13/07/2024
Ngayon, mas nauunawan ko na kung bakit ganito. Kung bakit kailangan kong maranasan ang mga bagay na hindi ko gusto at wala sa aking plano.
Na tulad ng iba, hindi rin nagiging perpekto ang proseso at may oras ding kailangan kong pumili sa pagitan ng paglaban at pagsuko.
Mas naiintindihan ko na kung bakit kailangang masanay ako sa pagkatalo — dahil siguro nga ganito ang konspeto ng mundo, ipapatikim niya muna sayo ang ilang beses na pagkabigo bago ka makarating sa dulo at muling mabuo.