19/12/2025
Nakunan ng mugshot ang contractor na si Sarah Discaya matapos maharap sa patong-patong na ka*ong kriminal, kabilang na ang malversation of public funds kaugnay ng umano’y iregularidad sa isang flood control project sa Davao. Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, isinailalim siya sa kustodiya ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang proyekto.
Kabilang sa mga ka*ong inihahanda laban sa kaniya ang pag-abuso umano sa pondo ng bayan para sa flood control, isang proyektong kritikal dapat sa proteksyon ng mga komunidad laban sa pagbaha. Mananatiling nakabantay ang publiko at mga taga-Davao sa magiging resulta ng ka*o at kung sino pa ang posibleng managot.
Paalala lang din na may karapatan sa due process ang lahat ng akusado, pero tungkulin din nating bantayan kung saan napupunta ang buwis ng taumbayan. Kapag may alegasyon ng korapsyon sa mga proyektong pangkaligtasan tulad ng flood control, hindi lang pera ang nakataya—pati buhay at kinabukasan ng mga ordinaryong Pilipino.