Pitong (7) Aktibistang Lumad Pinatay, Enero-Pebrero 2016
Naa-alala nyo ba si MACLI-ING DULAG? Isa siyang pinuno ng mga Kalinga na pinaslang dahil sa pagtutol nito sa Chico Dam na proyekto. Daming nagalit noon kay Marcos dahil sa pagpatay kay Macli-ing. Pero bakit parang Mas Maraming katutubong aktibista ang pinapatay ngayon panahon ng mga DILAW???
PITOng (7) aktibistang LUMAD ang pinaslang sa loob lang ng isang buwan sa Davao at Compostela Valley. At 2 dito ay mga babae pa. Ang mga paspaslang ay sinasabing may kinalaman sa pagtutol ng mga katutubo sa pagmimina, land dispute sa pagitan ng mga mangingisda at mga negosyante, pagbubukas ng paaralang Lumad, atbp.
Sa usaping pagmimina, tinututulan ang operasyon sa Compostela ng St. Agustine Copper & Gold on Kingking at ng Agusan Petroleum & Mineral Corp.
____
Mula kay Mon Ramirez ang mga litrato
Makikita ang orihinal na paskil dito:
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=10207712432782485&set=a.10207712432182470.1073744728.1042770868&type=3
Makatarungan ba o kriminal ang pagtataas ng presyo ng tubig na ginagawa ng Maynilad at Manila Water? Nagpapasa ng buwis sa consumer na hindi naman nila binabayaran sa pamahalaan, Isa na tayo sa pinakamahal na tubig sa buong mundo. At bakit pinapayagan ito ng Malacanang? Sabi nga ni Ka Mentong Tiu Laurel, ano ang kaibahan ni "Pangulo" A_Noy sa isang bugaw na pinapagahasa ang publiko sa mga buwaya?
Tandaan lang ho, Bayan, na bagay lang sa atin kung ano mang Pamahalaan meron tayo dahil kung hindi man natin inihalal ay pinababayaan natin.
"TSUNAMI OF WATER RATE HIKES" Herman Tiu Laurel discusses with UFCC (Union of Filipino Consumers and Commuters), a new citizens' alliance, co-founder Ferdie Pasion (also of NatFil) the details of the double whammy water increases which includes the FCDA (Foreign Currency Differential) increase this January, and the whopping up to 20% increase of Maynilad and Manila Water after the ICC (International Chambe of Commerce) arbitration courts uphold the petitions of the private water concessionaires to deny the order of the MWSS to reduce rates of up to P 7.50/cu. m. based on its 2013 findings of expenses claimed by the two water companies that were disallowed - including charging corporate income tax to consumers - and other expenses not related to the operation of the water service to the public..."
#manila_water #maynilad #malacanang
___________
Ibinahagi ng:
Ka Mentong on BANGSAMORO BASIC LAW-Kohan
Napakahalaga hong isyu ang Bangsamoro... isyu ng katrayduran sa Republika, sa ating Lahi, at sa mismong Saligang Batas.
Substate ho ang Bangsamoro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na ipinalit sa atin ng dmhong Kalbong Agila, alipores nitong Kanluranin, at suportado ng Malaysia. Atin hong pakinggan ang diskusyon tungkol dito nina Homobono Adaza at mga mamamahayag na sina Ka Mentong Laurel at Ferdie Pasion.
#Mamasapano #SAF44 #Bangsamoro #pnp_saf #NoToBangsamoro #milf
Joseph Ejercito Estrada
BONI@150: Bonifacio-Dangal at Kabayanihan - Ang Programa
BONI@150: Bonifacio-Dangal at Kabayanihan.
Maganda at karamihan ay tumpak o makatotohanan ho ang pangkasaysayan kaalamang ipinakikita dito sa video na ito na coverage ng opisyal na pagdiriwang ng Ika-150 Guning-Taong Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio y de Castro (noong Nob. 30, 2013). May mga eksena mula sa pelikulang Supremo?, panayam sa inapong si Abo. Gregorio Bonifacio Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario at mga historyador na sina Augusto de Viana at Xiao Chua (Michael Charleston Briones Chua) Charleston Briones Chua).
Medyo nakakasira nga lang ho ang bandang gitna dahil sa kadilawan. Sa kanyang talumpati, ipinasok ba naman ang pagpuri niya sa bayanihan na nangyari noong bagyong Yolanda (Nob. 30, 2013 ho ang okasyong ito kung kailan katatapos lang ng nasabing bagyo). Naisip ko lang na kung makikita ng taga-Leyte at -Samar itong video, lalong pagmumumurahin si BS Aquino dahil siya ang kauna-unahang tumaliwas sa bayanihang sinasabi niya nang pinagtakpan niya ang tunay na dami ng mga namatay sa sakuna at hindi halos kumilos ang pamahalaan niya upang tulungan ang mga nabuhay
Isa pa, matatanong kung natuwa naman ang Supremo na isang "Pangulong" HOCUS PCOS ang nag-alay ng bulaklak para sa kanya. Sa kabilang banda, si BS Aquino pala ang kauna-unahang "Presidente" na dumalo sa pagdiriwang sa Bantayog ni Bonifacio sa Siyudad ng Caloocan. impluwensiya siguro ni kapatid na Xiao Chua, na mainam siyempre... Pero maiisip rin na kaya ganito ay dahil hindi si Bonifacio ang ating Pambansang Bayani. Ayos na tanghalin siyan Unang Pangulo, tulad ng mga pagkilos ngayon, subalit mas magandan kung tatanghalin din siya na ating Pambansang Bayani (o kahit kasama din si Gat Jose Rizal).
_____
Nota:
GUPIT ho ang video na ito dahil lalampas ang haba sa pinapayagan na mai.upload ng FB. Para sa kumpletong video, pumunta ho sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=RkjMPoLIfmc
PAG-IBIG Sa TINUBUANG LUPA @ BONI150
Napakagandang video ho para sa ala-ala ng Supremo Andres Bonifacio y de Castro. Iba't ibang kuha ho ng mga bantayog, mga kalye, gusali, atbp. sa ngalan o ala-ala niya.
Sa himig ng kanyang maramdamin-para-sa-Inang-Bayan na sikat na tula (na sinalin sa musika), ang Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa.
Pinagkuhanan: http://www.youtube.com/watch?v=D6OtX-NaWpE&feature=youtu.be
MONUMENTO (@BONI 150)Apr 7, 2013 3:10am
Sa pagdiriwang ng BONI 150, Isang makabago, maindak na Himig-Pagpupugay sa ating dakilang bayaning si Supremo Andres Bonifacio y de Castro!
Pakinggan po natin. :)
Monumento (BONI @ 150)
- ni Jose Lester Duria Areglo
"Para sa bayang sinilangan na aking sinisinta
Ang monumento mo ay aking nakita
'Sin tayog nito ang pag-asa na aking nadarama
Para sa bayang sinilangan na aking sinisinta...."
https://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=0fUtOs2gSAM#!
PAG-IBIG Sa TINUBUANG LUPA
Tulain po natin ang nagsusumamo, punon-punong pag-ibig sa bayang tula ng Supremo. BONI 150!
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
ni Gat Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
[Niring] ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? [aling pag-ibig pa?)
Ulit-ulitin mang basahin sa isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan ito’y mamamasid.
Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat;
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pagkasi?
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbigay-init sa lunong katawan.
Sa kanila’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin,
liban pa sa bayan, saan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
ng parang n'ya't gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t isaalaala
ang ina’t ang giliw lumipas na saya.
Tubig [na] malinaw sa anaki’y bubog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaa
Fil-Am War Genocide
Video ng genocide na ginawa sa atin ng damuhong Kalbong Agila. Mga larawan ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914) na SINADYANG pinaputok ni U.S. President William McKinley eksakto 113 taon na ang nakakalipas ngayong araw (kahapon sa Pilipinas at pang ibang time zones).
Para mas magabayan tayo sa ating foreign troop military policy, ating balikan ang ating SARILING kasaysayan sa kamay ng imperyalista.
Gawa ito ng ating kaibigan dito sa Fb na si Fonsucu.
Soundtrack :Campanades a morts, by Lluís Llach.
LETRA (Catalan original)
Campanades a morts
fan un crit per la guerra
dels tres fills que han perdut
les tres campanes negres.
I el poble es recull
quan el lament s'acosta,
ja són tres penes més
que hem de dur a la memòria.
Campanades a morts
per les tres boques closes,
ai d'aquell trobador
que oblidés les tres notes!
Qui ha tallat tot l'alè
d'aquests cossos tan joves,
sense cap més tresor
que la raó dels que ploren?
Assassins de raons, de vides,
que mai no tingueu repòs en cap dels vostres dies
i que en la mort us persegueixin les nostres memòries.
Campanades a morts
fan un crit per la guerra
dels tres fills que han perdut
les tres campanes negres.
II
Obriu-me el ventre
pel seu repòs,
dels meus jardins
porteu les millors flors.
Per aquests homes
caveu-me fons,
i en el meu cos
hi graveu el seu nom.
Que cap oratge
desvetllí el son
d'aquells que han mort
sense tenir el cap cot.
Fotos de la conquista norteamericana de Filipinas, también llamada El Genocidio Filipino.
Música: Campanades a mort, de Lluís LLach.
Western Media Lies re Brutal NATO/Bald Eagle Operation in Libya
Itong ulat na ito ni independent journalist Lizzie Phelan ang nag.alerto sa mundo sa kasinungalingan ng Western mainstream media ukol sa puppet invasion sa Libya.
"They said that the Libyan government was attacking its own people from the air. Russian intelligence satellites have since shown us that this was impossible.
"They said that the government was hiring mercenaries from elsewhere in Africa – they never showed us the evidence. Instead we saw the videos of black Libyans and other black Africans being lynched in public squares by NATOs ground troops – the rebels, with scores of people filming on their mobile phones and Western Special Forces looking on."
POWER GRAB from President Joseph Estrada
Ito ang tunay na kawawa. Pinagtulungan ng mayayaman ganid, ng mga makasariling politiko, ng Korte Supremang hindi makatarungan, ng mga Obispo ng dmnyo, at ng naligaw na Kaliwa--upang maagawa ng pwestong binigay ng taumbayan sa isang prosesong malinis at demokratiko. Si Pangulong Erap ang kawawa--kahit walang dudang binoto ng taumbayan
HINDI kawawa si Gloria Arroyo y Dorobo dahil ang Korte Suprema ay kampi sa kanya, ang mababang korte ay kampi din at ayaw ipalabas ang mugshots niya, at ang ehekutibo ay kampi rin, kahit patago, dahil sinadya nitong i.delay ang pagsampa ng kaso para may butas na technical/constitutional issues.
"Video on the infamous power grab in recent Philippine history.
The victim: the democratically elected President Joseph "Erap" Estrada.
"The conspirators: Bogus President Gloria Macapagal Arroyo and husband; Mike Arroyo; ex-President Fidel Ramos; Jaime Cardinal Sin; business elites; Armed Forces chief Angelo Reyes, Supreme Court chief justice Hilario Davide, etc. "