANS! Only ONE DAY LEFT to unleash your journalistic side and join The Forum. Come and join us! The applic...
05/10/2024

EYES HERE, PUPIANS!

Only ONE DAY LEFT to unleash your journalistic side and join The Forum. Come and join us! The application is open until October 06, 2024, 11:59 pm. Don't miss this opportunity to be a catalyst for change!

Good luck!

The sequel that you've been waiting for is here! โœ๏ธ

Unlock your path here at The Forum (Official) as we open our door for its 2nd batch of membership to all interested Isko/Iska in conquering and sharing their masterpiece for the Academic Year 2024-2025.

The publication is still looking for individuals who fit into the different categories, whether you're a wordsmith with a passion for ๐—ณ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, and ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด; an aspiring ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ who sees everything from a different perspective; or someone who specializes in visual fields like
๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด and ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜†, we want you on our team! ๐Ÿ’กโœ๏ธ

Don't miss the chance to be part of The Forum!

Join and turn the impossible into possible using your extraordinary masterpiece, brimming with a diversity of ideas and unique perspectives, and be the influential voice of our fellow students.

Apply now and be a CATALYST OF CHANGE! โœจ

To apply, click on the link below and kindly fill out the application form:

https://forms.gle/tFS8PpiKQoXqRx9x7

โ€ผ๏ธAPPLICATION IS OPEN UNTIL OCTOBER 06, 2024โ€ผ๏ธ

For questions, clarifications, and inquiries, kindly message the official page of The Forum:
https://www.facebook.com/TheForumOfficial

Note: The application is open for ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ-๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ป๐—น๐˜†

Caption by Ann Somes
Pubmat by Gian Ferrer

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐‘ผ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’–๐’ƒ๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜Imumulat ko ang matang pagal pa rin sa kahapon. Sisimulan ko ang araw na yayakapi...
05/10/2024

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐‘ผ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’–๐’ƒ๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜

Imumulat ko ang matang pagal pa rin sa kahapon. Sisimulan ko ang araw na yayakapin muna ang kadiliman, mas maagap pa sa pagyakap ng araw sa lupa. Ipapagpag ang unipormeng pinlantsa ko kagabi. Maliligo. Magtitimpla ng kapeng di-istetik na tig-dyesisais. Kailangang gising ang diwa. Gagayak upang pumasok sa trabahong kakarampot din ang sinasahod.

Iiwasan ang mga tubig-ulang naipon sa daan ng mga lusak sa paaralan. Tapos ay ngangalayin ko na ang panga sa maghapong pagbibigay-aral at pagsermon sa silid. Ngunit dumadalaw rin naman ang ngiti sa mga pagkakataong nakikipagbiruan sa akin ang mga estudyante. Makikipag-laban sa gutom at ngalay na iniinda habang nakikipag-sapalaran sa ingay at patuloy na pagsuway.

Pero sa buong araw, paborito ko ang tanghalian. Ayos na sa akin ang tapsilog upang punan ang sikmurang nakalam. Mura lamang naman iyon, suwak sa badyet.

Pagtapos ay babalik na ako sa silid ng mga kapwa ko g**o. Doon ay makararamdam ako ng saglit na payapa, maiibsan din ang init na naipon na sa akin habang nagtuturo. Dito ay makakapanood pa ako ng noon time shows at kung may oras pa bago ang sunod na klase ay may maaabutan pa akong balita. Nakakatawa nga iyong narinig ko noong minsan: na sapat na raw sa isang buong araw ang 64 pesos upang hindi ka magutom.

Baka nga naman sumapat ito sa tig-doseng kanin, simpleng ulam, at iba pang panangga sa pagngalit ng sikmura, lalo na kung ang diyeta mo ay pilit na paghimbing. Saka rito, mawawala pa ang pamimitig ng katawan mo, o kaya โ€˜yung ngalay na dulot ng maghapong pagkilos.

Pagtapos ng panandaliang paglapag ng pagod sa silya ay muli na akong iibag mula sa pagpapahinga. Tulad ng rutina, kailangan kong umakyat ng ilan pang palapag upang makarating sa sunod na klase. Mag-uubos ng laway. Maglalaan pa ng kaunting pasensya.

At tuwing pauwi na ang pagal na katawan mula sa araw-araw na klase hanggang alas singko, muli na akong makikipag-sapalaran. Mananatiling nakatayo buong biyahe pabalik at ipipilit ang sarili sa mga nagsisiksikang pasahero habang yakap ko ang bitbit na mga gamit. At sa daan pauwi ay nauuna pang magbukas ang ilaw ng mga kalsada kaysa sa pag-apak ko sa aming pintuan.

Bagaman sanay na, nakapapagod din palang bitbitin ang bigat ng lahat ng kailangang buhatin. Masyadong mahaba ang lalakbayin para sa buhay na inaasam at hindi naman titigil ang takbo ng mundo upang hintayin ako.

Kinabukasan ay gigising na lamang ulit nang maagap para magtrabaho. Uulit-ulitin lang ang nakasanayan.

Kailan kaya ako uuwi nang hindi pa namamaalam ang araw?

ni Christopher Maleon
Larawan ni Christine Nolasco

____________________________

Ngayon ika-lima ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ. Para sa lahat ng mga g**oโ€”saludo kami sa inyo!

Inihahandog ng The Forum (Official) ang akdang ito bilang saludo sa inyong pagod at walang sawang paggabay, pagtuturo, at pagmamahal sa aming mga estudyante.

Kayo ang aming mga bayani na tahimik na humuhubog sa aming kinabukasan. Sa bawat oras na ginugugol ninyo para kami'y turuan, sa bawat pagpapasensya, at sa bawat inspirasyo't kaalaman na ibinabahagi kada klase.

Hindi matutumbasan ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa propesyon.

Maligayang Araw ng mga G**o! Maraming salamat sa inyong walang katumbas na serbisyo!

EDITORYAL | Serbisyo o Populismo?  Sa darating na Halalan 2025, muling haharap ang mga botante sa isang mahalagang katan...
03/10/2024

EDITORYAL | Serbisyo o Populismo?

Sa darating na Halalan 2025, muling haharap ang mga botante sa isang mahalagang katanungan: Sino ang tunay na maglilingkod sa bayan? Noong Setyembre 26, 2024, opisyal nang inanunsyo ang mga kandidato para sa senatorial elections sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Naging simbolo ito ng muling pagbubukas ng arena para sa mga indibidwal na maghahangad ng kapangyarihan sa isa sa pinakamataas na posisyon sa bansaโ€”ang Senado. Ang Senado, na may tungkuling bumalangkas ng mga batas, mag-imbestiga ng mga isyu, at kumatawan sa interes ng publiko, ay mahalagang bahagi ng ating demokrasya. Ngunit sa kabila ng bigat ng responsibilidad na ito, sapat nga ba ang kakayahan at karanasan ng mga kandidato upang tunay na manilbihan sa bayan?

Madalas nating marinig ang payo na โ€˜huwag bumoto base sa kasikatan.โ€™ Gayunpaman, ang tunay na hamon ay hindi lamang pag-iwas sa mga sikat na kandidato, kundi ang pagsisiyasat sa kanilang kapasidad na mamuno at magtaguyod ng mga makabuluhang pagbabago. Napakaraming kandidato ang dumarating na may malalaking pangalan o may koneksyon sa mga dinastiya, ngunit kulang naman sa kongkretong adbokasiya o plano para sa ikabubuti ng bansa. Hindi sapat ang karisma o magagandang pangakoโ€”ang kailangan ng Senado ay mga lider na may tunay na kakayahan, malasakit, at paninindigan.

Sa nakaraang Halalan 2022, marami sa mga nanalong kandidato ang umaasa lamang sa kasikatan o pagsakay sa mga usong isyu. Ngunit ang resulta? Maraming mahahalagang batas ang hindi naisulong, at ang Senado, na dapat sanaโ€™y tagapagtanggol ng kapakanan ng bayan, ay nagiging instrumento ng ilang makapangyarihang pamilya o partido. Ang paulit-ulit na pagkakamali sa pagpili ng mga lider ay nagdudulot ng kapalpakan sa gobyerno at nagpapatagal sa proseso ng tunay na pagbabago.

Ang halalan ay hindi lamang tungkol sa pagsali sa demokratikong proseso; ito ay isang pagkakataon upang maitama ang landas ng ating bayan. Kailangan nating maging masinop at mapanuri sa bawat desisyon, sapagkat ang bawat boto ay may katumbas na epekto sa kinabukasan ng bansa. Hindi na natin maaaring ipasa ang ating kinabukasan sa kamay ng mga lider na walang sapat na kakayahan o pananagutan sa kapakanan ng nakararami.

Nararapat na magsaliksik nang mabuti tungkol sa mga kandidato. Huwag tumigil sa mga pahayag at kampanyaโ€”tuklasin ang kanilang mga nagawa, adbokasiya, at integridad. Tingnan ang kanilang mga plano at suriin kung itoโ€™y makatotohanan at akma sa pangangailangan ng bansa. Huwag magpadala sa propaganda o disimpormasyon. Mahalaga ring maging kritikal sa mga debate at forum, dito malalaman ang kakayahan ng mga kandidato na mag-isip at magbigay ng solusyon sa mga tunay na problema ng lipunan.

Ang pagboto ay hindi lamang karapatan, ito ay isang pananagutan. Tandaan na ito ay hindi barya na ipinagpapalit sa mga pangako, ito ang ating sandata upang mailuklok ang mga lider na may totoong malasakit at hangaring itaguyod ang interes ng bayan.

Sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Kung nais natin ng tunay na pagbabago, dapat tayong maging matalino at responsable sa pagpili ng mga lider. Ang pagboto nang tama ay ang unang hakbang sa pagbuo ng isang mas makatarungan at maunlad na Pilipinas.

ni Juliana Ashley Palatolon
Dibuho ni Josh Gomba

๐—ฃ๐—จ๐—ฃโ€™๐˜€ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐˜๐—ต: More Than a Centuryโ€™s Legacy of Top Notch EducationThe Philippineโ€™s first Polytechnic University was founde...
01/10/2024

๐—ฃ๐—จ๐—ฃโ€™๐˜€ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐˜๐—ต: More Than a Centuryโ€™s Legacy of Top Notch Education

The Philippineโ€™s first Polytechnic University was founded a century and two decades ago. PUP has been one of the foundation for accessible and superior education. From its humble start in 1904 to its development to one of our countryโ€™s renowned and established state universities, PUP never fails to breed generations of empowered students that will one day shape our futureโ€™s wisdom and integrity.

Let us commemorate the day of the founding of our beloved university and continue to acknowledge its legacy!

Caption by Simone Tobes
Layout by Andre Lizardo


INTERESTED IN JOURNALISM? HERE ARE THE PUP STUDENT PUBLICATIONS! Student journalism is a vital part of our lives as genu...
30/09/2024

INTERESTED IN JOURNALISM? HERE ARE THE PUP STUDENT PUBLICATIONS!

Student journalism is a vital part of our lives as genuine, militant, and pro-community Iskolars ng Bayan. This is amplified by our student publications, which are the heartbeat platform for expression, critical thinking, and connection to the community.

The PUP Office of the Student Regent (OSR) is therefore acknowledging these student publications from different colleges and campuses. From storytelling to hard-hitting concerns, these publications bridge the gap between the students, administration, and community. It is through these platforms that we raise awareness and spark discussionsโ€”challenging ideas for changes in and out of the school premises.

As we support student journalists, we are helping foster academic and press freedom, ensuring that we are up-to-date about critical matters that challenge PUPians. Let us come together and set the seal on these platforms serving their purposeโ€”the pursuit of truth.

Listed below are the student publications in the whole PUP System and their contact details.

  | On behalf of Kristel May M. Palermo, a BSBA HRM 2-1 student, we humbly seek your financial support as she was involv...
29/09/2024

| On behalf of Kristel May M. Palermo, a BSBA HRM 2-1 student, we humbly seek your financial support as she was involved in a motorcycle accident on Wednesday, September 25.

We are reaching out to those who are able to extend financial assistance. Any help during this difficult time will be greatly appreciated.

For donations, kindly refer to the following details:

Gcash | Niel Palermo
Contact Number: 09668129010

Your support and prayers would be highly appreciated! ๐Ÿ™๐Ÿผ


Sending heartfelt congratulations to the talented individuals from Polytechnic University of the Philippines- Maragondon...
28/09/2024

Sending heartfelt congratulations to the talented individuals from Polytechnic University of the Philippines- Maragondon Branch, who have successfully passed the examination and are now Certified Human Resource Associates (CHRA).

May this achievement be just the beginning of a fulfilling career journey. Dream big and make a difference. Your determination and perseverance have led you to this successful milestone. Wishing you a bright future ahead.

Tunay na gagamitin ang karunungan,
Mula sayo, para sa bayan!

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | PUP-MC holds Outreach Program to Caingin Day Care CenterMARAGONDON, Caviteโ€” Polytechnic University of the Philipp...
27/09/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | PUP-MC holds Outreach Program to Caingin Day Care Center

MARAGONDON, Caviteโ€” Polytechnic University of the Philippines - Maragondon Campus held an outreach program entitled "Lingap Komunidad: 120th Founding Anniversary Outreach Program" to Brgy. Caingin Day Care Center, on Thursday, September 25.

The program began with a warm welcome from Inst. Jeral-gie Castaรฑas, who emphasized the importance of nurturing the young minds of the community. "Today, it's all about the children," she said. "We're here to inspire you, guide you."

Dr. Agnes Y. Gonzaga, PUP-MC Director, expressed her gratitude to the Department of Social Welfare and Development (DSWD) members for making the event possible.

Brgy. Caingin Captain Hon. Marissa B. Esguerra then voiced her appreciation to PUP-MC for choosing their community for the outreach activity. "Pasasalamat sa inyong lahat at kami ang napili para magkaroon ng kaalaman ang mga bata tungkol sa outreach activity na ito. Maraming salamat po," she stated.

The event featured a variety of activities, including a Duck, Cover, and Hold Drill, led by Assoc. Prof. Jimmy Panganiban, Administrative Officer/Property Custodian, and a fun filled art, dance singing session facilitated by Assoc. Prof. Ayreenlee Resus, Head, Academic Programs, together with PUP-MC faculty and staff, and the Central Student Council (CSC).

The program concluded with a heartfelt message from Asst. Prof. Minerva Piedad, Faculty Extensionist.

by Jhon Romeo de Leon
Photos by Chelsea Ives
Layout by Gian Ferrer

HAPPENING NOW | PUP-MC joins the National Simultaneous Earthquake Drill 2024.
26/09/2024

HAPPENING NOW | PUP-MC joins the National Simultaneous Earthquake Drill 2024.

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | PUP-MC conducts an Oath Taking Ceremony for Academic Organizationsโ€™ elected officersMARAGONDON, CAVITE โ€” The Poly...
25/09/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | PUP-MC conducts an Oath Taking Ceremony for Academic Organizationsโ€™ elected officers

MARAGONDON, CAVITE โ€” The Polytechnic University of the Philippines - Maragondon Campus (PUP-MC) held an oath taking ceremony on Wednesday, September 25, participated by the academic organizationsโ€™ newly elected officers A.Y. 2024-2025 led by their Program Coordinators.

The program was headed by Ms. Clarrize Hernandez and Ms. Reina Ulayan as the Masters of Ceremony, followed by the opening remarks of the Head of Student Services, Engr. Rico H. Balderama.

โ€œAs a leader, hindi lang sarili ang ating iniisip, kasama โ€˜yung miyembro pati ang organisasyon,โ€ Engr. Balderama in his introductory statement.

Following the foreword of Engr. Balderama, the oath taking ceremony of academic organizationsโ€™ officially started with the Association of Electrical Engineering Students (AEES) consisting of 15 officers led by their Program Coordinator, Engr. Marcelo B. Narvaez; 13 officials of Alliance of Entrepreneurship Students (AES) led by AES Coordinator, Inst. Sherylyn T. Trinidad; 12 officers of Association of Technology Students (ATS) led by Asst. Prof. Virgilio R. Cuajunco, Jr., their Program Coordinator; 17 officers of College of Education Studentsโ€™ Society (CESS) led by their Program Coordinator, Inst. Jeral-Gie R. Castaรฑas; Junior Institute of Electronics Engineers of the Philippines (JIECEP) with their 12 officers, led by BSECE Coordinator, Engr. Raymond A. Paiton; Assoc. Prof. Ramelo C. Gloria led the 11 officers of Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA); Junior People Management Association of the Philippines (JPMAP) consisting of 17 officers was led by Inst. Mary Emilee M. Quezon; and Junior Philippine Society of Mechanical Engineers (JPSME) with 14 officers was led by Engr. Mark Ronie C. Viscarra.

Before ending the program, the PUP-MCโ€™s Central Student Council (CSC) officers were the last who pledged in front of other academic organizations and coordinators led by Dr. Agnes Y. Gonzaga, PUP-MC Director.

The oath taking ceremony ended with the speech of Commission on Electionsโ€™ (COMELEC) Chairman, Mr. Rhaizel D. Ferrer, empowering the newly elected officers on their governance.

by Rein Clarenz Redonario and Jasmine Aranda
Photos by Phoebe Dio and Chelsea Ives
Layout by Early Ann Anglo

FEATURE | The Scarecrow in the Field: The Story of Ma'am LAD Stories about one particular teacher have been whispered fo...
24/09/2024

FEATURE | The Scarecrow in the Field: The Story of Ma'am LAD

Stories about one particular teacher have been whispered for years in the quiet halls of the Polytechnic University of the Philippines- Maragondon Campus (PUP-MC). Students, wide-eyed and nervous, would mention her name with a hint of fear: Maโ€™am LAD.

For many, Laura A. De Leon, or "Ma'am LAD" as she is widely known, was a figure of sternnessโ€”like a scarecrow standing tall in a field, warding off the brave and curious.

But what lies behind this mysterious figure?

Ma'am LAD, now 75 years old with three children of her own, never dreamed of being a teacher. In fact, her aspirations leaned toward agriculture as she dreamed of becoming an agriculturist at University of the Philippines- Los Baรฑos (UPLB) or accountancy at Far Eastern University (FEU).

It wasnโ€™t the calling of the classroom that beckoned her initially, it was homesickness that ultimately led her to the world of education. As an only child, she sought comfort closer to home and found herself on the path of teaching, a profession that would soon transform her life in unexpected ways.

Her teaching career began in 1969, a time of great change in the world. And for Ma'am LAD, that transformation was deeply personal. She often reflected on the teachers who had inspired her during her own education. She learned from their examples and added her own unique spin, developing teaching strategies that would engage her students in profound ways.

Yet, her journey to PUP was a twist of fate, much like the beginning of a captivating novel. Ma'am LAD recalled that she had no intention of teaching at the university. But one fateful day in 1990, while running a simple errand to pick up a card, she was stopped by someone who suggested she apply. Moments later, she was giving an impromptu teaching demonstration to some influential figures at the university. A year after that, she became a part-timer, then an administrative officer, and later, a guidance counselor. In every role, Ma'am LAD proved herself to be versatile, adapting like a rubber band to every position and subject she was given.

"Napadaan lang talaga ako nung time na kukuha ako ng card tapos tinanong ako bakit hindi ako magturo sa PUP? That time nagtuturo pa ako sa Western, tapos ayun bigla akong pinag demo teaching on the spot," she said.

Despite her many successes, Ma'am LAD carried a stigmaโ€”a burden placed on her by the very students she sought to inspire. Stories circulated about her strictness, her approach, and her reputation as a "terror" teacher. Before even stepping into her classroom, many students viewed her as a figure to be feared, much like a scarecrow standing in a field, seemingly lifeless and imposing.

"Sa una ay parang negative ang tingin sa akin ng mga estudyante. Merong stigma na naka-attach sa estudyante. Kaya sinasabi ko nga sa kanila huwag sana akong gagamitin at katakutan hindi naman ako scarecrow. Parang military life kasi iyan na kapag natakot sila gusto nila matakot din yung susunod na hahawakan ko, pero after naman sig**o ng mga second week ay wala na."

But, as with any good story, thereโ€™s always more beneath the surface.

In reality, Ma'am LAD was far from the terrifying figure students had imagined. While she commanded respect and upheld high standards, she was also a compassionate mentor, a friend, and even a "fairy godmother" to her students, guiding them through the maze of academic life. Over time, those who once saw her as an intimidating scarecrow came to realize that her stern exterior masked a deeply caring heart. She wasn't there to frighten or control but to protect and nurture the growth of her students, much like how a scarecrow guards a field to ensure a bountiful harvest.

"Kaya ko sinasabi ang mga napupuna ko kasi mahal ko kayo, ayoko kayong pagtatawanan o pag-uusapan ng iba. Although may mga case na mababa ang nakukuha sa akin na marka ng estudyante pero ibinibigay ko 'yung corresponding grades nag a-adjust ako. Naaawa kasi ako sa mga magulang at ayaw kong makasira sa honor," Maโ€™am Lad stated.

In her years of service, Ma'am LAD's greatest lesson to her students wasnโ€™t found in textbooks or examsโ€”it was in her ability to impart values, foster critical thinking, and model high moral character. She believed that a teacherโ€™s role extended far beyond the curriculum. A true educator, in her eyes, shaped not only the mind but also the heart and soul.

"Syempre teacher yan e, kailangan andun yung values kasi importante iyan. Kaya nga good moral character, hindi lang good kundi high panga ang ni re-require jan. Kasi sya ang magiging example at tsaka dapat alam nya yung ibat-ibang strategies at ang mastery ng subject dito papasok 'yung hindi ka dapat nagbabasa."

As she reflects on her journey, flipping through old photos, rereading letters from former students, and reminiscing about the years she spent in PUP, there are moments when a tear slips quietly down her cheek. Her hope is for a graceful exit from the profession she never intended to pursue, but which became her lifeโ€™s work. In her dreams, she leaves behind a legacy of memories that students will cherish forever.

"Nalulungkot din ako na kapag nakikita ko ang pictures at letters galing sa aking mga estudyante. Nami-miss ko din ang school, 'yung mga kasama namin doon. Tsaka 'yung mga estudyante yung kapag ako'y nahihirapan minsan, nasasabi ko nalang na naku! Naaalala ko ang mga nasa PUP hindi ako nahihirapan doon nag su-supplement pa sila," she added.

Ma'am LADโ€™s story is not one of fear but of transformation. Like a scarecrow, she stood tall in the field, misunderstood by those who didnโ€™t yet know her. But as the birds in the field eventually grow accustomed to the scarecrowโ€™s presence, so too did her students come to see Ma'am LAD for who she truly wasโ€”an outstanding educator standing firm in her field, not to scare, but to guide them toward their own futures.

"Basta kung ano 'yung natutunan dapat i-relate sa buhay 'yung values huwag alisin lalo na sa mga education students. Gamitin 'yung code of ethics kahit saan hindi lang sa school ia-apply, kung pwede nga e kahit lalabas lang or pupunta sa mall. Iyang passion hindi dapat mawala kaya huwag dadaing na nakakapagod o di kaya'y nakakasawa, kasi kapag ganoon wala na yung commitment at mararamdaman mo yung pagod tapos mahihirapan ka at hindi ka magiging masaya," an inspirational message from Ma'am LAD.

The scarecrow in the field, after all, is a symbol of protection and care. And that, perhaps, is the perfect metaphor for Ma'am LADโ€™s enduring legacy.

_______________________________

September 5 - October 5 is ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€' ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต. Professor Laura A. De Leon, commonly known as "Ma'am Lad", is an inspiring figure in the field of education for the PUP-MC Community. After dedicating many years to teaching at PUP-MC, Ma'am Lad retired at the age of 75. Through this article, we honor her years of service to the campus.

After all, the influence of a good educator can never be erased.
_______________________________

by Camille Silvestre
Photo by Sophia Lorriel Estioco
Layout by Daniela Marie Bello


PANITIKAN | TahananSa ilalim ng isang munting tahanan, natitipon ang pamilya sa isang hapag kainan. Ang amoy ng mga masa...
23/09/2024

PANITIKAN | Tahanan

Sa ilalim ng isang munting tahanan,
natitipon ang pamilya sa isang hapag kainan. Ang amoy ng mga masasarap na pagkain ay tila nakakapagbalik-tanaw sa masasayang ala-ala ng nakaraan.

Pinagsaluhan ang mga pagkaing tila may kasaysayan, bawat kagat ay puno ng pagmamahal at kwento.

Sa bawat tawanan at kulitan ay nasilayan muli ang mga ngiti nila sa labi.
Tila sinulid na muling pinag-ugnay ang mga pusong matagal nawalay.

Mga mata na nagliliyab sa saya at lungkot. Ang mga kwentong niluma na ng panahon ay muling binibigyang tanaw, na parang bang bumabalik sa kahapon.

Dito, binibigyang halaga ang mga salita at yakap, natagpuan ang pahinga sa kanilang mga yakap.
Ang mga lihim, pangarap, at pangako ay dito nagsimula.
Gaya ng ugat ng isang puno na patuloy na lumalago at tumitibay habang tumatagal.

Sa mga tawanan at alaala, natutunan kong ang pamilya ay hindi lamang sa dugo, kundi sa mga damdaming hindi matutumbasan ng panahon. Sila ang nagiging inspirasyon sa lahat ng mithiin na nais maabot.

At napagtanto ko na ang pamilya ay isang paglalakbay, isang siklo ng pag-ibig na patuloy na umiikot - walang katumbas, walang papantay.

ni Elaine Espineli
Larawan ni Chris Tiffany Mendoza


The sequel that you've been waiting for is here! โœ๏ธUnlock your path here at The Forum (Official) as we open our door for...
23/09/2024

The sequel that you've been waiting for is here! โœ๏ธ

Unlock your path here at The Forum (Official) as we open our door for its 2nd batch of membership to all interested Isko/Iska in conquering and sharing their masterpiece for the Academic Year 2024-2025.

The publication is still looking for individuals who fit into the different categories, whether you're a wordsmith with a passion for ๐—ณ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด, and ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด; an aspiring ๐—ฝ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ท๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ who sees everything from a different perspective; or someone who specializes in visual fields like
๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด and ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜†, we want you on our team! ๐Ÿ’กโœ๏ธ

Don't miss the chance to be part of The Forum!

Join and turn the impossible into possible using your extraordinary masterpiece, brimming with a diversity of ideas and unique perspectives, and be the influential voice of our fellow students.

Apply now and be a CATALYST OF CHANGE! โœจ

To apply, click on the link below and kindly fill out the application form:

https://forms.gle/tFS8PpiKQoXqRx9x7

โ€ผ๏ธAPPLICATION IS OPEN UNTIL OCTOBER 06, 2024โ€ผ๏ธ

For questions, clarifications, and inquiries, kindly message the official page of The Forum:
https://www.facebook.com/TheForumOfficial

Note: The application is open for ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ-๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ป๐—น๐˜†

Caption by Ann Somes
Pubmat by Gian Ferrer

READY TO SERVE THE GOVERNED | Our warmest welcome to the 1st Batch of new members of The Forum! ๐ŸŽ‰Jasmine ArandaJuliana A...
22/09/2024

READY TO SERVE THE GOVERNED | Our warmest welcome to the 1st Batch of new members of The Forum! ๐ŸŽ‰

Jasmine Aranda
Juliana Ashley Palatolon
Rein Clarenz Redonario
Chelsea Ives
Jeon Ji Lawas
Veronica Sanchez
Ryan Macapanas
Phoebe Dio

As you step into this journey, keep in mind that the essence of campus journalism lies in its power to inform, enlighten, and empower.

Be the catalyst of CHANGE!

Padayon, ka-Forum!

FEATURE | Sintang Habi: Weaving Together Tradition and Innovation A spectacular process of integrating music and fashion...
19/09/2024

FEATURE | Sintang Habi: Weaving Together Tradition and Innovation

A spectacular process of integrating music and fashion took place on September 13, 2024, the Cavite Fashion Congress took the spotlight with its striking event, โ€œSintang Habiโ€. Held at the Polytechnic University of the Philippines - Maragondon Campus (PUPMC), to commemorate the rich cultural heritage of Cavite. The event exhibited the acclaimed โ€œHagondongโ€ and โ€œHabindangโ€ weaves of Cavite, chaperoned by the melodic delight of the esteemed Philippine Philharmonic Orchestra.

Alexander Cortez, the eventโ€™s Technical Consultant emphasized the beauty of the nightโ€™s collaboration, music and fashion โ€œTonight the talent and orchestral, weaving and beautiful fabric. It involves achieving together. Let's offer musical notes in a beautiful symphony.โ€.

The Congress, Maragondon Public Information Office, Mayor Lawrence "Umbe" Arca, Habing Maragondon, YNDAN, Cultural Center of the Philippines (CCP), along with the Philippine Philharmonic Orchestra, graced this impactful platform to rekindle our local weaving techniques. This event pays tribute to the unique flair of our Caviteรฑo weavers, whose works have been the foundation of the provinceโ€™s trademark.

โ€œSintang Habiโ€ intended to bring light to the intricate weaving traditions of Cavite fused with modern fashion trends. The event featured a runway for emerging and renowned designers that showcased their idea of traditional fabrics. Most of these designs were classics, moulding together historical treasure and modern aesthetics.

Designerโ€™s like Jojie Lloren, and Joey Samson Reyadilla honored Caviteโ€™s heritage as they brought their visions to the runway. Their pieces were diligently crafted to showcase Caviteโ€™s brilliance. Reyadillaโ€™s craft dominated the runway with local motifs and Sampaguita accents. Showcasing Caviteโ€™s versatility.

The fashion was not only a place for esteemed designers but also showed admiration to our localโ€™s new aspiring designers and their remarkable contributions in the industry. Carl Arcusaโ€™s โ€œLady Physicianโ€ appeared to be the eventโ€™s most exceptional collection, gaining recognition due to its outstanding representation of Caviteโ€™s Heritage.

The Philippine Philharmonic Orchestra brought the whole fashion show to life with their immersive performance. The runwayโ€™s stunning visuals fused together with the mesmerizing performance of the orchestra did justice in highlighting the story behind Caviteโ€™s cultural legacy.

Agnes Y. Gonzaga, Director of PUP Maragondon Branch, highlighted that "By showcasing our cultural heritage in this way, we hope to ignite interest among younger generations and encourage them to value and continue these traditions.".

Even Mayor โ€œUmbeโ€ reflected on the impactful event "Sintang Habi is more than a fashion show; itโ€™s a revival of our history and culture. This initiative will help ensure that our traditions remain alive and relevant for future generations."

The Congress was not just there to applaud fashion but also a key towards preserving the localโ€™s weaving traditions. โ€œSintang Habiโ€ is a symbol of Caviteโ€™s culture, blending historical works with contemporary music and modern-day aesthetics. With the eventโ€™s closing, it left a lasting impression for future cultural events. Swearing that Cavite will forever cherish their heritage despite embracing innovation.

By: Simone Avril M. Tobes
Layout: Christian Ian Ramos

ALERT | Dalawang araw bago ang komemorasyon ng Martial Law, hinuli ang tatlong mag-aaral mula sa Polytechnic University ...
19/09/2024

ALERT | Dalawang araw bago ang komemorasyon ng Martial Law, hinuli ang tatlong mag-aaral mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) na pinaghihinalaang nagsasagawa ng oplan pinta at dinala sa Manila Police District Station 14, Quiapo, Manila kaninang madaling araw, September 19.

Laman ng panawagang bitbit ng tatlong (3) kabataang estudyante ay ang laban hinggil sa pagpapataas ng budget sa edukasyon sa gitna ng lumulobong pondo ng administrasyong Marcos Jr. sa militar-kapulisan at korapsyon.

Ayon sa report, higit 12 na oras nang patuloy ang panggigipit at mariing red-tagging sa isa sa mga nahuling estudyante, na tinatanong kung siya ba ay miyembro ng New People's Army (NPA).

Bukod rito, nakaambang sampahan ng kaso ng MPD Station 14 ang mga nahuling estudyante sa kasong paglabag sa City Ordinance of Manila kaugnay ng Vandalism laban sa PUP 3 na inaprubahan na ng tatlong abogado mula sa Manila City Hall.

Dahil dito, panawagan ng komunidad ang pagpapalaya at pagbasura sa gawa-gawang kaso laban sa tatlong kabataan.

Samantala, kahapon din ay mayroong hinuli na anim (6) na tsuper-operator sa Bacolod habang nagsasagawa ng strike laban sa "bogus" at "pabigat" na PUV Modernization Program.

Anang ng mga grupo, tunay ngang pandarahas at pang-aaresto ang sagot ng kapulisan sa mamamayang nagbibitbit ng panawagan ng mga naghihirap na sektor.

Address

Maragondon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Forum (Official) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Forum (Official):

Videos

Share

Nearby media companies


Other Maragondon media companies

Show All