93.7 News FM Radyo Kamao

93.7 News FM Radyo Kamao NEWS | RESCUE | PUBLIC SERVICE
(3)

PAGBABAGO SA MUTUAL DEFENSE TREATY NAPAPANAHON - MARITIME COUNCIL  ITO ang paniniwala ni retired Vice Admiral Alexander ...
30/08/2024

PAGBABAGO SA MUTUAL DEFENSE TREATY NAPAPANAHON - MARITIME COUNCIL

ITO ang paniniwala ni retired Vice Admiral Alexander Lopez, tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC) ito’y para muling pag-aralan ang nasabing kasunduansa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Binigyang-diin ni Lopez matapos sabihin na 1951 pa ng mabuo ang MDT at marami na aniyang nabago sa strategic landscape ng bansa kaya kailangan na mapag aralan kung papano makapag aadapt ang MDT sa mga bagong hamon sa seguridad ng bansa.

Ayon pa kay Lopez makabubuting ipaubaya sa Department of National Defense ang mga detalye kung papano ang dapat gagawin, nasa work in progress naman ito dahil kailangan kasi aniyang dumaan muna ito sa proseso

Ulat ni Romy Tuazon l Kamao Patrol

APILA NG PROSECUTOR SA FINAL ACQUITTAL NI EX-SEN. DE LIMA IBINASURAIbinasura ng korte sa Muntinlupa City ang apilang kom...
30/08/2024

APILA NG PROSECUTOR SA FINAL ACQUITTAL NI EX-SEN. DE LIMA IBINASURA

Ibinasura ng korte sa Muntinlupa City ang apilang komokontra sa hindi pagdawit kay dating Senator Leila De Lima mula sa iligal droga.

Sa desisyon na inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na kanilang ibinabasura ang motion ng prosecutor na humiling na baligtarin ang acquittal ni De Lima.

Inakusahan pa ng prosecution na nagkamit ang korte ng grave abuse of discretion sa kaniyang ruling.

Nakasaad pa sa desisyon na pirmado ni Presiding Judge Gener Gito, na walang nakamit na grave abuse of discretion ang korte.

Magugunitang noong Hunyo ay ibinasura na ng RTC ang third at final drug case na inihain kay De Lima dahil sa kawalan ng mga sapat na ebedensiya.

Kahalintulad din ito sa motion na inihain ni De Lima noong 2021 tungkol sa ibang drug case sa hiwalay na korte sa Muntinlupa na inaprubahan ng korte.

Romy Tuazon l Kamao Patrol

PINALAWIG ANG FREEZE ORDER NG CA SA BANK ACCOUNTS AT PROPERTY NI PASTOR QUIBOLOYPinalawig pa umano ng Court of Appeals a...
30/08/2024

PINALAWIG ANG FREEZE ORDER NG CA SA BANK ACCOUNTS AT PROPERTY NI PASTOR QUIBOLOY

Pinalawig pa umano ng Court of Appeals ang inisyung freeze order sa bank accounts, ari-arian at iba pang assets ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Dinah Tolentino-Fuentes sa isang press conference sa Davao city ngayong araw ng Huwebes, Agosto 29.

Aniya, pinalawig pa ang freeze order hanggang Pebrero 3 ng susunod na taon. Sa ngayon aniya hindi pa natatanggap ng kanilang kampo ang kopiya ng extended freeze order.

Matatandaan na noong Agosto 5 nang unang inisyuhan ng CA ng 20 araw na freeze order ang mga ari-arian ni Quiboloy kabilang na ang KOJC at Swara Sug Media Corp., na siyang nago-operate sa Sonshine Media Network Internationalm (SMNI), ang media arm ng KOJC.

Sakop ng freeze order ang 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles at isang aircraft na pagma-may-ari ng KOJC, gayundin ang 47 iba pang bank accounts, 16 real properties at 16 motor vehicles ng KOJC

Ang naturang freeze order ay hiniling ng AMLC na inaprubahan naman ng CA matapos na makakita ng resonableng basehan upang paniwalaang my kaugnayan ang mga bank account ni Quiboloy sa mga ilegal na aktibidad at krimen gaya ng human trafficking , sexual at child abuse, at iba pa.

Romy Tuazon I Kamao Patrol

ATTN: RK News EditorROMY TUAZONAugust 31, 2024MGA ALEGASYO NI POLICE LT. COL. JOVIE ESPENIDO DISMAYADO ANG PNP, SA IKINA...
30/08/2024

ATTN: RK News Editor
ROMY TUAZON
August 31, 2024

MGA ALEGASYO NI POLICE LT. COL. JOVIE ESPENIDO DISMAYADO ANG PNP, SA IKINANTA NI LT. COL. ESPENIDO SA QUAD HEARING

Dismayado ang pamunuan ng PNP sa mga nagging pahayag Lt. Col. Jovie Espenido sa ginanap na House Quad Committee hearing na ang PNP ang ‘pinamalaking crime group’ sa bansa.

Ang sentimyento ibinulalas sa mga media ng tagapagsalita ng PNP ba si Police Col. Jean Fajardo, na ang isang organized crime group ay binubuo para gumawa ng krimen at malayo ito sa kung bakit itinatag ang PNP at nagdulot ito ng malaking epekto sa integridad ng buong hanay ng PNP.

Kasabay nito, hinihimok nila si Espenido na ilapit sa mataas na opisyal ng organisasyo ang hawak niyang katibayan para papanagutin ang mga nasasangkot sa katiwalian noong kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y malaking hamon sa PNP na mas lalo pang pag-ibayuhin at paigtingin ang kanilang trabaho at patunayan sa mamamayan na seryoso sila sa isinasagawa nila ngayong paglilinis sa mga tiwaling pulis anuman ang ranggo.

Kasabay ng panawagan ng PNP sa iba pang kapulisan na may pruweba at maaaring nakakaranas ng parehong sitwasyon kay Espenido o may impormasyon sa sinumang miyembro ng PNP na sangkot sa katiwaalan na ipagbigay alam sa kanila.

Magugnita na sa hearing ng House Quad Committee hearing, isiniwalat ni Espenido, na may qouta at reward system na ipinatupad ang PNP noong administrasyon ni dating pangulong Duterte at sa ilalim ng pamuno ni dating PNP Chief at ngayon ay Sen. Ronald Bato De la Rosa.

Ayon kay Espenido, sa quota system, may 50 hanggang 100 indibidwal araw-araw na target nila sa pag-aakala na kakatukin at kakausapin lamang para sumuko at bukod pa rito ayon sa pagdinig na naglaan ang PNP noon ng pabuya o reward na P20,000 para sa bawat indibidwal na mapapatay sa drug war.

Ito ay hindi lingid kay Sen Bato na ang pera ay galing sa mga jueteng lords at may basbas niya

[Romy Tuazon]

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang nasa 19 na indibiduwal kabila...
29/08/2024

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang nasa 19 na indibiduwal kabilang na ang dalawang kilalang vlogger na sangkot sa vishing o voice phising at scamming activities.

Ayon kay PNP-ACG Director, Police Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga, ikinasa ang naturang operasyon sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite sa bisa ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data.

Katuwang ng ACG, ani Cariaga, ang Bangko Sentral ng Pilipinas gayundin ang Lokal na Pulisya at mga opisyal ng barangay.

Modus ng mga ito ang magpanggap na kinatawan ng bangko at kinukumbinsi ang mga biktima na i-update ang kanilang credit card sa pamamagitan ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon at One-Time-Pin (OTP).

Nakumpiska sa kanila ang mga SIM card, mobile devices, laptops, iba’t ibang bank documents, ledgers, at script na siyang ginagamit ng mga ito sa panloloko.

Ang mga naaresto ang unang masasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan.

Bukod pa ito sa iba pang mga kaso gaya ng paglabag sa Republic Act 8484 o ang Devices Regulation Act of 1998 at Republic Act 10173 o Data Privacy Act na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act

FIRS LADY AT PANGULO HINDI KONEKTADO KAY CASSANDRA ONG – SPECIAL ENVOY TO CHINAKinumpirma ni Benito Techico Special Envo...
28/08/2024

FIRS LADY AT PANGULO HINDI KONEKTADO KAY CASSANDRA ONG – SPECIAL ENVOY TO CHINA

Kinumpirma ni Benito Techico Special Envoy to China for Trade, Tourism, and Investment na walang personal na ugnayan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kay Cassandra Li Ong na dawit sa ilegal na operasyon ng POGO.

Makikita ang isang larawan na inilabas ng abogado ni Ong na si Atty. Ferdinand Topacio na kung saan makikita magkasama ang kanyang kliyente at ang first couple.

Nilinaw ni Techico, ang litrato ay kuha pa sa isang restaurant sa Pasay City noong 2020.

Pagkatapos aniyang maghapunan ng first couple ay lumapit sa kanila ang may-ari ng restaurant at kanyang mga kasamahan para magpa-picture.

Pumayag naman daw si Pangulong Marcos kahit na hindi nila kilala ang mga nasabing indibidwal, at nalaman lamang umano nila na si Ong pala ang isang kasama sa litrato nang ilabas na ito sa publiko ni Topacio.

Giit ni Techico, ang akusasyon ni Topacio ay kabaligtaran ng totoong nangyari, at hindi umano patas para sa Pangulo ang pagbabato ng mga malisyosong kwento.

BINULGAR NI POLICE COL. JOVIE ESPENIDO NA UMABUSO PULIS DAHIL SA REWARD, QUOTA SYSTEM SA DRUG WAR CAMPAIGN NG DUTERTE AD...
28/08/2024

BINULGAR NI POLICE COL. JOVIE ESPENIDO NA UMABUSO PULIS DAHIL SA REWARD, QUOTA SYSTEM SA DRUG WAR CAMPAIGN NG DUTERTE ADMIN

NAGSALITA na ang controversial police colonel na si Jovie Espenido sa Quad Committee na dahil sa quota at reward system inabuso ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan na humanong sa paglabag sa karapatang pantao ng mga libu libong mga biktima bilang tugon sa pagtatanong ni Ako Bicol Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon sa pagpapatuloy ng Quad Inquiry ng Mababang Kapulungan

Ang nakakalungkot ayon pa kay Espenido, maraming mga inosenteng sibilyan ang namatay dahil sa pang aabuso ng mga pulis sa kanilang otoridad.

Ipinunto ni Espenido na ang mga taong naka paligid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay gahaman sa pera at sa posisyon.

Dagdag pa ni Espinido na nakaka-awa ang mga naging biktima para lamang makatanggap ng reward.

Naniniwala si Espenido na may paglabag sa karapatang pantao sa drug campaign ng Duterte administration.

Batid din ni Espenido na sa kasagsagan ng madugong drug war marami ang nag protesta laban sa paglabag sa karapatang pantao.

Ulat ni Romy Tuazon / Kamao Patrol

WARANT OF ARREST  LABAN KAY QUIBOLOY TULOY- DAVAO COURTTULOY ang warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy ayon sa Dav...
28/08/2024

WARANT OF ARREST LABAN KAY QUIBOLOY TULOY- DAVAO COURT

TULOY ang warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy ayon sa Davao City Regional Trial Court Branch 15 at walang nangyaring kanselasyon o pinapawalang saysay ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba pang mga akusado sa kasong human trafficking at sexual abuse cases.

Nakasaad sa Clarificatory Order ng korte na inilabas kahapon, araw ng Miyerkules, nabatid sa hukuman na mananatili ang mga proseso ukol sa arrest order dahil ito ay nakasalig sa kautusan ng isa pang korte na pirmado ni Judge Mario Duaves ng Davao court.

Nag-ugat ito sa una nang inilabas na Temporary Protection Order (TPO).

Dahil dito inaatasan ang clerk of court na isilbi agad ang direktiba sa mga partido sa kaso, kabilang na ang mga opisyal ng pulisya at Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ulat ni Romy Tuazon

TINGNAN: Tubo na pinaniniwalaan ng mga pulis na daanan di umano ng hangin papunta sa ilalim ng lupa kung saan nagtatago ...
28/08/2024

TINGNAN: Tubo na pinaniniwalaan ng mga pulis na daanan di umano ng hangin papunta sa ilalim ng lupa kung saan nagtatago si Pastor Quiboloy.Binunot ng mga pulis matapos matagpuan ito sa likod ng KOJC Cathedral Lounge.

CARLOS YULO BIBIDA SA 'BATANG QUIAPO?'May posibilidad na mag-guest sa Kapamilya action-serye na "FPJ's Batang Quiapo" si...
28/08/2024

CARLOS YULO BIBIDA SA 'BATANG QUIAPO?'

May posibilidad na mag-guest sa Kapamilya action-serye na "FPJ's Batang Quiapo" si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, ayon sa actor-director na si Coco Martin.

Pero, dagdag ni Coco, hindi pa sa ngayon dahil abala pa ang gymnast sa pagsasanay at mga commitments.

“Busy pa siya e, kapag pwedeng pwede na siya," ani Coco nang makaharap si Yulo nang dumalaw ito sa ABS-CBN nitong Martes.

Sinabi naman ni Yulo na bukas siya na mag-guest sa palabas ng kanyang idolo.

(ABS-CBN News)

28/08/2024

MMDA NAKASABIT SA TAPAULODO NG ISANG AUV.

VIDEO CTTO

Binigyan umano ng ultimatum na dalawang oras ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Ch...
28/08/2024

Binigyan umano ng ultimatum na dalawang oras ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ilabas at isuko si Pastor Apollo Quiboloy, bago nila pasabugin ang KOJC Cathedral na nasa loob ng KOJC compound sa Davao City, batay sa ulat ng DZAR SMNI.

Agad naman sinagot ng PNP ang kasinungalingan ulat.Walang katotohanan ang lumalabas na balitang bobombahin umano ng PNP ang Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City, ayon kay P/Maj. Catherine dela Rey, PRO 11 Spokesperson.

28/08/2024

CRIME WATCH | PULIS ON AIR-RADYO KAMAO

26/08/2024

OFW SA KAMAO SA RADYO

26/08/2024

PANOORIN | Trisel driver na miyembro ng Inglesia ni Kristo,pinagtanggol si Pastor Quiboloy.

VIDEO CTTO

TINGNAN | Patuloy na itinataas ng KOJC missionary workers at members ang kanilang panalangin at pasasalamat sa Amang Mak...
26/08/2024

TINGNAN | Patuloy na itinataas ng KOJC missionary workers at members ang kanilang panalangin at pasasalamat sa Amang Makapangyarihan sa pagkakataong maibahagi ang kanilang panahon, lakas, at buhay sa paninindigan sa tama at katotohanan sa gitna ng nararanasang opresyon ng pamahalaan.

25/08/2024

PANOORIN: Miyembro ng KOJC nagmamakaawa sa mga lumusob na pulis sa KOJC Compound para hulihin si Pastor Quiboloy.

VP SARA, BINANATAN ANG PNP SA MARAHAS NA PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST KAY QUIBOLOY BASAHIN ANG KANYANG PAHAYAG: Augus...
25/08/2024

VP SARA, BINANATAN ANG PNP SA MARAHAS NA PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST KAY QUIBOLOY

BASAHIN ANG KANYANG PAHAYAG:

August 25, 2024

Mga kababayan,
Hindi ko tinututulan ang implementasyon ng anumang warrant of arrest na naaayon sa batas. Ngunit kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng dahas laban sa mga inosenteng mamamayan at mga deboto ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

I vehemently condemn the gross abuse of police power in the takeover of the KOJC compound earlier today, which led to the harassment of religious worshipers, the abuse of minors, and the unnecessary loss of life.

These acts are not only a blatant violation of Constitutionally-protected rights but a betrayal of the trust that we, Filipinos, place in the very institution sworn to protect and serve us.

Hindi ko rin maiwasang matanong sa sarili kung ang paggamit ba ng di pangkaraniwang pwersa at di makatarungang pang-aabuso sa ordinaryong Pilipino, upang maipatupad ang naturang warrant of arrest, ay dahil sa ang akusado ay isang kilalang Duterte-supporter.

Kaya nais ko ring humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa'y mapatawad ninyo ako.

You deserve better.
Filipinos deserve better.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

25/08/2024

PANOORIN | Barko ng Philippine Cost Guard muling binomba ng water canon ng China Cost Guard.

Video By GMA7 Reporter

BASAHIN | PBGEN. Torre, KOJC Compound putolan ng electricity and water supply ngayon araw.
25/08/2024

BASAHIN | PBGEN. Torre, KOJC Compound putolan ng electricity and water supply ngayon araw.

The Dutertes legal counsel, Atty. Harry Roque, urges the AFP to back their camp's call for a People Power movement again...
25/08/2024

The Dutertes legal counsel, Atty. Harry Roque, urges the AFP to back their camp's call for a People Power movement against Marcos Jr:

"Gising na Hukbong Sandatahan, na sang-ayon sa Saligang Batas kayo ay protektor ng taumbayan."

ANGELICA YULO AT MGA ANAK, NAGPAKAIN SA MGA KAPITBAHAYNamahagi ng pagkain sa mga kapitbahay ang pamilya ni two-time Olym...
25/08/2024

ANGELICA YULO AT MGA ANAK, NAGPAKAIN SA MGA KAPITBAHAY

Namahagi ng pagkain sa mga kapitbahay ang pamilya ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa pangunguna ng kanyang ina na si Angelica.

"Salamat po sa araw na ito, sa mga tumulong na magluto at mag-asikaso ngayon; sa mga anak ko na nagbahagi ng kahit papaanong parte ng incentives nila.”, kwento ni mommy Angelica sa videong kanyang ibinahagi sa FB.

“Kay Iza na binawasan ang nakuha niya sa Palarong Pambansa. Salamat din kay Eldrew at sa panganay ko na si Joriel sa pinaabot niyang tulong para kahit papaano ay makatulong tayo sa simpleng paraan.

Lagi tayong tumulong sa kapwa. Kapag may sobra tayo, maliit man o malaki, ang mahalaga ay magbigay tayo nang bukal sa puso. Pagpasensyahan niyo na po sana ang nakayanan namin ng mga anak ko," dagdag pa nito.

📷 Screengrab from Facebook/Angelica Yulo

24/08/2024

PANOORIN | Cong.Diwata,tuwang-tuwa sa kanyang nagkakalat na mga billboard ng Vendors Partlist.

Video by Diwata

24/08/2024

PANOORIN | Driver umalma sa mali umanong traffic violation na ipinataw sa kanya ng humuling traffic enforcer sa C3.

Video by Rayven Vission

93.7 News FM Radyo Kamao

LOOK: Ilang batallion ng pulis ang lumusob sa KOJC compound sa Davao City alas-3:00 ng madaling araw sa paghahanap kay P...
24/08/2024

LOOK: Ilang batallion ng pulis ang lumusob sa KOJC compound sa Davao City alas-3:00 ng madaling araw sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy sa pangunguna ni PRO-XI PBGen Nicolas Torre.

Courtesy: BRIGADA

ANGELICA YULO PINARANGALAN NG BEAUTY SALONPinarangalan ng isang beauty salon si Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic c...
24/08/2024

ANGELICA YULO PINARANGALAN NG BEAUTY SALON

Pinarangalan ng isang beauty salon si Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic champion Carlos Yulo, bilang isang dakilang ina.

"In line with our campaign na Ganda For All, we give this certificate of appreciation to Ma'am Angelica Yulo for your exceptional dedication and unwavering commitment to raising children that bring pride to the Philippines," ayon sa isang kinatawan ng Cut Salon.

"Your effort and virtue are in line with the spirit of Cut Salon Ganda For All campaign embodying the values of empowerment, individuality and positivity," dagdag nito.

(Jong Siochi/TikTok)

24/08/2024

PANOORIN: Nagpalitan ng radio challenge ang BRP Datu Romapenet ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at isang Chinese warship habang nagsasagawa ng resupply mission sa Iroquois Reef ngayong Sabado, Aug. 24.

Pilit na itinataboy ng barko ng China ang barko ng Pilipinas dahil wala umano itong pahintulot na pumasok sa teritoryo na kanilang pilit na inaangkin.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng BFAR ang pamamahagi ng tig-isang toneladang krudo sa mga mangingisda, gayundin ng bigas, gamot, at grocery packs.

24/08/2024

PANOORIN: "No Comment" ang Pinuno ng Davao Regional Command na si General Nick Torre sa napaulat na namatay na misyonaryo matapos umanong inatake sa puso matapos ang nangyaring raid sa compound ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.🎥SMNI

24/08/2024

PANOORIN: Compound ng Kingdom of Jesus Christ nilusob ng mga pulis upang isilbi ang pag-aresto sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City ngayon Sabado (Aug. 24, 2024).Pinangunahan ni Police Regional Office-Davao Director Brig. Gen. Nicolas Torre III orders the arrest of anybody who will prevent entry of the arresting officers.

DALAWANG KASABWAT NI ALICE GUO BALIK-PINASDumating sa bansa si Sheila Guo, ang kapatid ng pinaghahanap na tinanggal na m...
22/08/2024

DALAWANG KASABWAT NI ALICE GUO BALIK-PINAS

Dumating sa bansa si Sheila Guo, ang kapatid ng pinaghahanap na tinanggal na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, at si Cassandra Li Ong, ang incorporated ng ni-raid na Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Pampanga.

Dumating sa bansa ang dalawa alas-5 ng hapon, ngayong Huwebes, sakay ng Philippine Airlines flight PR 540 mula sa Jakarta.

Ineskortan sila ng mga operatiba ng Bureau of Immigration Intelligence Division (ID) and Fugitive Search Unit (FSU).

Ayon sa Indonesian Inteldakim Officer ng Batam Immigration Office, natanggap nila ang ulat hinggil sa mga ito at nagsagawa ng imbestigasyon.

“They were considered illegal aliens by Indonesian immigration as they are wanted in the Philippines,” ayon sa kalatas.

Inasikaso ang dalawa ng isang Singaporean na siyang nag-book sa kanila sa Indonesia.

Paalis na sila ng Batam Island nang sila ay ma-intercept ng Indonesian investigation team mula sa Directorate of Wasdakim.

📸 Avito Dalan/ PNA

Address

Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 93.7 News FM Radyo Kamao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 93.7 News FM Radyo Kamao:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Manila

Show All