Happy Vloga

Happy  Vloga This page is created to spread the positivity...to share the Word of God....also to share our activities in Church and our daily routines during holiday.
(2)

24/04/2024

Para sa iba,ang Biblia ay maihahalintulad sa isang paraiso na hindi pa natutuklasan. Naglalaman kasi ang Biblia ng mahahalagang katotohanan na hindi pa natutuklasan ng marami. Ang Biblia ay buhay at mabisa. Mas matalas pa ito sa kutsilyong pang opera. Nailalantad nito ang laman ng puso't isipan natin. maihahalintulad din ito sa isang ilaw na tumatanglaw sa ating dinaraanan. Ibinigay ng Dios ang Biblia upang maihanda ang mga nagtitiwala sa Kanya na maisakatuparan ang mga layunin Niya.

Basahin ang Bibliya at matutuklasan natin ang mga magagandang katotohanang inilalahad nito.

23/04/2024

Santiago 1:2-3"Magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ng katatagan ang pagsubok ng pananampalataya nyo."

Hindi madaling gawin ang ganitong pananaw sa pagsubok sa buhay pero mahalaga ito. Nagbibigay ito ng pagkakataon para lumalim ang ating relasyon sa Dios. Nagtuturo din ito ng mg aral na hindi maituturo ng pagtatagumpay. Natuto tayong magtiyaga at magtiwala sa Dios na bibigyan Niya tayo ng kakayahan para makapagpatuloy.

22/04/2024

Ang mga taong takot ay laging umiikot ang buhay sa kanilang mga kinakatakutan. Dahil lagi nilang iniisip ang takot,lalo pa silang natatakot.

Ang mga taong may pananampalataya naman ay namumuhay batay sa kanilang sinasampalatayanan at hindi sa takot. Sa kabila ng kaguluhan, naniniwala sila na kontrolado ng Dios ang mga nangyayari. Anuman ang kanilang maramdaman sa mga nangyayari, patuloy silang nagtitiwala sa Dios na mapagmahal.

Kung patuloy tayong magtitiwala sa Panginoon, mababawasan ang ating takot.

21/04/2024

Sanayin natin ang sarili na sabihin sa panalangin ang tugon sa ating binasa sa Biblia. Hayaan nating mangusap ang Dios sa atin at tutugon naman tayo sa pamamagitan ng Panalangin.

19/04/2024

Kung natutukso kang humiwalay, tandaan ang sinabi ng Dios. Kailangan ang pagsisikap upang tumibay ang pagsasama,pasensya, panalangin,suporta ng mga kristiyanong kaibigan at maaaring pagpapayong matuwid. Kung ngdaranas sa gulo, sabi ng Panginoon na linisin ang bahay, hindi sunugin ito. Alagaang manatili ang relasyon habang ibinabalik natin rito ang buhay at siglang muli.

19/04/2024

Huwag ninyong pag alinlanganan ang kabutihan ng Dios at sa gayon ay nilalason ninyo ang balon ng pagpapala na mayroon Siya para sa inyo.

19/04/2024

2 Corinthians 4:8,16

[8]We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair;
[16]Therefore we do not lose heart. Though outwardly we are wasting away, yet inwardly we are being renewed day by day.

Amen ๐Ÿ™

18/04/2024

Maaaring bingi ang tenga ng bata sa pangaral. Ngunit hindi bulag sa nakikitang halimbawa.

17/04/2024

Batay sa ating mga nakikita, hindi natin lubos na nauunawaan ang mga nangyayari. Ang Dios lang nakakaunawa o nakakaalam nito. Kaya dapat tayong mamuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga nakikita. Sa pananaw ng Dios, ang lahat ng mga nangyayari ay para sa ikabubuti ng mga nagtitiwala sa Kanya at para sa Kanyang karangalan.

16/04/2024

May mabubuting kamay na tutulong sa atin. Isang matatag at mapagmahal na Pastol ang Panginoon na pinapatnubayan tayo sa pagtawid sa mga mapanganib na dagat ng buhay para makarating sa kabilang pampang.

15/04/2024

Turuan natin ang mga bata ng tungkol sa Dios at kung paano makakapamuhay nang kalugod-luod sa kanya.

14/04/2024

Kung iniisip ng lalake na posibleng sumobra ang pagmamahal niya sa asawa, maaaring hindi pa sapat ang ipinakikitang pagmamahal sa kanya.

13/04/2024

Ang mga pamilyang may pagkatakot sa Dios ay nagbibigay ng katatagan sa tao at sa bansa kapag dumarating ang kahirapan. At iyon ay pawang mabuti.

12/04/2024

Ang isa sa mga ugali ng tao ay sarilinin ang anumang mayroon sila, sa halip na ibahagi ito sa mga nangangailangan. Ang hamon sa mga mayayaman ay pasalamatan ang Dios sa kanilang mga tinatamasa at maging matulungin sa iba.

11/04/2024

Kahit wasak ang puso sa pagsubok na dinaranas, marunong sa lahat ang Dios sa mga kabiguan dahil sila'y pagpapalang nakabalat kayo.
Ang mga ulap ng pagsubok ang nagpapapatak ng ulan ng pagpapala

10/04/2024

Tulad ng puno na may matibay o matatag na ugat, ang mga taong umaasa sa Diyos ay nananatiling matatag kahit hindi maganda ang mga nangyayari. Ang mga nagtitiwala naman sa tao ay madalas na natatangay ng mga problema. Inihahanlintulad sila ng Biblia sa isang halamang nakatananim sa lugar na kulang sa tubig. Ganoon din ang buhay ng mga tumalikod sa Dios.

09/04/2024

Ang pag amin sa ating kahinaan ay magbibigay mg lugar para sa kalakasan ng Dios.

08/04/2024

Mahirap pagsabihan nang harapan ang kapwa mananampalataya, pero kung gagawin ito sa tamang paraan, hahantong ito sa maayos na samahan.

07/04/2024

Panginoon,bigyan n'yo po kami ng mapagsalamat na puso na nasisiyahan at magaan ang loob na nagbabahagi sa kapus-palad ng kung anong mayroon kami.

Ang salapi ay mabuting alipin ngunit masamang panginoon.

05/04/2024

Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa gaya ni Kristo na umiibig sa Iglesya. Sinumang hindi kumakalinga sa kanyang kamag anak lalo na sa sariling pamilya ay masahol pa sa hindi mananampalataya.

Maggugol ng panahon at pagmamalasakit para sa pamilya. Pag ganyan tayo, tinutularan natin si Kristo na nagbigay ng sarili para sa atin.

05/04/2024

Alam ni Hesus ang daan, sumunod tayo sa Kanya

04/04/2024

Harapin ninyo ang bawat araw na may tiwala kay Hesukristo. Ang pinakadakilang tagumpay ng Dios madalas ay dumarating na nakabalatkayong pagkatalo.

03/04/2024

Ang pinakamagandang paraan ng pagpapakita ng magandang halimbawa sa ating mga anak ay ipamuhay ang ating pananampalataya.

02/04/2024

Ang pagiging malapit sa Dios habang malakas at malusog pa ay isang paghahanda para manangan at patuloy na magtiwala sa Dios sa panahong humaharap na tayo sa mahihirap na sitwasyon.

01/04/2024

Ang mga tula o awit na mababasa sa Biblia ay nagpapahayag ng matinding emosyon-may masayang nagpupuri at mayroong naghihinagpis.

Kapag hindi natin masabi ang ating mga nararamdaman o saloobin, masaya man tayo o nalulungkot, ang pagsasabi nito sa pamamagitan ng panalangin ay tila isang tula sa Panginoon. Hindi man natin lubusang masabi ang ating mga nararamdaman,alam pa din ng Dios ang nilalaman ng ating puso.

Naririnig ng Dios ang ating mga sinasabi at nalalaman din Niya ang nilalaman ng ating puso.

31/03/2024

"Puso ko'y Iyong pinuno ng lubos na kagalakan" Awit 4:7
Nais ng Dios na tulungan tayong huwag mag alala sa pag iisip ng solusyon sa ating mga problema. Nais Niyang ipagkatiwala natin sa Kanya ang lahat. Matutulungan Niya tayong maging masaya. Sa gayon, makakatulog tayo nang mahimbing at panatag ang loob.

31/03/2024

Sacred dance: Thank you Jesus for the Blood
Saturday Congregation

29/03/2024

Kayamanang Maituturing

Ang pagiging kuntento ay nakakamit sa pamamagitan ng pagtitiwala na ang Dios ang Siyang nagbibigay ng Ating mga pangangailangan at kung buong puso nating pinasasalamatan ang anumang ibigay Niya sa atin..

Ang pamumuhay nang may katapatan at ang pagiging kuntento ay maituturing na mga kayamanan na nanggagaling sa Panginoon. Masaya ang Dios na bigyan ang sinumang hihingi nito sa Kanya.

Kung kuntento ka, pakiramdam mo'y hindi ka kinukulang pero kung hindi ka kuntento, pakiramdam mo ay laging gipit.

28/03/2024

"Magtiwala sa Panginoon at gumawa ng mabuti". Awit 37:3

Kapag ang pag ibig ni Kristo ay mananaih sa atin, maipapadama din natin ang Kanyang pag ibig.

27/03/2024

Bigyan nawa tayo ng Diyos ng pagkaunawa para makilala natin Siya. Bigyan din nawa Niya tayo ng karunungan para maipakilala natin Siya sa iba.

Kung nais mong matuto ang iyong mga anak, sundin mo ang itinuturo ng Dios.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Happy Vloga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Happy Vloga:

Videos

Share



You may also like