19/10/2025
"KAYA PALA MALUNGKOT SIYA DAHIL NAMATAY IYONG KAB3T NIYA NA PINUNTAHAN NAMIN KANINA.."
Dear ate Elma, tawagin mo na lang ako sa pangalang andrea 29 years old. May asawa at isang anak, aaminin kong palagi akong busy sa negosyo ko at nawawalan na ako ng oras sa asawa at anak ko. Ikinuha ko na nga lang ng makakasama ang anak ko dahil palagi akong wala.
Ang asawa ko naman palagi na lang siyang nagtatampo dahil palagi akong gabing gabi kung umuwi dahil sa mga negosyo ko. May maliit kasi akong negosyo, ng kainan at ako rin ang nagluluto ayaw ko kasing mabago ang lasa ng mga pagkain kaya gusto kong ako talaga ang nagluluto.
Lately napapansin kong masaya palagi ang asawa ko pero hindi ko na iyon tinanong dahil palagi nga akong umaalis. Pero noong isang araw nagpasama ang asawa ko sa hindi ko kilalang kaibigan niya daw na namatay dahil sa aksidente.
Sinamahan ko siya dahil sobrang lungkot niya, hindi siya kumakain o natutulog man kaya naman naaawa din ako sakaniya. Kaya lang matapos ang libing ng sinasabi niyang kaibigan nakita ko sa cellphone niya ang mga litrato nila ng sinasabi niyang kaibigan na namatay na magkayakap at sobrang sweet.
Nagalit ako sa nalaman ko, kaya sinabi ko sakaniya iyon pero nagulat ako ng inamin niya na kab3t niya ang bab4e pero may asawa din kaya kinailangan niya akong isama para hindi mahalata ng mga tao kung sino siya. Sinumbatan niya ako dahil sa mga pagkukulang ko kaya siya maghanap ng iba. Hindi ko alam kung mali ba na inuna ko ang negosyo ko dahil para din naman iyon sa pamilya namin.
Hanggang ngayon malamig kami sa isa't isa at parang sa anak na lang namin ang pagsasama namin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pagtiwalaan ang asawa ko dahil sa nagawa niya. Gusto ko po sanang humingi ng opinyon o payo sa mga tagasubaybay mo maraming salamat po.