07/01/2023
Bunsod sa pagkasira ng Communications, Navigation, and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kamakailan, sumipa sa mahigit na doble ang presyo ng mga airfares.
Dahil dito, maraming mga OFWs na gustong umuwi ng Pilipinas para makapiling ang pamilya sa kanilang work vacation ang umaapela kay Senator Raffy Tulfo.
Ayon sa isang airline company na nakausap ng Office of Senator Raffy Tulfo, ang biglaang malakihang pagtaas daw ng mga pamasahe ay dahil sa demand-based algorithm na pinagbabasehan ng mga airlines sa kanilang pagpapatupad ng airfare increase.
Nagdagsaan kasi ang mga pasaherong gustong magbiyahe matapos maayos ang problema sa CNS/ATM ng CAAP. Ang pagkasira nito ay naging ugat sa pagkakansela ng mga flights.
Ang one way ticket halimbawa mula Japan patungong Pilipinas ay umaabot na sa ₱90,000.00 hanggang ₱145,000.00.
Meron ding mga reklamong natanggap si Sen Tulfo na may mga OFWs na nakapagbook ng kanilang flight ng months ahead pero dahil nakansela ang araw ng kanilang paglipad gawa ng problema sa CAAP, at nang kanilang i-rebook ang kanilang ticket dumoble na ang presyo nito.
Dahil dito, hinimok ni Senator Idol ang PAL at CEBUPAC na magbigay ng special rates para sa mga OFWs na itinuturing nating mga bayani.
Ayon kay Senator Tulfo, "it would be unfair for our OFW's to absorb the fault or negligence of CAAP for the maintenance of their CNS/ATM.”
Bakit daw kailangang magdusa ang mga OFWs at saluhin ang kapalpakang idinulot ng CAAP, dagdag pa ni Sen. Tulfo.
Nakikipag ugnayan din si Sen. Tulfo sa Department of Migrant Workers para sa posible ring pag subsidize sa discounted airfares ng mga OFWs na apektado sa problemang ito.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: Raffy Tulfo
Raffy Tulfo in Action
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/