13/01/2025
𝗥𝗘𝗔𝗗: The Cultural Center of the Philippines (CCP) will kick off the annual celebration of National Arts Month 2025 with the “19th CCP Pasinaya Open House Festival” on February 1 and 2, 2025, across various venues nationwide. This year’s festival promises to be more exciting, broader in scope, and open to everyone.
In partnership with the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), NAM 2025 aims to engage the public from all sectors of society to discover, support, and celebrate the country’s vibrant and thriving arts scene.
Through the collaboration of the country's leading arts and cultural institutions, CCP Pasinaya will not only showcase the talent of Filipino artists but also deepen appreciation for the arts as an integral part of the nation's identity and cultural heritage. It will unite communities, inspire creative thinking, and preserve the country’s rich traditions.
This year, the festival welcomes new regional partners, including Clark Development Corporation, the provinces of Batangas and Negros Occidental, and Sorsogon city.
It also marks a return to Iloilo city, led by the Iloilo Museum of Contemporary Art (ILOMOCA), and to Tagum city, Davao del Norte, through the support of Musikahan sa Tagum Foundation, Inc.
In Metro Manila, CCP Pasinaya will take place in various venues such as Circuit Makati, The Metropolitan Theater, Intramuros, Aliw Theater, and other partner museums and galleries, celebrating the vibrant Filipino arts and culture.
The festival’s favorite components — “Palihan,” “Palabas,” “Paseo Museo,” “Palitan,” “Pagtitipon,” and “Pamilihan” will bring together a wide array of art groups and individual artists from different parts of the Philippines. These will feature over 200 performances, workshops, and activities showcasing the best in music, theater, dance, visual arts, film, and literature.
• “Palihan” offers the public workshops across various art disciplines.
• “Palabas” features performances from the CCP resident companies as well as professional, amateur, and community-based artists and arts organizations.
• “Palitan” serves as an arts market where pre-registered participants can pitch their productions and content to local and international producers.
• “Pagtitipon” gathers members of the CCP Kaisa sa Sining regional network.
• “Paseo Museo” provides a hop-on, hop-off tour of partner museums and galleries in Manila and Pasay.
A new highlight this year is “Palaro,” which showcases the final outputs of the CCP Game and Comics Development Grant awardees. These include Filipino mythology, simulations featuring iconic Filipino heroes, explorations of Philippine landmarks, puzzles, and story-driven adventures.
With its “See-All-You-Can, Workshop-All-You-Can, Network-All-You-Can, Pay-What-You-Can” scheme, the CCP Pasinaya anticipates drawing over 50,000 attendees. In 2024, the festival recorded approximately 45,347 attendees across six venues in Manila, Iloilo, and Tagum. It collaborated with 26 embassies, partnered with 17 museums and galleries, featured 142 performing groups and artists, and hosted 44 vendors at Pamilihan.
For more details about Pasinaya and other CCP events, visit the CCP website at www.culturalcenter.gov.ph.
----------
“𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓” 𝐍𝐆 𝐂𝐂𝐏, 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐀𝐓 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓; 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟏 – 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡: Bubuksan ng Cultural Center of the Philippines ang taunang pagdiriwang ng National Arts Month 2025 sa pamamagitan ng “19th CCP Pasinaya Open House Festival” sa February 1 at 2, 2025 sa iba’t ibang lugar sa buong bansa na ginawang mas kapana-panabik, mas pinalawak, at bukas para sa lahat.
Katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), layunin ng NAM 2025 na akayin ang publiko mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang tuklasin, suportahan, at ipagdiwang ang masigla at maunlad na sining ng bansa.
Sa pagtutulungan ng mga nangungunang institusyon ng sining at kultura sa bansa, hindi lamang ipapakita ng CCP Pasinaya ang husay ng mga Filipino nasa larangan ng sining kundi magpapalalim din ng pagpapahalaga sa mga porma ng sining bilang bahagi ng pagkakakilanlan at pamanang kultura ng bansa, sa pag-uugnay ng mga komunidad, paghikayat sa malikhaing pag-iisip, at pagpreserba sa mayamang tradisyon nito.
Ngayong taon ay kabahagi ng pestibal ang mga regional partners Clark Development Corporation, mga lalawigan ng Batangas at Negros Occidental, at Sorsogon city.
Muli rin itong babalik sa Iloilo city sa pangunguna ng Iloilo Museum of Contemporary Art (ILOMOCA) at Tagum city, Davao del Norte sa tulong ng Musikahan sa Tagum Foundation, Inc.
Dito sa Metro Manila, gaganapin ang CCP Pasinaya sa iba’t ibang lugar tulad ng Circuit Makati, The Metropolitan Theater, Intramuros, Aliw Theater, at iba pang ka-partner na museo at galeriya, bilang pagdiriwang ng makulay na sining at kulturang Pilipino.
Ang mga paboritong bahagi ng festival na “Palihan,” “Palabas,” “Paseo Museo,” “Palitan,” “Pagtitipon,” at “Pamilihan” ay nagsasama-sama ng iba't ibang art groups at individual artists mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Mag-aalok ang mga ito ng mahigit 200 performances, workshops, at activities na nagtatampok ng pinakamahusay sa musika, teatro, sayaw, visual arts, pelikula, at literatura.
Sa “Palihan,” ay maaaring sumali ang publiko sa mga workshop ng iba’t ibang disiplina ng sining. Ang “Palabas” naman ay para sa mga pagtatanghal na tampok ang CCP resident companies, pati na rin ang mga propesyonal, amateur, at community-based artists at arts organizations.
Samantala, ang “Palitan” ay isang arts market kung saan maaaring maglahad ang mga pre-registered na kalahok ng kanilang productions at iba pang nilalaman sa mga prospective producers mula sa loob at labas ng bansa; habang ang mga CCP Kaisa sa Sining regional network members ay magsasama-sama sa “Pagtitipon.”
Ang “Paseo Museo” naman ay nagbibigay ng hop-on, hop-off tour sa mga ka-partner na museo at galeriya sa mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Isang bagong tampok ngayong taon ang “Palaro,” na nagtatampok ng mga final output ng mga awardee ng CCP Game and Comics Development Grant na nagpapakita ng mitolohiyang Filipino, simulation kasama ang iconic Filipino heroes, paggalugad sa mga landmark ng Pilipinas, puzzles, at story-driven adventure.
Sa patakarang “See-All-You-Can, Workshop-All-You-Can, Network-all-You-Can, Pay-What-You-Can,” inaasahan ng CCP Pasinaya na makaakit ng mahigit sa 50,000 na mga manonood. Noong 2024, umabot sa humigit-kumulang 45,347 ang dumalo sa anim na venues sa Maynila, Iloilo, at Tagum. Nakipagtulungan ito sa 26 na embahada, 17 museyo at galeriya, 142 performing groups at artists, at 44 na Pamilihan vendors.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Pasinaya at iba pang events ng CCP, bisitahin ang CCP website sa www.culturalcenter.gov.ph.