
16/08/2023
Ecclesiastes 3:1 KJV
To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven:
------------------
Para sa mga magulang na pagod na: Maaaring ngayon, panahon para tutukan mo ang pag aalaga sa iyong anak. Lagi nating naririnig, "minsan lang sila bata, sulitin mo na". Alam ko naman na sinusulit mo bawat sandali na maliit pa sya, na kasya pa sya sa mga bisig mo. Pero alam ko din na pagod ka na. Okay lang mapagod, magpahinga ka kapag may pagkakataon. Sa huli, masaya ka kasi maayos at masaya ang anak mo.
Para sa mga magulang na nagtatanong sa sarili nila kung kaya pa ba nila:
Maaaring panahon ngayon kung saan nag aadjust ka pa sa mga pagbabago sa takbo ng araw araw mo. Hindi naman tayo robot para ma program ka kaagad na sanay kana sa bagong ikaw at bagong responsibilidad. Hindi ka okay most of the time and that's fine, normal yan. Dahan dahanin mo lang, one step at a time. Magugulat ka nalang kung hanggang saan ang kakayahan mo bilang isang magulang.
Para sa mga magulang na biktima ng pag aalala na baka hindi sapat ang pag aalaga nila sa mga anak nila:
Walang magulang ang perpekto, yung mga expert nga nagkakamali padin what more pa kung first time mo sa buhay magulang diba? Panahon lang siguro ngayon na natututo ka sa mga pagkakamali at konting sablay pagdating sa pag aalaga mo sa anak mo. Wag mo naman agad i condemn sarili mo. Lagi kang sapat para sa anak mo.
Para sa mga magulang na kailangang mag sakripisyong iwan ang anak nila para magtrabaho:
Nasa mundo tayo na kailangan nating paghirapan lahat ng bagay na kailangan natin. Mahirap man o mayaman, lahat nagsasakripisyo ng oras para makapag provide. At hanga ako sayo, kasi pag magulang ka, masakit talaga sa puso yung isipin mo palang na wala ka sa tabi nila pag kailangan ka nila pero wala kang choice kasi ginagawa mo din to para sa mga anak mo. Naiintindihan kita, ibat iba ang uri ng pagmamahal ng magulang at yung sayo ay isa dun.
May panahon talaga sa mga bagay bagay. Miski nga mga halaman diba? May panahon ng pagtatanim at may panahon ng pag ani. Walang shortcut sa buhay.
Kung nagtanim ka ng pagod, pagmamahal at dedikasyon...
Kung nagtanim ka ng sipag at tyaga...
Kung nagtanim ka ng pagtitiwala sa sarili mo at higit sa lahat, sa Diyos...
Kung nagtanim ka ng pagtitiis at pag asa...
Dadating ang panahon na aani ka ng magandang bagay. Dadating ang season kung saan makikita mo ang iyong anak na napalaki mong malusog, masaya, kuntento sa buhay, mahal na mahal ang magulang nya at higit sa lahat, may takot at pagmamahal sa Diyos. Alam kong yun lang ay sapat na sayo bilang magulang.